2008-02-11

I think, therefore I think. Then I got bored, so I blog.

Madalas kong nababanggit dito kung gaano ako katamad. Sa sobrang tamad ko, tinatamad na din akong tumunganga. Ganun ako katamad! Kahit sa eskwela, tinatamad akong tumunganga at tumingin sa kawalan habang nakanganga. Mas trip ko pang matulog na lang. Kung may tanong pa si Prof. ay gisingin na lang niya ako. Sa bahay naman, tamad din akong manood ng mga walang kwentang palabas sa TV (tivilisyon) na sobrang prediktabol ang plot at paulit-ulit lang. At dahil sa katamaran at boredom, heto nga at naisipan kong mag-blog.

Nagsimula akong mag-blog hindi dahil sa gusto ko, kundi dahil AYOKO.

Ayokong may nalalaman ako at may nakikita tapos hindi ako kikibo. Ayokong basta kumumporme lang sa mga sikat at nakasanayan o makisali sa kung ano ang uso. Ayokong may napapahamak sa simpleng katangahan. Ayokong magpakabusog at gumastos ng sobra-sobra para sa'kin ...tapos pag nadaan sa pwesto ng pulubi o kaya'y ng mga gusgusing kalabit-penge kids at mga rampadora sa jeep na pupunasan ng basahan ang iyong makintab nang sapatos o pati kung naka-tsinelas lang... ay wala ka man lang maiabot kahit singkong-butas. Ayokong maging isnabero o mag-pretend na di ko nakikita kung gaano sila kadungis at kung gaano humahalimuyak ang amoy nila, tapos hindi man lang sila mabigyan ng meron ako kahit pa akala ng marami ay sindikato sila. Naiinis akong makita ang mga kapwa ko commuter o naglalakad sa sidewalk na suplado sa mga gusgusin, pero pag sa mga naka-kurbatang pulubi with portable speakers at mikropono ay galante. Mga kuripot magbigay ng coins sa mga mabaho, pero pag nakabihis at disente ay kayang mag-abot in bills. Ayoko sa sistemang bulok, sa utak bulok, at sa pusong bulok. At gaya din ng marami, AYOKO kay ARROYO. n_n

Kaso, kung paanong may marami akong ayaw ay ganun din yung iba. Pakielamero ako, at karamihang tao ay ayaw ng pinakikielaman. At ayaw din nilang marinig yung ayaw ko. Ang dinadahilan sa'ken ay ang kasabihang "kalikutin mo raw ang sarili mong kulangot at wag yung kulangot ng iba." Hindi ko alam kung si Kung Fu Shoes ang nagsabi niyan. Pero sa biglang tingin ay may logical point naman di ba? Pero hindi naman kulangot sa loob ng ilong mo ang pinapansin ko at pinapakielaman. Nakatago kaya yun sa malalaking butas ng ilong mo at hindi mo naman ako dentista para makita yun. Ang pinupuna ko lang ay yung kulangot na nasa pisngi mo! Wag mong asahang ako pa ang mag-aalis nun mismo. Ano ka, sinuswerte? Wag mong idahilan sa'kin na mas dapat ay sarili ko na lang ang tignan ko sa salamin at huwag ng pakielaman ang iba. Dahil hindi ako mahilig magsalamin kada minuto at kada oras. Kaya nga nandyan nakalagay yung mata ay para ipangtingin sa ibang nasa harap ko at hindi para lang sa sarili ko. Kung ayaw mong mapansin kita, huwag ka dyan sa harap bumalandra. Lumagay ka sa likod ko, tanga. O kaya'y magtago ka sa ilalim ng lupa!

Isa pa sa pinaka AYOKO ay yung mga naglipanang konsepto na mapanlinlang. Mga ideya ng kung sino-sinong nagmamarunong na tao na pawang walang matibay na ebidensya o batayang lohikal at moral. In short, mga sikat na kalokohan at katarantaduhan lamang. Marami ka na rin sigurong narinig na ganyan. Malamang ay umabot ka na sa edad ng mga gurang at huklubans ay baka ngayon mo pa lang ito malalaman mula sa isang blog na kulay porpol ang header at may kamote pa. Matuwa na ang gustong matuwa. Magalit na ang gustong magalit. Welcome po dito kahit ang inyong umuusok na violet reactions.

Siguro ay matagal mo na itong naririnig sa bahay, sa eskwela, sa simbahan, o maging sa'yong pinakamalapit na suking tindahan. Nagpasalin-salin na sa mga daldalerang bibig ng kung sino-sino. Na dahil sa kakaulit ay inakala mong totoo at pinaniniwalaan pa rin hanggang ngayon.

Kung anuman yung tinutukoy ko na maling konsepto ay bukas ko na lang siguro itutuloy. Ang haba na pala ng pasa kalye ko, umabot na sa highway. Tsaka, nasa internet rentals lang ako ngayon. Sinabihan na ako dito ng isang propesiya na nagbababalang "oras ko na". Time na daw! Out na ako. Bye.

Sinsero,
Holy Kamote

23 comments:

bulitas said...

sabi mo nga, blog lang ng blog! haha

Euri said...

sa maling konsepto - diyan nagsisimula ang chismis eh. :D

Miss Kurdapya said...

wag ka mag alala.. mas tamad ako sayo.. kahit maligo tamad ako.. pero hindi ang pag sisipilyo! hehe..

Virginia said...

ayoko din kay arroyo, kahit sino pang arroyo dun sa first family.

tamad din ako.

lol

Coldman said...

ang pinakamahirap daw gawin ay yung walang ginagawa.

Bangon! Isulong ang bayang Pilipinas!

Noime said...

ako, tinatamad ng maging tamad. haay.

ann said...

First time ko rito at ayokong pumanget kaya nag comment ako...hehehe. Sana hindi ka na tamad next time.

Have a nice day!

EriiKa Sohma said...

Lol, I like you blog. Hehe. Nakakatuwa.

Holy Kamote said...

@bulitas > sabi ko nga. haha.

@euri > korek.

@miss kurdapya > "hey friend, pakiligo na lang ako. tinatamad akong maligo eh." hehehe.

@virginia > hala, konpesyunan ba ito ng mga tamad? n_n

@coldman > bangon! isulong! ...teka, teka, hukay na 'to... atras!

@noime > isa kang tunay na prinsesa. ng mga tamad. :P

@ann > 1st time ba? pwede namang dalas-dalasan yung 1st time e. havanays-day, too.

@eriika > LOL ka rin. laf-out-lawd. n_n

Jeniffer said...

totoo at nakakatamad talagang tumunganga.. hehe.. at ito pa..pag nakatunganga ka.. wala rin namang mangyayari..

wanderingcommuter said...

labanan na ng katamaran ito.

pasali ako...

hahaha

berlai said...

oo isa nga akong taong BANGS-ed haha :))

well ako nga ee tamad din. tulog ng tulog sa klase ;|

bunso said...

nakahanap na ko ng kasama ko sa katamaran!hehe!

EriiKa Sohma said...

Haha, pasaway. :D

kingdaddyrich said...

nice!!!

ang ganda ng konsepto..

napaka transparent...

nakalimutan ko yung original na statement na yang i think therfore i am na yan..

abnoisky said...

talentado ka sa pagsusulat. ayos.

your doze of twinkletoe said...

marami na tayong ayaw kay arroyong hobbit! lol!
blog ka na lang ng blog wag ka na pumasok sa school, kakatamad ano? hehe

lyza said...

pinaka nagustuhan kong part yung "kulangot" at yung lugar ng mata -- para ipangtingin sa iba -- tama nga naman!

ako rin tamad e
alam mo kung bakit mahirap tanggalin ang pagkatamad? nakakatamad e!

Holy Kamote said...

@jennifer > at ito pa ... teka tinamad ako bigla. n_n

@wanderingcommuter > laban! hahaha.

@berlai > oy, hindi biro yung matulog lagi ha. nakakatamad din kaya.

@bunso > congrats ha. nahanap mo rin ako. naks.

@eriika sohma > ano meaning ng sohma?

@kingdaddyrich > sana nga i am so transparent. so you can see through me.

@abnoisky > bkt ka abnoi?

@twinkletoe > masipag yang si GMA. hindi nga mapaalis sa pwesto dahil madami pa syang balak na pangungurakot ..este.. paglilingkod na gagawin sa bayan.

@lyza > buti naman at napansin mo yung kulangot.

Princess said...

tsong, wag maging tamad, lol. baka naman di mo basahin tung comment ko ha. salamat sa pag bisita. sa uulitin :)

aga said...

isang malaking tsek para sau tsong!!!
nakakatuwa na may aral!!
asteeggg...

Holy Kamote said...

@princess > tsang, nabasa ko comment mo. cge, sa uulitin. n_n

@aga > gaano kalaking tsek yan parekoy? yeah, learning can be fun. assteeg!

jenny said...

haha..kakatawa tlga to HK!
your sooooooooo TALENTED..though your blog is just simple and kamoteful..
yet the content is superb, laugh-out-loud, FUNNY!
:)hhaayz.jealous ako sa Talent mo.
sana akin na lang yang brain mo..
cge..keep UPDATING!
and i'll keep reading..wehehe :)