2008-01-23

Blog Award for The Great Maldito

May nakita na akong ilang blogs na na-feature sa iba-ibang sikatchupoy na blogs o binigyan ng award for being entertaining and funny. Pero sa pagkakataong ito, gusto kong i-recognize ang isang pinoy blogero, hindi dahil sa napatawa niya ako. Ang totoo niyan, madali lang naman din akong mapatawa. Kahit corny nga natatawa pa rin ako e. Pero yung pakiramdam na kasayahan habang tumatawa ay hindi long-lasting para sa'ken. Pagkatapos kasi akong kabagan sa kakatawa, iuutot ko lang din naman. Yung fart molecules na nagdiffuse na sa air ay unti-unti ring maglalaho, sa tulong na din ng mga loyal friends kong nakapaligid sa'ken na malakas suminghot. It just won't last. The fun and the smell eventually subsides and fades away.

Kaya naisipan kong simulan ang pagkilala sa mga natatanging pinoy blogero kada linggo o kaya kada buwan, o kahit anong araw na mapag-tripan. Walang required na botohan. Wala ding checheburecheng rules. Kaso lang, wala ding cash prize o tech gadgets. n_n

Ang criteria ko para ma-feature ang isang blog ay kung nagtataglay siya ng katangian bilang "holy", "kamote", o basta may "attitude". Kung anomang ibig kong sabihin dun, bahala na kayong umintinde. Basta, in a nutshell, ibig ko lang sabihin ay award-winning at de-kalidad ang isang blog para paglaanan ko ng ganitong entry.

At sa unang serye nitong Featured Blog, ginagawad ko ang pagkilala kay The Great Maldito. Kung bakit siya ang napili ko ngayon, at kung bakit din kelangan mo pang malaman ang dahilan, ay hindi ko muna sasabihin. Tinatamad akong mag-post ng mahaba ngayon.

Basta, bisitahin na lang ang blog ni Maldito at ang latest post niyang ito. Siguraduhin ding idagdag siya sa blogroll niyo kung wala pa. Isang malaking pagkakamali ang hindi niyo siya i-add sa links niyo.

Heto nga at may nagawa na din akong Image Badge, na pwedeng ipagyabang sa blog niyo. Bawat badge na maipi-feature dito, siyempre yun ang bida. At ang mapalad ay magwawagi ng masigabong palakpakan, page views, at promotion mula sa'ken at sa iba pang mauuto ko. Sigurado ding magiging avid reader niyo na ako. Kahit nuknukan pa ako ng tamad at may pagka-ulyanin, di ko malilimutang magbasa ng blogs niyo at magkomento.



Sinsero,
Holy Kamote

5 comments:

Maldito said...

bro...na touch naman ako sa parangal na ito....naks naman..pang famas ang statement...lols...pero salamat talaga..indi ko akalain darating sa buhay ko na mag bloblog ako...ang gusto ko lang eh ilagay ang kabalastugan ko sa buhay...in ferness maganda ang ginawa mo..ako walang talent sa edit edit...ma try na nga..ahaha..lalagay ko to sa page ko..salamat...taos puso akong nagpapasalamat...GMA? lols..

Holy Kamote said...

teka, di ba binayaran mo lang ako? *jokers.

pero hindi. deserve mo talaga 'to.

pRiNcEss.LiaMmE said...

Im TouchEd,.. :p

repah said...

aba kya pla nawawala ung ibang blagista nandito pla sa bahay mo.. kakatuwa... hehehe add kita ha..

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
Contact Number: 09465046302
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/