2008-01-10

Fiesta of the Black Nazarene in Quiapo

[Attention: Because I am both HOLY and KAMOTE, I think this kind of topic is timely for me to discuss with you. I do not mean to desecrate the celebration. Because sacrilege is done against something holy and sacred. And I can't see any involvement of holiness there.] //-- hanep, napa-english ako dun a --//

"Pink is the New Black"- Pink Nazarene

Nagdaan na ang mausok at maingay na pagsalubong natin sa pagdating ng 2008, pero wala yatang kapaguran ang mga kapwa natin Pinoy sa magkakasunod na selebrasyon. Makalipas lang ang ilang mga araw, libo-libo namang debotong katoliko ang nagkumpulan sa masikip na Quiapo, Maynila. //-- Proud to be Pinoy na naman 'to — it's only in the Philippines, yebah! --//

Kung paanong minsang panahon sa kasaysayan ng Amerika na meron silang discrimination against black people o nigers, dito naman sa Pilipinas hindi tayo ganun. Manapa, sa'tin lang yata may ganitong pagdiriwang na sinasamba ang negro.

Naks naman. Tiyak na mapapaelibs natin ang maraming mata ng fowrangers sa kakaibang debosyon na inuukol ng tinatayang 100,000 katao na nakiumpok kahapon sa Quiapo.

Spectacular! Bukod sa benepisyong walang pasok ang ibang estudyante at nag-oopisina malapit dito, marami pang ibang exciting moments ang makikita lalo na't kung andun ka mismo sa lugar. Kaso wala ako doon kahapon. Ikaw ba, saan ka dun? Sa tibilisyon ko na lang kasi nasaksihan ang ilang pangyayari at sa mga larawan sa GMAnews at sa Flickr. Kung nasa mas mataas na vantage point ka nga ay mistulang langgam siguro kung pagmasdan yung 100 libo. Pero dahil nga wala ako dun sa Quiapo, hanggang mental images lang ang kaya kong isipin. At ito ang ilan sa mga pumasok sa isip ko:

Photo by Jim Guiao Punzalan

  • Colorful. Bukod sa Black Nazarene (na hinihintay yatang lumabas sa CR), nariyan din tiyak ang Yellow Team (nakasakay sa karosa), ang Maroon Team (na hardcore makipag-agawan sa lubid), ang White Team (karamihan ay mga madlang pipol with specially printed shirts ng magkakaibang version ng picture ng kanilang papa j.), at ang De-Color Team (na kinabibilangang ng mga pulis, medic, at iba pang backup assistance, tambay, deboto, dorobo, atbp.)
  • Star-studded. Bukod sa kilalang deboto rin ang ating Vice President Noli De Castro, marami pang makikitang famous personalities sa event na ito. Aside from the Negrong Nazareno na galing pa sa Mexico, hindi mawawala ang mga agaw-eksenang Christ wannabes in complete costume and paraphernalias na maaaring may binibigay na babala na "katapusan na, katapusan na" o kaya naman ay nagweewee-wisik ng pagpapala.
  • Action-packed. Sa dami ng tao, tiyak na di kayang masaksihan ng nagkalat na cameras ang bawat sulok at eksenang nagaganap. Isipin niyo ng lahat ang iba pang posibleng mangyari sa libo-libo at labu-labong kalahok na sumali sa pakontest na ito. Lahat nagkukumahog makahipo sa matigas na rebulto, sa mahabang lubid, o sa katabing malabot. Wala ding age limit dyan o weight-classes. Basta nandun, kahit sino pwedeng manalo //-- o matalo --//.


Alam niyo ba ang isa pang bagay na magkakapareho sa debotos? 'Yun ay ang nakayapak lang sila! Grabe pa sa Extra Challenge at Takeshi's Castle ang mainit na kalsada at mga posibleng supresa gaya ng mababait na bubog at iba pang tetanus objects, pako, barbeque sticks, tamtaks, at mainit na baga. //-- oops, eksaj na ba? --//

Lahat yan ay para sa iisang adhikain ng puso — ANG MAKAHIPO at tanghaling PANALO! Hindi ko alam ko kung may iba pang pinaka mimithing goal bukod dito. Ang iniisip pa marahil ng iba ay basta makahipo lang pwede na silang mamatay, kumbaga FULFILLMENT na 'yun.

At ayon nga sa pinakahuling balita na napanood ko kaninang umaga, meron ng tatlong (3) naka-attain ng fulfillment na 'yun. Congraduations sa kanila! Lelevel-up na sila na next stage o yugto ng buhay. Ay teka, na-game over lang yata dahil nabigo din silang makahipo until their last breath. //-- RIP --// Frustrated naman ang ibang nasaktan lang at may minor injuries sa paa, mga hinimatay, at mga nag-Vash Stampede.

Ayoko namang maging judgmental, pero sadyang nangangamote ako sa pag-intindi sa kapanatikuhan na ito! Nakakadismaya lang. Di ko maintindihan kung religious ba talaga ang mga debotong kamoteng ito o baka naman hilig lang talaga nila ang adventures at maghanap ng death challenges. Kung sinoman ang nakakaalam ng sagot, pakituro na lang sa'ken.

Matanong ko nga pala:
  • Kelan pa nagpalabas si Lord ng Divine Decree na ang Enero a nueve ay okasyon para magtipon ng nakayapak para makahipo?
  • Mahirap bang pakiusapan si Lord para magpamudmod ng pagpapala at sumagot ng prayer requests?
  • Pwede bang pumunta ng naka-stealtoe shoes pero butas ang swelas, para may proteksyon kahit paano ang paa, daliri, at kuko mo?
  • 'Yung few hardcore devotees lang ba na kayang makipagsikuhan ng mukha at nakahipo sa lubid ang bibigyan ng award ni Lord?

Marami pa sana akong gustong itanong at ipunto, hahaba nga lang masyado. Pero, sige huling hirit na 'to. Isipin niyo lang:

  • Di ba ang mga langgam, kahit milyon-milyon pa sila kung mag-umpukan sa isang lugar, hindi nagkakasakitan sa isa't isa at wala namang nadidisgrasya?

Sinsero,
Holy Kamote

16 comments:

Holy Kamote said...

tahimik a.

jeck said...

kahit ako, nagtataka rin kung bakit ganun na lang ang debosyon ng mga tao sa imahe na yun. kanya-kanyang trip na lang siguro yan. kung merong mga punkistang handang makipag-slamman sa gitna ng concert ng sinasamba nilang banda, marahil ganun din ang pananaw ng mga deboto ng nazareno. wish ko lang matauhan sila sa disiplina at gabayan ng pananampalatay nila.
eniweys, maganda tong blog mo. kamote ka, kamote rin ako. check out my blog - jeckyll27.wordpress.com :D

Holy Kamote said...

@jeck, kamote ka rin pala. ;)
may iba ka pa bang kakilalang kamote? gawa kaya tayo ng clan. :hehehe:

jeckyll said...

madami pang kamote diyan. may nakita na nga akong isa pa eh --http://cycle.blogs.friendster.com/

kamote force taytol ng blog niya. sige, gawa tayo ng clan..hehehehe

Holy Kamote said...

@jeck, ang galeng. hindi ako makapag-msg kay kamote-force e. wala pa akong friendster.

Alambre sa Thanagar said...

nakakita ka na ba ng langgam na tulog? o kaya ay butil ng asukal na nakasimangot sa bibig ng langgam? astig yun :)

Holy Kamote said...

@alambre, pag may nakita ka tol, paki piktyuran. penge akong kopya. :D

arjay said...

kamote clan? haha sounds cool!

Ella said...

Hey holy kamote

Salamat naman sa maitim na rebulto, nakatagpo ako ng isa pang irreverent blog hehehe. AYLABIT! Keep on writing, you're my kind of kamote.

Alambre sa Thanagar said...

pota sa marka rehas este herras nagboblog! nakakabakla naman!

chixstix said...

hui holy kamote, ok tong post mo na toh. astig!! kakaaliw basahin!! =)

galeng galeng!!

mr_d said...

naalala ko last year may isang debotong pumunta para daw gumaling ang kanyang karamdaman. eh kaso nga sa sobrang dami ng tao na tumba siya at natapaktapakan at nabalian pa ng buto. oh the irony. irony nga ba tawag don? teka igoogle ko muna...

Holy Kamote said...

@arjay > sounds cool. tastes even better.
@ella > hmm. irreverent? but i'm HOLY.
@alambre > may tagalog pa lang nakaka nosebleed.
@chixstix > kakaaliw b? ako kasi nalungkot dahil may mga namatay at nasaktan. RIP be with them.
@mr_d > irony nga. singtigas ng iron ang kukotes.

Anonymous said...

Labag sa 10 Utos ng Dios, sa Exodus 20 ng kahit anong version ng Holy Bible, kabilang na ang Catholic at Latin vulgate, for your information.

lord@cenon.us
http://thebiblestudy.info
http://cenon.us

jim guiao punzalan said...

Pare, ginamit mo na nga ni Libre yang photo ko inalis mo pa credit.
Blogger ka nga, di mo alam ang mga guidelines at Ethics.

jim guiao punzalan/Inquirer

Anonymous said...

Brokersring.com - Learn how to turn $500 into $5,000 in a month!

[url=http://www.brokersring.com/]Make Money Online[/url] - The Secret Reveled with Binary Option

Binary Options is the way to [url=http://www.brokersring.com/]make money[/url] securely online