Showing posts with label holiness. Show all posts
Showing posts with label holiness. Show all posts

2008-03-02

Opening Prayer para sa HS Graduation ni PM

Nabasa ko kanina ang blog post ni Potato-Maniac na pinsang buo ng Sweet-Potato Rangers. Siya pala ay naatasan ng kanilang school head na manguna sa opening prayer sa kanilang darating na High School Graduation ngayong buwan ng Marso, Batch 2008.

Nakisingit lang daw siya na makagamit ng kompyuter at internet sa kanilang bahay at biro mo ay naisingit din akong mabanggit sa post niya! Nagulat naman ako bigla. Heto ang sabi niya —

"bossing holy.kamote.sa oras na mabasa mo to, baka naman gusto mo ko i-compose ng prayer. dali na.. Holy ka naman ehh.. n_n"
Bagaman hindi niya ako bossing at hindi ko rin sya empleyado, pero dahil sang-ayon akong Holy Kamote nga ako, napagpasyahan kong bigyang tugon ang maliit nitong rekwes. Pwede niya itong i-print sa kokomban at basahin na lang habang nasa pulpito gamit ang mikropono.

Maagang pagbati ang hatid ko sa iyong darating na pagtatapos, Manyak-Patatas. Heto ang nirekwes mong sana'y gamitin talaga at basahing may sinseridad. Gudlaks.

[Introduksyon:]
Inaanyayahan ko pong magsitayo ang lahat ng naniniwalang may Dios at sumasampalataya sa mga nakasulat sa Biblia. Yung mga niniwalang kalokohan lang ang ideyang may Dios na makapangyarihan sa lahat ay maaaring manatili na lamang sa kanilang pagkakaupo. Mas maiging wag maglikot sa kinauupuan na gaya ng kalikutan ng inyong mga kaisipan kaysa napipilitan lang pala kayong tumayo at mamaya ay magmumura naman ng pabulong na "Pakyu Dearest Jebus!"

Yung mga hindi naman naniniwala sa kaparehong Dios na nakasaad at ipinakikilala sa Biblia, pero nais paunlakan ang aming paanyayang mga Cristiano na samahan kami sa maigsing panalanging ito habang nakapikit ang mga mata upang itingin sa Dios na hindi nakikita. Kung tayo po ay nakahanda na, sama-sama po tayong sinserong manalangin....

[Panimulang Panalangin]
Panginoon naming Dios, Amang makapangyarihan sa lahat, sa pangalan po ng Panginoon Hesukristo,

Sa umagang ito, bago po kami dumako sa aming nakatakdang gampanin, ay nais po naming magtagubilin sa Iyo at ihingi muna ng kapatawaran ang aming mga naging kasalanan at pagsalangsang na naipon sa buong school-years na nakalipas. Umaamin po kami sa mga pagkakamaling naramdaman, inisip, inakala, sinabi, at ginawa sa aming mag kapwa-tao, estudyante, guro, gwardya, tindera sa canteen, taga-dampot/walis ng mga hindi na namin manguya gaya ng plastik, styrofoams, at non-biodegradable na food containers, pati na ang mga tagalinis ng kubeta. Hindi man po ito alam ng lahat, o wala man nakasaksing dinaya namin ang resulta ng aming eksam, nagpuslit ng libro, nangupit sa pondo, patalikod na nagmumura at pinagtawanan ang alinman sa empleyado ng eskwelahang ito, nag-blog gamit ang permanent pen markers sa iba't ibang pader, pinto, upuan, at iba pang mga kasalanan (na baka i-censored na ng mga konserbatibong lipunan kung sasabihin ko pa dito sa mikropono.) Alam kong alam mo na po yun Lord. Kung paano kami nandayang mga estudyante, at kung paano din kami dinaya ng ilang empleyado at guro dito. Pare-pareho po kaming natutong magtiis at pakisamahan ang isa't isa sa mahabang panahong inilagi namin sa buong school-years. Dito din po namin natutuhan ang ilang mga praktikal na diskarte ng iba't ibang kalokohan at karunungang wala sa pahina ng teksbuks at pawang kwentong-daldal lang upang kapwa wag antukin ang nagtuturo at tinuturuan. At wag namin basta mapatay ang oras bago ang uwian ng wala man lang kapirasong kaalamang narehistro sa aming mga kukote. So far, matiwasay naman po ang aming naging pagsasama at heto nga't mabubunutan na kami ng tinik sa bawat isa. Gagagradweyt na kaming mga pasaway na estudyante at mababawasan na ng suki at captured market ang mga miyembro ng faculty-slash-negosyante. Sana po Panginoon ay mapatawad mo po kaming lahat kung paanong napatawad na rin namin ang mga taong nagkasala at nanggantso sa amin. (Yung mga hanggang ngayong graduation na nga lang ay may souvenir pang kagalit o kaaway at hinanakit sa kapwa ay bahala Ka na po kung kasama Mong patatawarin.)

Kalakip nito'y nagpapasalamat kami sa'Yo sa minsan Mo pang pagpapahiram sa amin ng talino at kalakasan upang malagpasan ang lahat ng ito. Salamat po at buhay pa kami hanggang sa mga oras na ito. Mga nakatayo, nakapikit, gayundin sa mga paminsang dumidilat at nagbubungis-ngisan. Salamat sa aming magarang kasuotan, puting-puti, na alangang ikakasal at alangan ding artista/extra sa horror films with morbid make-ups. Salamat din po at pihadong mamaya ay masarap ang kainan at selebrasyon. Salamat din po sa aming mga magulang, na kahit di-halatang nagsasawa na sa aming walang-sawang katarantaduhan at pagbubulakbol ay ikinayod at iginapang kaming tustusan at ibili ng segundaryang edukasyon. Alam naming sobra-sobra ang kanilang mga pang-unawa at pag-asa sa aming mga magandang kinabukasan (daw) na ngayon ay susuklian namin ng kapirasong papel na ang tawag ay diploma. Salamat po talaga ng marami at nasilayan pa namin ang araw na ito. Salamat po Panginoon sa iyong mga biyaya at pagpapala (at perstaym ko ding nagka-syota). Salamat sa tuwina Mong pag-iingat sa aming hiram na buhay upang ilayo sa araw-araw na posibleng sakuna sa daan at pagbabyahe mula sa bahay namin, hanggang sa eskwela, tapos sa mall/gimikan, tapos bahay uli. Salamat sa pag-aadya sa amin sa kamay ng mga reckless drivers, hold-upers, snatchers, stalkers, psychos, tambays, at rapists, na kamuntikan na sanang dumonselya sa aking musmos na karanasan sa mundong ito at kamunduhan. Salamat at virgin pa po ako! Salamat po at nakararaos kami sa araw-araw na pasok, na kahit late ay humihingal at humihinga-hinga pa at medyo haggard, ay ebidensya lang na buhay pa kami . Salamat sa panibagong lebel ng karanasang ipagkakaloob Mo sa amin kung sakaling may sapat na pera pa si inay at itay upang tustusan naman ako sa panibagong gapangan at kayuran para pambili sa aking terserang edukasyon.

Nais din sana naming humiling ng kapiraso sa Iyong makapangyarihang kamay. Hindi na po namin hihilingin sa Iyo na patalsikin sana ang kasalukuyang pangulo ng bansa, o ibigay ang pangarap ng buong mundo na world peace, o sugpuin ang kurapsyonm gyera, at kahirapan. Kung loloobin Mong maganap naming tanggapin sa stage ang diplomang may pangalan namin at hindi kami biglaang madulas/madapa sa iilang baitang na hagdanan ng entablado, at bumagok pa ang ulo sa semento o anomang supresang kagaya nito — ibig sabihin ay graduate na nga kami. Wala ding dapat ipagyabang, ikataas ng noo, at ikataas ng ihi. High-School graduate (pa lang/na lang) po kami! Hindi pa ganoon kalawak ang aming karanasan at kaalaman upang maunawa ang isyung pang-global at nasyunal. O problemahin ang problema pang mundyal. Nais lang po sana naming hilingin sa kapahintulutan ng Iyong banal na kalooban... na bigyan pa po sana kaming lahat ng mahabang buhay at malusog na pagkatao. Sa gayon ay magkaroon kaming lahat ng sapat na pagkakataon, kahandaan at maturity upang matutunan namin at matanggap ang iba pang lectures ng buhay. Madalas man po kaming absent-minded at physically-present, makakabisado din po namin at matututunan ang tamang pag-uugali, pag-iisip, at pagtanaw ng utang na loob, at iba pang moralidad at pagkilala. (Kung ito ba ay mabuti o masama, kung tama o mali, kung bibilugan o ooblongan, kung guguhitan o salungguhitan, sa etcetera at sa iba pa.)

Patuloy Mo po sana kaming samahan sa bawat wamport short-quiz hanggang sa back-to-back na long eksams ng buhay. Balita ko nga po ay mas astig pa raw pag kolehiyo na. Aminado po akong natatakot ako at naeeksayt ng sabay. Pahiramin Mo po sana ulit kami ng talino at powers na mula sa'Yo. Pramis at magbabasa din po ako ng ipinasulat mong love letter sa isang makapal na libro pag may time at hindi pa pagod ang aming mga mata sa kakatitig sa tibilisyon, selepono, at monitor ng kompyuter. Nawa'y kung dumating na ang oras na kami'y magtatapos o katapusan na namin, ('yun bang gagraduate na talaga at ibabalot sa isang puting diploma at ilalagay sa kahong may salamin at may lapidang nakaukit ang pangalang na may petsa.... o kung mag-iiyakan man ang mga naiwang nagsa-summerclass pa sa mundong ibabaw) ay maging kalugod-lugod, katanggap-tanggap, at pasado sana kami na makapasok d'yan sa unibersidad Mo sa langit na mataas pa sa buong uniberso. Kahit pasang-awa nga po ay ayos na sa amin. Hindi po kami magrereklamo. Pramis at babawasan na rin namin ang pagrereklamo sa konting kibot, sundot, at nabigong sintang-pururot. Hindi na po kami mag-eeksperimentong laslasin ang aming pulso para matiyak lang kung ang kulay ba talaga ng dugo ay pula, o baka bughaw, o dilaw, o berde, o itim, o violet. Hindi na po kami magpapaka emo-slash-wrist, at pahahalagahan ang ibinigay Mong buhay sa amin.

(Sa lahat ng mga natawa, naiyak, o napamura sa pagwawakas ng panalanging ito, salamat na rin sa pakikinig niyo. Wag nga lang kayong magmaganda na i-kritiko at i-censor ito dahil hindi naman para sa'yo ito iniukol. Dahil kay Lord nga naka-address ang panalanging ito. At hindi sayong abang tao.)

At lahat po ng mga bagay na ito ay taos-puso naming idinadalangin na walang halong biro. Sa tanging pangalan at karapatan ng Iyong bugtong na Anak at aming manunubos, na si Hesukristo.

Amen.
Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-02-06

Ash, Ass Wednesday, dum-dum-dum-dugu-dum-dum, baby

si mark, the loserMARK: chatolic k b? e bkt wala kang tanda sa noo mo?
HK: anong tanda? yung dumi ba?
MARK: gago! hindi dumi un. krus un pare. krus.
HK: bakit nmn ako magpapalagay ng crossed-shaped-dirt sa forehead, in front of my amazing brains?
MARK: ash wednesday kaya ngayon. symbol yun that we all came from dust, and from dust we shall all return.
HK: ganun pala yun, galing ka pala sa alabok. e bakit isang myerkules lang sa isang taon mo naalala yun? ulyanings ka na ba? di ba pwedeng araw-arawin yun para mas epektib ang veneration at virtue of humility?
MARK: di ba galing ka pa sa catholic school nung HS?
HK: oo, kasama ng mga virgin nuns and priests. bakit mo natanong?
MARK: naniniwala ka bang lahat tayo galing sa alabok at dun din babalik pag namatay na? nasa bible pa nga yun ah.
HK: oo nabasa ko nga sa bible yun. so what about it?
MARK: edi dapat magpalagay ka rin ng abo sa noo, as proof of your belief.
HK: ang sabi ko, nabasa ko nga yun. pero wala naman dung mababasa na magpalagay ng dumi sa noo.
MARK: wala bang ganun sa bible?
HK: oo pare. sige pag may nahanap kang verse, ako na gagawa ng book report mo.
MARK: deal yan ha. walang stir.
HK: sure. cge, simulan mo ng magbasa ng bible.
MARK: cge. happy ash wednesday. bye.
HK: hapi ass wednesday, toot. n_n

maganda talaga pag sa gurlsAng Ash Wednesday ay isa sa mga selebrasyong katoliko na may pinakamalabong konsepto para sa'kin. Kasing labo ng abo na palaging nilalagay sa'kin noon. Inggitero nga ako sa mga klasmeyts kong laging maayos ang pagkakalagay ng plus sign at malinaw. May artistik touch at hindi mukhang graffiti lang. Kaya bata pa lang ako nun, alam ko ng mainggit dahil sa nakikitang unfairness and inequality. Hindi pantay-pantay maglagay si Pader ng asses sa aming noo. At pagka klasmeyts kong gurls, mas maayos yung gawa at malinaw. Pag boys naman, kung hindi mukhang thumbprint ng putek ang ichura-churva, madalas ay napaka abstract ng drowing ni Pader. May mukhang comma, period, check, isda, ampersand, bulate, butete, atbp. Malas ko nga nung one time na malinaw nga ang pagkakapahid sa'ken kaso naman malinaw ding capital x yun, imbis na +. Naging katawa-tawa tuloy ako sa buong klase. Happy talaga ang Wednesday na yun, kaso nga lang "for them". Hindi ko naman magawang burahin agad, dahil mabait ako at masunuring tanga ...ehem... masunuring bata. Pag nabura daw agad yun, it only proves that i'm a fucking sinner. Sabi ko naman sa sarili ko, paksyet pala kayo, eh sino bang hindi? (Hindi po ako nagmura sa bibig. Sa isip lang. Besides, matagal na rin yun at nagsori na ako kay Lord. Amen. n_n).

Hindi ko alam kung sino ang nagpakalat ng ganung konsepto. Parang yung ostiya din na ipapasubo sa'yo ang machong katawan daw ni Kristo in a form of a disk-bread that taste like sheet. Oo, lasang papel nga. Na kapag dumikit sa ngala-ngala mo ay super makasalanan ka higit sa mga rare human creatures with non-sticky hard palates.

Unfareness talaga!!! Dahil ang pagkakaalam ko ay both Body & Blood of Christ ang dapat na pagsaluhan sa Eucharist. Pero ang liit lang nung binigay sa'ken!!! Yung kay Pader naman, biggie size na nga, nagsolo pa dun sa drinks!!! Tapos, special treatment na naman pag gurls. Meron silang option na wag ipasubo directly yung ostiya kundi ilagay na lang ito palad ng kanilang mga malambot na kamay. Putakte talaga!!! Babae lang ba marunong mag-inarte sa dirty hands ng tagasubo? Anyways, past is past. That was then. I'm not bitter anymore. I'm now sweet anymore. Holy Sweet Potato. Yay!

At dahil Ass Wednesday nga raw ngayon, hayaan niyo munang magpost naman ako ng seryoso dito. Ngayon ang simula ng Lententide o ibig sabihin ay 40 days ka dapat mag-emo in a spiritual way hanggang sumapit ang Easter Sunday (March 23). Kaya naman, ipinagbabawal ko ngayon ang pag-smile, pagtawa, paghalakhak, at kung ano pa mang senyales ng mga ganito. No smileys, ok. (-_-). Bawal din muna kumain ng karne ang strict vegetarians. Ang vihilia ay ang abstinence sa pagkain ng meat. Lahat ng klase ng karne: baboy, baka, manok, isda, aso, at pussy. Magsisi na raw kayo! At yan din ang sabi ni Vice-Chancellor of the Archdiocese of Manila. Isang panawagan na bawasan ang sobrang materyalismo. Bawasan din ang mga katakawan, kamunduhan, kaadikan, kamolmall-an. Magtipid din ng mga plato. Konti lang daw kasi. Sabi niya, "brothers, contemplate. contemplate." hehehe. n_n (ay bawal nga palang tumawa. tsk.tsk.tsk. kaninong joke ba kasi galing yan?!)

OK. Seryoso. -_-
Ito talaga ang mga huling pananalita ni Pader Marinay sa kanyang artikulo sa Inquirer.net —

"In fact, our malls have more beauty parlors than bookstores. They are occasions of vanity, indulgence and materialism rather than of contemplation. Let us reflect on that this Ash Wednesday."

Kaya kung Katoliko ka, baka naman gusto mong sumunod sa mga payo ni Pader, this time? Please daw.

Pero kung matigas talaga ang bungo mo, heto na lang payo ko ang sundin mo.

(Instruction: Basahin ito ng mainam at pag-isipan. Remember, magmuni-muni. Isa pa, magmuni-muni. Ang sarap ulit-ulitin. Sounds like money.)

Narito ang isang maigsing Rap Song lyrics na bagong gawa ko lang at mainit-init pa.
Kaso, wala pang masyadong tono at lasa. Sori sa mga maseselan sa art quality at composition dahil hindi ako mahusay tumula. Lagyan na lang ng sarili mong tempo o beat, ala rapista, habang binabasa. Kung gusto mong sumayaw, bahala ka!

putakte, talagang capital X nilagay sa noo ko
sabi mo,
ash wednesday ngayon.
sabi ko, so what?
wat dapat?

sabi mo,
lahat tayo galing sa abo.
Sabi ko, gago yu,
bat dinamay mo aku?

sabi mo,
nasa baybol ayaw mo?
sabi ko, si adam yung galing sa alabok,
ah basta ako, galing sa Diyos.

sabi ko ulit,
wag mo ng ipilit
yung di mo alam,
wag ka ngang makulit

sabi mo ulit,
ang tao galing sa alabok,
at babalik din sa alabok.

sabi ko,
holy kamote ako,
isang banal na tao,

ako'y gawa at nagmula sa Diyos
kaya sa kanya din babalik at patutubos

kung gusto mong bumalik sa lupa, ok fine
pero ako, bahala na. coz we're all next in line

basta kung swertehin bigla,
baka di na ako makipila sa madla
sasalubong sa ere, lilipad ng nakatingala

(kuha mo? malamang hinde.)

peace brodahs!
burikit dawn, hiyow!

(ulitin sa simula hanggang magsawa.)

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-01-23

Blog Award for The Great Maldito

May nakita na akong ilang blogs na na-feature sa iba-ibang sikatchupoy na blogs o binigyan ng award for being entertaining and funny. Pero sa pagkakataong ito, gusto kong i-recognize ang isang pinoy blogero, hindi dahil sa napatawa niya ako. Ang totoo niyan, madali lang naman din akong mapatawa. Kahit corny nga natatawa pa rin ako e. Pero yung pakiramdam na kasayahan habang tumatawa ay hindi long-lasting para sa'ken. Pagkatapos kasi akong kabagan sa kakatawa, iuutot ko lang din naman. Yung fart molecules na nagdiffuse na sa air ay unti-unti ring maglalaho, sa tulong na din ng mga loyal friends kong nakapaligid sa'ken na malakas suminghot. It just won't last. The fun and the smell eventually subsides and fades away.

Kaya naisipan kong simulan ang pagkilala sa mga natatanging pinoy blogero kada linggo o kaya kada buwan, o kahit anong araw na mapag-tripan. Walang required na botohan. Wala ding checheburecheng rules. Kaso lang, wala ding cash prize o tech gadgets. n_n

Ang criteria ko para ma-feature ang isang blog ay kung nagtataglay siya ng katangian bilang "holy", "kamote", o basta may "attitude". Kung anomang ibig kong sabihin dun, bahala na kayong umintinde. Basta, in a nutshell, ibig ko lang sabihin ay award-winning at de-kalidad ang isang blog para paglaanan ko ng ganitong entry.

At sa unang serye nitong Featured Blog, ginagawad ko ang pagkilala kay The Great Maldito. Kung bakit siya ang napili ko ngayon, at kung bakit din kelangan mo pang malaman ang dahilan, ay hindi ko muna sasabihin. Tinatamad akong mag-post ng mahaba ngayon.

Basta, bisitahin na lang ang blog ni Maldito at ang latest post niyang ito. Siguraduhin ding idagdag siya sa blogroll niyo kung wala pa. Isang malaking pagkakamali ang hindi niyo siya i-add sa links niyo.

Heto nga at may nagawa na din akong Image Badge, na pwedeng ipagyabang sa blog niyo. Bawat badge na maipi-feature dito, siyempre yun ang bida. At ang mapalad ay magwawagi ng masigabong palakpakan, page views, at promotion mula sa'ken at sa iba pang mauuto ko. Sigurado ding magiging avid reader niyo na ako. Kahit nuknukan pa ako ng tamad at may pagka-ulyanin, di ko malilimutang magbasa ng blogs niyo at magkomento.



Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-01-16

Ikalawang Banat

"Dahil bago ngayon ang layout ng page ko, heto at magpapasakalye na naman po ako sa blogomundo."

In other words, this is my 2nd introduction to the blogosphere. Para ito sa lahat ng mga usisero at usiserang napadpad, lumundag, lumipad, bumalik, sumilip, nagpromote, natuwa, sumimangot, at sa iba pang mga kaluluwang mauuto at maliligaw sa pwesto ko. Isama ko na rin yung robots, spammers, marketers, at iba pang unknown creatures na tahimik na humihithits mula sa kung saan-saang lupalop ng internet. Para po sa inyo 'to. Dahil mahal ko kayo.

Ikalawang intro. Ready... Pasok. *u*

Bakit Holy Kamote? — At bakit naman hindi? Kahit di ko man kinukwestiyon kung bakit naman ganun ang gamit mong katawagan sa sarili mo, ay sasagutin ko pa rin ang tanong. Hindi ko naman kasi attitude yung motto na "walang pakielaman". Dahil, bukod sa mga nauna ko ng nabanggit dito sa profile ko, isa din po akong pakielamero. //-- ay, nasabi ko na rin nga pala 'yun --// Kaya ok lang sa'kin na usyusohin din ako ng iba pang mas pakielamero kesa sa'kin. Tutal, ang tingin ko naman kasi sa blog ay isang medium ng pakikipagtalastasan at pakikipagpakielamanan. Isang komunidad ng kung sino-sinong pontio pilato at maraming pang klaseng tao. Bawat isa may sariling opinyon at takbo ng pag-uutak, at sari-saring kaadikan sa buhay. Lahat daw unique. Parang snowflakes, dna, at fingerprints. Kaya sa mga puntong lutang ang utak ko, ito ang naisipan kong i-register pansamantala > Holy Kamote. Na kung ililiwat sa kabaligtarang lenggwahe ay Banal na Sweet Potato. Kaso lang, masyadong mahaba at corny 'yung huli. Kaya nagdesisyon akong HK na lang. //-- ano, aangal ka pa? --// Kung palalalimin ko pa kasi ang hukay sa lupa, baka Sanctum Ipomoea Batatas pa ang makuha ko. Ang haba kaya nun. Wag na uy. Sa palagay ko naman, bagay sa'kin 'yung pangalan na HK. At sapat na dahilan na siguro 'yun para gamitin ko muna 'to pansamantala. Maganda namang pakinggan, diba? Mukhang mabait at di makabasag-pinggan. Mukhang sweet. At mukhang kamote! Bukod pa sa mga walang kwenta kong dahilan sa pagpili, naalala ko kasi yung sabi sa kanta ni pareng Kiko M. //-- gago. hindi yung Matsing, kundi Magalona --//, na ito raw ay "Mahiwaga". *ching* Tapos madalas din ipantawag yan sa tao, sa kwago, at kung ano-ano. Malakas din daw ang dating. Lalo kapag na-proseso na, higit pa sa isang daang porsyento, kahit durian masusuka sa kabanguhan! Kaya kumbinsidong kumbinsido na ako ng aking sarili, na "this is it". The name that will rise from the grounds. Super down-to-earth, none other than HOLY KAMOTE (ehehchooeee).

Anong katarantaduhan na naman ba itong blog mo HK? — Sa aking pananaw na malabnaw, ito ay internet version ng larong Social-Life®. Bahagi ito ng ating kasalukuyang nilalaro na Half-Life®, na halaw din sa reality ng buhay. Kung matibay-tibay ka at hindi tatanga-tanga, masasabi kong ma-eenjoy mo ang paglalaro nito. Hindi mo na nga kailangang malaman kung paano makasali, dahil kung buhay ka pa hanggang sa mga oras na ito, ang ibig lang sabihin ay hindi ka pa sinasapian ng Evil-Clownfish na si EMO, na nagpa-depress sa maraming players, nagpapawala ng focus, ng interes, ng hope, hanggang sa mag-quit o at mag-gameover. Pero good news, dahil we're still in the game! Kung marami ka ng na-clear na stages at mga natutunang cheats, tactics, skills, atbp., gayundin ang mga naipong pera, potions, gadgets, at mga sandata ... ituloy-tuloy mo lang parekoy, marekoy, shokoy, tikoy, and the rest of the kengkoys. Masayang laruin 'to! Ako nga, kahit hindi pa rin tapos sa Half-Life®, ay enjoy na enjoy pa sa overjoy. Excited na nga ako sa paghihintay nung Final Release ng Life Series®. Balita ko kasi, mas malupit ang sounds & graphics nun! Sabi din dun sa nabasa kong review nung ilang nakakita ng Demo, napaka-engaging daw talaga ng bawat features. Hindi na raw basta virtual reality yung framework. At kahit wala pang official full description ang nasabing edition, lalo tuloy nasasabik. Kaso nga lang ingat-ingat daw tayo dahil sa nagkalat ang imitations. Kung may magsabi man sa'yo na andun na daw sa mall, sa plaza, sa market, o kung saanmang planet, na kesyo, na-release na daw blah-blah-blah, at pwede ng ma-avail — huwag kaagad maniniwala! Mas malamang sa hindi, na fake ang mga 'yun. //-- tsk, tsk. mga negosyante nga naman, oo. --// Buti na lang at may paunang notice na sa publiko tungkol sa nagsusulputang imitations. May palatandaan pa rin naman tayong makikita kung alin yung orig. Tsaka ang sabi nga sa news, soon to be release pa ito. Kaya konting hintay pa mga tsong at tsang. At makakalaro din tayo ng Real-Life® Unlimited Edition.

FckU ka. Style mo bulok! — Dahil ayoko pong mabahiran ang pagiging HOLY & KAMOTE ko sa walang kapararakan, ito lang ang reply ko sa mga ganyan – "FckU rin po." n_n //-- sabay smile --//. Pero kung mas makakapili pa ako ng pinag-isipang sagot, ang sasabihin ko na lang siguro ay "Salamat po". Ewan ko pa rin kung ano ang magiging response ko sa ganyan. Depende din siguro sa mood ng attitude ko. Natutunan ko na kasi ang maging pasensyosong gago. I mean, pasensyosong tao. Kaya kung meron man pong nagbabalak subukan ang haba ng aking pasensya, ok lang. Kahit sino pwedeng magkomento. Walang bias comment moderation. Feel free to express your hate comments, n_n ... and prepare to die.hyay! Don't worry coz I don't bite. Wala rin ngang kaso sa'kin kahit magtawag ka pa ng buong baranggay mo at kamag-anakan, mangkukulam, tikbalang, o kung sino-sino mang demonyong kakilala mo para lang pagtulungan ako. Pwedeng-pwede nga akong kuyugin, itali ang buong katawan, pagputul-putulin o isilid sa sako sabay hagis sa ilog. //-- I don't care how you'll do it. Just do it if you can. --// Ang maipapayo ko lang ay paghusayan niyo dapat ang pagkakatali sa'ken dahil malakas din ang kiliti ko. At baka matsambahan din kitang matadyakan, masiko, masuntok, madukot yung mata, kalakip ng ilang haplos ng kalmot. Good luck na lang.

hi p0h. Pwede ba kitang maging friend? — Kung ano man ang depinisyon mo ng salitang friend, ay walang problema sa'kin yun. Basta siguraduhin lang na handa kang pakitunguhan ang tulad kong may attitude. Hindi naman kelangang alam mo na lahat tungkol sa'ken. Sapat na yung nakahanda kang makilala ako. At kung ikaw naman ay girl na gusto akong maging friend; na may maamong mukha; pwedeng 10 years ang agwat sa edad ko; medyo bitch pero willing maging holy; then you are most welcome in my life. Pero kung wala ka sa mga kalidad na nabanggit, hindi naman talaga ako choosy o mapili sa magiging friends. //-- kahit nga sino, wag lang ikaw --// Simple lang talaga ang hanap ko. Basta taglay ang tatlong 'M' na ito, or atleast two: 1) Maganda, 2) Mayaman, at 3) Maybahay-bata. //-- That's all. I'm, thank you. --// In short, di bale ng maganda, basta mayaman. //-- kuha mo na?--// Kung sakaling namang hindi dumating yung qualified girl, kundi ang dumating sa'ken ay 'yung puntong nabuburaot na ako sa tagal at walang pa ring pumapasa ... *edi wag na lang ..., //-- *note: hindi po ako nagsasalita ng tapos. dahil ellipsis na may comma o kuwit ang aking ginamit na bantas sa dulo ng naturang pahayag --//


Special Note:

  • For Guys/Gays: Kung friend lang ang hanap niyo, makuntento na dun. Wag din umasang magkakaroon pa ng more intimate relationhip with a fellow guy. Kaibigan lang p're. Walang dakmaan. ok.

  • For Girls: Wag mag-alala dahil hindi ako marunong manakit ng babae. I'm harmless as a Sweet Potato. n_n Kung masaktan ko man kayo, for sure, hindi ko alam yun (dahil sabi ko nga hindi ako marunong nun, di ba) o kaya naman ay nag-iinarte lang kayo. Wag din kayong basta-basta makikipagmabutihan o magdidikit masyado sa'ken lalo na yung magagandang tatanga-tanga. Dahil ayoko sa tatanga-tanga, at tiyak na bubuntisin lang kita (dahil gusto ko yung magaganda).

  • For All: Kung kayo ay nakahanda ng papasukin ako sa puso niyo, huwag ng mahiyaing iparamdam ang inyong nadarama. Maaari itong iparating gamit ang msg.Bored(cbox), blog comments, blogroll.Links, ym, box of chocolates, sangkatutak na potato chips, tech gadgets, atbp. Pwede rin itong iparating sa mga bagay na hindi materyal, tulad ng ... umm, teka ano nga ba? ... aha! Pwede din thru touch theraphy para ramdam ang haplos ng pagmamahal. Yung mga hindi ko nabanggit, bahala na kayo. Use your freewill, will you!

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-01-10

Fiesta of the Black Nazarene in Quiapo

[Attention: Because I am both HOLY and KAMOTE, I think this kind of topic is timely for me to discuss with you. I do not mean to desecrate the celebration. Because sacrilege is done against something holy and sacred. And I can't see any involvement of holiness there.] //-- hanep, napa-english ako dun a --//

"Pink is the New Black"- Pink Nazarene

Nagdaan na ang mausok at maingay na pagsalubong natin sa pagdating ng 2008, pero wala yatang kapaguran ang mga kapwa natin Pinoy sa magkakasunod na selebrasyon. Makalipas lang ang ilang mga araw, libo-libo namang debotong katoliko ang nagkumpulan sa masikip na Quiapo, Maynila. //-- Proud to be Pinoy na naman 'to — it's only in the Philippines, yebah! --//

Kung paanong minsang panahon sa kasaysayan ng Amerika na meron silang discrimination against black people o nigers, dito naman sa Pilipinas hindi tayo ganun. Manapa, sa'tin lang yata may ganitong pagdiriwang na sinasamba ang negro.

Naks naman. Tiyak na mapapaelibs natin ang maraming mata ng fowrangers sa kakaibang debosyon na inuukol ng tinatayang 100,000 katao na nakiumpok kahapon sa Quiapo.

Spectacular! Bukod sa benepisyong walang pasok ang ibang estudyante at nag-oopisina malapit dito, marami pang ibang exciting moments ang makikita lalo na't kung andun ka mismo sa lugar. Kaso wala ako doon kahapon. Ikaw ba, saan ka dun? Sa tibilisyon ko na lang kasi nasaksihan ang ilang pangyayari at sa mga larawan sa GMAnews at sa Flickr. Kung nasa mas mataas na vantage point ka nga ay mistulang langgam siguro kung pagmasdan yung 100 libo. Pero dahil nga wala ako dun sa Quiapo, hanggang mental images lang ang kaya kong isipin. At ito ang ilan sa mga pumasok sa isip ko:

Photo by Jim Guiao Punzalan

  • Colorful. Bukod sa Black Nazarene (na hinihintay yatang lumabas sa CR), nariyan din tiyak ang Yellow Team (nakasakay sa karosa), ang Maroon Team (na hardcore makipag-agawan sa lubid), ang White Team (karamihan ay mga madlang pipol with specially printed shirts ng magkakaibang version ng picture ng kanilang papa j.), at ang De-Color Team (na kinabibilangang ng mga pulis, medic, at iba pang backup assistance, tambay, deboto, dorobo, atbp.)
  • Star-studded. Bukod sa kilalang deboto rin ang ating Vice President Noli De Castro, marami pang makikitang famous personalities sa event na ito. Aside from the Negrong Nazareno na galing pa sa Mexico, hindi mawawala ang mga agaw-eksenang Christ wannabes in complete costume and paraphernalias na maaaring may binibigay na babala na "katapusan na, katapusan na" o kaya naman ay nagweewee-wisik ng pagpapala.
  • Action-packed. Sa dami ng tao, tiyak na di kayang masaksihan ng nagkalat na cameras ang bawat sulok at eksenang nagaganap. Isipin niyo ng lahat ang iba pang posibleng mangyari sa libo-libo at labu-labong kalahok na sumali sa pakontest na ito. Lahat nagkukumahog makahipo sa matigas na rebulto, sa mahabang lubid, o sa katabing malabot. Wala ding age limit dyan o weight-classes. Basta nandun, kahit sino pwedeng manalo //-- o matalo --//.


Alam niyo ba ang isa pang bagay na magkakapareho sa debotos? 'Yun ay ang nakayapak lang sila! Grabe pa sa Extra Challenge at Takeshi's Castle ang mainit na kalsada at mga posibleng supresa gaya ng mababait na bubog at iba pang tetanus objects, pako, barbeque sticks, tamtaks, at mainit na baga. //-- oops, eksaj na ba? --//

Lahat yan ay para sa iisang adhikain ng puso — ANG MAKAHIPO at tanghaling PANALO! Hindi ko alam ko kung may iba pang pinaka mimithing goal bukod dito. Ang iniisip pa marahil ng iba ay basta makahipo lang pwede na silang mamatay, kumbaga FULFILLMENT na 'yun.

At ayon nga sa pinakahuling balita na napanood ko kaninang umaga, meron ng tatlong (3) naka-attain ng fulfillment na 'yun. Congraduations sa kanila! Lelevel-up na sila na next stage o yugto ng buhay. Ay teka, na-game over lang yata dahil nabigo din silang makahipo until their last breath. //-- RIP --// Frustrated naman ang ibang nasaktan lang at may minor injuries sa paa, mga hinimatay, at mga nag-Vash Stampede.

Ayoko namang maging judgmental, pero sadyang nangangamote ako sa pag-intindi sa kapanatikuhan na ito! Nakakadismaya lang. Di ko maintindihan kung religious ba talaga ang mga debotong kamoteng ito o baka naman hilig lang talaga nila ang adventures at maghanap ng death challenges. Kung sinoman ang nakakaalam ng sagot, pakituro na lang sa'ken.

Matanong ko nga pala:
  • Kelan pa nagpalabas si Lord ng Divine Decree na ang Enero a nueve ay okasyon para magtipon ng nakayapak para makahipo?
  • Mahirap bang pakiusapan si Lord para magpamudmod ng pagpapala at sumagot ng prayer requests?
  • Pwede bang pumunta ng naka-stealtoe shoes pero butas ang swelas, para may proteksyon kahit paano ang paa, daliri, at kuko mo?
  • 'Yung few hardcore devotees lang ba na kayang makipagsikuhan ng mukha at nakahipo sa lubid ang bibigyan ng award ni Lord?

Marami pa sana akong gustong itanong at ipunto, hahaba nga lang masyado. Pero, sige huling hirit na 'to. Isipin niyo lang:

  • Di ba ang mga langgam, kahit milyon-milyon pa sila kung mag-umpukan sa isang lugar, hindi nagkakasakitan sa isa't isa at wala namang nadidisgrasya?

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]