2008-01-24

Nakilahok sa Pakontes ni Badudels

humor blogs ... at its finest

Isa sa pakulo dito sa blogosperyo ang mga pakontes. At ang barberong si Badudels ay isa sa mga promotor niyan. Bagaman tinamad akong magbasa at umintinde ng kumpletong rules niya, nagets ko naman kahit paano. Basta ang alam ko, kelangan ko lang magpost ng hanggang limang nominasyon bilang lafftrip o humor blogs. Kaya heto na po ang listahan ng mga sumuhol sa'ken in no particular order. Ay teka. dapat pala sunod-sunod. (edit muna. finished.) ... in descending alphabetical order na yan ha.

#uno > XienahGirL
- ang babaeng-bakla na ayaw nagjojoke dahil baka pagtawanan lang daw siya. may cbox na laging jampak ng adiks at its finest.

#dos > Maldito
- may matabang utak at matabang puso. rich in cholesterin at its finest.

#tres > GreenPinoy
- mahilig sa berdeng saging at ungguyan. prolific sa corny jokes at its finest.

#quarto > FerBert
- palamura. pervert. alien jokes at its finest.

#singco > Coldman
- ano kaya yun? lintek na piktyurs at its finest.

O sya sya, padilya. Bahala na kayo dyan. Nag-didilemma pa ako eh.
Yung mga hindi ko binoto, wag nga kayong magdrama dyan! Hindi ko pa lang siguro nabibisita yung blog mo. O sadyang kumpleto na kasi yung 5 slots ng nominees ko. Kaya kung may gusto kang sisihin, wag ako! Si Manong Badudels kaya ang naglimit nun sa rules niya. Kung hanggang sampu lang sana ang pwede edi naisama pa kita. Pero kung adik ka talaga sa award na ito at mas malaki ang offer mong suhol sa'ken, ilalagay kita dyan oramismo. Wag ka na lang maingay at ichat ako sa YM. Wag dito sa comments ha. baka malaman ng iba at isiping nandadaya tayo. Oh my holyness!

Sinsero,
Holy Kamote

6 comments:

FerBert said...

banal na kamote.. maraming salamat sa boto.. mula ngayon bes op prens na tayo.. hahaha

Coldman said...

wala naman po akong reklamo. Dahil dyan treat kita ng one way ticket dito sa US kaya lang yung pabalik sagot muna. dyuk. =)

Salamat parekoy!

thegreatmaldito said...

spoiled brat ba ako niyan?wahahahha.....salamat sa pabgboto kamote...at dahil diyan, sisimulan ko na ang pagtanim ng kamote para sa ngalan ng pagkakabibigan..ahhehee

XienahGirL said...

wah
:)

binoto mo nga ako
at its finest
kamon
salamat kamote
:)

abay natuklasan mo na rin
sa wakas
si maldito
mali kasi yung link
na naibigay ko sa iyo
diba?

ipadadala ko na lang
yung payout mo
sa katapusan--
ng mundo
hahaha

Holy Kamote said...

graba. ang hirap yatang mamili ng 5 lang ha. ang dami kasing "at its finest" ang tagline.

badoodles said...

hayan nabilang ko na ang iyong boto. salamat sa pagsali. gudlak sa pa-rapol.