2008-02-13

I think, therefore I think. How about you?

Heto na yung karugtong ng nabitin kong blogpost na may maligoy na pasakalye. Nung basahin ko nga ulit yun, parang kampanya pala ng mga tamad ang naisulat ko. Ewan ko nga kung nakuha niyo ba yung punto ko, o tinamad lang kayong magbigay ng reaksyon. So without further ado-dudu at ada-dada, heto na yung pagpapatuloy ng dinadaldal ko tungkol sa mga maling konsepto.

Think about this question and answer honestly: "Do you think?" (hanglabo ba? pero malamang napaisip din kita. that's good.) Kasi kung OO ang sagot mo, ang sunod kong tanong ay, "How much of your brain do you actively use?"

Alam niyo ba na ang kadalasang naririnig kong sagot d'yan ay ito: "We only use 10% of our brains". Sabi ko naman, "ows talaga? aling parte ng utak mo ang hindi mo ginagamit?"

Obyusli, hindi ko na inasahang masasagot yun ng isang taong sampung porsyento lang ng utak ang gumagana. Hindi ko na rin kelangan pang paulanan siya ng tanong gaya ng – "bakit hindi na lang kaya tanggalin yung natitirang 90% ng utak mo na walang silbi o hindi nagagamit to give your brains more space to think", wachuthink?

Alam kong hindi ko kayang kalikutin ang utak ng iba. Hindi rin ako isang neurologist. Pero kung malabo pa sa sabaw ng pusit yung paniniwala mo, at ayaw mong makarinig ng ibang opinyon, ok fine. Basta ako magba-blog lang. Besides, sabi din nila, "kanya-kanya naman daw tayo ng paniniwala," di ba? Which for me, is partly true and partly explains the reason kung bakit merong pagkakaunawaan at meron ding pagtatalo-talo. Pero sana, kung natalo na 'yung ikinakatwiran mo, tanggapin mo namang maluwag sa kalooban mo yung panalong katuwiran. Wag kang pikon!

Try mong itanong yan sa mga kaibigan mo, mga propesor, mga abogado, mga lider relihiyoso, o maging sa mga politikong nangungurakot ...este... naninilbihan sa bayan. Tapos, bilangin mo kung ilan sa kanila ang naniniwalang 10% lang ng utak nila ang gumagana. Case study lang, kumbaga. Then, matutuklasan mong hindi pala yung antas ng karunungan o estado sa lipunan ang humuhubog sa isang tao at sa kanyang mga pagdedesisyon at ginagawa. Kundi, kung ano yung pinaniniwalang nanunuot sa puso at utak niya. Depende pa yun kung tama o mali ang paniniwalang meron siya.

Another popular adage, ay yung "everyone's opinion is right, and is entitled to his own belief." Halibawa daw: kung ang paniwala ni Mario ay pinakamasarap ang burger ng McDonalds at kay Luigi naman ay yung burger sa Jollibee, hindi na dapat pagtalunan yun. Sayang lang ang laway mo imbes na kumakain ka na lang at magpakabusog.

Pero paano kung naniniwala si Mario na yung ilog na gusto niyang talunan at pagliguan ay mababaw lang, pero ang sabi naman ni Luigi ay malalim ito at mabato? Hindi ba mahalagang matiyak muna kung kaninong opinyon ang tumpak upang makaiwas sa disgrasya?

Kung lahat pala ng opinyon ay tama at walang dapat pagtalunan, paano naman kaya kung sabihin ko sa'yo na "everyone's opinion is wrong", tama pa rin ba yun? O kaya naman, my opinion is, "I don't have an opinion"?

'Yan ang hirap sa mga sampung porsyento lang ng utak ang pinapagana. Madaling mapaniwala sa sikat na kasabihan at pamahiin ng kung sino-sinong matatanda at nangamatay na. Hindi ko sinasabing walang mapupulot na logical and moral reasoning sa mga sali't saling sabi ng mga matatanda at tradisyong nakagawian na. Saka magkaiba yung kasabihan sa pamahiin, ok. Halimbawa: "pag may tiyaga, may nilaga" (kasabihan); "pag nagwalis ka sa gabi, lalabas ang swerti" (pamahiin).

Pero ang opinyon ko, 'yung matiyagang magluto, hindi lang nilaga ang pinaka-dabest niya. Mas mabusisi kasing lutuin yung kare-kare, sinigang, atbp kaysa sa nilaga. At kung magwalis ka sa gabi, hindi naman swerte yung winawalis mo kundi kalat at dumi. Dahil kung yun pala ang pampaswerte, bakit di mo umpisahang umagang-umaga pa lang ay mag-ipon na ng basura at ipasok sa iyong lucky house.

Kaya sana, kung paanong natutunan nila ang maraming bagay sa nakaraang panahon, dapat tayong nasa kasalukuyang panahon ay umusad din sa kaalaman o mas higit pa. Kung naturuan na sila ng ekperyensa at sari-saring pagkakamali, hindi naman kelangang subukan pa rin natin 'yun o gayahin, para lang mapatunayan sa bandang huli na "oo nga, mali nga".

We can learn from others' mistakes. At hindi naman ganun kahaba ang lifespan natin sa mundong ito para masubukan lahat ng katarantaduhan at bisyo bago mapatunayang mali nga pala yun. Halos magkakasinglambot lang naman ang utak natin, with average weight na 1.4Kg. Dahil yung ibang taong mongoloid at autistic ay halos 100% din na nagpa-function ang utak kahit pa habang natutulog. Hindi rin nagsa-shutdown ang utak mo pag tulog ka (0%). Aktibo pa rin itong gumagana more than 10 percent. Ngunit dahil wala naman talagang accurate measuring device o system para masukat lahat at mamonitor ang ginagawa ng bilyon-bilyon mong braincells at neurons, our brain is still more complex than you could ever think.


Stephen Witshire is an autistic savant with photographic memory.
Daniel Tammet is another autistic savant with amazing brain [see his videos 1,2,3,4,5].



Kaya wag kang maniwalang 10% lang ng utak mo ang gumagana at may silbi. Sabi nga ni Taguro, "Ilabas mo ang iyong isandaang porsyento!" dahil kung hindi, "Tapos ka na Eugene!"

Ghost Fighter
Eugene vs Taguro (Ghost Fighter)

Sinsero,
Holy Kamote

27 comments:

Anonymous said...

you are so hilarious! I love your blog... title palang catchy na! i'll tag you holy kamote ha! by the way... paborito ko ang nilagang kamote. Heheheh... wla lang masabi lang!

the goddess said...

hewew! hahah. wala na akong masabi. hahah. grabeh! medyo idol na kita! hahah. da bestest! :D

Yas Jayson said...

anak ng pating, pilosopikal na naman ang usapin. pero walng tatalo jan sa mga banat na "paano mo masasasabing makakapagisip ka using kaldero at balde?" o diba-diba?!? ahehehe

*nagpupugay sa kamoteng banal..

[yas]

Euri said...

I believed that about a few percentage of our brain is in use and the remaining percentages are on reserve for something extraordinary to happen or something. Tipong biglaang, may talent ka palang ganito, hindi mo alam. XD

Anonymous said...

sigurado ka bang 17 ka lang... ang lalim ng pananaw mo... ano ba sikreto ng mga henyo.. lol

Will said...

whahaha *takot ako sa babala mo sa comment board ah* hehe Link kita ah. nice blog hehe

bombastarr said...

YUN EH. nasabi mo na naman ang lahat ng dapat sabihin. wala ng dapat sabihin pa. haha :)

meanness aside, i think people who say we only use 10% of our brains are only justifying their laziness, stupidity, and idleness. seriously. maybe they're just using it as an excuse because they're not really using their brains well. diba?

anubayun, napaisip ako ng malalim sa post mo. haha. :) well done, mighty kamote. NYAHA :)

twinks said...

ilang porsyento ba ng utak mo ginagamit mo ha at kagaling mo? mahirap na mgcomment ah...sinabi mo na lahat.. hehehe..

ayoko kay eugene.. c dennis mas gwapo! hehehe

wanderingcommuter said...

tingin ko naman hidni lang 10% ng utajk ang ginagamit ko sa pagbabasa ng entry na ito. hehehe

Anonymous said...

" bakit di mo umpisahang umagang-umaga pa lang ay mag-ipon na ng basura at ipasok sa iyong lucky house." onga noh. minsan kasi sobrang paniwala mga tao sa mga sabi-sabi wala na silang common sense. yung 10% na part ng utak, well yung 90 ata katamaran or something hehe. at yung sabi ni taguro -- tumpak!

DN said...

hmmmm... napaisip ako du'n ah. lol.

napakalalim ng diskusyon na ito. di na maarok ng mababaw kong pag-iisip.

sa pagkakatanda ko sa eksplanasyon ng aking ama tungkol sa nilaga, ang nilaga daw noon ay ang "pinakamasarap nang putahe" na maihahanda ng isang common tao. kaya siguro kapag may tiyaga may nilaga. lol.

pero tama ka, mas masarap ang karekare at siyempre ang paborito kong lechong paksiw. isama mo na rin ang isaw. leche. nagutom ako. haha.

Mel said...

sinabi lang nila na 10% lang(roughly) ang ginagamit natin sa utak natin para matakasan ng mga eksperto ang mga karagdagang tanong ng mga tangang gusto pa matuto... badtrip noh?

hehe, matigas din ang abs ni taguro solid!

Holy Kamote said...

@dale > salamat dale! hahahah... wala lang tumawa lang!

@goddess > hatchoo! (excuteme) wala na akong masabi. teka meron pala (grabeh). medyo mahal na kita! mwahahah.

@elayas > anak ng pating, edi pating din! hehehe. teka, kaninong banat pala yung nagiisip gamit ang kaldero at balde?

@euri > whoa! amazingly great. all these years, nagtatago lang pala ang aking hidden talent. n_n

@ferbert > sabi sa birthcertif e. pero hindi po ako henyo. hindi rin ako bobo. ang alam ko lang, holy ako.

@william > matatakutin ka naman. hehehe. sure, link me up.

@karlabebi > ayuneh. teka pala, bakit mighty kamote? pwedeng holy na lang? n_n

@twinkletoe > wala po akong panukat e.

@wanderingcommuter > that's good.

@lyza > tumpak. wapak!

@dn > kung si barok nga naarok. ikaw pa. pero mas ok na yung may mababang pag-iisip, kesa naman yung sobrang taas sa kayabangan.

@mel > at talagang napansin mo pa yung abs ni tarugo ha. sino naman kaya makakapansin dun sa youtube video na nilagay ko?

Ryan said...

Daan lang din ako.

Anonymous said...

talo talaga si Eugene kay Taguro kaya dapat ilabas nya ang 100% nya!

di lang ata 10% ung ginagamit ko. mga 20% ata. madalas, tulog ung 80%, lalo na sa umaga. ^_^

Jonna Luttrull said...

bloghopping here hope to see you.
http://jluttrull.com

Anonymous said...

yung remaining 90% kasi yata, ginagamit for cognitive processes, motor functions, ganun. siguro yung 10% na sinasabi ay for strictly intellectual/mental processes.

haha. geekspeak. palagay ko rin everybody is entitled to his/her own opinion.

Anonymous said...

thanx for dropping by bonoriau ....please come back again

Dabo said...

hey..holy kamote..salamat sa blog hop.. have a great weekend

MJLB said...

Hahahaha...

Cool blog... para kang si Bob Ong! Hahaha... ^_^

Here's mine: www.laserb0y.blogspot.com

Mec said...

eh sa palagay mo naman, ilang porsyento ng utak mo nagamit mo kahapong balentayms? :)



(seryosong note: naniniwala din ako dun, na dapat matuto tayo sa pagkakamali ng iba at masokista na lang talaga ang gustong maranasan nya muna lahat bago matuto)

Dakilang Tambay said...

nasan ang cbaks m? tatampalin kita e

Pepe said...

Good day HK, napadaan din dito....! Naglalaway ako kapag nakita ko yang kamote dyan sa header mo....! Nakaka-miss naman ang kamotecue.... Wala kasi nyan dito sa downunder....! =D

Holy Kamote said...

@ryan > hindi ka dumaan "lang". nagkoment ka pa nga eh! lolz.

@karmi > tsktsk. 80% ang naka-idlip sayo. hahaha. idlipero!

@jonna > bloghopper. hehehe. hindi niyo mahanap cbaks ko 'no? n_n

@supervillainess > haha. geekspeak. geek ka! haha. gikgikgik.

@bonoriau > sorry for my droppings. pakilinis na lang po.

@davenport > havagreyt years. ayan mas mahaba sa'ken.

@jepoi > pwede niyong ilagay na yung URL niyo sa name niyo. piliin niyo yung Name/URL instead na yung signed-in sa google/blogger account niyo. thanks.

@mec > same pa rin. (seryosong note: joke lang n_n)

@dakilangtambay > nagtatago ang aking mahiyaing cbaks. hindi na sya madaling makikita ng spammers.

@pepe > hoy! wag kang maglaway dito. baka may matuluan. hehehe. buti pa ang kamotecue nami-miss mo, e yung mga pinaiyak mo dito sa pinas? teka, nasa australia ba ang downunder city? n_n

joyce said...

hi! salamat sa pagsilip sa blog ko. astig naman 'to. :)

Holy Kamote said...

@joyce > hindi po ako nanilip sa blog mo. namboso lang. n_n

haifahjacqui said...

Brasserie Tincone (Cricket) - Titanium Sheet Jewelry
Brasserie Tincone (Cricket) race tech titanium is a Brasserie Tincone in Chicago, Illinois, United titanium charge States. babylisspro nano titanium hair dryer It is part of the Brasserie Tincone titanium flashlight which opened in Chicago titanium bmx frame in