2008-01-09

Blog Culture Shock

Graba, ganito pala dito sa mundo ng mga blogero. Nakakaubos din ng enerhiya. At ang dami ko palang kailangang i-signup para lang ma-establish ang aking online existence. Pero so far, so good naman. Meron ng dalawang kaluluwang-ligaw ang napadpad dito matapos akong lumundag-lundag na parang palakang kokak sa links at blogroll ng kung kani-kanino. At meron na akong major update sa hitsura ng blog ko. Kung napansin niyo, mayroon na din akong Cbox Msg Bored tweaked with Yahoo! Messenger emoticons. Cool di ba? Meron na din akong MyBlogLog Recent Readers at naka-FeedBurner na rin ang posts ko.

Feeling achiever na ako! Kahit pala ang tulad kong nuknukan ng tamad ay may maa-accomplish din sa buhay.

Ayosh! Kahit marami pa akong balak ilagay at ibihis sa blog na ito, at least nagawa ko na ang 0.2% ng aking mga plano. Sa wakas, meron na din akong sariling emblem o logo na swak na swak sa pangalan ko. Salamat sa Adobe Photoshop CS3 na may libreng cracks, keygen at patch kaya nalikha ang simbulo ng aking online identity.

Heto at sama-sama nating pagsaluhan ang Holy Kamote's official logo design v.0.4427. //-- masarap yaan. --//




[Paunawa: Ang mga elementong pinagsama-sama upang malikha ang konsepto ng logong ito ay pawang orihinal at subliminal. Tinitiyak na walang tunay na kamote ang biniyak o nasaktan sa paggawa nito.]

[Psst: Parang awa niyo na. Magparamdam sana kayong mga kaluluwang maliligaw pa sa dakong ito. Hindi naman isang malaking kabawasan sa pagkatao niyo ang simpleng komento.]

Thank you for doing business with us.
Looking forward to seeing you.
Hoping for your kind considerations.
Have a great day!

Sinsero,
Holy Kamote

8 comments:

Faith said...

Wow. Welcome to the both wonderful and exhausting world of blogging! :) Ganyan rin ako nung nagstart eh. Hassle sa sobrang dami - mybloglog, chatterbox, blog rush, rss feeds at kung anu ano pang kaartehan. Haha. Good luck sa pagbblog! Hope to see more entries.

:)

RedLan said...

galing mo bata ka. On diet ka at holy kamote talaga ang pinili mong identity.

welcome sa blogging world! Goodluck!

Anonymous said...

Welkam sa blogging world! I'm sure mage-enjoy ka at kami ding mga readers mo. :)

Holy Kamote said...

@p0ytee > wonderful & exhausting? nde ba pwedeng isa lang piliin ko? :hehehe:

> gudlak sa'ting lahat.

arjay said...

ang galing mo na nga eh, it took me almost a month to figure out those cbox, mybloglog, at kung anu-ano pa. hahaha.

t3ss4 said...

astig mo holy kamote :D hehe.

welcome welcome sa blogoworld :)

same pala tau baguhan :D

pero parang expert ka na ah :)

keep it up... para mawala naman ung boredom ko pag magbloghopping.

ingat po ~__o

Holy Kamote said...

@arjay & @summer > kahit bagong salta lang ako, nde nmn po ako nuknukan sa pagkatanga. //-- slight lng :hehe: --//

pero akchuwali, asset ko kasi ang pagiging inggitero. pag may nakita akong magandang website, binubyu-code ko para pag-aralan.

kaso lng medyo may pagkatamad din ako. //-- nde pala medyo, nuknukan nga pala --// kaya nde ko pa mabihisan ng magandang damit tong sarili kong blog.

lisensyadongtambay said...

ayos 2ng blog mo. nakaka-inspire. bago lng aq s blogging. bunga ito ng kawalan ng trabaho kaya naghanap ng pagkakaabalahan kesa naman mabaliw.
nice one. keep it up^^,