2008-02-25

Ang Paboritong Libro ni HK

Gusto mo bang malaman kung ano ang paboritong libro ni HK?
HUDAS KA! Bakit hindi mo kilala si HK?
Ano na, hindi pa rin talaga?

Ok fine tree. Kilala mo man o hindi si HK; gustuhin mo man o hindi na malaman ang paboritong libro niya; hindi na kita bibigyan ng multiple options. Wala ka ng pagpipiliian, at wala ka na ring magagawa pa.

At yamang nandito ka na rin lang at nagbabasa, gusto kong malaman ninyong lahat na kaluluwang naligaw, napatalon, napatambay, naaadik, at halos nakikitira na dito sa pamamamahay ko at madalas ding magkomento... ANG PABORITONG LIBRO NI HK.

Ngayon ay matutuklasan mo na ang isa sa aking sikreto bakit ako ganito kagwapo, kagago, kakulit, kabait, kamote, at kabanal.

Kung handa ka na, huwag ng mag-atubiling pindutin ang read more [+]

The Bible

Tumpak ang iyong hinala! Biblia ang paboritong libro ni HK. (kung ibang libro ang akala mo, pwet... nagkakamali ka. bwahahaha.)

Makapal talaga ang librong ito. Makapal pa sa mukha ko. Pero halos kumpleto na kasi ito sa mga tipo ng babasahin na gusto ko. Meron na ditong nakapaloob na history, math, science, arts, language, medicine, architecture, philosophy, politics, romance, crime, suspense, horror, action, tragedy, heroism, war, culture, adventure, drama, comedy, music, poetry, at napakarami pang iba. (ayan, pwede ka ng huminga.)

ANG BIBLIA ay nagmula sa salitang biblion (meaning: papel, balumbon, o aklat) na galing naman sa salitang byblos o yung tinatawag sa Egypt na papyrus. Ito ay pinagsama-samang mga libro o compilation ng sulat ng iba't ibang tao sa magkakaibang agwat ng panahon. Kahit hindi naman nagkita o nagkausap personal o nag-txt o way-em ang bawat manunulat nito, mababanaag na may harmony o pagkakaayunan ang bawat diwa at pahayag dito. Kahit pa napakatagal na ng panahong nakalipas at napakarami ng sakuna, digmaan, kaguluhan, at kung anu-ano pang pangyayari sa kasaysayan ay himalang naka-survive ito upto present. Salamat din sa mga natutunang teknolohiya ng tao at makabagong pamamaraan na hanggang ngayon ay patuloy na nakakapag-reproduce ng kopya nito sa iba't ibang lengwahe. Yung sinabi at isinulat noong nauna ay pinatunayan naman ng mga sumunod na pangyayari. Pagkatapos matupad yung mga naunang pangyayari, sa bawat panahon sumunod ay may pahayag ulit na sasabihin at isusulat din para mabasa naman ng mga susunod sa kanila. Isang naaaaaaapakagandang kwento na ang nilalamang istorya ay naaaaaaapakahaba din. (Pero dahil malakas kayo sa'kin, isoshortcut ko na lang sa sarili kong pamamamaraan. So, here it goes...)

Ang kwento ng Biblia ay tungkol sa pag-ibig ng Dios na pinakamakapangyarihan sa lahat, kasama ng kanyang bugtong na Anak, ay lumikha ng lahat-lahat ng mga bagay, nakikita mo man o hindi. Kumpleto na ang kwento — bago pa simulan ang plano, hanggang sa nasimulan na nga, at tuloy-tuloy pa rin ang episodes hanggang sa makarating sa dulo, tapos, tuloy-tuloy uli hanggang sa wala ng katapusan! Ang dami ring casts o roles dito at marami ding bida. Pero may isang anghel na ang tawag ay lucifer o maningning na tala sa umaga (morning star) na sa sobrang kinang ay kahit umaga ay talo pa niya ang liwanag ng araw! (Oo, mas maliwanag pa sa haring araw na sinasamba ng mga katutubong ewan at egyptians na pinangalanan nilang 'Ra'. Saka ko na idadaldal ang iba pang detalye, katunayan at reperensya para hindi humaba ang diskusyon.) Therefore, ang anghel na ito ay ang naging kontrabida at nuknukan ng inggitero na sagad hanggang buntot! Wala ring tatalo sa pagka social climber niya sa taas ng kanyang gustong akyatin at pwestuhan. Biro mo, gustong agawan ng trono ang Anak ng Dios na si Hesu-Kristo! Hangtaray ng sungay nito, tsong. Bumuo pa ng break-away group. Pumusisyon sa oposisyon at nagtawag at nag-recruit pa ng mga katulad niyang mga inggiterong anghel.

Para sa'kin, hindi lang ito "Best Selling Book of All-Time", but also THE BEST BOOK EVERYONE SHOULD READ. Kahit saan pa daaning standards, daig niya ang mga libro ni Bob.Ong-Pinoy, Code of Dan Brown, Code of Kalantiaw, dictionary, encyclopedia, telephone directory, newspaper, ebook, textbook, pocketbook, notebook, komiks, kokongban, intermediate pad, 1/2 crosswise at lengthwise, scratch paper, tissue paper, balat ng tinapa, balat ng kendi, balat ng sibuyas, at kahit pa sa balat ng buong blogosperyo!

Paborito ko talaga ito. I fave it! Ilang beses ko na rin itong nabasa at hanggang ngayon ay paulit-ulit ko pa ring binabasa. Ganon ko siya kapaborito! Bagaman marami na din akong librong nabasa/binabasa/babasahin pa ... hindi ko masasabing mahihigitan ng ibang libro kung paano ko naging kapaborito at kadalas basahin ang Biblia.

Ang pinakaunang bersyon at kopya ng Biblia na nagkaroon ako ay noon pang nasa gradeskul ako. Yung Gideon Bible na tagalog ay maliit at kulay chocolate brown, Bagong Tipan ang nilalaman nun. Namigay din sa aming iskul ng kulay blue naman at english. Tuwang-tuwa talaga si ako dahil hangkyut-cute nito at feeling ko ay oramismong tinubuan ako ng maliit na pares ng pakpak sa likod at may kumikinang na heylo sa ulo ko pagkahawak na pagkahawak pa lang. Pero dahil nga lahat ng estudyante sa buong eskwelahan ay binigyan ng ganon, pati yung pinakasiga at pinakabrutal sa iskul namin at madalas mapatawag ang magulang sa opis o sa guidance counselor, ay kapareho ko ding tinubuan ng pakpak. Napakabait pa nga nito at napakagalang ng magsabing "tenkyu po" dun sa mestizang gurl na nagpapamigay ng libro. Pero dun ko agad napagtanto ang isang katotohanan na hindi lahat ng nakakahawak ng librong iyon ay nagiging banal. Mabilis pa sa alas-kwatro ay pinatawag uli si notorious-student#1 ng titser dahil sa sumbong na pinakielaman niya ang baon ng may baon, at hinalungkat pa talaga sa bag na hindi naman kanya. Parang nakikinita-kita mo na yung senaryo — na sa kabila ng kanyang mala-anghel na pakpak, maamong mukha, at magalang na pananalita ay litaw na litaw sa anino niya na may buntot ito at hugis tinidor pa yung dulo.

Kinalaunan, nalaman kong may mas makapal pa pala sa cute-mini-bible ko, at madami pang ibang bersyons at kulay, pero mas type ko yung black. Nalaman ko rin kung saan yung Philippine Bible Society at mas mura kang makakabili ng malalaking Biblia pati yung magkasamang english-tagalog o diglot. At sa aking paggamit ng kompyuter at web-wide-world, natuklasan ko rin ang website ng E-Sword.net na namimigay ng libreng Bible software at napakaraming translations at add-ons. Marami na ding available na bible browser para sa mga selepono.

Sa tanang buhay ko, may ilang beses na rin akong nawalan ng Biblia, nagpalit, namigay, at bumili ulit. (Wag niyo ng itanong kung ilang beseses yun dahil hindi ako ganun kaadik sa numero para magbilang.) Sa ilang beses ko ring pagbabasa nito, na sa palagay ko naman ay naunawaan ko kahit paano, ay aminado akong marami pa rin akong hindi na-gets. Madami ditong misteryo at malalalalim na bagay na malibang ikwento sa'yo ng nakakaalam talaga ng paliwanag ay hindi mo maiintindihan. Nakinig at nagtanong na ako sa maraming mga nauna ng nagbasa ng Biblia at nangangaral sa simbahan, eskwelahan, bahay, plaza, palengke, bus, publikasyon, radyo, tv, at meron na din ngayon sa internet. Magkakaiba sila ng interpretasyon, kaya naman obyus na magkakaiba-iba din ng grupo at nagtayo ng kanya-kanyang relihiyon, although lahat ng gumagamit ng Biblia ay nagke-claim na pare-pareho daw Kristiyano. Sa'kin naman, hindi ko pinuproblema kung gaano man sila kadami at hindi naman ako ganoon katanga para madaling magpauto. Basta ba kasang-ayon sa alam kong nasusulat at nababasa sa paborito kong libro ay ayos lang sa'kin. At lalo pang lumawak ang pananaw ko sa palagiang pagtatanong sa mga bagay na alam ko, inaakalang alam ko, pati yung hindi ko talaga alam. Kahit hindi ko kapareho ng paniniwala ay nagiging kaututang-dila ko. Hangga't may sense ang usapan at wala namang magsu-supersaiyan5 o yung mainitin ang ulo na manghahampas ng bote, mananaga ng leeg, o kung ano pa mang sakitang panlaman at pagdanak ng dugo... tuloy-tuloy pa rin ang usapan at kwentuhan. Basta makatuwiran naman yung mga ipinupunto at katanggap-tanggap din sa aspetong lohikal, natural, moral, et al... apir tayo jan!

Kung hindi ka pa nakakapagbasa ng Biblia sa tanang buhay mo, o kung meron ka mang Biblia sa bahay pero dahil sa kapal nito ay hindi mo man lang nababasa at kasing-kapal din yung alikabok nito sa ibabaw ng altar... tapos ang lakas ng loob mong tumawag kay Lord na "Papa Jesus" para humingi ng bagong gf/bf/pc/cp/psp/eepc/etc ... aba, aba, aba ... maghunos-dili ka nga.

Tsaka hindi mo ba naiisip na malaswang tawagin mong "PAPA" si Jesus, tapos yung nanay naman niya ay tawaging "MAMA" Mary ... dahil mag-ina sila at hindi mag-asawa. Haynaku, kaninong anak ka kaya? tsk.tsk.tsk.

(PS: Sige, next time na lang ako gagamit ng biblical passages para naman mabasa niyo mismo sa Biblia at kayo na ang bahalang mag-discern kung pinipilosopo ko lang ba kayo o totohanan lang.)

----------------------------------------------------------------------
Maraming salamat sa idineklarang special non-working holiday ngayon (Mon, Feb.25). Nagkaroon ako ng mahabang time para sa aking sarili. Heto at napagtripan kong maging photographer at model. Nahirapan akong magpakuha ng piktyur kasama ang paborito kong libro gamit ang Canon EOS 400D Digital Camera sa harap ng salamin. Pero sa bandang huli, nadiskartehan din. Pinagpapawisan na ako sa kakapose d'yan, hindi lang halata. Hay Kamera!

Hay, Kamera! (HK)


Sinsero,
Holy Kamote

42 comments:

Anonymous said...

are you religious or more of the spiritual kind..


-davenport

potatomaniac said...

cool!

ang ganda naman ny iyong DSLR cam.

Holy Kamote said...

@davenport > pwedeng isa jan, or both. it depends how you define those words, para mabagayan ko yung tanong mo. n_n

@potatomaniac > waaaah!!! yung cam lang ang napansin mo? n_n

Anino said...

Aba sosyal ang kamera mo,dalawampung libo ang halaga!

Ang dami naming Bibliya sa bahay.Pareho lang naman ngunit ang daming kopya.Ang tagal kong nag-isip kung ano ang dapat gawin.

Hanggang sa dumating ang bagong taon,naisip kong gamiting pamparikit sa pag-iihaw ng karne.
Nakatipid ako sa uling.

FerBert said...

whoah! bow na ko sayo bata... :D

huling buklat ko ng bible 2 years ago pa ata.

superym said...

ganda naman ng cam naten brod.
ayos sa post.
para maiba naman.
GODBLESS YOU!

lyza said...

maganda yung huling picture, malinaw. gusto ko rin ng dslr! T_T
di ako gaanong nagbabasa ng bible... pag sinabi lang ng titser :P

gyk said...

wow.religious. at ang pa ganda ng cam. hehehe.

Anino said...

Holy Kamote, nasaan na ang iyong chatbox?

Basta may pasok ako ngayon.Kanina nga muntik ng masunog ang aking kasuotan dahil nakapikit ako habang nagpa-plantsa.

Ang ganda naman ng kamera mo.Parang gusto ko tuloy pukpukin martilyo itong akin.

Holy Kamote said...

@anino > ows, pinang-ihaw mo talaga? magkano ba yung budget na tinitipid mo para sa uling? tsk. tsk.

naalala ko tuloy yung istorya ni John Wycliff na isa sa mga translator ng Biblia. wala namang masyadong eksena. ipinasunog lang naman ng Council of Constance ng Simbahang Katoliko, sa utos din ni Pope Martin V ang LAHAT NG KOPYA ng mga Bibliang isinalin ni Wycliffe kasama din mismo pati yung nananahimik na nitong kalansay.

tsk.tsk. hindi naman kasi pang-barbeque ang biblia. pero kung ginawa mo talaga yun @anino at hindi biro lang, daig ka pa rin sa dami ng biblia ipinasunog ng papang katoliko. isinama na ring isahog pati yung pinahukay na buto ni Wycliffe.

(yun nga palang mahiyain kong cbaks ay makikita sa dakong may kamote. tapos, gamitin ang iyong intuition upang makapag-mensahe.)

EMOTERA said...

me narealize ako dito sa post mo - ako iisa lang ang biblia ko sa bahay...di ko pa madalas basahin...kelangan ko magbulay bulay...

redlan said...

Religious ka pala. Buti ka pa nagbabasa ng biblia. Pwede magpalecture ng theology dito? joke.

Holiday nga ngayon, pero nagtatrabaho pa rin ako. OT! Haba ng bakasyon mo. Nagkaroon ka ng mahabang pahinga para sa sarili. Kaya pala, mahaba rin ang post mo.

Kakatawa ng mga posisyon mo o angle para makunan ang sarili mo na may bibit na biblia. Good thing nakuha mo ang perpekto na angle. SI Gerald Anderson ba yan? hehehe

Holy Kamote said...

@ferbert > wag kang mag-bow sa'ken alien-fb. ano ka, kinder? o hapones? pero salamat naman at naalala mo ang huling buklat mo ng biblia. baka nagpapaalala lang yan na buklatin mo daw ulit.

@superym, @lyza, @gyk > amputek! bkt puro cam lang ang napansin niyo? how about my bangs ...este... yung post ko mismo na medyo mahaba? :(

pero, wish ko lang binasa niyo naman ng buo.

sa ssunod di nga ako maglalabas ng piktyurs. bwahahaha.

Holy Kamote said...

@emotera > buti naman at may narealize ka po. kelangan talaga magbulay-bulay. kumain ng gulay. saglit lang ang buhay. baka mahulog sa hukay. cge po ingat, babye.

"if you say you love GOD, you should love his words. and it's written in the Bible. it's more than just a love letter... from God, for you." - HK

@redlan > hindi po ako edukado sa theology o kahit pa sa hermeneutics. holy kamote lang po ako. at biblia ang paborito kong libro.

(gerald anderson?!!) GAh!
ako po yang namimilipit sa pagpwesto at pag-anggulo. teka, natatae lyata ako. n_n

Nadzie said...

i super missed u and i super missed droppin by!=( but its really late here,and im still sick so i need to sleep already, i promise to visit again tom and read ur new entries! mwamwamwa!! =)

xplorasyon said...

bigtime!!!

kingdaddyrich said...

maganda,, maganda ang kamera

McRey said...

Pangarap ko sa Buhay eh matapos pagbabasa ng Bible... para may karapatan na akong tawagin itong Highly Fictional....

Hmmm...
nung bata ako binabasa ko yun, yung binibigay sa amin na version ng bible na may mga illustrations...

Ang saya nun, pambata talaga... pero hindi ko tinapos... bata pa kasi ako nun... pinupunit-punit ko nga at dino-drawingan... hahaha...

Kailan ko kaya matatapos ang bible?

Nakakatamad eh!

Anonymous said...

let us see now...

religious for me are dictated by tradition..

spiritual for me are dictated by one-self and experience..

-davenport

------------

i like the blog. i miss the officemate (bossing) who keep saying 'kamote naman.." ha ha ha

cheers!

aCey said...

hk, hanga po ako na hindi ka nahihiyang magpost tungkol sa bibliya. :)

paborito ko rin ang bible, pero hindi ko po talaga kaya magbasa sa tagalog version kasi mahina ako magtagalog... hehe.

i love the wisdom we can get from the bible, and it amazes me that no matter how many times we reread, we can still get something valuable from it.

i may not be as religious and i may be kind of a skeptic about the truths written in it, but i know can turn to the bible for wisdom talaga. :)

who, personal sharing yun ah!

tina said...

haba. haba ng bangs at ang post hehe. paborito ko sa bible e yung proverbs. pano ba naman yan lagi pinapabasa sa akin everyday ng mama ko.. at pinapa memorize pag na grounded sa cellphone. :) pero nakita ko rin ang kahalagahan at nagpapasalamat sa ina ko.. na.. kahit ginagawang punishment marami akong na-learn.

man, nakaka infect ang tagalog mo.

Holy Kamote said...

@nadzie > blogging and lack of sleep is really an unhealthy combination. well, at least you missed me ...este... my blog. take care.

@xplorasyon, @kingdaddyrich > Hay, Kamera. ikaw lang talaga pinansin. :(

@mcrey > aba, may goal sa buhay. i bet, hindi mo sya matatapos kasabay ng pagsumpong ng iyong katamaran. hindi ka rin magkakaroon ng karapatang tawagin itong highly fictional, kasi nga tinatamad ka. hahaha.

@davenport > i don't adhere in traditions that are obviously illogical and baseless. also, i don't let my own self and experiences to blindly dictate me because i might be bias.

well, let me put it this way, um... "i'm just me. holy kamote." n_n

@acey > naku, nahiya naman ako sa'yo. nosebleed ka pala sa tagalog. mapipilitan na cguro akong mag-ingles nyan. n_n

mas maraming available na english bibles. try mo yung New American Standard Bible (NASB), King James Version (KJV), or basta hindi yung sobrang paraphrased na.

ganun talaga. people tend to be skeptic in things they don't fully understand yet. but in due time, let's hope we can grow in learning and wisdom. the Bible can be a great help.

@tina > wow, everyday! at heto pa, minememorize mo pa pag grounded ka sa cp. hehehe.

impekshus ba tagalog ko? n_n ... mas gusto niyo ba english na lng, my fellow pinoyz?

Dakilang Tambay said...

waaaaaaa.. naingget ako sa DSLR CAM mo.. bigay mo na lang sakin..nakapasa naman ako ng board exam. hahaha..

love ko rin magbasa ng bible. :)

twinks said...

meron din ako bibliya.. pink ang cover.. lol!
di ko alam may side ka pa lang ispiritual HK..
in fairness..ganda ng kuha sa pic.. ng bibliya! wehehe

churvah said...

npdaan po.

ang lufeet ng pose mo..pti ng cam
infairness kinarir tlga..^__*

dati mahilig aqng magbasa ng bible,sa katunayan..sumasali pa aq sa mga religious quiz bee nung elementary..kaya lng, nung sunod-sunod na subukin ang aking faith..mejo na dumistansya aq kay God.

Pero noon un, ngaun..im finding my wack to him na.

i dont read bible pa uli..since the time i can't remember na..the book im currently reading is The Purpose Driven Life.

..for sure babalikan q tong site mo.

churvah said...

what i mean is..
im finding my way back to HIM..

Coldman said...

wow! nagulat naman ako dun!

syet! may DSLR cam!

RCYAN said...

wowowee!!!! Salamat sa pagbisita sa aking blog. Nawa'y hindi ka mahawa ng aking pagkaemotera... ^-^

marian said...

naxs naman.. di ko inexpect ang post mu.. :) hehehe pa mystery effect pa ang pics. nice one.. :)

Mec said...

uhmm...ampogi mo pala pag may camera or Bible na nakakatakip ng mukha mo :D

awiwiwi :p

ay dati super paulit-ulit kong binabasa ang genesis at Exodus... aliw na aliw ako sa pagkakasalang pinaggagawa nila noon... biro mo me orgy, me incest, etc :

i know...i was reading the Holy Book wrong... pero bata pako eh, makamundo pa

bwahahahaha

Anino said...

Magandang gabi,Holy Kamote.

Oo,pinamparikit ko. Hindi kasi maganda ang uling na ginamit ko.Puro abo!Mabilis mag-aso.

Hindi ba alaga pang-ihaw ang bibliya?

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Markova

"Nagpapakatotoo ka na nga,ngunit ang tingin ng iba ay nagbabalatkayo ka"

joice said...

nako sabi nung bata ako wag nga daw tawaging "papa" si Jesus dahil kapatid daw natin sya at anak tayo lahat ni God the Father. kaya noon pa man Kuya JC na ang tawag ko sa kanya.

Abster said...

AMEN! Ibang klase talaga ang mga istorya sa Bibliya. Marami sa kanila libong taon ang pagitan pero nagkakatugma pa rin!

mnel said...

ang ganda ng camera mo. =P

gusto ko yung huling pic. sana lang, walang medyo naka-flip na page. natakpan yung isa mong mata eh. mas okay siya kung kita pareho mong mata. ^_^

jeck said...

magandang post. dati na rin akong nagtanong at nagsaliksik. from catholic to born again to catholic to agnostic to catholic to pagan to born again to muslim to jews to adventist to platonic religious passive christian ang napuntahan ko. hehehehe
basa lang! rak on!

Holy Kamote said...

@dakilang tambay > aanhin mo naman ang dslr cam ngayong registered nurse ka na? pipiktyuran ang mga pasyente? hahaha. ako na lang magpipiktyur sayo. n_n

@twinks > ngayon mo lang pala na-realize na ako'y tunay na kamote at kabanal. hehehe. napaka-girly naman ang bible mo, pink.

@churvah > nabasa ko na rin yung purpose driven life. wala lang. mas fav ko pa rin ang bible.

@coldman > ano nga yung cam mo? 400D rin ba?

@rcyan > ok lang po. hindi ako madaling mahawa. mukhang hindi rin bagay sa isang kamote na tulad ko ang maging emotero. n_n

@marian > naks naman. di ko inekspek na mapapa-nax kita. :)

@mec > wag kang mag-alala. you're not alone who uses the Bible the wrong way. karamihan nga, mas mayaman pa sa ibang politiko at makati businessmen. buwahahahaya.

@anino > oo pare. hindi talaga pang-ihaw ang Biblia. saka kung practicality lang at pagpapakatotoo, maraming pwedeng i-substitute na pamparikit kung walang uling. ang mahal kaya ng biblia! ung diglot nga 600 petot na.

pero kung gusto mo talaga mas makapal, pwede rin yung telephone directory. sabi nga ni pareng erap, "ang dami ngang nakalagay, wala namang istorya." n_n

@joice > Kuya JC. hahaha. soshal!

@abster > amen din.

@mnel > di hamak na mas maganda ka pa sa kahit anong camera DOC MNEL. naks! btw, sinadya ko talagang i-flip yung page. buti eksaktong natakpan yung isa kong mata. n_n

@jeck > konti pa lang yata natanong at nasaliksik mo, hehehe. pero tama ka parekong kamote. basa lang! rak on!

Anino said...

HK: Isa lang kasi ang Direktorya ng elepono namin. EH yung Bibliya ay anim na kopya yata.Maganda ang papel ng Bibliya.Makinis at madaling magsilab.

Kiks Phulumulu said...

in fairness, DSLR ang unang kinumentuhan. nagbasa ba talaga kayo?

ay, nagmaganda ako...

inisip ko kung sino si HK... ikaw pala yon. chowks!

Holy Kamote said...

@anino > anim "yata"? o sige, mukhang sigurado ka naman sa ginawa mo. (o sa kwento mo). nailarawan mo pa nga ang kinis ng papel ng Biblia, kahit pihadong wala kang tiyak na komparison kung alin nga ba ang mas mabilis maningas at magsilab para ipamparikit sa inihaw mong pagkain dahil di mo sinubukan ang iba. Biblia ang 1st option mo para dun. sayang nga naman ang papel ng telephone directory dahil hindi makinis. sayang lalong kung uling.

kung sino man si markova, alalahahanin mo na lang yung sinabi niya. may punto talaga sya dun.

maging praktikal tayo. magpakatotoo tayo. n_n

@kiks > infairness, ikaw pala si a.bba. may sigaw na "MAKIBAKLA!" chowks. salamat sa pagmamaganda at pagbabasa. gusto kita i-link kaso hindi madetect ng google reader ko ang iyong rss feed. bkt kaya?

Anino said...

HK: Si Markova yung bakla na isinabuhay ni Dolphy sa isang pelikula.Si Gil Portes ang direktor.

Mayroon kaming tatlong kulay maroon na bibliya.Maliit lang naman at talagang makinis ang papel.Medyo transparent na nga dahil sa sobrang kinis.

Ang iba pang tatlo ay mula sa ibang grupo o sekta na hindi ko kinuha sa shelf.Itong tatlong ito ay may kalakip na impormasyon tungkol sa kasaysayan ng mga relihiyon; pagbigkas ng mga pangalan sa bansang Tsina at mga simbolikong larawan.


Ano ba ang pagiging praktikal?Maniniwala ka ba kapag sinabi kong hindi uling o kahoy bagkus ay papel ang ginagamit ko kapag ako ay nagsasaing ng bigas o nagluluto ng ulam noong ako ay bata pa?

sara said...

http://www.ebookhelper.blogspot.com/

Anonymous said...

Hi!pamilyar saken bible na yan.JW's ba nagbigay sau?anu pala religion mo?..