2008-01-24

A Blogger's Dilemma

Pansin ko lang, mukhang mas maganda talaga magblog sa Wordpress kesa dito sa Blogger/Blogspot. Nakupo, gumagana na naman pagka-inggitero ko. Tapos kanina, may nakita pa akong balita na kumpara sa 1GB na espasyong pwedeng punuin sa pag-uupload dito sa Blogger.com, ang WP ay nagbibigay naman ngayon ng 3GB free upload space sa users nila. Imadyininin niyo mga tsong at tsang ... 3Gig ... that's big! letter g. At ayon sa natutunan ko sa aritmatiks, ibig sabihin, 3 > 1 (three is greater than one ang basa dyan ha. susko. right bracket daw). Kaya nakakaisip na tuloy akong magregister sa WP at lumipat na ng pwestong mapagtatambakan ko ng kalokohan kabanalan ko.

Kaya lang ang dami ko pang tanong sa ngayon. Teka, bakit parang naririnig kong may kumakanta sa tenga ko? Ito rin ba yung dilemma ng hukot na rapper na si Nelly? Walangya, naka-autoplay pa kasi 'tong embedded music. Mai-close nga. Di na ako babalik sa blog mo, kung kanino ka man.

Ano nga ulit 'yung itatanong ko? Ayun. Kakayanin ko naman kayang gumawa pa ng isa pang blog bukod sa nasimulan ko na ngayon? At kabago-bago ko pa lang dito sa blogspot, iiwanan ko na ba agad siya? Ngayon pang natutunan ko na siyang i-tweak at i-hack? Mauubos ko naman kaya ang 3GB space na yun? Pwede rin siguro kung maglalagay ako ng sangkatutak na larawan at videos. Kayanin ko kaya ang bagong environment ng Wordpress? Ano yun, umpisa ako ulit o pagsasabayin ko ba? Ano naman mapapala ko sa mga tanong kong ito? Ano ba ang mapapala ko sa pagbablog? Magkakapera ba ako dito kung ayoko sa ads-ads na yan? Aabot kaya ako sa deadline ng projects ko? Anong chapter na nga ba ako? Ano na kaya mangyayari sa laban nina Sasuke at Itachi? At sino naman ba sila? Bakit di mo sila kilala? Teka, may nagbabasa ba ngayon dito? Bakit sabi sa Statcounter ko, meron na daw 1,348 na bumisita sa blog ko, bukod yung views ko? Asan na yung mga hinayupaks na 'yun? Gawin daw bang taguan 'tong blog ko? Bakit konti lang nagko-comment? Hanggang gaano kaya magiging kahaba ang Blogroll ko? Ano kaya almusal bukas? Magising naman kaya ako ng maaga? Anong oras na naman ba kasi ako matutulog? Bakit ba nakapaa na naman ako ngayon? Sinong kumuha ng tsinelas ko? Tulungan niyo naman ako, pleeaassee!!!! Mag-signup na kaya ako sa Wordpress. Ano sa palagay niyo? 3Gigabytes din yun.

Sinsero,
Holy Kamote

15 comments:

noime said...

kuya! habang maaga pa lumipat ka na sa wordpress. LOL. galing ako sa blogger dati eh. tas nung nagkasarili akong domain, ayun. mas maganda ang WP. hehehe. wala lang. ;)

xka nga pala, pwede mo i-import yung mga posts mo dito sa blogger papuntang WP. haytech no? hehe.

jeck said...

lipat ka na sa wordpress! baka mapanis ang kamote mo! hahahha
ang ganda ng blog mo dito sa blogger eh. bakit ka pa lilipat? pero nasa sa iyo na yan fellow kamote. basta kahit san ka pumunta, kamote ka pa rin. ahihihi

sherma said...

ewan ko lang kung sa lahat e applicable ito... nawawala sa circulation ang lumilipat sa WP pero yung iba naman, mas sumisikat... ewan ko ba... =)

redlan said...

Wala akong ka-idea- idea sa wordpress. konti lang ang gumagamit ng wordpress siguro. It's ur choice, i will follow wherever you r.

Holy Kamote said...

2 opinions from wordpressers.
2 opinions from blogspoters.

i still need more feedbacks. major decision 'to. lolz. n_n

karlabebi said...

cge ako ang magbbreak ng tie! haha.

sa blogger ka na lang =) haha. wala naman akong masabing masama laban sa wordpress kc hindi cu pa nttry un. pero ewan.. prang complicated? :P ewan. that's just me.

pRincEss.LiAmMe said...

Blogger lang. Its nice. That's all. Thank you.

4 na ung Blogger. ;)

babing said...

hi! i have a blogger account (www.butterflylion21.blogspot.com) & a wordpress account, too.

i prefer using wordpress. more interesting to tinker with compared to blogger. or maybe i am just a lot inspired to write now compared to before.

nice site you have here. funny! =)

akosikai said...

may trivia ako sa wordpress!
u can't put chatboxes daw sa site mo, sabi nila ha, =p..

pero ako nsa pinakaobsolete pa rin, BLOGDRIVE!! =)

BURAOT said...

mukha ngang mas hokey sa wordpress. kaso parang kada-kibot ko, kelangan mag upgrade. kada upgrade me bayad. tapos, di pa pedeng maglagay ng ads. kaasar!

unless ida dotcom mo, dito ka na lang sa blogspot teng.

Holy Kamote said...

@karlabebi > salamat at nabreak na ang tie.

@princess.liamme > ay tenkyu.

@babing > yeah. nice site i have here. holy! n_n

@akosikai > wow, blogdriver! akala ko bloggers at wordpressers lang ang meron. thanks sa trivia.

@buraot > ayokong magbayad. ayoko din ng ads. at dahil hindi ko pa alam kung ano talaga ang gusto ko, dito na muna ako sa blogger.com

dale said...

oo nga ok nga sa Wordpress. Before I'm with blogger, but because I was so bobo in editing HTML in Blogger at di ko xa ma-personalize eh lumipat ako ng WP. Ang maganda lang sa Blogger eh pwede ka pumili ng sarili mong template. You can customize and get a different template from other sites. Sa WP hindi, you need to upgrade to a premium account before you can do the CSS thing. Ganda ng blog mo. Link kita sa blog ko ha. Visit my site sometime... kinda new here so I need opinion from BIGTIME BLOGGER!

http://daleberog.wordpress.com
http://kleinchik0104.vox.com

dale said...

oo nga ok nga sa Wordpress. Before I'm with blogger, but because I was so bobo in editing HTML in Blogger at di ko xa ma-personalize eh lumipat ako ng WP. Ang maganda lang sa Blogger eh pwede ka pumili ng sarili mong template. You can customize and get a different template from other sites. Sa WP hindi, you need to upgrade to a premium account before you can do the CSS thing. Ganda ng blog mo. Link kita sa blog ko ha. Visit my site sometime... kinda new here so I need opinion from BIGTIME BLOGGER!

http://daleberog.wordpress.com
http://kleinchik0104.vox.com

MommyBa said...

meron din akong account sa wp pero di ko naman ginagamit kasi bawal dun ang paid posts :(

but i heard that wp is better in terms of features.

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/