2008-01-30

Kumusta Naman Ang Lapis Mo?

Anak ng nanay! taytol pa lang ang weird na. Sino ba naman ang may matinong pag-uutak na magtatanong at kukumustahin ang isang inanimate thing gaya ng lapis? Yun bang pangangamusta na may kasamang damdamin at concern? Pero bago ka bumuo sa utak mo ng kasagutan o opinyon, hayaan mo munang mabasa mo nang buo ang gusto kong isaysay sa'yo. Relaks ka lang dahil ako na nagtanong nito ay garantisado namang nasa matino pang pag-uutak. At kung matino ka rin, tiyak na magkakaintindihan naman tayo parekots, marekots, at maskots. So here we go, sago...

Ang Nakaraan. Mahilig ako sa lapis. Noong bata pa ako ay amazed na ako sa lapis. Sa pagkakatanda ko nga, kapag nakakahawak ako at gumagamit ng lapis, may kakaibang thrill akong nadarama. Para sa'kin, mas higit pa ito sa baril-barilan, espadang patpat, bola, goma, eroplano, robot, karton, tansan, balat ng kendi, kahon ng posporo, and the rest of my fragile & trash toys. Napakadali kasi nitong i-handle at paglaruan. Parang upgraded at lite-version ng aking espadang patpat. Andun pa rin yung nakasanayang tulis na sapat ipangtusok ng mata ng bawat buskador at mapang-alipin kong mga kalaro. Na bagaman hindi talaga yun ang purpose ng pagkakagawa sa lapis, ay may gumagawa talaga ng ganun. Sa panahong nagigipit at naiipit, sa lapis ako kumakapit ng mahigpit (hwaw, may rhyme). Alam kong pwede ko din magamit yun as a weapon. Swerte na lang nila dahil holy ako at wala pa naman talaga akong tinusok nun sa mata. Dahil madalas ay matino akong mag-isip, resonable, at maawain (naks). Isinasaalang-alang ko yung consequences pag ginawa ko yung isang bagay na baka pagsisihan ko sa huli. Iniisip-isip kong baka mabali pa yung lapis ko, kawawa naman. Sayang yung advance features na meron sa lapis kumpara sa paborito kong espadang patpat. Ang lapis pwede kong ipansulat sa papel, pader, sahig, damit, at sa marami pang iba. So kung pantusok lang naman, naisip kong pwede na ang ordinaryong tingting ng walis o barbikyustik ang gamitin, just in case. Sing tulis, pero di sing mahal. Tapos nung pumasok na ako sa iskul, nagkaroon ng maraming kabarkada ang lapis ko. Meron nang iba-ibang kulay, tulis, tigas, at tingkad. At sabi sa'ken ni inay, ang tawag dun sa mga may kulay ay krayola. Sabi ko naman, colored lapis lang yun. Until, nalaman kong pareho pala kaming mali ni inay. Ang tamang tawag pala dun ay crayon. Tatak lang pala yung Krayola. Parang yung Frigider na tatak ng isang refrigerator, yung Colgate na tatak ng toothpaste, at Xerox na tatak ng photocopier. Tapos, naging aware na din ako na pagsamahin yung paggamit ng lapis at krayon. Kaya kong drowingan at kulayan ang lahat ng surface na pwede. Marami akong pinagtestingan. Kasama na dun ang makinis na salamin, tsinelas, balat ng prutas, at pati balat ng tao. Basically, ang lapis ay ginagamit kong panulat. Kahit puro lines, zigzags, small circles at big circles lang ang nagagawa ko nung umpisa hanggang sa natuto ng iba pang symbols at mga letra. Gudnews, dahil madami talaga akong natutunan. Hanggang sa feeling ko ay lumelebel-up na ako dahil tumataas na yung nakalagay na numero sa mga ginagamit kong mongoloid pencils. Hanggang sa nalaman kong may sistema ek-ek pa pala ng pagklasipika sa mga lapis na gamit ko. Yun bang mga numero (1,2,3,4) o letra (H-ard,B-lack,F-ine) na pangkaraniwang nakikita sa mga ito. Tsk. Ako lang pala ang nag-akalang lebel-up yun.

Ang Kasalukuyan. Sa mga panahong iyon, iba-ibang klase na rin ang nagamit ko. Merong mahaba, mataba, matulis ang tasa, hubad o yung walang bahay, nawalan ng pambura, may marka ng kagat ng ngipin, nabali na't yung natirang kaputol ay di na kayang maipangsulat, o kaya'y biglang naiwala ko na pala. Pero lagi pa rin akong may lapis, no matter what. Madalas ko pa rin itong nilalaro at pinapaikot sa mga daliri ko pag meron akong iniisip o kahit pag wala lang. Kahit hindi ko na kinakagat yung bahay nitong kahoy ay nagkakagalos pa rin ito dahil sa ginagamit ko din itong drumstick at hinahampas sabay to the beat. Pero ok lang. Dahil natutuhan ko ng mag-ingat ngayon. Mag-ingat sa bagay na mahalaga para sa'ken. Hindi na rin ito basta-basta nababali kahit ilang beses pang bumagsak. At sinisiguro ko ring always sharp and bold ito for whatever purpose it may serve. Hindi na ako masyadong pihikan kung anong kulay, kinis, o brandname na makikita sa panlabas nitong hitsura. Ang mas inaalala ko na ngayon ay yung purong lapis na nasa loob ng kahoy.

Ang Hinaharap. Dahil kung yung mismong nasa loob ang mabali o masira, kahit pa sabihing buo pa naman yung nakabihis ditong bahay ay wala na ring kwenta. Wala ng silbi. Wala na yun sa katinuan. Hindi na kayang lumikha ng linya, o ng hugis, o ng anomang letra. Hindi na ito makakabuo ng salita, ng pahayag, ng damdamin. Hindi na rin ito makapaglalarawan ng anomang ideya, ng inspirasyon, ng sining. Hindi na pwedeng tasahan pa uli, upang muling tumalas pa at mahubog. Ito'y gaya na lang ng ordinaryong patpat para ipanusok sa kapwa o ipanaksak. Nawala na ang malikhaing kagamitan. Ang natira ay yung pisikal, yung brutal, yung sandatang nakakapinsala ng lupang katawan. Yung pwedeng-pwede ng itapon. Iwala. Dahil wala namang laman. Wala na.

Kaya nga ang tanong ko ngayon sa'yo, "Kumusta naman ang lapis mo?"
Ako? Ayos na ayos pa naman. Sharp and bold.

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-01-26

Mahiwagang Kamote, Gamot daw sa Dengue

May itinimbre sa'king info kahapon si Kamote Red (aka. RedHotSillyKamote.Jeckass). Ito'y isang unverified na impormasyon ukol sa mga lahing kamote. Hindi naman ito isang bad publicity na matatawag against the Kamote Genus, pero dahil nga unverified pa po ito, mahirap pang magsalita ng tapos. Kaya ang salita ko muna ngayon ay to be continued...

Akchuwali, ayon kasi sa ulat na nahukay ni Kengkay sa various sources, na nahukay din ng kung sino, na nahukay lang din sa kung saan-saang parte ng wide-web-world (www), pinaghihinalaang ang kamote daw ay ang kagamutan sa deadly Dengue. Tama ang nabasa mo. Prime suspect nila ang kamote kaya daw gumaling ang ilang Pinoy na na-dengue. Ang mga istoryang binanggit sa ulat na nagpapakita na ang mga pasyenteng may dengue na bumaba halos sa 80 platelet count ang dugo ay bumalik sa normal ang kalagayan matapos itong painumin ng soup o katas ng nilagang kamote.

Yesfm. Bilibit or Nut. Gumaleng po sila mganimamahal. Gumaleng sila. Glore! Glore!

Ngayon, kung sino ka mang iskeptik ka, na nagdududa pa rin sa factuality ng info na ito, basahin mo na lang kaya ang ulat ni Kengkay at dagdagan na rin ng sarili mong research. Tapos ipasa mo ang natuklasan mo sa Department of Health (DoH) para may magawa ka namang positibo bukod sa pagdududa mo at makatulong sa sociedad filipinas.

But opkors, dapat pa ring isaisip na hindi lahat ng epektib kay Mario ay awtomatikong epektib na rin kay Luigi. Minsan magkaiba ang kapal ng sikmura ng bawat tao. (Kung paanong magkakaiba din ang kapal ng mukha.) At depende rin yun sa klase ng kamoteng makukuha mo. Kung hindi ka pa ulyanin at nakakaiwas ka pa sa mga humahabol sayong pork-beans-at-hipon, malamang ay natatandaan mo pa yung nabalitang mga bata sa Bohol na na-foodpoison sa pagkain nila ng Kamote-Q na may cyanide content pala!

Kaya laging magtanong muna sa nakakaalam. At wag kain ng kain basta-basta.

Kung meron mang kamoteng nakakagamot ... ay isipin ding hindi naman lahat.
Kung may kamoteng nakakalason ... hindi rin lahat.
At siyempre, ...
kung may Holy Kamote na gaya ko ... hindi rin po lahat ay banal.
Dahil yung iba, puro pautot lang.

Kaya laging tandaan —

"Sa panahon ng krisis, bawal ang tatanga-tanga." (dahil kabobohan ang ipagbawal ang magkasakit.)

"Oplan Iwas Dengue, Iwas Dengoy."

"Maghugas ng kamay, pagkatapos mong tumae."

"Libreng tule, Putol tite."

Sinsero,
D.o.H.K.

read more [+]

2008-01-25

A Blog's Life

Dear Blog/Hopper/Stranger,

Today is a very special day in my life. I wake up early and went to school. It was fun and exciting. After school I went home. I ate my meal while watching some crap-tv. It's already 11pm but I can't sleep yet. So I decided to surf the internet and then posted a new blog entry. I chatted with my i-friends and added new on my list. After that, I got tired and went to bed. Tomorrow will be another exciting day. Yay!

P.S. I hope you'll share me your thoughts and add some comments about my exciting life (as if you really care). Thanks. Link-ex?

Always,
Flik


read more [+]

2008-01-24

Nakilahok sa Pakontes ni Badudels

humor blogs ... at its finest

Isa sa pakulo dito sa blogosperyo ang mga pakontes. At ang barberong si Badudels ay isa sa mga promotor niyan. Bagaman tinamad akong magbasa at umintinde ng kumpletong rules niya, nagets ko naman kahit paano. Basta ang alam ko, kelangan ko lang magpost ng hanggang limang nominasyon bilang lafftrip o humor blogs. Kaya heto na po ang listahan ng mga sumuhol sa'ken in no particular order. Ay teka. dapat pala sunod-sunod. (edit muna. finished.) ... in descending alphabetical order na yan ha.

#uno > XienahGirL
- ang babaeng-bakla na ayaw nagjojoke dahil baka pagtawanan lang daw siya. may cbox na laging jampak ng adiks at its finest.

#dos > Maldito
- may matabang utak at matabang puso. rich in cholesterin at its finest.

#tres > GreenPinoy
- mahilig sa berdeng saging at ungguyan. prolific sa corny jokes at its finest.

#quarto > FerBert
- palamura. pervert. alien jokes at its finest.

#singco > Coldman
- ano kaya yun? lintek na piktyurs at its finest.

O sya sya, padilya. Bahala na kayo dyan. Nag-didilemma pa ako eh.
Yung mga hindi ko binoto, wag nga kayong magdrama dyan! Hindi ko pa lang siguro nabibisita yung blog mo. O sadyang kumpleto na kasi yung 5 slots ng nominees ko. Kaya kung may gusto kang sisihin, wag ako! Si Manong Badudels kaya ang naglimit nun sa rules niya. Kung hanggang sampu lang sana ang pwede edi naisama pa kita. Pero kung adik ka talaga sa award na ito at mas malaki ang offer mong suhol sa'ken, ilalagay kita dyan oramismo. Wag ka na lang maingay at ichat ako sa YM. Wag dito sa comments ha. baka malaman ng iba at isiping nandadaya tayo. Oh my holyness!

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

A Blogger's Dilemma

Pansin ko lang, mukhang mas maganda talaga magblog sa Wordpress kesa dito sa Blogger/Blogspot. Nakupo, gumagana na naman pagka-inggitero ko. Tapos kanina, may nakita pa akong balita na kumpara sa 1GB na espasyong pwedeng punuin sa pag-uupload dito sa Blogger.com, ang WP ay nagbibigay naman ngayon ng 3GB free upload space sa users nila. Imadyininin niyo mga tsong at tsang ... 3Gig ... that's big! letter g. At ayon sa natutunan ko sa aritmatiks, ibig sabihin, 3 > 1 (three is greater than one ang basa dyan ha. susko. right bracket daw). Kaya nakakaisip na tuloy akong magregister sa WP at lumipat na ng pwestong mapagtatambakan ko ng kalokohan kabanalan ko.

Kaya lang ang dami ko pang tanong sa ngayon. Teka, bakit parang naririnig kong may kumakanta sa tenga ko? Ito rin ba yung dilemma ng hukot na rapper na si Nelly? Walangya, naka-autoplay pa kasi 'tong embedded music. Mai-close nga. Di na ako babalik sa blog mo, kung kanino ka man.

Ano nga ulit 'yung itatanong ko? Ayun. Kakayanin ko naman kayang gumawa pa ng isa pang blog bukod sa nasimulan ko na ngayon? At kabago-bago ko pa lang dito sa blogspot, iiwanan ko na ba agad siya? Ngayon pang natutunan ko na siyang i-tweak at i-hack? Mauubos ko naman kaya ang 3GB space na yun? Pwede rin siguro kung maglalagay ako ng sangkatutak na larawan at videos. Kayanin ko kaya ang bagong environment ng Wordpress? Ano yun, umpisa ako ulit o pagsasabayin ko ba? Ano naman mapapala ko sa mga tanong kong ito? Ano ba ang mapapala ko sa pagbablog? Magkakapera ba ako dito kung ayoko sa ads-ads na yan? Aabot kaya ako sa deadline ng projects ko? Anong chapter na nga ba ako? Ano na kaya mangyayari sa laban nina Sasuke at Itachi? At sino naman ba sila? Bakit di mo sila kilala? Teka, may nagbabasa ba ngayon dito? Bakit sabi sa Statcounter ko, meron na daw 1,348 na bumisita sa blog ko, bukod yung views ko? Asan na yung mga hinayupaks na 'yun? Gawin daw bang taguan 'tong blog ko? Bakit konti lang nagko-comment? Hanggang gaano kaya magiging kahaba ang Blogroll ko? Ano kaya almusal bukas? Magising naman kaya ako ng maaga? Anong oras na naman ba kasi ako matutulog? Bakit ba nakapaa na naman ako ngayon? Sinong kumuha ng tsinelas ko? Tulungan niyo naman ako, pleeaassee!!!! Mag-signup na kaya ako sa Wordpress. Ano sa palagay niyo? 3Gigabytes din yun.

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-01-23

Blog Award for The Great Maldito

May nakita na akong ilang blogs na na-feature sa iba-ibang sikatchupoy na blogs o binigyan ng award for being entertaining and funny. Pero sa pagkakataong ito, gusto kong i-recognize ang isang pinoy blogero, hindi dahil sa napatawa niya ako. Ang totoo niyan, madali lang naman din akong mapatawa. Kahit corny nga natatawa pa rin ako e. Pero yung pakiramdam na kasayahan habang tumatawa ay hindi long-lasting para sa'ken. Pagkatapos kasi akong kabagan sa kakatawa, iuutot ko lang din naman. Yung fart molecules na nagdiffuse na sa air ay unti-unti ring maglalaho, sa tulong na din ng mga loyal friends kong nakapaligid sa'ken na malakas suminghot. It just won't last. The fun and the smell eventually subsides and fades away.

Kaya naisipan kong simulan ang pagkilala sa mga natatanging pinoy blogero kada linggo o kaya kada buwan, o kahit anong araw na mapag-tripan. Walang required na botohan. Wala ding checheburecheng rules. Kaso lang, wala ding cash prize o tech gadgets. n_n

Ang criteria ko para ma-feature ang isang blog ay kung nagtataglay siya ng katangian bilang "holy", "kamote", o basta may "attitude". Kung anomang ibig kong sabihin dun, bahala na kayong umintinde. Basta, in a nutshell, ibig ko lang sabihin ay award-winning at de-kalidad ang isang blog para paglaanan ko ng ganitong entry.

At sa unang serye nitong Featured Blog, ginagawad ko ang pagkilala kay The Great Maldito. Kung bakit siya ang napili ko ngayon, at kung bakit din kelangan mo pang malaman ang dahilan, ay hindi ko muna sasabihin. Tinatamad akong mag-post ng mahaba ngayon.

Basta, bisitahin na lang ang blog ni Maldito at ang latest post niyang ito. Siguraduhin ding idagdag siya sa blogroll niyo kung wala pa. Isang malaking pagkakamali ang hindi niyo siya i-add sa links niyo.

Heto nga at may nagawa na din akong Image Badge, na pwedeng ipagyabang sa blog niyo. Bawat badge na maipi-feature dito, siyempre yun ang bida. At ang mapalad ay magwawagi ng masigabong palakpakan, page views, at promotion mula sa'ken at sa iba pang mauuto ko. Sigurado ding magiging avid reader niyo na ako. Kahit nuknukan pa ako ng tamad at may pagka-ulyanin, di ko malilimutang magbasa ng blogs niyo at magkomento.



Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-01-21

Kalogohan na naman h{ n_n }

hindi ako ulap.
hindi talkbubble.
hindi rin cottoncandy.
pero cute.
ano ako?

Bunsod ng kaartehang nananalaytay sa blood vessels ko, napangitan na naman ako sa unang bersyon ng aking HK logo.

Gusto ko kasing gawin pang mas simple yung disenyo.

Yun bang hindi siya magmukhang desktop wallpaper na pinaliit lang na square.

Tapos konting kulay na lang din. Konting elemento.

Pero yung tipong may subliminal message pa rin.

Dapat sa unang tingin pa lang, andun na yung mga gusto kong palitawing konsepto gaya ng holyness, kamoteness, at cuteness.

At di dapat mawala ang F*ARTistic quality.

Kaya naman dali-dali akong nagdrawing at ito na nga ang kinalabasan.





At heto naman ang kinalabasan ng iphotoshop ko na.




At ng matapos ang kinalabasan, nilabasan, labasan, basaan, asan. Yan na! Ok na siguro 'to. n_n

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-01-20

Paks Abawt Kamote

Question:
Ang Kamote ba ay isang prutas o gulay?

Correct Answer:
Prutas

Supporting Evidence:
Kahit itanong mo pa sa utot mo. Di ba ang sabi pa nga, FRUIT-FRUT-TUT-TOOT-TOOT.

read more [+]

2008-01-19

Inano ako ng Bakla

Bale, kahapon kasi, inano ako ng isang bakla. Ang pangalan niya ay Geisha [gey-sha]. Bale, inano niya lang naman ako. Yun bang tinag. Oo, yun daw. Parang chain letters, kaso walang threats o horrible mishaps at stake sa mga hindi makiki-join sa kalokohan na ipakalat itong parang virush ng mga baklus. Dahil mukhang harmless naman ito, heto ang aking mga kasagutan sa mga tagninyo!

Pag nasa CR ba kayo, hindi kayo naiilang sa katabi nyo?
Bakit naman ako maiilang? Ano naman sa'ken kung masilip n'ya yung hawak ko? Pareho lang naman kaming may ganon. At kung ang makatabi ko man ay isang baklita, hanggang dun lang pinaka-abot-tanaw na pwede niyang mapangarap. Wala pa naman akong experience na may mag-attempt na batiin yung hawak ko, o magsimula ng small-talk habang nasa may urinals dahil paniguradong lilingunin ko sya dahil bastos naman siguro kung hindi ko sya kausapin ng harapan. Ilag nga lang siya dahil kaya kong patulan ang small-conversation habang patuloy pa din sa pag-ihi. Multi-tasking 'tol.

Ano ang sekreto nyong mga gwapo?
Wag kang ma-shock sa ire-reveal ko ha. Ang mga may gwapong mukha at tipong Adonis ay meron talagang sikreto. At ang sikreto ng mga gwapo, ay walang iba kundi ... meron silang bad breath at maitim na kuyukot! Wala ka ng makikitang lalake na mas hihigit pa ang kagwapuhan kay Absalom na wala kang maipipintas. Buti na lang at ang classification ko ay under sa cute, lovable, and holy. Kung yung sikreto naman namin ang tanong, sa ibang entry na siguro yun.


Nakapasok na ba kayo sa girl’s CR?
Oo naman. Ilang beses na nga ba?

Bakit pag nakakita kayo ng magandang legs tumutulo laway nyo?
Hindi man ako partikular na tumutulo ang laway. Sa palagay ko lang, hindi yung legs ang reason kaya merong tumutulo ang laway. Kundi dahil dun sa point of intersection ng mga legs. Siguraduhin lang nakatakip para di langawin at fully covered ang balbas kung balak itong ibuka-bukaka for reasons of coolness against globalwarning.

Bakit ang hilig nyo mag-inuman? Masarap ba malasing?
Kailangan din kasi ng lupang katawan ko ang regular liquid intake to keep me away from dehydration and maintain my bodyly processes. Sayang lang at ako ang natanong nito. A man both HOLY & KAMOTE. At ang mga iniinom ko lang ay nagre-range from tap water, juice, cola, rootbeer, redwine, o hanggang 4% alcoholic drink lang. Kung yung mga tomador kong barkada naman ang tatanungin, ewan ko lang kung makaubos pa sila ng isang pitsel ng matapang na alak kung hindi lalagyan ng yelo, walang pulutan, walang kakwentuhan.


Ano feeling ng tinititigan kayo?
#1) Tinititigan nino? Human beings? Girl? Boy? Gay? Animals? Other life forms?
#2) Anong klaseng titig? Killer looks? Flirtatious? Nakakalalake? Nakakaburaot?
Napaka-vague ng question 'tol. n_n


Eh paano kung bading yung tumititig?
Vague pa rin. #2 question pa.

Do you really keep “secrets”?
Only when they are worth keeping. Kung personal secret ko, syempre hindi niyo alam yun. Kung ipinagkatiwala naman sa'king secret ng ibang tao, hindi ko din ipagsasabi. Pero kung mapilit mo ako, congrats. Hindi ko pa rin sasabihin. n_n

Nagwa-gwapuhan din ba kayo sa ibang lalaki?
Artists have an eye for beauty. Regardless of its gender, genus, or its nature even if it is inanimate or abstract.

Ano feeling? Nakakabading ba?
Hindi naman. Ano 'to, marketing strategy to convert the remaining straight men?

Gwapo ba si Richard Gutierrez?
Kamukha lang siya ng twin brother niyang si Raymond Gutierrez.

Baket ang hilig nyo sa wrestling? Scripted lang yun di ba.
Staged nga lang yung laban pero may mga engot pa ding nasasaktan for real. Pero mas maganda yung mga laban sa UFC. Mga video tutorials lang namin yun to enchance our fighting skills pag kinailangan sa real life combat situtations.

Umiyak ka ba nung namatay si Ultimate Warrior, si Bret Hart o si Eddie Guerrero?
Hindi.

Bakit ang dami nyo pick-up lines? San nyo ba napupulot yan?
Necessity is the mother of invention. We're geniuses. And we invent things.

Bakit ang hilig nyo sa hentai or porn?
To appreciate other forms of art. *joke lang*
Note: Dahil nga HOLY KAMOTE po ako, NEVER na po akong bumibili ng dvds o nagddownload ng mga ganyan. //-- paminsan-minsan na lang siguro pag naimbintahan ng mga popup windows habang nagiinternet. --//

Ano meron sa “boys talk”?
Umm, "some boys talking" siguro, watchutink?
Perhaps, talking about girls, sports, games, and tech gadgets. Almost anything of our interests, even things beyond your wildest imaginations.

Natotorpe ka ba? Baket?
Sa umpisa. Para cute. Because we know that girls often love cuteness.
Pero pag pangalawa na, ibang usapan na yun ... dahil we rulez! lolz. n_n

Bakit kayo nagpupuyat?
Wala kaming sense of tracking time. Para tanghali magising. Para gigisingin na lang pag kakain na. Tsaka, mas mataas kasi ang oxygen presence sa air kapag gabi. Mas masarap gumawa ng kung ano-ano. At higit sa lahat, mas masarap magpuyat pag gabi. Try mo kaya i-compare na magpuyat ka sa umaga, aber.

Ano gusto nyo gawin ng girl pag hindi talaga kayo gusto maging bf?
Kung ayaw niya edi wag nya! Pero kung tactics lang pala ng girls yun to test our perseverance and sincerity, dadaanin ko na lang sa kulet. And girls find being makulet also cute, kaya kulitan na lang kami. (note: being makulet is different from being annoying. kung ano ang kaibahan, itanong mo ke batman!)

Bakit kayo mahilig sa blue?
Madali i-spell. At hindi ito gender-specific. Lalake man o babae, mahilig sa blue. Kakulay din kasi ito ng vast sky that fills entirely the earth's immediate atmosphere. Pati yung mahigit 70% ng earth's surface na tinatawag na ocean/sea, is also reflected by the sky as the color blue. And when I'm feeling blue, I'm not sad. And in many aspect, it is often associated with truth, wisdom, divinity, coolness, calmness, honesty, royalty, trustworthy, dependable, and all other great positive adjectives! Ano, convinced ka na ba?

Di ba pink is a masculine color? bakit ayaw nyo mag-pink?
At kelan pa nagkagender ang mga kulay? Kelan pa tinubuan ng bayag ang pink? Hindi naman sa ayaw ko ng pink. Ang ayaw ko lang ay yung idea na ang pink ay may bayag.

Natatakot ba kayo sa dilim?
Hindi. Willing akong samahan sa dilim ang babaeng matatakutin. "Don't worry. I'll protect you." naks. n_n

Pag nag-aaway kayo, bakit gusto nyo suntukan?
Hindi lang naman suntukan ang only option namin. Hindi ko alam kung saang kukute nanggaling ang ideya na hilig ng mga lalake ang makipagsuntukan. At hindi rin kami mga bayolente o agresibong nilalang. Actually, mas madalas na pagkakataon, we're very peace-natured. At reasonable bago gumawa ng isang bagay. At kahit pag napindot pa ninuman o naactivate bigla ang aming Fight Mode, hindi pa rin kami agad nagreresort in throwing our fists to punch each others handsome faces. Hindi kami ganon. Suntukan? Hindi talaga. Sipa at tadyak muna parekoy, to measure our range.

Eh pano kung babae? di naman pwede suntukan.
Kung babae ang kaaway? Siyempre we would never do that. (or atleast yung mga lalakeng katulad kong gentleman pa rin.) Saksakan siguro, pwede pa.

Ano ang definition niyo ng “makulit”?
Yun bang nangungulet pero cute pa rin. That's makulit. Pero pag nakakairita na, that's annoyance and a pain in the ass.

Bakit ang hilig nyo magregalo ng stuff toys? Last resort ba yun pag wala ng maisip?
Hindi siguro dahil wala ng maisip. Remember what I've said before? Men are geniuses!
At kung alam naman namin ganon lang kalambot at kababaw para mapasaya yung bibigyan ng gift, tapos sale pa, that's a combination of thoughtfulness and practicality. Tsaka, hindi naman kayo materyoso, di ba? "Its the t00t that counts", ika nga. n_n

Gusto nyo ba regaluhan din kayo ng stuff toy?
Ok lang. Kahit Pocket Kitty pa yan!

Do you really keep secrets? ganun?
Are you really this makulet? o ulyanin lang? natanong na 'to a. n_n

Baket defensive kayo madalas?
Eh bakit ang dami mong tanong ha? Pero hindi naman po kami talaga defensive lang. Both Defensive and Offensive naman. In any gameplay or combat, defense and offense are necessary skills with a winning attitude. Kung sa mga lalake namang mabababa ang lipad at mabababa ang pangarap, at mas ok lang sa kanila ang maging losers forever, edi magubos sila ng energy sa kaka-defense lang. Kung saan sila masaya, edi hayaang dun sila umiyak.

Ayan. tapos na ko.

Ngayon naman tinatag ko sina Osama Bin Laden, Tony Blair, George W. Bush, Bill Gates, Steve Jobs, Bradd Pitt, Michael Scoffield, Uzumaki Naruto, Monkey D. Luffy, Roronoa Zoro, Black Leg Sanji, Cyborg Franky, Deadbones Brook, Chopperman, Sogeking, Kurosaki Ichigo, Richard Gutierrez, Zoren Legaspi, Dennis Trillo, Empoy, Pookyaw, at lahat ng Sikatchupoy.

Kung sikat ka, at nakalimutan kong banggitin ang name mo, wag ng magdamdam at mag-inarte at maki-tag na lang din.

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-01-18

Yes Comment

Hindi ko pa alam kung bakit may mas tamad pa sa'king mag-comment. At habang inaalam ko pa ang misteryo sa mga nilalang na ang laging motto sa buhay ay "No Comment", hayaan niyo munang magbigay ako ng kapirasong payo sa natuklasan ko sa paglundag-lundag sa kung saan-saang sulok ng blogomundo.

Salamat sa hyperlinks na talaga namang nakaka-hyper talaga. Sa kabutihang palad ay hindi pa naman ako naliligaw ng tuluyan at nakakauwi pa naman ako sa sarili kong bahay.

[blogger-comment.jpg]Kung ikaw ay Blogger din gaya ko, mapapansing may dalawang options tayo sa Settings > Comments > Show Comments in a Pop-up Window. Mamili ka kung Yes o No. At ang kung ako ang pipili mas gusto ko yung hindi pop-up. Bakit? Kasi ang pangit tignan ng pop-up comment kapag sa Firefox. Hindi sakto yung width ng window, kaya nalaglag yung mismong comments form. Asar!

Tapos, napansin ko ding kapag nagkocomment ako habang naka-signed in sa Blogger/Google account ko, ang link na nakalagay sa name ko ay yung profile ko. At para sa'kin, pasaway yung ganon. Dalawang click pa ako bago mapunta sa mismong website o blog.

Kaya sa mga magkocomment, maipapayo kong gamitin niyo yung pangalawang option, yung Nickname. Ilagay ang nais na pangalan, tapos ay yung URL o link sa site niyo. one-click lang, di ba.

Kung Wordpresser ka naman, Livejournal, o kung anopamang nagho-host sa blog mo, mas magandang option na yang Nickname, at mas simple. Hindi mo na kailangang mag-OpenID o kung anomang checeburecheng Sign-in Sign-in pa.

Kung trip mo naman ay Anonymous, bahala ka sa trip mo. Pero pwede din, wala nga lang link sa papuntang blog mo.

Kung gusto mo namang magkaroon din ng konting mensahe gaya ng nilagay kong "Babala", o kung ano mang kaartehang Disclaimer, Comments Policy ang maisip mo, punta ka lang din sa Settings > Comments > Comment Form Message. D'yan mo itype ang kalokohan mo.

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-01-17

How to Display/Add Yahoo! Messenger Online Presence Indicator on your Blog

Chat Me on YM

Online presence allows people to see if you are currently online and using Yahoo! Messenger. To add online presence, you simply need to add some HTML to your web page.

If a Yahoo! Messenger user clicks your online presence, an instant message window will open for them so they can type you an instant message.

//-- WARNING: If you do not know the computer programming "CPP", then DO NOT PROCEED. Because for me, Copy-Paste-Programming (CPP) is a very essential skill to learn when dealing with computers and the web. --//

Option 1:

When clicked, that person will be redirected to Yahoo! WebMessenger Site and be prompted to Sign-In in their account, then will be able to give you an instant message.

<a href="http://messenger.yahoo.com/edit/send/?.target=YourYahooId" title="Chat Me on YM"><img border="0" src="http://opi.yahoo.com/yahooonline/u=YourYahooId/m=g/t=0/l=us/opi.jpg" alt="Chat Me on YM" /></a>


Option 2:

When clicked, that person will be able to directly give you an instant message and all other features of Yahoo! Messenger IM, provided that they already have it installed in their computers.

<a href="ymsgr:sendIM?YourYahooId" title="Chat Me on YM"><img border="0" src="http://opi.yahoo.com/yahooonline/u=YourYahooId/m=g/t=0/l=us/opi.jpg" alt="Chat Me on YM" /></a>


More Options/Customization:

Just replace the value with your Yahoo! ID.

You can also choose from these types of images (10) to indicate your online presence. Just change the numeric value of t=0


If you are using the New XML Blogger Template and want to display it directly in your "About Me Widget", like mine here, just go to your Blogger Template > Edit HTML > and check the Expand Widget Template. Use you web browser's (e.g. Firefox) search function and find <data:displayname/>. Then, right after that, paste the code I gave above.

If you are using the Classic HTML Template, you can put the code anywhere you like.

Free Offer:
I'm still constantly teaching myself to learn XHTML, XML, CSS, Javascripts, and all other computer languages. I'm also enhancing my web graphics and animations using Adobe Softwares. And as a challenge for myself, you can request to me ANY cool features, layout tweaking, blogger hacks, or whatever fresh ideas you would like to implement. And if its within my definition of the word "possibility", I can be your
"Geekslave" when I have the free time.

All requests are subject to my whims and moods. No first-come-first-serve basis. No money involved. Just pm me on YM, for those requests.

PS:
If you think you know better and have cooler tips that can benefit me and others, why not teach that to us in a nice way, and don't just be a braggart about it.


Sincerely,
Holy Kamote

read more [+]

2008-01-16

Ikalawang Banat

"Dahil bago ngayon ang layout ng page ko, heto at magpapasakalye na naman po ako sa blogomundo."

In other words, this is my 2nd introduction to the blogosphere. Para ito sa lahat ng mga usisero at usiserang napadpad, lumundag, lumipad, bumalik, sumilip, nagpromote, natuwa, sumimangot, at sa iba pang mga kaluluwang mauuto at maliligaw sa pwesto ko. Isama ko na rin yung robots, spammers, marketers, at iba pang unknown creatures na tahimik na humihithits mula sa kung saan-saang lupalop ng internet. Para po sa inyo 'to. Dahil mahal ko kayo.

Ikalawang intro. Ready... Pasok. *u*

Bakit Holy Kamote?At bakit naman hindi? Kahit di ko man kinukwestiyon kung bakit naman ganun ang gamit mong katawagan sa sarili mo, ay sasagutin ko pa rin ang tanong. Hindi ko naman kasi attitude yung motto na "walang pakielaman". Dahil, bukod sa mga nauna ko ng nabanggit dito sa profile ko, isa din po akong pakielamero. //-- ay, nasabi ko na rin nga pala 'yun --// Kaya ok lang sa'kin na usyusohin din ako ng iba pang mas pakielamero kesa sa'kin. Tutal, ang tingin ko naman kasi sa blog ay isang medium ng pakikipagtalastasan at pakikipagpakielamanan. Isang komunidad ng kung sino-sinong pontio pilato at maraming pang klaseng tao. Bawat isa may sariling opinyon at takbo ng pag-uutak, at sari-saring kaadikan sa buhay. Lahat daw unique. Parang snowflakes, dna, at fingerprints. Kaya sa mga puntong lutang ang utak ko, ito ang naisipan kong i-register pansamantala > Holy Kamote. Na kung ililiwat sa kabaligtarang lenggwahe ay Banal na Sweet Potato. Kaso lang, masyadong mahaba at corny 'yung huli. Kaya nagdesisyon akong HK na lang. //-- ano, aangal ka pa? --// Kung palalalimin ko pa kasi ang hukay sa lupa, baka Sanctum Ipomoea Batatas pa ang makuha ko. Ang haba kaya nun. Wag na uy. Sa palagay ko naman, bagay sa'kin 'yung pangalan na HK. At sapat na dahilan na siguro 'yun para gamitin ko muna 'to pansamantala. Maganda namang pakinggan, diba? Mukhang mabait at di makabasag-pinggan. Mukhang sweet. At mukhang kamote! Bukod pa sa mga walang kwenta kong dahilan sa pagpili, naalala ko kasi yung sabi sa kanta ni pareng Kiko M. //-- gago. hindi yung Matsing, kundi Magalona --//, na ito raw ay "Mahiwaga". *ching* Tapos madalas din ipantawag yan sa tao, sa kwago, at kung ano-ano. Malakas din daw ang dating. Lalo kapag na-proseso na, higit pa sa isang daang porsyento, kahit durian masusuka sa kabanguhan! Kaya kumbinsidong kumbinsido na ako ng aking sarili, na "this is it". The name that will rise from the grounds. Super down-to-earth, none other than HOLY KAMOTE (ehehchooeee).

Anong katarantaduhan na naman ba itong blog mo HK? — Sa aking pananaw na malabnaw, ito ay internet version ng larong Social-Life®. Bahagi ito ng ating kasalukuyang nilalaro na Half-Life®, na halaw din sa reality ng buhay. Kung matibay-tibay ka at hindi tatanga-tanga, masasabi kong ma-eenjoy mo ang paglalaro nito. Hindi mo na nga kailangang malaman kung paano makasali, dahil kung buhay ka pa hanggang sa mga oras na ito, ang ibig lang sabihin ay hindi ka pa sinasapian ng Evil-Clownfish na si EMO, na nagpa-depress sa maraming players, nagpapawala ng focus, ng interes, ng hope, hanggang sa mag-quit o at mag-gameover. Pero good news, dahil we're still in the game! Kung marami ka ng na-clear na stages at mga natutunang cheats, tactics, skills, atbp., gayundin ang mga naipong pera, potions, gadgets, at mga sandata ... ituloy-tuloy mo lang parekoy, marekoy, shokoy, tikoy, and the rest of the kengkoys. Masayang laruin 'to! Ako nga, kahit hindi pa rin tapos sa Half-Life®, ay enjoy na enjoy pa sa overjoy. Excited na nga ako sa paghihintay nung Final Release ng Life Series®. Balita ko kasi, mas malupit ang sounds & graphics nun! Sabi din dun sa nabasa kong review nung ilang nakakita ng Demo, napaka-engaging daw talaga ng bawat features. Hindi na raw basta virtual reality yung framework. At kahit wala pang official full description ang nasabing edition, lalo tuloy nasasabik. Kaso nga lang ingat-ingat daw tayo dahil sa nagkalat ang imitations. Kung may magsabi man sa'yo na andun na daw sa mall, sa plaza, sa market, o kung saanmang planet, na kesyo, na-release na daw blah-blah-blah, at pwede ng ma-avail — huwag kaagad maniniwala! Mas malamang sa hindi, na fake ang mga 'yun. //-- tsk, tsk. mga negosyante nga naman, oo. --// Buti na lang at may paunang notice na sa publiko tungkol sa nagsusulputang imitations. May palatandaan pa rin naman tayong makikita kung alin yung orig. Tsaka ang sabi nga sa news, soon to be release pa ito. Kaya konting hintay pa mga tsong at tsang. At makakalaro din tayo ng Real-Life® Unlimited Edition.

FckU ka. Style mo bulok!Dahil ayoko pong mabahiran ang pagiging HOLY & KAMOTE ko sa walang kapararakan, ito lang ang reply ko sa mga ganyan – "FckU rin po." n_n //-- sabay smile --//. Pero kung mas makakapili pa ako ng pinag-isipang sagot, ang sasabihin ko na lang siguro ay "Salamat po". Ewan ko pa rin kung ano ang magiging response ko sa ganyan. Depende din siguro sa mood ng attitude ko. Natutunan ko na kasi ang maging pasensyosong gago. I mean, pasensyosong tao. Kaya kung meron man pong nagbabalak subukan ang haba ng aking pasensya, ok lang. Kahit sino pwedeng magkomento. Walang bias comment moderation. Feel free to express your hate comments, n_n ... and prepare to die.hyay! Don't worry coz I don't bite. Wala rin ngang kaso sa'kin kahit magtawag ka pa ng buong baranggay mo at kamag-anakan, mangkukulam, tikbalang, o kung sino-sino mang demonyong kakilala mo para lang pagtulungan ako. Pwedeng-pwede nga akong kuyugin, itali ang buong katawan, pagputul-putulin o isilid sa sako sabay hagis sa ilog. //-- I don't care how you'll do it. Just do it if you can. --// Ang maipapayo ko lang ay paghusayan niyo dapat ang pagkakatali sa'ken dahil malakas din ang kiliti ko. At baka matsambahan din kitang matadyakan, masiko, masuntok, madukot yung mata, kalakip ng ilang haplos ng kalmot. Good luck na lang.

hi p0h. Pwede ba kitang maging friend? Kung ano man ang depinisyon mo ng salitang friend, ay walang problema sa'kin yun. Basta siguraduhin lang na handa kang pakitunguhan ang tulad kong may attitude. Hindi naman kelangang alam mo na lahat tungkol sa'ken. Sapat na yung nakahanda kang makilala ako. At kung ikaw naman ay girl na gusto akong maging friend; na may maamong mukha; pwedeng 10 years ang agwat sa edad ko; medyo bitch pero willing maging holy; then you are most welcome in my life. Pero kung wala ka sa mga kalidad na nabanggit, hindi naman talaga ako choosy o mapili sa magiging friends. //-- kahit nga sino, wag lang ikaw --// Simple lang talaga ang hanap ko. Basta taglay ang tatlong 'M' na ito, or atleast two: 1) Maganda, 2) Mayaman, at 3) Maybahay-bata. //-- That's all. I'm, thank you. --// In short, di bale ng maganda, basta mayaman. //-- kuha mo na?--// Kung sakaling namang hindi dumating yung qualified girl, kundi ang dumating sa'ken ay 'yung puntong nabuburaot na ako sa tagal at walang pa ring pumapasa ... *edi wag na lang ..., //-- *note: hindi po ako nagsasalita ng tapos. dahil ellipsis na may comma o kuwit ang aking ginamit na bantas sa dulo ng naturang pahayag --//


Special Note:

  • For Guys/Gays: Kung friend lang ang hanap niyo, makuntento na dun. Wag din umasang magkakaroon pa ng more intimate relationhip with a fellow guy. Kaibigan lang p're. Walang dakmaan. ok.

  • For Girls: Wag mag-alala dahil hindi ako marunong manakit ng babae. I'm harmless as a Sweet Potato. n_n Kung masaktan ko man kayo, for sure, hindi ko alam yun (dahil sabi ko nga hindi ako marunong nun, di ba) o kaya naman ay nag-iinarte lang kayo. Wag din kayong basta-basta makikipagmabutihan o magdidikit masyado sa'ken lalo na yung magagandang tatanga-tanga. Dahil ayoko sa tatanga-tanga, at tiyak na bubuntisin lang kita (dahil gusto ko yung magaganda).

  • For All: Kung kayo ay nakahanda ng papasukin ako sa puso niyo, huwag ng mahiyaing iparamdam ang inyong nadarama. Maaari itong iparating gamit ang msg.Bored(cbox), blog comments, blogroll.Links, ym, box of chocolates, sangkatutak na potato chips, tech gadgets, atbp. Pwede rin itong iparating sa mga bagay na hindi materyal, tulad ng ... umm, teka ano nga ba? ... aha! Pwede din thru touch theraphy para ramdam ang haplos ng pagmamahal. Yung mga hindi ko nabanggit, bahala na kayo. Use your freewill, will you!

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-01-11

Trust, Faith, Hope & Love

TRUST: Trust should be like the feeling of a one year old baby when you throw him in the air, he laughs. Because he knows you will catch him.

FAITH: Once all villagers decided to pray for rain. On the day of prayer, all people gathered. But only one boy came with an umbrella. That's faith.

HOPE: A human being can live for 40 days without water; 8 minutes without air; but not even 1 second without hope.

... but where is the LOVE?


//-- hmm, teka tanong kaya natin sa Black Eyed Peas --//

read more [+]

2008-01-10

Fiesta of the Black Nazarene in Quiapo

[Attention: Because I am both HOLY and KAMOTE, I think this kind of topic is timely for me to discuss with you. I do not mean to desecrate the celebration. Because sacrilege is done against something holy and sacred. And I can't see any involvement of holiness there.] //-- hanep, napa-english ako dun a --//

"Pink is the New Black"- Pink Nazarene

Nagdaan na ang mausok at maingay na pagsalubong natin sa pagdating ng 2008, pero wala yatang kapaguran ang mga kapwa natin Pinoy sa magkakasunod na selebrasyon. Makalipas lang ang ilang mga araw, libo-libo namang debotong katoliko ang nagkumpulan sa masikip na Quiapo, Maynila. //-- Proud to be Pinoy na naman 'to — it's only in the Philippines, yebah! --//

Kung paanong minsang panahon sa kasaysayan ng Amerika na meron silang discrimination against black people o nigers, dito naman sa Pilipinas hindi tayo ganun. Manapa, sa'tin lang yata may ganitong pagdiriwang na sinasamba ang negro.

Naks naman. Tiyak na mapapaelibs natin ang maraming mata ng fowrangers sa kakaibang debosyon na inuukol ng tinatayang 100,000 katao na nakiumpok kahapon sa Quiapo.

Spectacular! Bukod sa benepisyong walang pasok ang ibang estudyante at nag-oopisina malapit dito, marami pang ibang exciting moments ang makikita lalo na't kung andun ka mismo sa lugar. Kaso wala ako doon kahapon. Ikaw ba, saan ka dun? Sa tibilisyon ko na lang kasi nasaksihan ang ilang pangyayari at sa mga larawan sa GMAnews at sa Flickr. Kung nasa mas mataas na vantage point ka nga ay mistulang langgam siguro kung pagmasdan yung 100 libo. Pero dahil nga wala ako dun sa Quiapo, hanggang mental images lang ang kaya kong isipin. At ito ang ilan sa mga pumasok sa isip ko:

Photo by Jim Guiao Punzalan

  • Colorful. Bukod sa Black Nazarene (na hinihintay yatang lumabas sa CR), nariyan din tiyak ang Yellow Team (nakasakay sa karosa), ang Maroon Team (na hardcore makipag-agawan sa lubid), ang White Team (karamihan ay mga madlang pipol with specially printed shirts ng magkakaibang version ng picture ng kanilang papa j.), at ang De-Color Team (na kinabibilangang ng mga pulis, medic, at iba pang backup assistance, tambay, deboto, dorobo, atbp.)
  • Star-studded. Bukod sa kilalang deboto rin ang ating Vice President Noli De Castro, marami pang makikitang famous personalities sa event na ito. Aside from the Negrong Nazareno na galing pa sa Mexico, hindi mawawala ang mga agaw-eksenang Christ wannabes in complete costume and paraphernalias na maaaring may binibigay na babala na "katapusan na, katapusan na" o kaya naman ay nagweewee-wisik ng pagpapala.
  • Action-packed. Sa dami ng tao, tiyak na di kayang masaksihan ng nagkalat na cameras ang bawat sulok at eksenang nagaganap. Isipin niyo ng lahat ang iba pang posibleng mangyari sa libo-libo at labu-labong kalahok na sumali sa pakontest na ito. Lahat nagkukumahog makahipo sa matigas na rebulto, sa mahabang lubid, o sa katabing malabot. Wala ding age limit dyan o weight-classes. Basta nandun, kahit sino pwedeng manalo //-- o matalo --//.


Alam niyo ba ang isa pang bagay na magkakapareho sa debotos? 'Yun ay ang nakayapak lang sila! Grabe pa sa Extra Challenge at Takeshi's Castle ang mainit na kalsada at mga posibleng supresa gaya ng mababait na bubog at iba pang tetanus objects, pako, barbeque sticks, tamtaks, at mainit na baga. //-- oops, eksaj na ba? --//

Lahat yan ay para sa iisang adhikain ng puso — ANG MAKAHIPO at tanghaling PANALO! Hindi ko alam ko kung may iba pang pinaka mimithing goal bukod dito. Ang iniisip pa marahil ng iba ay basta makahipo lang pwede na silang mamatay, kumbaga FULFILLMENT na 'yun.

At ayon nga sa pinakahuling balita na napanood ko kaninang umaga, meron ng tatlong (3) naka-attain ng fulfillment na 'yun. Congraduations sa kanila! Lelevel-up na sila na next stage o yugto ng buhay. Ay teka, na-game over lang yata dahil nabigo din silang makahipo until their last breath. //-- RIP --// Frustrated naman ang ibang nasaktan lang at may minor injuries sa paa, mga hinimatay, at mga nag-Vash Stampede.

Ayoko namang maging judgmental, pero sadyang nangangamote ako sa pag-intindi sa kapanatikuhan na ito! Nakakadismaya lang. Di ko maintindihan kung religious ba talaga ang mga debotong kamoteng ito o baka naman hilig lang talaga nila ang adventures at maghanap ng death challenges. Kung sinoman ang nakakaalam ng sagot, pakituro na lang sa'ken.

Matanong ko nga pala:
  • Kelan pa nagpalabas si Lord ng Divine Decree na ang Enero a nueve ay okasyon para magtipon ng nakayapak para makahipo?
  • Mahirap bang pakiusapan si Lord para magpamudmod ng pagpapala at sumagot ng prayer requests?
  • Pwede bang pumunta ng naka-stealtoe shoes pero butas ang swelas, para may proteksyon kahit paano ang paa, daliri, at kuko mo?
  • 'Yung few hardcore devotees lang ba na kayang makipagsikuhan ng mukha at nakahipo sa lubid ang bibigyan ng award ni Lord?

Marami pa sana akong gustong itanong at ipunto, hahaba nga lang masyado. Pero, sige huling hirit na 'to. Isipin niyo lang:

  • Di ba ang mga langgam, kahit milyon-milyon pa sila kung mag-umpukan sa isang lugar, hindi nagkakasakitan sa isa't isa at wala namang nadidisgrasya?

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-01-09

Blog Culture Shock

Graba, ganito pala dito sa mundo ng mga blogero. Nakakaubos din ng enerhiya. At ang dami ko palang kailangang i-signup para lang ma-establish ang aking online existence. Pero so far, so good naman. Meron ng dalawang kaluluwang-ligaw ang napadpad dito matapos akong lumundag-lundag na parang palakang kokak sa links at blogroll ng kung kani-kanino. At meron na akong major update sa hitsura ng blog ko. Kung napansin niyo, mayroon na din akong Cbox Msg Bored tweaked with Yahoo! Messenger emoticons. Cool di ba? Meron na din akong MyBlogLog Recent Readers at naka-FeedBurner na rin ang posts ko.

Feeling achiever na ako! Kahit pala ang tulad kong nuknukan ng tamad ay may maa-accomplish din sa buhay.

Ayosh! Kahit marami pa akong balak ilagay at ibihis sa blog na ito, at least nagawa ko na ang 0.2% ng aking mga plano. Sa wakas, meron na din akong sariling emblem o logo na swak na swak sa pangalan ko. Salamat sa Adobe Photoshop CS3 na may libreng cracks, keygen at patch kaya nalikha ang simbulo ng aking online identity.

Heto at sama-sama nating pagsaluhan ang Holy Kamote's official logo design v.0.4427. //-- masarap yaan. --//




[Paunawa: Ang mga elementong pinagsama-sama upang malikha ang konsepto ng logong ito ay pawang orihinal at subliminal. Tinitiyak na walang tunay na kamote ang biniyak o nasaktan sa paggawa nito.]

[Psst: Parang awa niyo na. Magparamdam sana kayong mga kaluluwang maliligaw pa sa dakong ito. Hindi naman isang malaking kabawasan sa pagkatao niyo ang simpleng komento.]

Thank you for doing business with us.
Looking forward to seeing you.
Hoping for your kind considerations.
Have a great day!

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-01-08

Unang Sabak sa Blogomundo

Mga Minamahal kong Bwisita,

Ito ang aking unang sabak sa blog. Baguhan, ika nga nila. Sa ibang katawagan naman, n00b o newbie. Pero bakit nga ba napagtripan ng isang batang tulad ko na ubod ng tamad ang makigulo sa masikip na blogomundo? Ang kasagutan: ito ay dahil hindi lang naman katamaran ang nananalaytay sa pagkatao ko, kundi isa rin akong inggitero.

"Kung ikaw nga may sariling blogcrap, ang lagay eh, ikaw lang ba ang marunong tumae?"

'O hinde' ... isa na naman bang shit blog ito? Pasensya na sa obscene term of the solid excretion from the guts. Nakakawalang gana nga namang marinig ang salitang 'yan, lalo na't kung oras ng kainan. Pero kung hindi ka naman kasalukuyang lumalamon sa harap ng kompyuter at ngumunguya ng kung ano-anong unhealthy foods, siguro naman kahit hindi ako nagpasintabi sa inyo ay mapapatawad niyo pa ako. Sorry na, dahil ganito lang talaga ako mag-umpisa — parang nanganganay sa pagdadalang-tae — pinagpapawisan at hirap sa pag-ire. Madalas mangyari sa'kin 'yun pag kinulang ako ng fluid content sa katawan dahil sa katamarang uminom ng required 8 glasses of water a day, kaya naman ayun, tila nakikipagmatigasan pa.

Sa totoo lang, hindi ko binalak na makidagdag pa sana sa espasyo sa blogomundo. At may nabisita na rin kasi akong ilang magagandang blogs //-- siguro mga lima yata --// na talaga namang nakakaaliw at nakakadagdag kaalaman. Kaso, may napapansin akong kulang. Ewan ko lang kung may iba nang nakapansin nito. Ano 'yung tinutukoy ko? Umm, parang, ano kasi, 'yun bang ano, a basta! Mahirap mang tukuyin sa salita, pero may kulang talaga. Can you sense what's missing?

Aha, mukhang alam ko na ang kulang. Ako yata ang kulang. Kulang ako! //-- kulang-kulang ako! --//

Greatness! Na-realize ko din sa wakas. Ito na yata 'yung tinatawag nilang epiphany. Ngayon ko lang kasi susubukang magparamdam ng aking pagiral sa masalimuot na blogomundo. Hindi sapat 'yung rehistrado lang ako sa NSO at sertipikadong buhay akong ipinanganak at umiiral. Kailangan ko rin pala ng online presence dito sa panibagong dimension ng mundo.

Syetness! Naturingan henyo at laki sa yakult, pero botanggo pa talaga! Para ano pa't meron namang bokborokbok na kompyuter sa bahay at may intermittent access pa sa www-highways na slow moving pa hanggang sa mga oras na ito, tapos wala man lang akong online presence? As in wala talaga! //-- walang account sa MySpace, Facebook, Friendster, Multiply, Youtube, atbp. --// Teka, hindi pwede ito. Baka akalain ng iba na I don't actually exist. Fictional, ika nga. Para lang anino na nandyan nga pero hindi man lang classified as a living organism o sa kahit alinmang states of matter.

Kahit paano, marunong din naman akong gumamit ng internet a. Marunong din naman akong magpahayag ng mga kuru-kuro at saloobin. Marunong din akong magkwento ng mga bagay-bagay mula sa tae o basura hanggang sa pinaka-sensible and interesting topic o higit pa. Sayang naman ang aking pagiging self-proclaimed genius kung hindi man lang maibabahagi ang ilang parte ng brain cells ko sa mga mas bobo ng kaunti sa akin. Endless potential awaits me.

Kaya't humanda kayo, nandito na ako! Ito ang pasimula ng aking kagila-gilalas at kahindik-hindik na pakikipagsapalaran sa internet. Sa blog na ito, inaasahan kong madadagdagan ang aking magiging kakilala, kaibigan, at pati na rin kaaway. Expected ko na kasing may makakasalamuha ako ditong mga nilalang na kapareho ko ng hilig at antas ng pag-iisip, o kaya naman ay mas higit pa sa akin. 'Yun bang tipong mas marunong, mas inggitero, mas tamad, o mas may attitude pa kaysa sa'kin. //-- na maaaring totoo o kaya naman ay feeling lang. --//

Good news, at wala pa namang akong nagiging kaaway dito. Bad news nga lang, dahil wala pa naman talagang bumibisita sa blog ko. At ayoko namang puro mga personal kong kakilala at mga kamag-anakan, kapitbahay, kaiskwela, kabarkada, kachokaran at iba pang mga madalas na kaututang-dila ang bibisita lang dito. Hindi sila ang target audience ko. Hindi ko na kailangan pang idaan sa internet ang mga nais kong ipahayag o sabihin sa kanila. Para ito sa mga hindi ko pa kakilala at hindi pa ako kilala. Oo, para sa inyo 'to. //-- kung sino ka mang pontio pilato ka! --// Dahil espesyal kayo sa'kin. //-- parang razon's halo-halo na may ice cream; puto na may itlog na maalat; o kaya'y iced tea with a slice of lemon and mini-umbrella. --//

Basta, kita-kits na lang sa mga susunod kong blogs. At sana, ganahan na akong bihisan ang walang kabuhay-buhay kong default page layout. Hanap muna ako ng magandang template. O kung meron kayong mairerekomenda, salamat na agad.

Thank you for doing business with us.
Looking forward to seeing you.
Hoping for your kind considerations.
Have a great day!

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]