2008-02-17

Please ... LrIeNaEdS

Sure, it's impossible for anyone to exactly convey all his ideas into letters, words, graphics, and other forms. But if you plan to peek only the first paragraph of my posts or just a portion, you might misread me. So, may I suggest to those few people who can bear with me and my whimsical thoughts to either [a] digest my post as a whole; or [b] not to read at all. (Trust me. It's better that way.)

In each entry I post here, I tend to insinuate a conversation with you. Whether you agree or not, just say it. But please, don't remark me a "no comment". You can also dig through all my previous entries and comment on them no matter how old they are.

Oftentimes, I will tickle your minds and emotions on certain topics that are vaguely gray and ignored by many. And it's natural for me to be both humorous and sarcastic, hoping not to bore you with my boredom.

If you know what "LrIeNaEdS" means, then I guess we'll all get along here.

Nice meeting you, too.

Sinsero,
Ingliserong HK

read more [+]

2008-02-16

Rally sa Makati, musta naman?

TAMA NA,
SOBRA NA,
MASAKIT NA!
OUCH GLORIA!
OUCH GLORYAAAH!


Puro na lang pulitika ang isyu. Puro na lang si GMA ang sinisisi. Ano bang magagawa ng mga rallyista sa Makati? Bakit di kaya sila na lang ang maging presidente? Kaya niyo bang mangurakot-slash-magsilbi ng hindi mabubuko at walang palya? E ano ngayon kung may anomalya sa NBN-ZTE deal? Kanselado na naman daw yun, a. Ano pa bang inaangal nyong mga taumbayans kayo? Bakit pa kelangang imbestigahan at patuloy yung pag-usapan? Para lang yang simpleng kaso ng frustrated murder. Hindi na dapat pag-usapan. Tutal, buhay pa naman yung biktima, diba? diba? Ang taas ng logic dun, di ba? Kuha mo ba, bobong Pinoy? huh, huh?

Ano ngayon kung may serbey pa ang IBON Foundation at malaman na majority ng mamamayan ay naniniwalang mas maitim pa sa puwet ng kawali ang pagkatiwali ni Panggulong GMA? Kahit nga nung may hello Garci tape na lumitaw bilang ebidensya, so what, coconut? Sus naman para yun lang. Ang aarte niyo ha! Kumanta na nga ng I-Am-Sorry di ba? Ano pa bang gusto niyo? Paluhain siya ng dugo habang sumasayaw sa saliw ng tugtog na hello-garci-dance-remix.mp3? Ang lufet niyo tsong! Di na kayo naawa sa ate ni Mahal! Akchuwali, ok lang din kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang ganon. Kung 'yun ba ang tanging paraan para mapatawad sya ng taumbayans. Basta after niyang mag sing and dance, dun pa rin sya sa pwesto niya ha. Sya pa rin ang nakaupo. Deal yan ha, ok.

Noong may tangible evidence nga, hindi kinaya ng panlilibak ng oposisyon na matinag si Gloria sa palasyo, ngayon pa kayang simpleng palpak lang sa kontrabando ...eZTE... deal?? No big deal yun! Tapos, ngayon pa kayang napaka shy-type ng inyong pambato na witness na si Neri, ngayon pa ba inaasahang mapapaalis siya sa pwesto? Wish mo lang! Kung ikaw kaya ang mapasarap ng upo sa sofa na parang prinsesita, di ka kaya mahiga at mapatulog na rin?

Kahit gaano man kalakas ang sound system ng mga rally, walang silbi yan sa naka-earplug na presidente.

Ano ka ba, politiko? paring katoliko?
empleyado? negosyante? estudyante? tindera ng pisbol at kwek-kwek? Kung anoman ang estado mo sa lipunan, "natapakan ba kayo"? Bakit di ka agad umaray? Hay naku. Delayed reaction naman 'tong mga 'to.

Basta.
Ilabyu Pilipens, Mwahahaha!
Mabuhay! (ka pa kaya?)
Gudlak.


Feb. 15, 2008 Rally @ Makati to Oust GMA!!! source...
"Patalsikin si Pandak!!! (ei guys, starsbak, einiwan?)"

(PS=Pak-Syet: Sana ito na ang una at huling post ko na ukol sa putek na puliteka at gobyernong Ayoko.)

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-02-13

I think, therefore I think. How about you?

Heto na yung karugtong ng nabitin kong blogpost na may maligoy na pasakalye. Nung basahin ko nga ulit yun, parang kampanya pala ng mga tamad ang naisulat ko. Ewan ko nga kung nakuha niyo ba yung punto ko, o tinamad lang kayong magbigay ng reaksyon. So without further ado-dudu at ada-dada, heto na yung pagpapatuloy ng dinadaldal ko tungkol sa mga maling konsepto.

Think about this question and answer honestly: "Do you think?" (hanglabo ba? pero malamang napaisip din kita. that's good.) Kasi kung OO ang sagot mo, ang sunod kong tanong ay, "How much of your brain do you actively use?"

Alam niyo ba na ang kadalasang naririnig kong sagot d'yan ay ito: "We only use 10% of our brains". Sabi ko naman, "ows talaga? aling parte ng utak mo ang hindi mo ginagamit?"

Obyusli, hindi ko na inasahang masasagot yun ng isang taong sampung porsyento lang ng utak ang gumagana. Hindi ko na rin kelangan pang paulanan siya ng tanong gaya ng – "bakit hindi na lang kaya tanggalin yung natitirang 90% ng utak mo na walang silbi o hindi nagagamit to give your brains more space to think", wachuthink?

Alam kong hindi ko kayang kalikutin ang utak ng iba. Hindi rin ako isang neurologist. Pero kung malabo pa sa sabaw ng pusit yung paniniwala mo, at ayaw mong makarinig ng ibang opinyon, ok fine. Basta ako magba-blog lang. Besides, sabi din nila, "kanya-kanya naman daw tayo ng paniniwala," di ba? Which for me, is partly true and partly explains the reason kung bakit merong pagkakaunawaan at meron ding pagtatalo-talo. Pero sana, kung natalo na 'yung ikinakatwiran mo, tanggapin mo namang maluwag sa kalooban mo yung panalong katuwiran. Wag kang pikon!

Try mong itanong yan sa mga kaibigan mo, mga propesor, mga abogado, mga lider relihiyoso, o maging sa mga politikong nangungurakot ...este... naninilbihan sa bayan. Tapos, bilangin mo kung ilan sa kanila ang naniniwalang 10% lang ng utak nila ang gumagana. Case study lang, kumbaga. Then, matutuklasan mong hindi pala yung antas ng karunungan o estado sa lipunan ang humuhubog sa isang tao at sa kanyang mga pagdedesisyon at ginagawa. Kundi, kung ano yung pinaniniwalang nanunuot sa puso at utak niya. Depende pa yun kung tama o mali ang paniniwalang meron siya.

Another popular adage, ay yung "everyone's opinion is right, and is entitled to his own belief." Halibawa daw: kung ang paniwala ni Mario ay pinakamasarap ang burger ng McDonalds at kay Luigi naman ay yung burger sa Jollibee, hindi na dapat pagtalunan yun. Sayang lang ang laway mo imbes na kumakain ka na lang at magpakabusog.

Pero paano kung naniniwala si Mario na yung ilog na gusto niyang talunan at pagliguan ay mababaw lang, pero ang sabi naman ni Luigi ay malalim ito at mabato? Hindi ba mahalagang matiyak muna kung kaninong opinyon ang tumpak upang makaiwas sa disgrasya?

Kung lahat pala ng opinyon ay tama at walang dapat pagtalunan, paano naman kaya kung sabihin ko sa'yo na "everyone's opinion is wrong", tama pa rin ba yun? O kaya naman, my opinion is, "I don't have an opinion"?

'Yan ang hirap sa mga sampung porsyento lang ng utak ang pinapagana. Madaling mapaniwala sa sikat na kasabihan at pamahiin ng kung sino-sinong matatanda at nangamatay na. Hindi ko sinasabing walang mapupulot na logical and moral reasoning sa mga sali't saling sabi ng mga matatanda at tradisyong nakagawian na. Saka magkaiba yung kasabihan sa pamahiin, ok. Halimbawa: "pag may tiyaga, may nilaga" (kasabihan); "pag nagwalis ka sa gabi, lalabas ang swerti" (pamahiin).

Pero ang opinyon ko, 'yung matiyagang magluto, hindi lang nilaga ang pinaka-dabest niya. Mas mabusisi kasing lutuin yung kare-kare, sinigang, atbp kaysa sa nilaga. At kung magwalis ka sa gabi, hindi naman swerte yung winawalis mo kundi kalat at dumi. Dahil kung yun pala ang pampaswerte, bakit di mo umpisahang umagang-umaga pa lang ay mag-ipon na ng basura at ipasok sa iyong lucky house.

Kaya sana, kung paanong natutunan nila ang maraming bagay sa nakaraang panahon, dapat tayong nasa kasalukuyang panahon ay umusad din sa kaalaman o mas higit pa. Kung naturuan na sila ng ekperyensa at sari-saring pagkakamali, hindi naman kelangang subukan pa rin natin 'yun o gayahin, para lang mapatunayan sa bandang huli na "oo nga, mali nga".

We can learn from others' mistakes. At hindi naman ganun kahaba ang lifespan natin sa mundong ito para masubukan lahat ng katarantaduhan at bisyo bago mapatunayang mali nga pala yun. Halos magkakasinglambot lang naman ang utak natin, with average weight na 1.4Kg. Dahil yung ibang taong mongoloid at autistic ay halos 100% din na nagpa-function ang utak kahit pa habang natutulog. Hindi rin nagsa-shutdown ang utak mo pag tulog ka (0%). Aktibo pa rin itong gumagana more than 10 percent. Ngunit dahil wala naman talagang accurate measuring device o system para masukat lahat at mamonitor ang ginagawa ng bilyon-bilyon mong braincells at neurons, our brain is still more complex than you could ever think.


Stephen Witshire is an autistic savant with photographic memory.
Daniel Tammet is another autistic savant with amazing brain [see his videos 1,2,3,4,5].



Kaya wag kang maniwalang 10% lang ng utak mo ang gumagana at may silbi. Sabi nga ni Taguro, "Ilabas mo ang iyong isandaang porsyento!" dahil kung hindi, "Tapos ka na Eugene!"

Ghost Fighter
Eugene vs Taguro (Ghost Fighter)

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-02-11

I think, therefore I think. Then I got bored, so I blog.

Madalas kong nababanggit dito kung gaano ako katamad. Sa sobrang tamad ko, tinatamad na din akong tumunganga. Ganun ako katamad! Kahit sa eskwela, tinatamad akong tumunganga at tumingin sa kawalan habang nakanganga. Mas trip ko pang matulog na lang. Kung may tanong pa si Prof. ay gisingin na lang niya ako. Sa bahay naman, tamad din akong manood ng mga walang kwentang palabas sa TV (tivilisyon) na sobrang prediktabol ang plot at paulit-ulit lang. At dahil sa katamaran at boredom, heto nga at naisipan kong mag-blog.

Nagsimula akong mag-blog hindi dahil sa gusto ko, kundi dahil AYOKO.

Ayokong may nalalaman ako at may nakikita tapos hindi ako kikibo. Ayokong basta kumumporme lang sa mga sikat at nakasanayan o makisali sa kung ano ang uso. Ayokong may napapahamak sa simpleng katangahan. Ayokong magpakabusog at gumastos ng sobra-sobra para sa'kin ...tapos pag nadaan sa pwesto ng pulubi o kaya'y ng mga gusgusing kalabit-penge kids at mga rampadora sa jeep na pupunasan ng basahan ang iyong makintab nang sapatos o pati kung naka-tsinelas lang... ay wala ka man lang maiabot kahit singkong-butas. Ayokong maging isnabero o mag-pretend na di ko nakikita kung gaano sila kadungis at kung gaano humahalimuyak ang amoy nila, tapos hindi man lang sila mabigyan ng meron ako kahit pa akala ng marami ay sindikato sila. Naiinis akong makita ang mga kapwa ko commuter o naglalakad sa sidewalk na suplado sa mga gusgusin, pero pag sa mga naka-kurbatang pulubi with portable speakers at mikropono ay galante. Mga kuripot magbigay ng coins sa mga mabaho, pero pag nakabihis at disente ay kayang mag-abot in bills. Ayoko sa sistemang bulok, sa utak bulok, at sa pusong bulok. At gaya din ng marami, AYOKO kay ARROYO. n_n

Kaso, kung paanong may marami akong ayaw ay ganun din yung iba. Pakielamero ako, at karamihang tao ay ayaw ng pinakikielaman. At ayaw din nilang marinig yung ayaw ko. Ang dinadahilan sa'ken ay ang kasabihang "kalikutin mo raw ang sarili mong kulangot at wag yung kulangot ng iba." Hindi ko alam kung si Kung Fu Shoes ang nagsabi niyan. Pero sa biglang tingin ay may logical point naman di ba? Pero hindi naman kulangot sa loob ng ilong mo ang pinapansin ko at pinapakielaman. Nakatago kaya yun sa malalaking butas ng ilong mo at hindi mo naman ako dentista para makita yun. Ang pinupuna ko lang ay yung kulangot na nasa pisngi mo! Wag mong asahang ako pa ang mag-aalis nun mismo. Ano ka, sinuswerte? Wag mong idahilan sa'kin na mas dapat ay sarili ko na lang ang tignan ko sa salamin at huwag ng pakielaman ang iba. Dahil hindi ako mahilig magsalamin kada minuto at kada oras. Kaya nga nandyan nakalagay yung mata ay para ipangtingin sa ibang nasa harap ko at hindi para lang sa sarili ko. Kung ayaw mong mapansin kita, huwag ka dyan sa harap bumalandra. Lumagay ka sa likod ko, tanga. O kaya'y magtago ka sa ilalim ng lupa!

Isa pa sa pinaka AYOKO ay yung mga naglipanang konsepto na mapanlinlang. Mga ideya ng kung sino-sinong nagmamarunong na tao na pawang walang matibay na ebidensya o batayang lohikal at moral. In short, mga sikat na kalokohan at katarantaduhan lamang. Marami ka na rin sigurong narinig na ganyan. Malamang ay umabot ka na sa edad ng mga gurang at huklubans ay baka ngayon mo pa lang ito malalaman mula sa isang blog na kulay porpol ang header at may kamote pa. Matuwa na ang gustong matuwa. Magalit na ang gustong magalit. Welcome po dito kahit ang inyong umuusok na violet reactions.

Siguro ay matagal mo na itong naririnig sa bahay, sa eskwela, sa simbahan, o maging sa'yong pinakamalapit na suking tindahan. Nagpasalin-salin na sa mga daldalerang bibig ng kung sino-sino. Na dahil sa kakaulit ay inakala mong totoo at pinaniniwalaan pa rin hanggang ngayon.

Kung anuman yung tinutukoy ko na maling konsepto ay bukas ko na lang siguro itutuloy. Ang haba na pala ng pasa kalye ko, umabot na sa highway. Tsaka, nasa internet rentals lang ako ngayon. Sinabihan na ako dito ng isang propesiya na nagbababalang "oras ko na". Time na daw! Out na ako. Bye.

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-02-10

Pirates' Song of Life

I find this song beautiful and meaningful, even though I haven't heard yet its actual tune. This is the lyrics I excerpted from one of my favorite anime series and manga, called ONE PIECE. The anime series is of course more entertaining to watch. But I also enjoy reading the manga to follow the most recent chapters.

Title: SONG OF LIFE (or BINKS' SAKE)
From: One Peace (Manga Chapter 488)
Music by: Brooke
Performed by: Rumba Pirates; Straw Hat Pirates; other survivors of Thriller Bark

One Piece - Thriller Bark Arc

going to deliver binks' sake
following the sea breeze, riding on the waves
far across the salty deeps, the merry evening sun
painting circles in the sky, as the birds sing

farewell to the harbour, to my old hometown
let's all sing out with a don, as the ship sets sail
waves of gold and silver dissolve to salty spray
as we all set sail to the ends of the sea

going to deliver binks' sake
we are pirates, slicing through the seas
the waves our pillows, the ship our roost
flying proud skull on our flags and sails

now comes a storm through the far-off sky
now the waves are dancing, beat upon the drums
if you lose your nerve,this breath could be your last
but if you just hold on, the morning sun will rise

yohohoho, yohohoho (4x)

going to deliver binks' sake
today, and tomorrow, our dreams through the night
waving our goodbyes, we'll never meet again
but don't look so down; for at night the moon will rise

going to deliver binks' sake
let's all sing out with a don, a song of the waves
doesn't matter who you are, someday you'll just be bones
never-ending, ever-wand'ring, our funny trav'ling tale

yohohoho, yohohoho (4x)

It really tickles my curiosity to hear the actual melody of this song in the anime series.

One Piece is indeed one of the best animes made so far. The action, humor, and story is far better than DragonBall, Naruto and Bleach.


[I forgot where I found this fantastic digital artwork.
This is Straw Hat Luffy while activating his Gear Second.]


Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-02-08

Go, Go, Kamote Rangers

Nais ko nga palang ipakilala ang mga repapips kong bumigay na ...ehem... nabigyan ng kakaibang superpowers upang lipulin ang kasamaan, katangahan, at iba pang katarantaduhan. May intelligence report akong natanggap mula sa isang not-so-intelligent asset, na may iba pa silang balak lipulin bukod sa mga nabanggit ko na, pero saka ko na lang irereveal kapag kumpirmado na.

Sila ay mga ordinaryong tao na may extra-ordinaryong kalandian. Talaga namang nagpasadya pa sila ng costume sa ngalan ng katuwiran. At umeport pa sila sa isang photoshoot at sabay-sabay na pumose ng high-jump. Kitang-kita ang kanilang anti-gravitational prowess! Ambelibabols!

Napagkasunduan nilang tawagin ang kanilang grupo na BAYOTMAN. Ngunit dahil sa isyu ng patent laws, napilitan silang baguhin na lang into BAOMAN. Natuwa naman ang mga hitad dahil nagkaroon na sila ng manager na nagpaplanong pumalit sa timeslot ng ZAIDO-BACATZ. At alang-alang sa kinabukasan ng mga batang maaaring makapanood nito sa tebelisyon, ay nananawagan akong ipanalangin niyong wag sana iyong matuloy. Maawa kayo sa mga musmos at murang isipan ng mga bata!

Sa ibang dako naman, may namumuong alimuong at chismax na ang mga kamote ay magkakaroon na rin ng superpowers at costume. Buti na lang at walang pondo at gustong mag-sponsor sa aming grupo para magpatahi pa ng costume. At isa pa, kakaunti pa lang kami. At hindi pa rin kami nakakapagmeeting ukol dyan.

KAMOTE RED (alyasRedHotSilly-Jeck) http://jeckyll27.wordpress.com/
KAMOTE BLUE (alyas KamoteForce-Clarence) http://cycle.blogs.friendster.com/
KAMOTE BLACK (alyas SuperKamote) http://superkamote.com/
KAMOTE WHITE/VIOLET (alyas HolyKamote) http://don'tclick.akonayun!/

Aapat pa lang kami. Puro barako pa. Kelangan may chikabeybs man lang.

Basta kung cute gurl ka, kahit walang kinalaman sa kamote, o kahit walang talent pero nagba-blog pa rin, mag-apply na agad sa posisyon na KAMOTE PINK. Kung may iba pang gustong sumali (either, boy-girl-bakla-tomboy), don't worry dahil madami pa namang natitirang kulay, at hindi kayo mauubusan. Hindi rin limitado sa five members. Parang Pokemon lang. Wantusawa. Kahit ilan. Ikaw bahalang pumili ng kulay mo — GREEN, ORANGE, BURGUNDY, FUSCHIA, BURNT SIENNA, VERMILLION, PERIWINKLE, ZINNWALDITE, etc. etc.

Anong pang hinhintay mo? JOIN NA! kulayan natin ang blogosperyo.

Mangyari po lamang na mag-iwan ng komento, piktyur, o ichat ako sa Chat Me on YM YM:[holy.kamote]

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-02-06

Ash, Ass Wednesday, dum-dum-dum-dugu-dum-dum, baby

si mark, the loserMARK: chatolic k b? e bkt wala kang tanda sa noo mo?
HK: anong tanda? yung dumi ba?
MARK: gago! hindi dumi un. krus un pare. krus.
HK: bakit nmn ako magpapalagay ng crossed-shaped-dirt sa forehead, in front of my amazing brains?
MARK: ash wednesday kaya ngayon. symbol yun that we all came from dust, and from dust we shall all return.
HK: ganun pala yun, galing ka pala sa alabok. e bakit isang myerkules lang sa isang taon mo naalala yun? ulyanings ka na ba? di ba pwedeng araw-arawin yun para mas epektib ang veneration at virtue of humility?
MARK: di ba galing ka pa sa catholic school nung HS?
HK: oo, kasama ng mga virgin nuns and priests. bakit mo natanong?
MARK: naniniwala ka bang lahat tayo galing sa alabok at dun din babalik pag namatay na? nasa bible pa nga yun ah.
HK: oo nabasa ko nga sa bible yun. so what about it?
MARK: edi dapat magpalagay ka rin ng abo sa noo, as proof of your belief.
HK: ang sabi ko, nabasa ko nga yun. pero wala naman dung mababasa na magpalagay ng dumi sa noo.
MARK: wala bang ganun sa bible?
HK: oo pare. sige pag may nahanap kang verse, ako na gagawa ng book report mo.
MARK: deal yan ha. walang stir.
HK: sure. cge, simulan mo ng magbasa ng bible.
MARK: cge. happy ash wednesday. bye.
HK: hapi ass wednesday, toot. n_n

maganda talaga pag sa gurlsAng Ash Wednesday ay isa sa mga selebrasyong katoliko na may pinakamalabong konsepto para sa'kin. Kasing labo ng abo na palaging nilalagay sa'kin noon. Inggitero nga ako sa mga klasmeyts kong laging maayos ang pagkakalagay ng plus sign at malinaw. May artistik touch at hindi mukhang graffiti lang. Kaya bata pa lang ako nun, alam ko ng mainggit dahil sa nakikitang unfairness and inequality. Hindi pantay-pantay maglagay si Pader ng asses sa aming noo. At pagka klasmeyts kong gurls, mas maayos yung gawa at malinaw. Pag boys naman, kung hindi mukhang thumbprint ng putek ang ichura-churva, madalas ay napaka abstract ng drowing ni Pader. May mukhang comma, period, check, isda, ampersand, bulate, butete, atbp. Malas ko nga nung one time na malinaw nga ang pagkakapahid sa'ken kaso naman malinaw ding capital x yun, imbis na +. Naging katawa-tawa tuloy ako sa buong klase. Happy talaga ang Wednesday na yun, kaso nga lang "for them". Hindi ko naman magawang burahin agad, dahil mabait ako at masunuring tanga ...ehem... masunuring bata. Pag nabura daw agad yun, it only proves that i'm a fucking sinner. Sabi ko naman sa sarili ko, paksyet pala kayo, eh sino bang hindi? (Hindi po ako nagmura sa bibig. Sa isip lang. Besides, matagal na rin yun at nagsori na ako kay Lord. Amen. n_n).

Hindi ko alam kung sino ang nagpakalat ng ganung konsepto. Parang yung ostiya din na ipapasubo sa'yo ang machong katawan daw ni Kristo in a form of a disk-bread that taste like sheet. Oo, lasang papel nga. Na kapag dumikit sa ngala-ngala mo ay super makasalanan ka higit sa mga rare human creatures with non-sticky hard palates.

Unfareness talaga!!! Dahil ang pagkakaalam ko ay both Body & Blood of Christ ang dapat na pagsaluhan sa Eucharist. Pero ang liit lang nung binigay sa'ken!!! Yung kay Pader naman, biggie size na nga, nagsolo pa dun sa drinks!!! Tapos, special treatment na naman pag gurls. Meron silang option na wag ipasubo directly yung ostiya kundi ilagay na lang ito palad ng kanilang mga malambot na kamay. Putakte talaga!!! Babae lang ba marunong mag-inarte sa dirty hands ng tagasubo? Anyways, past is past. That was then. I'm not bitter anymore. I'm now sweet anymore. Holy Sweet Potato. Yay!

At dahil Ass Wednesday nga raw ngayon, hayaan niyo munang magpost naman ako ng seryoso dito. Ngayon ang simula ng Lententide o ibig sabihin ay 40 days ka dapat mag-emo in a spiritual way hanggang sumapit ang Easter Sunday (March 23). Kaya naman, ipinagbabawal ko ngayon ang pag-smile, pagtawa, paghalakhak, at kung ano pa mang senyales ng mga ganito. No smileys, ok. (-_-). Bawal din muna kumain ng karne ang strict vegetarians. Ang vihilia ay ang abstinence sa pagkain ng meat. Lahat ng klase ng karne: baboy, baka, manok, isda, aso, at pussy. Magsisi na raw kayo! At yan din ang sabi ni Vice-Chancellor of the Archdiocese of Manila. Isang panawagan na bawasan ang sobrang materyalismo. Bawasan din ang mga katakawan, kamunduhan, kaadikan, kamolmall-an. Magtipid din ng mga plato. Konti lang daw kasi. Sabi niya, "brothers, contemplate. contemplate." hehehe. n_n (ay bawal nga palang tumawa. tsk.tsk.tsk. kaninong joke ba kasi galing yan?!)

OK. Seryoso. -_-
Ito talaga ang mga huling pananalita ni Pader Marinay sa kanyang artikulo sa Inquirer.net —

"In fact, our malls have more beauty parlors than bookstores. They are occasions of vanity, indulgence and materialism rather than of contemplation. Let us reflect on that this Ash Wednesday."

Kaya kung Katoliko ka, baka naman gusto mong sumunod sa mga payo ni Pader, this time? Please daw.

Pero kung matigas talaga ang bungo mo, heto na lang payo ko ang sundin mo.

(Instruction: Basahin ito ng mainam at pag-isipan. Remember, magmuni-muni. Isa pa, magmuni-muni. Ang sarap ulit-ulitin. Sounds like money.)

Narito ang isang maigsing Rap Song lyrics na bagong gawa ko lang at mainit-init pa.
Kaso, wala pang masyadong tono at lasa. Sori sa mga maseselan sa art quality at composition dahil hindi ako mahusay tumula. Lagyan na lang ng sarili mong tempo o beat, ala rapista, habang binabasa. Kung gusto mong sumayaw, bahala ka!

putakte, talagang capital X nilagay sa noo ko
sabi mo,
ash wednesday ngayon.
sabi ko, so what?
wat dapat?

sabi mo,
lahat tayo galing sa abo.
Sabi ko, gago yu,
bat dinamay mo aku?

sabi mo,
nasa baybol ayaw mo?
sabi ko, si adam yung galing sa alabok,
ah basta ako, galing sa Diyos.

sabi ko ulit,
wag mo ng ipilit
yung di mo alam,
wag ka ngang makulit

sabi mo ulit,
ang tao galing sa alabok,
at babalik din sa alabok.

sabi ko,
holy kamote ako,
isang banal na tao,

ako'y gawa at nagmula sa Diyos
kaya sa kanya din babalik at patutubos

kung gusto mong bumalik sa lupa, ok fine
pero ako, bahala na. coz we're all next in line

basta kung swertehin bigla,
baka di na ako makipila sa madla
sasalubong sa ere, lilipad ng nakatingala

(kuha mo? malamang hinde.)

peace brodahs!
burikit dawn, hiyow!

(ulitin sa simula hanggang magsawa.)

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-02-01

Anong Petsa Na? Patay Ka Sa Deadline


13 days na lang at Balentayms Day na!

Ngayon ay Febrero Uno. Alam ko namang may kalendaryo ka din sa kompyuter mo, at malinaw naman sigurong makikita pati sa bawat blogpost ko kung anong petsa na. Pero mukhang super slow moving pa rin ang traffic jam sa utak mo, kaya nais kong banggitin na Feb. 1 na ngayon. Now, does the date resounds anything to you?

Oo sabi. Ang kulit ko, dahil ang kulit mo! Today is Feb 1. 4 na lang ang kulang at aatakihin ka na sa puso dahil sa sobrang bagal mo makatunog sa gusto kong ipahiwatig.

Get's mo na? Get's ko na. Aw! Coke ko 'to!

Ayon sa naimbentong selebrasyon ng mga party pipolz noong unang panahong ang mga tao ay bored na bored na sa kanilang boring, repetitive, and pathetic lives, naisipan ng ilang mga nagmamarunong na mag-party at mag-set ng petsa kung kelan gagawin ito. Napaka-religious ng mga tao noon, na sa sobrang religious ay ginagalang at sinasamba agad ang kung anu-anong mythical beings at inanimate objects na hindi nila ma-explain kung ANO at BAKIT. So, yun na nga ang nangyari. It all started by a bunch of religious pipz na mahilig sa panties ...ehem... parties at celebrations. Until one time, nakita nilang ang daming nag-eemo na singles, at naghahanap din kung nasaan nga ba makikita ang pag-ibig. Kaso, hindi pa uso noon ang kanta ng Black-Eyed Peas, kaya hindi rin nila masagot. Bilang tugon ni Fafa Gelasius I sa suliraning ito, nagpauso siya ng araw ng pagdiriwang ng mga magsing-irog at naghahanap ng maiirog at mayuyugyog (dahil party nga). Ipinangalan niya ito in memory of his peyborit pet dog na si Balen Tayms. At dahil hindi alam ng marami ang tunay na istorya about his pet dog, nakalusot ito sa class rekord ng mga santo. Matagal din tiong naka-rehistro, until such time, na nabuking din ng mga sumunod na Fafa na hindi pala trulalung katauhan si Balen Tayms. Nahukay nila ang skeleton at fossils nito na obvious na hindi hawig sa tao o kahit sa monkey-eating-saging.

So what, kung hindi sya totoo?! Kung yung lalakeng Santa nga na tawa ng tawa ay peyborit pa rin ng mga tao every year at sikat na sikat pa rin, kahit alam din ng lahat na fictional lang din, wala namang kaso yun. No big deal. E ano kung hindi totoo? Ang mahalaga naman ay yung konsepto ng "pagbibigayan" tuwing Disyembre at ang "pagmamahalan" tuwing Pebrero. (Naks. Hangswet dabah?) Sabi nga rin nila, "it's the toot that counts". Kaya start counting the toots mga repapipz. 13 days and 13 nights na lang. Kung wala ka pang syota, jowa, o special someone hanggang sa mga oras na ito, ay wag ng magpa-petiks-petiks pa. Mapag-iiwanan ka ng byahe dahil sa katorse na ang deadline! Wag magpahuli sa uso, maki-puso.

Heto ang ilang tips ko para makahanap agad ng kapartner o syota in just a syorttaym. O kung meron ka ng partner, tips pa rin kung ano pa ang ilang dapat mong isaalang-alang.

1. URGENCY. Huwag masyadong maging choosy sa paghanap ng partner. Karaniwang nauubusan ng putaheng luto ni Lord ang mga nag-iinarte at mapili sa ulam. Kahit kaning-bahaw o tutong, lamang tiyan din yan. (Take note. Feb 14 ang deadline ha. Kung mahirap talagang masikmura ang mukha ng nakuhang syota at talo pa sa face value ng nginuya ng pusa saka niluwa, pwes, mag-break na agad pagdating ng akinse. One-day lang naman ang Araw ni Balen Tayms.)

//-- Kung sinunod mo ang #1 tip, malamang mabilis pa sa alas quatro ay may nakuha ka ng partner mula sa kanto. So you may now proceed to my next tip. --//

2. ECONOMICAL. Wag kalimutan ang panggastos. Hindi na uso ang libre ngayon. Asahan na sa Araw ng Pagmamahalan ay mahal din ang mga gastusin. Yung Boy Bawang nga PhP 1.25 na isa. Sa iba, 1.50. Lintek.

3. ENJOY. Wala na akong masyadong checheburecheng payo. Just enjoy the moment of the season. The season of love. After that, go back to your normal, boring, and pathetic lives, OK.

Ang galing di ba? Alam kong naging napaka-useful ng mga binanggit ko sa inyong tips. Lalo na kung isa ka dun sa tinutukoy kong pathetic ang life. Nonetheless, mga loveless, wag masyadong ma-excite at over-focused sa iisang petsa ng buwan ng Pebrero. Merong 29 days naman this month. Leap year kasi ang 2008. Mas maraming araw for us to love and be loved. Kaya wag ka nang magmaktol dyan. Dahil hindi totoo ang deadline. Because LIFE GOES ON hanggang sa AfterLife.

[Off-topic. Advance Happy Birthday nga pala sa friend kong si Carla na ipinanganak noong February 29th, 1988. This year, magpa-five years na sya. Yehey!!!]

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-01-30

Kumusta Naman Ang Lapis Mo?

Anak ng nanay! taytol pa lang ang weird na. Sino ba naman ang may matinong pag-uutak na magtatanong at kukumustahin ang isang inanimate thing gaya ng lapis? Yun bang pangangamusta na may kasamang damdamin at concern? Pero bago ka bumuo sa utak mo ng kasagutan o opinyon, hayaan mo munang mabasa mo nang buo ang gusto kong isaysay sa'yo. Relaks ka lang dahil ako na nagtanong nito ay garantisado namang nasa matino pang pag-uutak. At kung matino ka rin, tiyak na magkakaintindihan naman tayo parekots, marekots, at maskots. So here we go, sago...

Ang Nakaraan. Mahilig ako sa lapis. Noong bata pa ako ay amazed na ako sa lapis. Sa pagkakatanda ko nga, kapag nakakahawak ako at gumagamit ng lapis, may kakaibang thrill akong nadarama. Para sa'kin, mas higit pa ito sa baril-barilan, espadang patpat, bola, goma, eroplano, robot, karton, tansan, balat ng kendi, kahon ng posporo, and the rest of my fragile & trash toys. Napakadali kasi nitong i-handle at paglaruan. Parang upgraded at lite-version ng aking espadang patpat. Andun pa rin yung nakasanayang tulis na sapat ipangtusok ng mata ng bawat buskador at mapang-alipin kong mga kalaro. Na bagaman hindi talaga yun ang purpose ng pagkakagawa sa lapis, ay may gumagawa talaga ng ganun. Sa panahong nagigipit at naiipit, sa lapis ako kumakapit ng mahigpit (hwaw, may rhyme). Alam kong pwede ko din magamit yun as a weapon. Swerte na lang nila dahil holy ako at wala pa naman talaga akong tinusok nun sa mata. Dahil madalas ay matino akong mag-isip, resonable, at maawain (naks). Isinasaalang-alang ko yung consequences pag ginawa ko yung isang bagay na baka pagsisihan ko sa huli. Iniisip-isip kong baka mabali pa yung lapis ko, kawawa naman. Sayang yung advance features na meron sa lapis kumpara sa paborito kong espadang patpat. Ang lapis pwede kong ipansulat sa papel, pader, sahig, damit, at sa marami pang iba. So kung pantusok lang naman, naisip kong pwede na ang ordinaryong tingting ng walis o barbikyustik ang gamitin, just in case. Sing tulis, pero di sing mahal. Tapos nung pumasok na ako sa iskul, nagkaroon ng maraming kabarkada ang lapis ko. Meron nang iba-ibang kulay, tulis, tigas, at tingkad. At sabi sa'ken ni inay, ang tawag dun sa mga may kulay ay krayola. Sabi ko naman, colored lapis lang yun. Until, nalaman kong pareho pala kaming mali ni inay. Ang tamang tawag pala dun ay crayon. Tatak lang pala yung Krayola. Parang yung Frigider na tatak ng isang refrigerator, yung Colgate na tatak ng toothpaste, at Xerox na tatak ng photocopier. Tapos, naging aware na din ako na pagsamahin yung paggamit ng lapis at krayon. Kaya kong drowingan at kulayan ang lahat ng surface na pwede. Marami akong pinagtestingan. Kasama na dun ang makinis na salamin, tsinelas, balat ng prutas, at pati balat ng tao. Basically, ang lapis ay ginagamit kong panulat. Kahit puro lines, zigzags, small circles at big circles lang ang nagagawa ko nung umpisa hanggang sa natuto ng iba pang symbols at mga letra. Gudnews, dahil madami talaga akong natutunan. Hanggang sa feeling ko ay lumelebel-up na ako dahil tumataas na yung nakalagay na numero sa mga ginagamit kong mongoloid pencils. Hanggang sa nalaman kong may sistema ek-ek pa pala ng pagklasipika sa mga lapis na gamit ko. Yun bang mga numero (1,2,3,4) o letra (H-ard,B-lack,F-ine) na pangkaraniwang nakikita sa mga ito. Tsk. Ako lang pala ang nag-akalang lebel-up yun.

Ang Kasalukuyan. Sa mga panahong iyon, iba-ibang klase na rin ang nagamit ko. Merong mahaba, mataba, matulis ang tasa, hubad o yung walang bahay, nawalan ng pambura, may marka ng kagat ng ngipin, nabali na't yung natirang kaputol ay di na kayang maipangsulat, o kaya'y biglang naiwala ko na pala. Pero lagi pa rin akong may lapis, no matter what. Madalas ko pa rin itong nilalaro at pinapaikot sa mga daliri ko pag meron akong iniisip o kahit pag wala lang. Kahit hindi ko na kinakagat yung bahay nitong kahoy ay nagkakagalos pa rin ito dahil sa ginagamit ko din itong drumstick at hinahampas sabay to the beat. Pero ok lang. Dahil natutuhan ko ng mag-ingat ngayon. Mag-ingat sa bagay na mahalaga para sa'ken. Hindi na rin ito basta-basta nababali kahit ilang beses pang bumagsak. At sinisiguro ko ring always sharp and bold ito for whatever purpose it may serve. Hindi na ako masyadong pihikan kung anong kulay, kinis, o brandname na makikita sa panlabas nitong hitsura. Ang mas inaalala ko na ngayon ay yung purong lapis na nasa loob ng kahoy.

Ang Hinaharap. Dahil kung yung mismong nasa loob ang mabali o masira, kahit pa sabihing buo pa naman yung nakabihis ditong bahay ay wala na ring kwenta. Wala ng silbi. Wala na yun sa katinuan. Hindi na kayang lumikha ng linya, o ng hugis, o ng anomang letra. Hindi na ito makakabuo ng salita, ng pahayag, ng damdamin. Hindi na rin ito makapaglalarawan ng anomang ideya, ng inspirasyon, ng sining. Hindi na pwedeng tasahan pa uli, upang muling tumalas pa at mahubog. Ito'y gaya na lang ng ordinaryong patpat para ipanusok sa kapwa o ipanaksak. Nawala na ang malikhaing kagamitan. Ang natira ay yung pisikal, yung brutal, yung sandatang nakakapinsala ng lupang katawan. Yung pwedeng-pwede ng itapon. Iwala. Dahil wala namang laman. Wala na.

Kaya nga ang tanong ko ngayon sa'yo, "Kumusta naman ang lapis mo?"
Ako? Ayos na ayos pa naman. Sharp and bold.

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-01-26

Mahiwagang Kamote, Gamot daw sa Dengue

May itinimbre sa'king info kahapon si Kamote Red (aka. RedHotSillyKamote.Jeckass). Ito'y isang unverified na impormasyon ukol sa mga lahing kamote. Hindi naman ito isang bad publicity na matatawag against the Kamote Genus, pero dahil nga unverified pa po ito, mahirap pang magsalita ng tapos. Kaya ang salita ko muna ngayon ay to be continued...

Akchuwali, ayon kasi sa ulat na nahukay ni Kengkay sa various sources, na nahukay din ng kung sino, na nahukay lang din sa kung saan-saang parte ng wide-web-world (www), pinaghihinalaang ang kamote daw ay ang kagamutan sa deadly Dengue. Tama ang nabasa mo. Prime suspect nila ang kamote kaya daw gumaling ang ilang Pinoy na na-dengue. Ang mga istoryang binanggit sa ulat na nagpapakita na ang mga pasyenteng may dengue na bumaba halos sa 80 platelet count ang dugo ay bumalik sa normal ang kalagayan matapos itong painumin ng soup o katas ng nilagang kamote.

Yesfm. Bilibit or Nut. Gumaleng po sila mganimamahal. Gumaleng sila. Glore! Glore!

Ngayon, kung sino ka mang iskeptik ka, na nagdududa pa rin sa factuality ng info na ito, basahin mo na lang kaya ang ulat ni Kengkay at dagdagan na rin ng sarili mong research. Tapos ipasa mo ang natuklasan mo sa Department of Health (DoH) para may magawa ka namang positibo bukod sa pagdududa mo at makatulong sa sociedad filipinas.

But opkors, dapat pa ring isaisip na hindi lahat ng epektib kay Mario ay awtomatikong epektib na rin kay Luigi. Minsan magkaiba ang kapal ng sikmura ng bawat tao. (Kung paanong magkakaiba din ang kapal ng mukha.) At depende rin yun sa klase ng kamoteng makukuha mo. Kung hindi ka pa ulyanin at nakakaiwas ka pa sa mga humahabol sayong pork-beans-at-hipon, malamang ay natatandaan mo pa yung nabalitang mga bata sa Bohol na na-foodpoison sa pagkain nila ng Kamote-Q na may cyanide content pala!

Kaya laging magtanong muna sa nakakaalam. At wag kain ng kain basta-basta.

Kung meron mang kamoteng nakakagamot ... ay isipin ding hindi naman lahat.
Kung may kamoteng nakakalason ... hindi rin lahat.
At siyempre, ...
kung may Holy Kamote na gaya ko ... hindi rin po lahat ay banal.
Dahil yung iba, puro pautot lang.

Kaya laging tandaan —

"Sa panahon ng krisis, bawal ang tatanga-tanga." (dahil kabobohan ang ipagbawal ang magkasakit.)

"Oplan Iwas Dengue, Iwas Dengoy."

"Maghugas ng kamay, pagkatapos mong tumae."

"Libreng tule, Putol tite."

Sinsero,
D.o.H.K.

read more [+]

2008-01-25

A Blog's Life

Dear Blog/Hopper/Stranger,

Today is a very special day in my life. I wake up early and went to school. It was fun and exciting. After school I went home. I ate my meal while watching some crap-tv. It's already 11pm but I can't sleep yet. So I decided to surf the internet and then posted a new blog entry. I chatted with my i-friends and added new on my list. After that, I got tired and went to bed. Tomorrow will be another exciting day. Yay!

P.S. I hope you'll share me your thoughts and add some comments about my exciting life (as if you really care). Thanks. Link-ex?

Always,
Flik


read more [+]

2008-01-24

Nakilahok sa Pakontes ni Badudels

humor blogs ... at its finest

Isa sa pakulo dito sa blogosperyo ang mga pakontes. At ang barberong si Badudels ay isa sa mga promotor niyan. Bagaman tinamad akong magbasa at umintinde ng kumpletong rules niya, nagets ko naman kahit paano. Basta ang alam ko, kelangan ko lang magpost ng hanggang limang nominasyon bilang lafftrip o humor blogs. Kaya heto na po ang listahan ng mga sumuhol sa'ken in no particular order. Ay teka. dapat pala sunod-sunod. (edit muna. finished.) ... in descending alphabetical order na yan ha.

#uno > XienahGirL
- ang babaeng-bakla na ayaw nagjojoke dahil baka pagtawanan lang daw siya. may cbox na laging jampak ng adiks at its finest.

#dos > Maldito
- may matabang utak at matabang puso. rich in cholesterin at its finest.

#tres > GreenPinoy
- mahilig sa berdeng saging at ungguyan. prolific sa corny jokes at its finest.

#quarto > FerBert
- palamura. pervert. alien jokes at its finest.

#singco > Coldman
- ano kaya yun? lintek na piktyurs at its finest.

O sya sya, padilya. Bahala na kayo dyan. Nag-didilemma pa ako eh.
Yung mga hindi ko binoto, wag nga kayong magdrama dyan! Hindi ko pa lang siguro nabibisita yung blog mo. O sadyang kumpleto na kasi yung 5 slots ng nominees ko. Kaya kung may gusto kang sisihin, wag ako! Si Manong Badudels kaya ang naglimit nun sa rules niya. Kung hanggang sampu lang sana ang pwede edi naisama pa kita. Pero kung adik ka talaga sa award na ito at mas malaki ang offer mong suhol sa'ken, ilalagay kita dyan oramismo. Wag ka na lang maingay at ichat ako sa YM. Wag dito sa comments ha. baka malaman ng iba at isiping nandadaya tayo. Oh my holyness!

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]