2008-01-18

Yes Comment

Hindi ko pa alam kung bakit may mas tamad pa sa'king mag-comment. At habang inaalam ko pa ang misteryo sa mga nilalang na ang laging motto sa buhay ay "No Comment", hayaan niyo munang magbigay ako ng kapirasong payo sa natuklasan ko sa paglundag-lundag sa kung saan-saang sulok ng blogomundo.

Salamat sa hyperlinks na talaga namang nakaka-hyper talaga. Sa kabutihang palad ay hindi pa naman ako naliligaw ng tuluyan at nakakauwi pa naman ako sa sarili kong bahay.

[blogger-comment.jpg]Kung ikaw ay Blogger din gaya ko, mapapansing may dalawang options tayo sa Settings > Comments > Show Comments in a Pop-up Window. Mamili ka kung Yes o No. At ang kung ako ang pipili mas gusto ko yung hindi pop-up. Bakit? Kasi ang pangit tignan ng pop-up comment kapag sa Firefox. Hindi sakto yung width ng window, kaya nalaglag yung mismong comments form. Asar!

Tapos, napansin ko ding kapag nagkocomment ako habang naka-signed in sa Blogger/Google account ko, ang link na nakalagay sa name ko ay yung profile ko. At para sa'kin, pasaway yung ganon. Dalawang click pa ako bago mapunta sa mismong website o blog.

Kaya sa mga magkocomment, maipapayo kong gamitin niyo yung pangalawang option, yung Nickname. Ilagay ang nais na pangalan, tapos ay yung URL o link sa site niyo. one-click lang, di ba.

Kung Wordpresser ka naman, Livejournal, o kung anopamang nagho-host sa blog mo, mas magandang option na yang Nickname, at mas simple. Hindi mo na kailangang mag-OpenID o kung anomang checeburecheng Sign-in Sign-in pa.

Kung trip mo naman ay Anonymous, bahala ka sa trip mo. Pero pwede din, wala nga lang link sa papuntang blog mo.

Kung gusto mo namang magkaroon din ng konting mensahe gaya ng nilagay kong "Babala", o kung ano mang kaartehang Disclaimer, Comments Policy ang maisip mo, punta ka lang din sa Settings > Comments > Comment Form Message. D'yan mo itype ang kalokohan mo.

Sinsero,
Holy Kamote

12 comments:

Geisha said...

very well written :)

i have something for you here http://jgsmart.wordpress.com/2008/01/19/its-a-boy-thing/#more-218

Spence said...

great tips. true enuff, i find commenting on blogger pages pretty bad esp when you still need to sign-in.

but that's just me.

payce out!
-spence

Abad said...

Hello, salamat sa pagdaan sa site. may pakiramdam akong dati ka ng blogger at ngayo'y nagbabalik.

Tessa said...

waw! ngayon ko lang toh nadiscover. kala ko kasi walang ibang way :D tsalamat po sa tips holy kamote ;)

Holy Kamote said...

@geisha > tapos ko na.

@spence > that's why i made this post.

@abad > parang reincarnation ba? hindi ko alam na dati na pala akong blogger in my past life. or is it that i'm just a fast learner newbie? n_n

@tessa > there's always another way.

abou said...

salamat sa tip na ito! napagtripan ko ring gamitin!

Anonymous said...

...please where can I buy a unicorn?

Anonymous said...

detonated http://www.kindel.com/members/Vacuum-Cleaners.aspx modulus http://www.kindel.com/members/Annuity-Calculator.aspx correctional http://www.kindel.com/members/Bariatric-Surgery.aspx mayenne http://www.kindel.com/members/Electric-Blankets.aspx griffin http://cciworldwide.org/members/Furnace-Filters.aspx onlybundle http://cciworldwide.org/members/Vending-Machines.aspx hell http://cciworldwide.org/members/Kitchen-Cabinets.aspx soul http://cciworldwide.org/members/Slipcovers.aspx ukhuman http://cciworldwide.org/members/Polar-Heart-Rate-Monitors.aspx thalgott

Anonymous said...

Also what from this follows?

Anonymous said...

I believe, that always there is a possibility.

Anonymous said...

And how about adding some more illustrations? I’m not trying to offend anyone, blog is really nice. But according to the scientists humans acquire info much more effective when there are some helpful pics.

Stacy Swift
cel phone jammer

Anonymous said...

Rather interesting blog you've got here. Thanx for it. I like such themes and everything connected to them. I definitely want to read more soon.


Kate Benedict
escort girl en suisse