2008-02-22

Sino ba si Bob Ong?

Pinoy ka ba?
Writer?
Blogger?
Nagtatagalog?
Malupit ang sense of tumor?
Anonimus?
Misteryus?
...aha, holy ka!...
"BOB ONG, ISDA YOU?"

Minsan ka na bang nakulit/naharass/natorture/natanong kung ikaw ba si Bob Ong? Maraming beses na? Ows, talaga? Aber, ilan? Lima? Wow, ang dami nga! n_n

Akchuwali, hindi ko po kilala si Bob Ong. Hindi kami close. Hindi rin kami open. Kayo ba, magkakilala ba kayo? Gaano naman kayo ka close-open sa isa't isa? Uy friend, magkwento ka naman.

Ipapaimbistiga ko sana sa NBI at DOJ ang real identity ni Bob Ong. Kaso, wala akong tiwala sa pagmumukha ni Sec. Raul Gonzales kung mabibigyan nga ba niya ng hustisya ang hinaing ng sambayanang Pilipino. Kaya naman, ini-hire ko na lang si Detektib Googles upang bigyang katanungan ang aking kasagutan. Medyo magulo nga ang usapan pero matapos naming magkabigayan, binigyan niya ako ng 10 pahinang resulta sa halos 37,700 para sa "Bob Ong" sa loob lamang ng 0.18 segundo! Ambilis na aksyon, napaka-helpful pa ng impormasyon. Salamat sa 37,700 search results. Palagay ko nga, bago pa magpalit ng presidente ang Pinas ay matatapos ko agad tuklasin ang identity ni mistery searchee #1, Bob Ong. Bwahahaha.

Binuksan ko ang folder na may nakalagay in bold letters "C-O-N-F-I-D-E-N-T-I-A-L / T-O-P S-E-C-R-E-T". Napakahusay naman talaga ng naglagay ng label na yun. Sa biglang tingin mo nga, hindi mo aakalain at imposibleng maku-curious kang tignan yun at buksan, di ba? Kudos sa sinomang nakaisip nun. At ito na nga ang mga nalaman kong classified info ukol kay Bob Ong.

Codename: Bob Ong
Alyas: Bobong Pinoy (BP)
Photo: Error 404: Face-Not-Found
Firstname: Spongebob
Lastname: Squarepants
Citizenship: Pinoy
Gender: Male
Age: 40+ x+y = n
Profession: Writer
Email: bobongpinoy@gmail.com
Books' Website: http://visprint.net/publications/bob/
Books' Fansite: http://www.bobongbooks.com/
Friendster Account: http://profiles.friendster.com/16060984
More Info: Unknown
(bahala na kayo kung paniniwalaan niyo ang mga info na ito. ahihihi.)


Sa unang tingin ko, yung pangalang 'Bob', parang tunog kano. Yung 'Ong' naman, tunog chekwa. Pero pag pinagsama na, 'Bob+Ong' ... +Pinoy na Pinoy nga, walang duda!

So far, yung "ABNKKBSNPLAKo?!" PLNGNBBSKo. Yung "Baliktad na Libro" ay di ko natapos dahil kinuha na ulit ng may-aring masungit.

Nung nakaraan nga na nasa Pambansang Bookstore (PB) ako para bumili ng paborito kong Artline Pens, nakita kong may itinitinda din palang books dun. Nagulat naman si ako, dahil hindi ko inekspek na may tinda ring books sa store na yun. (The same obvious reason why you can't expect to avail a pen in Penshoppe, duh!)

Sayang nga at nakaplastik yung "Libro ni Hudas" ...este ni Bob Ong. Gusto ko sanang silipin ang nilalaman kaso wala akong pambili. So, tumingin na lang ako ng mga laruan (yeah, there are toys in bookstore, kayah. duh!). Nagandahan ako dun sa nakita kong rubik's cube na gawa ng East Sheen. Nagkataong may bukas ng box kaya naglaro muna ako. (Note. hindi ako yung nagbukas ha.) Kumpleto na rin sila ng itinitinda mula sa 2x2x2 hanggang 5x5x5 = ?. Tsaka, hindi ito kasing sikip at kasing bigat ng original rubiks. At mukhang hindi rin madaling kumupas o mabakbak yung kulay. So, theoretically speaking, mas mabilis kang makakabuo.

Buti pa nga ang PB may tindang ganun. Yung inaasahan kong Toy Kingdom, WALA TALAGA! Yung natanong ko ngang staff ay clueless kung ano ba yung binabanggit kong rubiks. Kelangan ko pang ideskrayb ng todo at mag-sign language bago niya na-gets at sinabing "aha, yung puzzle!". (Grabeh, napaka-broadminded niya! Ang dami kayang klase ng 'puzzles', sus.) Pero naudlot din yung eksaytment ng sabihin niyang, "ay, wala po kaming ganun, sir."

Therefore, umuwi akong artline pen lang talaga ang nabili ko. At wala rin naman akong sobrang pera pambili ng kung ano-anong anik-anek pa. Tanggap kong mahirap lang naman ang Pilipinas. And also, mahirap din ako. Ewan ko nga bakit nasa bansa pa natin ang pinakamalaking shopping Mall sa Asya.

Ang Pilipens... sosyal... umaakyat... (social climber ampfootah!)

Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?

Ikaw, alam mo na ba ang sagot kung bakit ka baliktad magbasa?



(PSsst. Baka may mga libro ka ni Bob Ong, pahiram na lang. Pramis, isasauli ko din ng maayos at hindi ko dodrowingan.)

Sinsero,
Holy Kamote

77 comments:

Noime said...

HAHAHA. hindi rin kami close ni Bob Ong. Hindi pa ako nakakabasa ng libro niya, mas gusto ko pang basahin ang mga entries niyo kesa libro niya. HAHAHA. :P

xplorasyon said...

sa 3 taon ko sa saudi (the land of mafi mok) bansa ng mga bobo at tanga un ang unang una kong librong nabasa napakasaya , nakakatuwa, nakakaaliw, makatotohanan at higit sa lahat may aral... parang ikaw IDOL!!
ipagpatuloy m lang yan!!!
ingat poh.....bwisit!!1

mnel said...

adik ka HK. =P

may libro ako ni bob ong. yung ang paboritong libro ni hudas. hehehe. fun read. =P (mang-inggit ba?)

Holy Kamote said...

@noime > na-curious kasi ako kay bob ong. lagi kasing nababanggit name niya. parang tuloy isang obligasyon o requirement sa isang blogistang pinoy ang makilala o makabasa man lang ng libro niya.

@xplorasyon > sige ingat din poh....bwisit!!!

@mnel > hindi lang ako adik. inggitero pa! oist... pahiram naman. nde mo nmn cguro paulit-ulit na binabasa yun kahit nabasa na. hehehe, yun ang adik.

karmi said...

dahil idol ko talaga si ginoong bob, kumpleto ko lahat ng libro nya.. =) hehehe..

galing talagang writer si bob, siguro dumaragdag sa kasikatan nya ung pagiging anonymous nya... hangga't anonymous daw kasi sya, pwedeng-pwede syang magsulat ng tungkol sa kahit na ano..

bili ka na ng libro nya.. 6 na un eh.. =) di ka magsisisi...

bulitas said...

abot kaya namn mga libro ni kuya bob. haha. or punta ka ng powerbooks.pwede magbasa-basa dun

Mel said...

mabait ang publisher ni bob ong, hindi siya pinigilan isulat ang mga nasa libro nya...

parang pol medina, drowing-less lang...

pero mabait daw si bob, pilipino sza eh

bakit baligtad magbasa nglibro ang mga pilipino? KASI PASAWAY TAYO

apir

McRey said...

Ok...haha...kamotepala talagayangnasa header mo?!

Ang dilim kasi ng monitor ko sa bahay kaya mukkhang ebak yung kamote...

Hehhe

Parang gusto ko na nga palitan ang music eh...may request ka ba?!

sweetpea said...

Halo, doing my rounds today and checking what's new here.

Jazmine said...

Whoah. Ang ASTEEG ng blog mo!

Bob Ong? He's a fun guy. LOL! Pano nalaman? Parang kilala ko eh noh? How I really wished na magpakilala yung dude na yun sa public.

It's fun to read his books. Nakakarelate yung mga estudyante sa mga kalokohan nya. Especially dun sa "ABNKKBSNPLAKO?" na book nya. I love heerrmm. <3

jamie said...

hahaha.. may bagong book na ba si bob ong?

manang said...

nabasa ko na lahat ng libro ni bob ong. lagi rin akong nagrereklamo na walang kwenta yung binabasa ko pero binabasa ko parin. pati yung mac art hur na libro nya nabili at nabasa ko narin. feeling ko mas magaling akong magsulat sa kanya at makakapaglathala rin ako ng mas magandang libro. kaso ako ay tamad.

wag mo sya masyadong dibdibin okay? nahahawa ka na sa writing istayel nya.

rakenrol.

Holy Kamote said...

@karmi > 6 na libro? magkano naman lahat yun? grabeh, ang mahal! ay di mo pa pala nasasabi, wahehehe.

@bulitas > oo nga. abot kaya natin yun? wala bang presyong estudyante at pang senior citizen? n_n

@mel > close kayo ng publisher niya? :P apir

@mcrey > ilang beses ka na dito? ngayon mo lang napagwari ang header kong kamote. hehehe.

cge, request ako ng music. ummm, can i also greet my friends namely ... n_n

@sweetpea > so, how's your checking?

@jazmine > ASS-TEEG! <3

@jamie > check mo yung binigay kong links.

@manang > hindi ko po dinidibdib si bob ong. duh! hahaha.

Meryl said...

Bakit hindi mo kilala si Bob Ong? Hehe. Meron ako noong first three books niya... pwede kita pahiramin. Haha.

Masaya magbasa ng books ni Bob Ong, comedy pero madami kang mapupulot na aral. Haha.

wanderingcommuter said...

nagtapos si bob ong sa up diliman. subalit kahit ang mga propesor ay walang nakakakilala sa kanya...mahiwaga...paano kung siya pala ang sinasabi nilang 'god'? hehehehe

FerBert said...

di nga wala kang book ni bob ong?
mula sa Abnkkbsnplako mula sa mcarthur meron ako..

mga limang tao na nagsasabi na Bob Ong junior daw ako, sabe ko naman nakakahiya naman sakin na icompare ako kay Bob Ong.. lol

joice said...

nako dati master ko yang optic chorva na yan. peyborit ko kase ang lenses sa physics.

yung mga libro ko ni bob ong.. hindi ko na alam kung nasan na. sensya na hindi na kita mapapahiram! hehe

Holy Kamote said...

@meryl > bakit kilala mo ba si Bob Ong? hehe. gustuhin ko mang basahin yung books niya, wala akong pambili. wala na din yung dating nagpahiram sa'ken.

@wanderingcommuter > sino yung "nila" na nagsasabing god ong siya? kasali ka ba dun? hehehe ..."godong pinoy"... ang pangit ng tunog.

jenny said...

Bob Ong? di kmi close-open nun! Never ko pa nadinig yung name (after reading this doon ko na lang narinig/nabasa) haha..anyway,bkit sobrang interesado sa book niya? I'd rather read your blog than his. atyka, libre yung reads mo, sa kanya you hve to pay. haha..PEACE!
btw,okie lng po ako... :)

aCey said...

hey, i was thinking of sending you my bob ong books when i read this. it's just that i already gave all of them away. hehehe. :(

Bulaang Katotohanan said...

2 libro na lang ang kulang ko ! mwahahaha!

kahit abot kaya ang libro niya di pa rin ako makabili! dukha dukha!

LA LOPEZ said...

Uy, ngayon lang ako nakadaan dito ulet ah.

Nice post kamote!!! Napangiti na ko nito na kasing laki ng ngiti ni Dakilang...

Sa tinagal-tagal ko ng naririnig yang Bob Ong na yan eh sa awa ng diyos eh wala pa kong nababasa ni isang libro niya, o kahit kalahati.

Tsk... Loser talaga ako....

Anonymous said...

kilala ko si pareng bob, simple lang sya. payatot, at ordinaryong tao rin katulad natin, hindi sya kakikitaan nang pagigiging isang manunulat unless akakausap mo sya, malalaim ang bawat pananaw nya sa atin, lalong lalo na hnggil sa ating lipunan. ayos sya! tama nagtapos sya sa up diliman sa kursong creative writing, at ilang setalye sa libro nya tungkol sa kanaya ay hindi totoo. gawa-gawa lang nya, hindi rin totoo na konti lang ang nakakakilala sa kanya, meron na ring ilang kabatak sa larangan ng panulat ang nakakilala sa kanya, dumadalo rin sya sa ialng pagtitipon o seminar sa pagsusulat, member din sya ng thefilipinowriter.co, at meron syang blog na hook na hook sa kanya(pero secret lang yun) nagkamit na rin sya ng ilang blogawards. kompleto rin ako ng libro ni BO,nabasa ko na lahat, katulad nga ng nasabi nya na pre-requisite daw ang kanyang libro bago ka matutong magsulat. hindi ko alam kugn totoo o biro lang yun, pero in some reason pwedeng totoo. sya nga pala HOLY KAMOTE, yong estayl mo sa pagsusulat parang katulad ng staly ni BOB ong, bilang isang mambabasa ng bog mo, bibigyan kita ng ilang kuro-kuro, una bawasan mo ang pagiging pilyo tama lang ang magbigay ng ialng kakatwang senaro pwero irelate mo pa rin ito sa pwedeng kapulutan ng aral ng readers, pangalawa mag-isip ka ng ibang stayl na malayo sa ibang stayl ng ibang manunulat, wag maging cliche ang stayl at wag maging passe mahirap gawin pero masarap matutunan.nakalimutan ko ri sabihin, sa intenet nagsimula si bob ong, malay mo balang araw maging katulad ka rin nya. isang sikat at magaling na manunulat pagdating ng araw (pero wag mo ng itago ang yong identity, gasgas na kasi). umaasa akong balang araw makilala kita ng personal, kung gusto mong madagdagan ang iyong kaalaman sa literatura at panitikan, visit mo to wwwpenster.fyi.ph. HINT ABOUT BO: sikat din sya sa internet ngayon!

Euri said...

Hehe! 2 palang na libro ni Bob Ong nabasa ako. ABNKKBSNPLAko?! chaka yung Ang Paboritong Libro ni Hudas.

Tapos, ikaw ba yang nasa avatar mo? ^^;

Holy Kamote said...

@ferbert > ows, 5 times? sakto pa sa banggit ko. hehehe. palagay ko nga, mas marami pa ang naging biktima, napagkamalan, at naikumpara kay bob ong. ayaw lang sabihin. n_n

Holy Kamote said...

@joice > hindi mo na alam kung asan? nawala? nag-ulyanin? hehe

@jenny > oo nga naman. libre magbasa dito. wala pang adcent$.

@acey > hey, i was thinking of you too while you were thinking of me sending your bobong books. pero dahil napamigay mo na lahat, ok lang yun. n_n

Bakit baliktad ang piktyur ni Acey? --- hindi ko pa rin alam. hehehe.

@bulaang katotohanan > pareho tayong, dukha! dukha! dukhahaha!

@la lopex (aka igno) > loser ka na rin tulad ni marinao. tisk.tisk.tisk.

@euri > Hehe! opo. wow naman ako sa new avatar mo! n_n

Holy Kamote said...

@anonymous > may identity naman ako ha -- ako po ang inyong lingkod na walang tungkod, "Heych-Key". pero wag ka pong mag-alala, hindi pa gasgas ang pagtatago ng identity o yung anonymous. katunayan, ginagamit mo pa rin po. hehehe.

saka wala po akong ginagaya/balak gayahing istilo ng pagsusulat. impakt! hindi nga ako manunulat. basta kung ilanmang kiti-kiti ang lumalangoy sa kukote ko, yun lang ang kaya ko. mas mahirap pong manggaya ng personalidad ng iba. at mahirap baguhin ang natural.

umaasa din po akong makikita kong personal ang aking mga iFRIENDS, iFANS, iCRITICS at iWAN ko kung kelan yun.

salamat po ng marami. asahan niyong marami kayong mapupulot dito lalo kung marunong kayong magbasa ng diwa at hindi lang letra... LrIeNaEdS

pero gaya ng madalas kong babala dito:
ingat po sa pagpulot, dahil hindi lahat ng kumikinang ay ginto.

meron po talagang mga aral dito na sagad hanggang buto, kaluluwa, pati espiritu.

pero kung sabaw lang sa ibabaw ang mahihigop niyo ... at least sana, napangiti/napatawa/napautot ko kayo. yohohoho!

R E J N said...

hahaha. wag mo naman lahatin ang mga pinoy na baliktad bumasa.hehehe. di kaya lahat. :]
btw kuya i already linked you.

thesocialcritic said...

sa lahat ng libro niya, yung paboritong libro ni hudas pinakamaganda. pramis. may kakalabas lang siyang bago last year eh. macarthur. un try mo. 100 na lng un. :D

kim said...

kung hindi pa kme nirequire sa artap na mgbasa ng libo ni bob ong, hanggang ngaun sana d pko nakakabasa ng libro nya

my-so-called-Quest said...

astig si bob ong! fave ko ung abnkkbsnplako... hehe. galing2x!

sabredge said...

Obsessive-compulsive kasi 'ko kya takot ako sa comments, alam mo na, yung hugas ng hugas ng kamay tapos bukas sara ng bintana, yung ganun. Kya ako edit ng edit. Horror ba.

Salamat sa pagbisita sa blog ko, HK. Nagka-sentient being din dun.

So, uh, are you Bob Ong? (Sino ba si Bob Ong? Related ba yun kay Charleson?)

kingdaddyrich said...

ilang beses na rin akong tinanong niyan.. hay nako.. si bob ong lang ba ang marunong magsulat?

basta ako marunong ako mag type.

:**: neri.grace :**: said...

offtopic:tenks fer visiting my site... link x tau huh ?? like ur blog ^^ txeeee..mwuahhh

Holy Kamote said...

@rejn > hindi po ako ang nagsulat ng libro na baliktad magbasa ang mga pilipino. n_n

@thesocialcritic > pareho kayo ng paboritong libro ni hudas .. hehehe

@kim > ows, required senyo? ano yung artap?

@msc-quest > ok na rin, kasi yun pa lang nabasa kong buo.

@sabredge > sino naman si charleston? hehehe.

@kingdaddyrich > isa ka rin pala sa nabiktima ng mistaken identity. n_n

sabredge said...

Si Charleson? (Or baka nga Charleston, kalimuts). Di ba kamag-anak ni Bob Ong? Scratches da head. Tama na nga 'tong walang kabuluhang comment ko, nadawit tuloy si kingdaddy-oh XD.

But now I'm sure hindi po kyo si Bob Ong, HK... Naubusan na ko ng witty repartee.

Holy Kamote said...

@sabredge > akchuwali, your repartee has effectively made me smile.

oo nga pala, nagustuhan ko name mo ... sabre + edge

potatomaniac said...

holykamote! antagal ko na palang hindi nakabisita,nagbasa at nagkomento dito!

n_n

Anino said...

Baka naman ikaw si Bob Ong?

superym said...

hahahaha!
di pumasok comment ko dito.

@ anino - baka nga siya.
o baka yung anonymous na nagcomment e siya si bob ong.

@ HK -either way, i agree sa nagsabi na may pagakaktulad kayo ni bob ong sa estilo ng pagsulat. pareho kayong nakakatawa.

yuriyuana said...

idol na idol ko rin yang si bob ong. napapatawa nya kong mag-isa. napapagkamalan tuloy ako dati ng prof ko na may topak na sa ulo. hehe! nakakatuwa din mga entries mo. kaya pabalik-balik din ako sa page mo. uyyy! hehe!

Holy Kamote said...

@potatomaniac > antagal na nga. san ka nagpunta?

@anino > baka tayong lahat ay mga bobong pinoys!!! ayan, para matigil na ang turuan. wahahaha.

@superym > absent ang comment mo? pumasok naman ah. n_n

@yuruyuana > susko. habang nasa klase ka yata nagbabasa e. dinig ba ng buong klase ang halakhak mo. n_n
istayl ko naman, quiet lang. soundlessly sleeping.

the goddess said...

kuya! fan ako ni Master Bob Ong. ahaha. Da bestest siya! Swak! :D

Holy Kamote said...

@goddess > da bestest ba? swakhakhak! n_n

cno nm ang bester mo, saka best?

the goddess said...

di ko pa nahanap si da bester. si da best, ako yun. wala ng papalag sana, kelangan ko talagang sabihing da best ako para mabuhay,. heheheh :P

pen said...

kompleto ako ng libro ni BO. pinaka gusto ko ung mcarthur na ni-launch sa italianis sa timog.. a must have collection.

Abster said...

Ako...ako ang isa sa mararaming nagbubukas ng nakaplastik na libro sa Pambansang Bukstor.

...pero hindi ko tinutupi o ginugusot ang mga pahina at lalong hindi ko dinodrowingan.

Pramis.

RCYAN said...

gutom na ko! pengeng kamote!!!! ^0^

RCYAN said...

gutom na ko! pengeng kamote!!!! ^0^

dana said...

ahh, si bob ong. oo, si bob ong. si bob ong nga naman. hay, bob ong. bob ong talaga. alam mo, close kami nun.. :D

psst. HK, pa-link nadin. :D tnxxx :]

Holy Kamote said...

@goddess > great! that's optimism.

@pen > adik fan ka! mukhang andun ka pa mismo sa book launching sa italianis. hahaha.

@abster > ikaw pala yun! hahaha.

@rcyan > sorry ma'm. out of stock na po kami. ahihi.

@dana > aha! close pala kayo ha.

pb said...

lahat ng libro nya meron ako. hehe.. kaso sensya napo, hindi nako nagpapahiram simula nung 4 na libro ang hindi na isinoli sakin. saka maraming paraan sa madaling problema. hehe. dami pa dyan.. makihiram ka nalang o kaya basa ka mismo sa bookstore.. nyahahahahahahah.. yeah

dyosa said...

naku, madami akong libro ni Bob Ong. paborito ko kasi sya eh. palagi akong pinapatawa hanggang sa lumuha ako. hehe. :-)

ginoalmighty said...

haha meron ako ng lahat ng libro ni bob ong. hinihintay ko nlng lumabas bago nyang libro hehe kelan kaya yun?
kulets mo <3

sara said...

http://www.ebookhelper.blogspot.com/

hector_olympus said...

i like your blog about BO.

maaaring makasalamuha si bob ong sa bobongpinoy yahoogroups. yun nga lang, madalang pa sa pitumput pitong puting tupa kung magparamdam sya sa list.

anyway, malapit nang lumabas ang susunod nyang libro. :)

Anonymous said...

takte gus2 q bumili ng ibang books ni Bob..actually bumili lang aq nun dahil utos ng prof namin sa fil.1 d q alam bakit kalahati daw ng final exam namin eh manggagaling sa book nitong si Bob..pro dahil nbasa q na ang stainless longganisa ayun gus2 q na bilhin lahat ng natitirang 5 libro...na curious kase aq sa laman..sana may mahulog na pera galing a bulsa ng nanay q para makabiili aq ng libro ni Bob!haayy buhay!

jho said...

takte gus2 q bumili ng ibang books ni Bob..actually bumili lang aq nun dahil utos ng prof namin sa fil.1 d q alam bakit kalahati daw ng final exam namin eh manggagaling sa book nitong si Bob..pro dahil nbasa q na ang stainless longganisa ayun gus2 q na bilhin lahat ng natitirang 5 libro...na curious kase aq sa laman..sana may mahulog na pera galing a bulsa ng nanay q para makabiili aq ng libro ni Bob!haayy buhay!

yienaecee said...

hi!holy kamote! my 3 books ako ni bob
ong...gusto mo hiramin....nung mbasa nmen ng frend ko blog mo,,un ang strt na crush kna nmen...hehehe....number mu nman :+)

Anonymous said...

6 na pala libro nya! tatlo pa lang nababasa ko eh.

wolplawer_prinses said...

nakakatawang parang nagiging national hunt ang identity ni bob ong,,nakakatawang karamihan sa tin ay hook na hook sa may akda..pero gaya ng madalas ko sabihin makikilala mo ang isang tao base sa gawa niya kahit di mo na ipgsigwan ang pangalan niya..
lahat tayo ganito kahit ganu tayo kagaling magtago ng pagkatao,,pag nagsulat ka na di mo maiiwasang maipakita sa lahat kung sinu ka talaga..
ang pagsusulat ay hindi isang talent..ito ay PAGKATAO..
hindi na mahalaga kung anu nga ba si bob ong..kung payat ba xa o mataba,,kung mayaman o mahirap..kung long hair o parang geek..ang mahalaga binibigyan niya ng boses ang hinaing ng karamihan..

ang mahalaga ginigising niya ang kamalayan natin sa sarili nating bansa..

at kung lahat lang sana tayo ay tubuan ng pakialam siyento porsyento magbabago ang takbo ng pilipinas..

tama siya tutubuan ka ng konsensya n dati ay wala ka,,dahil pag nabasa mo ang kanyang mga akda..magigising ang dugo mo bilang pilipino..

wat if we vote bob ong as th next president?sigurado riot!haha!! to bob ong:bat wala pa akong makitang macarthur???!!!!!

Tasyong Lakbay said...

Ang pagkakaiba ni BO sa ibang manunulat is nagsusulat siya para sa mga nangangailangan kahit isang kusing wala siyang tinatangap sa napagbentahan ng libro napupunta ito sa sarit saring mga foundation worthless naman ang pag bili ng libro kasi nagising kana sa katotohanan nakatulong kapa sa mga taong salat sa kahirapan. Minsan nga naihahalintulad ko si BO kay Dr. jose rizal. Alam niyo kung bakit? Parihas nila tayong ginising sa tama. Yan si BO kaya idol ko yan e. Try nyo basahin ang macArthur ni BO. Yun na ata ang pinaka magandang nabasa kong istorya nakakaiyak at nakakatawa.

Adyos!

Anonymous said...

hey! astig ka. hahaha. wirdo ktulad ko. mgaling mgaling. :D pgpatuloy mo. bgay tyo, seh! ingat

Anonymous said...

†secretor† said..... aun oh di ko xia kilala pro idol ko xia nkakakuha anko ng pambanat eh!!! hahaha kaw holy kamote nkakatwa kdin bgyan kta ng sweet potato award ur is here ayan!!! kamote-q pizzz gling mo din hun>???? ngaun ko lng nkita e2ng website mo pwde ba??? mkigulo!!!! hahaha n_n†

Anonymous said...

parang bob ong

Anonymous said...

astig si bob ong habang pinapatawa ka naiisip mo totoo nga gago tayo pero astig at mas gusto ko pa rin sa pinas basta hindi ka sobrang batugan di ka mamatay.

alemephiles said...

hahaha.sYET TLGA!cnusubukan ko rn tlgang hanapin c bob ong d2 sa internet pero wla tlga e..nastress lang ako kakahanap..ayyy sa awa ng diyos e nabasa ko na lahat..puera lanng sa Mcarthur..di ko tlga tinuloy,.puro mura e..Good girl ata toh..hahaha wuju?..medyo magaling ka din magsulat (pramis!)nahahawig na rin kay bob ong.actually.sa panahong toh e hinhanap ko ang pagmumukha ni bob ong..swerte at nakita ko toh at napadaan at aun natapos kong basahin ibig sabihin isa kang magaling na manunulat.Oha!un lng tuloy lng.!

Anonymous said...

atsaka w8..mgaling ka sana..pero sa sobrang pag-iidulo mo sa kanya e pati ang istilo ng pagsusulat niya e inidulo mo rn!sesya na tlga..pero ang pagsusulat nio ay parang iisa na...Nabasa ko na lahat ng libro ni bob ong..kulang na lng e makagawa ka ng sarili version ng libro ni ___un nga .cguro..mas masarap sa pakiramdam na magsisimula ang pagckat mu bilang blogger sa pamamagitan ng sarli mung istilo.(wag maglit..hehe)peace tayo ...un lng gud day!===>(MAhal ko c bob ONG)wooh!Idol!hehe

ayen said...

hahahahaha!!! may girlfriend ka na ba? teka, lalake ka ba in the first place? naloka ako sa explanation mo kung bakit tayo baliktad magbasa ha.. hahahaha

Anonymous said...

hehehe..ang galing mo nmn un nga lng habang binabasa ko ung gawa mu pakiramdam ko c bob ong parin ung nagsusulat,,eniweys,,magaling ka parin..un un eh...
ntutuwa ako sa mga tulad nyo kasi kapag ngbabasa ako ng mga blog ng tulad sainyo na patungkol kay bob ong o katulad ng ginagawa ni bob ong,,pakiramdam ko kaharap ko lang kayo at nakikipagkwentuhan sa akin,,,,hahahahahaha

rhen said...

hindi ko masyadong kilala c bob ong .............????????? pero bakit ang daming mga tao na sadyang humahanga sa kanya ???? cguro dahil naring ipinanganak syang magaling sumulat...????? d na nakakapagtaka un dba?????? Sa sobrang paghanga na nga ng iba nanggagaya na cla ........

hay naku buhay nga namn..... bihira ang original lahat halos lahat photocopy na....... magkakaiba lang ng pagakakakopya ...........

ang hirap sa mundo nakakapagod na ngang maging tao ang dami pang gud2ng pumalit sau........

bakit ganun ??????

rhen said...

d lahat ng gus2ng sumikat ........ nagiging sikat ......... d lahat ng matlino laging panalo............

rhen said...

d lahat ng gus2ng sumikat ........ nagiging sikat ......... d lahat ng matlino laging panalo............

Anonymous said...

nabasa ko na karamihan ng books na gawa nya..yung ABNKKBSNPLKO gnawa pa naming book review nung high school ako, imagine?ngwowork na ko ngayon ngbabasa pa din ako ng mga books nya..my friend ako na ka-alma mater nya(sana totoo) si Bob Ong, try ko daw iadd sa FB at maya mayang onti naka-Block na ko sa taong yun..kung gusto nyong malaman kung sino sya..pwes!!hindi ko sasabihin..papatayin ako ng fren ko pagnakataon hehe..basta lahat ng libro nya my sense khit paminsan sensitibo at tumutukoy na sa lipunan..ayun lang ! : )

404 Not Found said...

..HA.HA.HA...hindi ako natawa sa mga corny metaphors mo...kung bbsahin yan ng mga mabababaw ang kaligayahan...malamang sila magiging suki mo...ano un trying hard ka lng sa pagpapatawa..???..kung ipapasa mo yan sa isang publisher pra i commercialize yang blog mo...100% sure n ipupublish niya yan sa dumpsite ng payatas para basahin ng mga basurero.

tagahayag said...

may nasusulat po ba kung bakit ang pambansang bookstore PB ay may tindang laruan pero ang Toy Kingdom walang tindang libro?

pakisagot po! (Scoring: Kasa ng shotgun na nakatapat sa noo mo!)

Michelle Fernandez said...

Hello!!!Idol ko talaga si bob Ong the best kumpleto ako ng mga books niya...anyway plssss lang po pakiclick ang link sa ibaba for part time lang po hehehhe

http://TaskSheep.com/?id=jsmyll_089