2008-02-08

Go, Go, Kamote Rangers

Nais ko nga palang ipakilala ang mga repapips kong bumigay na ...ehem... nabigyan ng kakaibang superpowers upang lipulin ang kasamaan, katangahan, at iba pang katarantaduhan. May intelligence report akong natanggap mula sa isang not-so-intelligent asset, na may iba pa silang balak lipulin bukod sa mga nabanggit ko na, pero saka ko na lang irereveal kapag kumpirmado na.

Sila ay mga ordinaryong tao na may extra-ordinaryong kalandian. Talaga namang nagpasadya pa sila ng costume sa ngalan ng katuwiran. At umeport pa sila sa isang photoshoot at sabay-sabay na pumose ng high-jump. Kitang-kita ang kanilang anti-gravitational prowess! Ambelibabols!

Napagkasunduan nilang tawagin ang kanilang grupo na BAYOTMAN. Ngunit dahil sa isyu ng patent laws, napilitan silang baguhin na lang into BAOMAN. Natuwa naman ang mga hitad dahil nagkaroon na sila ng manager na nagpaplanong pumalit sa timeslot ng ZAIDO-BACATZ. At alang-alang sa kinabukasan ng mga batang maaaring makapanood nito sa tebelisyon, ay nananawagan akong ipanalangin niyong wag sana iyong matuloy. Maawa kayo sa mga musmos at murang isipan ng mga bata!

Sa ibang dako naman, may namumuong alimuong at chismax na ang mga kamote ay magkakaroon na rin ng superpowers at costume. Buti na lang at walang pondo at gustong mag-sponsor sa aming grupo para magpatahi pa ng costume. At isa pa, kakaunti pa lang kami. At hindi pa rin kami nakakapagmeeting ukol dyan.

KAMOTE RED (alyasRedHotSilly-Jeck) http://jeckyll27.wordpress.com/
KAMOTE BLUE (alyas KamoteForce-Clarence) http://cycle.blogs.friendster.com/
KAMOTE BLACK (alyas SuperKamote) http://superkamote.com/
KAMOTE WHITE/VIOLET (alyas HolyKamote) http://don'tclick.akonayun!/

Aapat pa lang kami. Puro barako pa. Kelangan may chikabeybs man lang.

Basta kung cute gurl ka, kahit walang kinalaman sa kamote, o kahit walang talent pero nagba-blog pa rin, mag-apply na agad sa posisyon na KAMOTE PINK. Kung may iba pang gustong sumali (either, boy-girl-bakla-tomboy), don't worry dahil madami pa namang natitirang kulay, at hindi kayo mauubusan. Hindi rin limitado sa five members. Parang Pokemon lang. Wantusawa. Kahit ilan. Ikaw bahalang pumili ng kulay mo — GREEN, ORANGE, BURGUNDY, FUSCHIA, BURNT SIENNA, VERMILLION, PERIWINKLE, ZINNWALDITE, etc. etc.

Anong pang hinhintay mo? JOIN NA! kulayan natin ang blogosperyo.

Mangyari po lamang na mag-iwan ng komento, piktyur, o ichat ako sa Chat Me on YM YM:[holy.kamote]

Sinsero,
Holy Kamote

32 comments:

thesocialcritic said...

time space warp ngaun din!
taena.tawa ko ng tawa.

Cheryl said...

LOL...

ngayon ko lang na realize... ako na siguro pinaka engots sa world... kala ko talaga na:

"potato"/patatas - HILAW na potato
"sweet potato"/kamote - HINOG na potato kase sweet... haay...

haay... tapos hindi pala sa tree nag-grogrow ang potato.. sa lupa pala.. gush!

buti nalang i stumbled on this blog.. daming learnings...

and nacurious na din ako sa ibang veggies.. hindi pala same ang lettuce at pechay!

noime said...

pwede ba akong maging bahagi nito?
haha.

Igno said...

Putek.. hahahahahaha.. nice 1 kamowte...

Holy Kamote said...

@thesocialcritic > isa kang zaido. time-space ... wapak! n_n

@cheryl > napatawa mo talaga ako ha. =))

@noime > ano kulay bang gusto mo?

@igno > sali ka din igno? available pa nga pala ang YELLOW. samplawer. n_n

jeck said...

wahahahaha! astig! walang binatbat ang bakat trio ng zaido. malapit nang makumpleto ang lineup natin. sana nga may chickababe na mapabilang..ahahahaha!

kudos to you white kamote! pinasaya mo araw ko! hahahaha!

KC said...

Takte..tawang-tawa naman ako sa costume ninyo. Abangan nyo, baka lumabas na si Okiramba.

berlai said...

nilink po kita.

akala ko yung sa rushtv haha yung sa FEU

berlai said...

nilink po kita.

akala ko yung sa rushtv haha yung sa FEU

FerBert said...

dameng kamote sa blogosphere.. tsktsktsk.. wala pa akong kasamang elyen.. ako na lang kaya maging villain nyo... :D

joice said...

violet kamote? diba ube yun?

anu ngang english ng ube?

noime said...

ano pa bang libre jan? dun na ako. wag lang kolor orenj ah! :D

Coldman said...

may mga bago na palang kulay, ang hirap pang espelengen. =)

go! go! go!

Posh Probinsyana said...

HAHAHA! Ang cute nyo naman!

XienahGirL said...

ako pwede ba?
:|

joice said...

suggestion ko: kamote periwinkle

kingdaddyrich said...

anong significance nung bao sa tiyan!

ha hah ah...

seryoso ba yan..

baka kailangan ninyo ng kuma le ar!

rukee said...

Di ko ata kelangan ng extra genitalia:

LOL. Lunes na Lunes pinapatawa nyo ako. LOL

ginabeloved said...

HAHAHA kina career nyo na talaga ha
congrats!!!

Holy Kamote said...

@jeck > kamote red, pili ka na nga dito sa mga nag-aaply.

@kc > oki ram po na rumabas si okiramba.

@berlai > ano yung rushtv?

@ferbert > ikaw na lng yung robot. tapos alien pa. asteeg!

@joice > siret na.

@noime > kahit anong kulay? mahirap yata yung. :P

@coldman > coldman, bioman, baoman. wow, iisa apelyido niyo, man!

@posh > hindi po ang mga kapita-pitagang kamote-rangers yang naka-costume. ibang lebel po kami. ayaw namin sa mga baduy na costumes. at pag wala talagang mag-sponsor, malamang ay hubad na lang.

@xienah > alam ko na ang bagay na kulay sa'yo. KAMOTE BURNT SIENNA, transformed! n_n

@joice > as you wish. KAMOTE PERIWINKLE, transformed!

@kingdaddyrich > yung bao daw signifies justice. bkt? malay ko.

@rukee > balik ka lng lagi. at baka paiyakin naman kita. waaaaah!

@ginabeloved > ayaw mo bang maging career ang superhero? madaming incentives yun. accredited ka pa ng AFP, PNP, NBI, FBI, at pati Justice Leage. magkakaroon din tayo ng mall tours, atbp.

Anino said...

Bakit parang hindi naman mga kamote ang nakakabit sa kanilang mga kasuutan?Parang mga bao ng niyos.Yung sa mga maglalatik?

arjay said...

babay na sa mga ZAIDO, haha!

your doze of twinkletoe said...

pakshet ah! lol! pwede pa isang member? di ko kinaya... naiihi ako sa kakatawa! lol!

Posh Probinsyana said...

hahaha. soryy. akala ko kayo yan. hahahaahah! pero, yeaah, mas cute siguro kapag hubad. LOL

Holy Kamote said...

@anino > alam ko kung bakit? dahil hindi mo binasa ng buo yung post ko. hehehe.

@arjay > buti naman at nagpaalam na nga ang mga zaido-bacatz.

@twinkletoe > pakbet ah! lol! pwedeng-pwede pa magpamember. kaso wag ka iihi habang nakikipaglaban tayo sa mga kampon ng kadiliman ha.

@posh > mukhang hindi rin uubra na wala kaming costume at hubad na lang. naharang po ng mga kampon ni mtrcb laguardia ang aming malinis at dalisay na adhikain.

McRey said...

lols

Gusto ko rin sumali...

pwede ba ang neon green? o kaya naman mint green? Yung parang i-cool.

Wahaha... yung nakakasilaw sa mata... para talo kaagad ang kalaban!

:)) said...

FUNNY HAHA

Holy Kamote said...

@mcrey > neongreen. ayos yun. parang costume ng mmda/traffic enforcers.

@:)) > yor cho fany. haha

xplorasyon said...

letche para akong tanga d2 tawa ng tawa!!!
isa kang asteeg!! henyo!!!
kip it up!!

Holy Kamote said...

@xplorasyon > leche-plan. tenks. sure, i'll kip-kip-up!!

klaubette said...

aylabit!aylabit!aylabyu na! LOL nilink kita repapips.apir!

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/