2008-03-02

Opening Prayer para sa HS Graduation ni PM

Nabasa ko kanina ang blog post ni Potato-Maniac na pinsang buo ng Sweet-Potato Rangers. Siya pala ay naatasan ng kanilang school head na manguna sa opening prayer sa kanilang darating na High School Graduation ngayong buwan ng Marso, Batch 2008.

Nakisingit lang daw siya na makagamit ng kompyuter at internet sa kanilang bahay at biro mo ay naisingit din akong mabanggit sa post niya! Nagulat naman ako bigla. Heto ang sabi niya —

"bossing holy.kamote.sa oras na mabasa mo to, baka naman gusto mo ko i-compose ng prayer. dali na.. Holy ka naman ehh.. n_n"
Bagaman hindi niya ako bossing at hindi ko rin sya empleyado, pero dahil sang-ayon akong Holy Kamote nga ako, napagpasyahan kong bigyang tugon ang maliit nitong rekwes. Pwede niya itong i-print sa kokomban at basahin na lang habang nasa pulpito gamit ang mikropono.

Maagang pagbati ang hatid ko sa iyong darating na pagtatapos, Manyak-Patatas. Heto ang nirekwes mong sana'y gamitin talaga at basahing may sinseridad. Gudlaks.

[Introduksyon:]
Inaanyayahan ko pong magsitayo ang lahat ng naniniwalang may Dios at sumasampalataya sa mga nakasulat sa Biblia. Yung mga niniwalang kalokohan lang ang ideyang may Dios na makapangyarihan sa lahat ay maaaring manatili na lamang sa kanilang pagkakaupo. Mas maiging wag maglikot sa kinauupuan na gaya ng kalikutan ng inyong mga kaisipan kaysa napipilitan lang pala kayong tumayo at mamaya ay magmumura naman ng pabulong na "Pakyu Dearest Jebus!"

Yung mga hindi naman naniniwala sa kaparehong Dios na nakasaad at ipinakikilala sa Biblia, pero nais paunlakan ang aming paanyayang mga Cristiano na samahan kami sa maigsing panalanging ito habang nakapikit ang mga mata upang itingin sa Dios na hindi nakikita. Kung tayo po ay nakahanda na, sama-sama po tayong sinserong manalangin....

[Panimulang Panalangin]
Panginoon naming Dios, Amang makapangyarihan sa lahat, sa pangalan po ng Panginoon Hesukristo,

Sa umagang ito, bago po kami dumako sa aming nakatakdang gampanin, ay nais po naming magtagubilin sa Iyo at ihingi muna ng kapatawaran ang aming mga naging kasalanan at pagsalangsang na naipon sa buong school-years na nakalipas. Umaamin po kami sa mga pagkakamaling naramdaman, inisip, inakala, sinabi, at ginawa sa aming mag kapwa-tao, estudyante, guro, gwardya, tindera sa canteen, taga-dampot/walis ng mga hindi na namin manguya gaya ng plastik, styrofoams, at non-biodegradable na food containers, pati na ang mga tagalinis ng kubeta. Hindi man po ito alam ng lahat, o wala man nakasaksing dinaya namin ang resulta ng aming eksam, nagpuslit ng libro, nangupit sa pondo, patalikod na nagmumura at pinagtawanan ang alinman sa empleyado ng eskwelahang ito, nag-blog gamit ang permanent pen markers sa iba't ibang pader, pinto, upuan, at iba pang mga kasalanan (na baka i-censored na ng mga konserbatibong lipunan kung sasabihin ko pa dito sa mikropono.) Alam kong alam mo na po yun Lord. Kung paano kami nandayang mga estudyante, at kung paano din kami dinaya ng ilang empleyado at guro dito. Pare-pareho po kaming natutong magtiis at pakisamahan ang isa't isa sa mahabang panahong inilagi namin sa buong school-years. Dito din po namin natutuhan ang ilang mga praktikal na diskarte ng iba't ibang kalokohan at karunungang wala sa pahina ng teksbuks at pawang kwentong-daldal lang upang kapwa wag antukin ang nagtuturo at tinuturuan. At wag namin basta mapatay ang oras bago ang uwian ng wala man lang kapirasong kaalamang narehistro sa aming mga kukote. So far, matiwasay naman po ang aming naging pagsasama at heto nga't mabubunutan na kami ng tinik sa bawat isa. Gagagradweyt na kaming mga pasaway na estudyante at mababawasan na ng suki at captured market ang mga miyembro ng faculty-slash-negosyante. Sana po Panginoon ay mapatawad mo po kaming lahat kung paanong napatawad na rin namin ang mga taong nagkasala at nanggantso sa amin. (Yung mga hanggang ngayong graduation na nga lang ay may souvenir pang kagalit o kaaway at hinanakit sa kapwa ay bahala Ka na po kung kasama Mong patatawarin.)

Kalakip nito'y nagpapasalamat kami sa'Yo sa minsan Mo pang pagpapahiram sa amin ng talino at kalakasan upang malagpasan ang lahat ng ito. Salamat po at buhay pa kami hanggang sa mga oras na ito. Mga nakatayo, nakapikit, gayundin sa mga paminsang dumidilat at nagbubungis-ngisan. Salamat sa aming magarang kasuotan, puting-puti, na alangang ikakasal at alangan ding artista/extra sa horror films with morbid make-ups. Salamat din po at pihadong mamaya ay masarap ang kainan at selebrasyon. Salamat din po sa aming mga magulang, na kahit di-halatang nagsasawa na sa aming walang-sawang katarantaduhan at pagbubulakbol ay ikinayod at iginapang kaming tustusan at ibili ng segundaryang edukasyon. Alam naming sobra-sobra ang kanilang mga pang-unawa at pag-asa sa aming mga magandang kinabukasan (daw) na ngayon ay susuklian namin ng kapirasong papel na ang tawag ay diploma. Salamat po talaga ng marami at nasilayan pa namin ang araw na ito. Salamat po Panginoon sa iyong mga biyaya at pagpapala (at perstaym ko ding nagka-syota). Salamat sa tuwina Mong pag-iingat sa aming hiram na buhay upang ilayo sa araw-araw na posibleng sakuna sa daan at pagbabyahe mula sa bahay namin, hanggang sa eskwela, tapos sa mall/gimikan, tapos bahay uli. Salamat sa pag-aadya sa amin sa kamay ng mga reckless drivers, hold-upers, snatchers, stalkers, psychos, tambays, at rapists, na kamuntikan na sanang dumonselya sa aking musmos na karanasan sa mundong ito at kamunduhan. Salamat at virgin pa po ako! Salamat po at nakararaos kami sa araw-araw na pasok, na kahit late ay humihingal at humihinga-hinga pa at medyo haggard, ay ebidensya lang na buhay pa kami . Salamat sa panibagong lebel ng karanasang ipagkakaloob Mo sa amin kung sakaling may sapat na pera pa si inay at itay upang tustusan naman ako sa panibagong gapangan at kayuran para pambili sa aking terserang edukasyon.

Nais din sana naming humiling ng kapiraso sa Iyong makapangyarihang kamay. Hindi na po namin hihilingin sa Iyo na patalsikin sana ang kasalukuyang pangulo ng bansa, o ibigay ang pangarap ng buong mundo na world peace, o sugpuin ang kurapsyonm gyera, at kahirapan. Kung loloobin Mong maganap naming tanggapin sa stage ang diplomang may pangalan namin at hindi kami biglaang madulas/madapa sa iilang baitang na hagdanan ng entablado, at bumagok pa ang ulo sa semento o anomang supresang kagaya nito — ibig sabihin ay graduate na nga kami. Wala ding dapat ipagyabang, ikataas ng noo, at ikataas ng ihi. High-School graduate (pa lang/na lang) po kami! Hindi pa ganoon kalawak ang aming karanasan at kaalaman upang maunawa ang isyung pang-global at nasyunal. O problemahin ang problema pang mundyal. Nais lang po sana naming hilingin sa kapahintulutan ng Iyong banal na kalooban... na bigyan pa po sana kaming lahat ng mahabang buhay at malusog na pagkatao. Sa gayon ay magkaroon kaming lahat ng sapat na pagkakataon, kahandaan at maturity upang matutunan namin at matanggap ang iba pang lectures ng buhay. Madalas man po kaming absent-minded at physically-present, makakabisado din po namin at matututunan ang tamang pag-uugali, pag-iisip, at pagtanaw ng utang na loob, at iba pang moralidad at pagkilala. (Kung ito ba ay mabuti o masama, kung tama o mali, kung bibilugan o ooblongan, kung guguhitan o salungguhitan, sa etcetera at sa iba pa.)

Patuloy Mo po sana kaming samahan sa bawat wamport short-quiz hanggang sa back-to-back na long eksams ng buhay. Balita ko nga po ay mas astig pa raw pag kolehiyo na. Aminado po akong natatakot ako at naeeksayt ng sabay. Pahiramin Mo po sana ulit kami ng talino at powers na mula sa'Yo. Pramis at magbabasa din po ako ng ipinasulat mong love letter sa isang makapal na libro pag may time at hindi pa pagod ang aming mga mata sa kakatitig sa tibilisyon, selepono, at monitor ng kompyuter. Nawa'y kung dumating na ang oras na kami'y magtatapos o katapusan na namin, ('yun bang gagraduate na talaga at ibabalot sa isang puting diploma at ilalagay sa kahong may salamin at may lapidang nakaukit ang pangalang na may petsa.... o kung mag-iiyakan man ang mga naiwang nagsa-summerclass pa sa mundong ibabaw) ay maging kalugod-lugod, katanggap-tanggap, at pasado sana kami na makapasok d'yan sa unibersidad Mo sa langit na mataas pa sa buong uniberso. Kahit pasang-awa nga po ay ayos na sa amin. Hindi po kami magrereklamo. Pramis at babawasan na rin namin ang pagrereklamo sa konting kibot, sundot, at nabigong sintang-pururot. Hindi na po kami mag-eeksperimentong laslasin ang aming pulso para matiyak lang kung ang kulay ba talaga ng dugo ay pula, o baka bughaw, o dilaw, o berde, o itim, o violet. Hindi na po kami magpapaka emo-slash-wrist, at pahahalagahan ang ibinigay Mong buhay sa amin.

(Sa lahat ng mga natawa, naiyak, o napamura sa pagwawakas ng panalanging ito, salamat na rin sa pakikinig niyo. Wag nga lang kayong magmaganda na i-kritiko at i-censor ito dahil hindi naman para sa'yo ito iniukol. Dahil kay Lord nga naka-address ang panalanging ito. At hindi sayong abang tao.)

At lahat po ng mga bagay na ito ay taos-puso naming idinadalangin na walang halong biro. Sa tanging pangalan at karapatan ng Iyong bugtong na Anak at aming manunubos, na si Hesukristo.

Amen.
Sinsero,
Holy Kamote

60 comments:

ponchong said...

pati sa prayer, may attitude pa din. baka mag leave ng comment si LORD nyan.accept mo ha!

Holy Kamote said...

ang bilis mo namang makabasa at magkomento pareng ponchong. wala pang 5 minuto ang nakalilipas ng pindutin ko ang button na "publish".

request lang po kasi. ayoko namang pahindian.

sige po, alas 5:15 na ng umaga dito sa pinas. antok na rin ako.

anong oras na nga ba jan sa'yo sa zurich, switzerland? ilang sakay lang ba yan ng jeep at bus mula sa cubao?

cedeux said...

an haba ng prayer mo hk.
baka magalit si principal at panauhhing pandangal nyan. hehe

linglingbells said...

oo nga, ang haba! pagkatapos ng dasal, uwian na! hehehehe! pero inpeyrness, ang sincere ng prayer.. tiyak na matutuwa si papa jesus! :)

FerBert said...

oh wow! parang buong graduation ang sasakupin ng prayer mo.. hehehehe..

gawan mo rin ako ng ispits HK sa graduation namin neks yir yun ay kung aakyat ako ng entablado at magsasalita dun..

gorjess said...

thanks for dropping by justabouteverything....

Dakilang Tambay said...

hanggang sa panalangin may kalokohan pa din.. hahaha! apir

namiss kita kamote! ako namiss mo? haha

ponchong said...

hindi mo kelangan sumakay..walking distance lang 'to..ang lapit di ba? para ka lang nangapitbahay.

potatomaniac said...

bossing :))


salamat..

sige print to mamaya ^^

hehe.n_n


p.s.

takas ulit tong pag-iinternet ko :)

Kiks Phulumulu said...

ang chowks ni lord: "in fairness..."

hahaha.

as for the rss feed, ipinagdadasal ko pa kung paanetchiwa.

Poli said...

Baka naman hindi maka-graduate niyan si Potato Manyak. Hehe!

Meryl said...

Ang masasabi ko lang: AMEN.

Holy Kamote said...

@cedeux > more or less ay 10 mins ang gugugulin sa pagbasa nito. hindi naman siguro ido-double check pa ng school head ang opening prayer na ito. hehe. sana makalusot. n_n

@lingling > hehe. mabilis lang po ito. mas mahaba lang ng konti sa simeco.

@ferbert > alam ko na introduction sa speech mo. "greetings, earthlings. we, aliens mean no harm."

@dakilang tambay > miss you. wahaha.

@ponchong > wow, alay lakad. ayos.

@potatomaniac > sana magamit mo nga ito. boy takas.

@kiks > paanetchiwa nga kaya? hahaha

@poli > gagraduate yan. wala ng burahan yung nakasulat sa diploma. hehe.

@meryl > Siya nawa.

Anonymous said...

pwede bang magrequest? para din sa graduation namin.


.noime.

Mel said...

hk, wala na ibang makakagawa ng ganiyang klaseng dasal, dahil bukod sa lakas ng loob mo na sabihin lahat iyon(gusto ko talaga mabasa yan sa graduation nila, walang basagan ng trip!), hindi karamihan sa mga nilalang kristiyano ang nagdadasal ng sinsero(di ba father leo?).

nawa'y magibayo pa ang kalokohan at talas ng pagiisip mo... hindi uso sa college ang super bait, maniwala ka...

sulat ka pa madami ganito, saktong sakto pansimula ng araw ko ito eh, haha!

eumity said...

naks. talagang nakagawa agad ng panalangin ha. at may attitude pa. ngayon alam ko na kung kanino ako magpapatulong pag ako'y naatasan sa mga ganyan. ;)

krisha said...

sure kunin mo hehhehe!

ok lang.. nga pala napansin ko ala kang cbox? :P

yarnhoj said...

hehehe, ayoko ng kokomban.gusto ko ay bang peper! lol

McRey said...

Tang ina, ang haba ng panalangin na ito... hindi kaya pati yung principal eh magmura at magwala sa stage kasi ang haba... aagawin ng principal ang mic at sisigaw ng:

Principal: AND DELIVER US FROM EVIIILLLLL... AMMMEEEENNNN....

(Yung pagkakasigaw eh tulad ng sigaw ni Emily Rose)

Hahaha...

Naalala ko yung hayskul days ko... may orasan kami sa classroom, ang tawag namin dun eh, "Ma'am Time na po Korner" tapos laging advance ng 15 mins...

Mga guro namin laging nakatingin sa relos nila pero hindi i-na-acknowledge yung gawa namin... hahahahahah!

HAPPEE GRADUATION DEY SA KANYA!

RCYAN said...

Hahahah! Holy ka nga Holy Kamote!!! Me tanong lang ako, nagtitinda ka ba ng kamote kaya pinangalanan mo ang sarili mong Holy Kamote? Ano bang katangian ang nakita mo sa kamote para masabi mong pwede nga itong maging banal? Matagal ko na rin kasing tinatanong sa sarili ko kung bakit pinili ng isang taong tulad mo ang tawagin ang sarili niyang Kamote...

May kinalaman ba 'yan sa purifying properties ng kamote sa katawan ng tao in the form of UTOT?

Just asking. Matutuwa ako kapag sinagot mo ang tanong na ito... (^-^)

Anino said...

Dalangin pa lang,pinataob na ang speech ng valedictorian!Hahaha.

superym said...

hahahaha!!

mismo. may attitude pa din kahit sa prayers.
anyways, ang haba naman ng prayers.
baka closing na di pa tapos sa pagsasalita yung nagbabasa.

hahahaha!

ako din gawan mo ng prayers, pang college naman. hahaha!

JIMG29 said...

Makabagbag damdamin ang puchang dalanging ito. Sigurado akong hinding-hindi matatanggihan ang mataimtim na kahilingang ito. Pagpalain ka nawa Holy Kamote. At para sa mga ka-batch ni Manyak Patatas at mismo ay manalig kayong sa kabila ng karumal-dumal na gawi ng gubyerno ay magsisimula sa inyo ang pagbabago. Kayat sa araw ng pagtatapos ay binabati ko kayong lahat. Haalah..sigue...sulong at panis na ang mga pagkaing handa ninyo sa litanyang ito.

camille said...

opening prayer pa lang to ha.

(gudluck sa mga graduates na mananalangin nito)

pero ganda nya. pramis.

chixstix said...

lolzzz. napakhonest ng prayer mo. saludo ako saung angking katalinuhan!! astig!! hehehe.

kaya lang napakahaba... nweiz. AMEN.

Holy Kamote said...

@noime > oh nose! ang dami na ng prayer requests. n_n

@mel > sino si pader leo?

@eumity > naks. gawa na nga ako ng panibagong post. baka matambakan ako ng prayer requests. hehehe.

@krisha > napansin mo? hindi mo nga napansin e. andun sa itaas na kamote yung nagtatago kong cbaks. mahiyain kasi sya.

@yarnhoj > anong size yan, saka substance? lol.

@mcrey > minsan lang ang graduation at chance na makapagsalita sa mic. kaya walang basagan ng trip. to the principal, panauhin pandangals, pati valedictorian, wait for your turn. mamaya na kayo umeksena pag oras niyo na, ok. n_n

hapi graduweyshen.

@rcyan > mukhang given na yung sagot kung bakit "HOLY" ako. so, heto naman po kung bakit ako "KAMOTE". sana nga matuwa ka sa isasagot ko:

kaya po kamote ang napili kong katawagan ay dahil sabi nga ng kanta ni fracism, ito ay "mahiwaga". kahit hindi nagdyo-dyowk o nagpapatawa, mapapautot ka na at mabubusog ka pa. (san ka pa?)

yung iba pang dahilan, sikret muna. mahiwagang kamote nga, di ba?

@anino > kanya-kanyang chance lang yan para magsalita sa mic. pasensya na at una talaga sa programme ang opening prayer. hehehe.

@superym > more or less, 10mins lang po yan. o kung mas mabilis magbasa si manyak-patatas, baka 5mins lang niya kanain 'to.

@jimg29 > hindi pa ito litanya. hahaha. shortcut pa nga yan para macover ang 4yrs hayskul life. n_n

@camille > gudlaks sa mga gradwets.

@chixstix > maigsi lang po talaga yan. pramis.

xienahgirl said...

eric
san ka ba naglalalagi?
:|

at sungitero ka na ngayon ah
wala ka ng cbox
tsk tsk tsk

parang simeco lang.
teka natatae ako

Holy Kamote said...

@xienahgirl > nakikipagbuno pa ako sa mga proyektong wala namang kinalaman sa ikauunlad ng pilipinas. hehehe. heto at nagpupuyat na naman. pero ayos lang, march na naman e. malapit na. hahaha.

yung cbaks ko nga pala, andun sa pwesto ng kamote sa itaas. just click the SHYBOX. (dahil mahiyain talaga ito at few chosen people pa lang ang nakakatuklas.)

klaubette said...

hala anu yan wala kasing tagboard! oo ayan ngreklamo pa ako. haha weh di ka pa kaya nakakapunta sa blog ko.perstaym yun. :D o feeling ko lang close tayo! :p

SuperPaurong said...

hindi naman siguro magagalit si God sa taas. hehehe.

davenport said...

whoa.. dasal ba yan or "confession of a dangerous mind ala silence of the lamb remix version 2.3"

ha ha ha..

Princezz said...

susmeyo! ang haba naman ng prayer mo. baka naman uuwi na lahat ng mga magsisidalo sa haba ng letanya ha. so far, aprub pa rin! gleng mo naman.

Anino said...

Nakita ko na yung mahiyaing cbox.

redlan said...

sana kinontak kita bago ako nag announce ng hiatus. magpagawa sana rin ako ng speech para sa blog hiatus.

nakalimutan kong tanungin ka kung kelan birthday mo dahil nakita ko piscean ka rin.

Eds said...

ang galing ng blog mo ha, cguradong mgiging madalas ako dito :)

http://edsnanquil.com

lyza said...

Ayos yung prayer mo a, siguro kung ganyan prayer sa grad namin, nako makikinig ako. Parang naitala na lahat ng napagdaanan sa high school.

Favorite line/s ko:
"Dito din po namin natutuhan ang ilang mga praktikal na diskarte ng iba't ibang kalokohan at karunungang wala sa pahina ng teksbuks at pawang kwentong-daldal lang"

"Madalas man po kaming absent-minded at physically-present, makakabisado din po namin at matututunan ang tamang pag-uugali, pag-iisip, at pagtanaw ng utang na loob, at iba pang moralidad at pagkilala."

hehe.

wanderingcommuter said...

hahaha...radical prayer ba ito?! nyahahaha

William said...

AYOS ang Tagalog mo... hirap kaya bigkasin yan hehe

Ann said...

napakahaba naman ng panalangin mo. talo pa nyan ang valedictory speech. ;p

Euri said...

Mahal kong HK,

Alam mo, iho, sa kolehiyo, mas mataas ang baon mo. Alam mo kung bakit? Kasi, wala ka nang baunang pagkain. Marka iyo na binata ka na and kailangan mo nang mamulat sa kahirapan ng pag bubudget ng pera. At tsaka, hindi bat kahiya-hiya naman kung gigimik ka na nga lang katapos ng klase, proproblemahin mo pa kung san mo ibabato yang baunan mo.

Ang buhay kolehiyo ay hindi biro, pero di tulad ng hayskul, mas konti ang bawal. Pwede ka na palang mag yosi na tila tambutso, tumoma ng galong-galon, at timukim na bawal na gamot hanggat gusto mo. Wag ka lang papasok ng lasing o kaya sabog sa klase. Baka itapon ka palabas ng prof mo.

Ang kasarapan pa nun, hindi ka pipilitin ng prof mong pumasok kung ayaw mo. Absent ka lang ang lakwatsa rito, lakwatsa roon. Hindi ko naman sinasabing magpakariwara ka ng husto. Basta's alam mo ang limitasyon mo. Subok lang naman eh. Magsasawa ka rin.

Nagmamahal,
God

Ayiene said...

ay yun yun eh.
holy ka naman kasi kaya sayo na pinagawa. :) AYOS.

Ganda nung prayer ah, holy!

Holy Kamote said...

@klaubette > feeling close na nga tayo. hehehe. kelan kaya tayo magiging open sa isa't isa?

@superpaurong > yung god sa ibaba, baka magalit. hahaha.

@davenport > whoa.. prayer request daw po. n_n

@princezz > bilangin ko pa kaya kung ilan na kayong nagsabi na baka mag-uwian na sa haba? hahaha. salamat at aprub pa rin. n_n

@anino > hahaha. isa ka na sa chosen few people na nakahanap ng aking cbaks.

@redlan > parang gusto ko na ring maghiatus. experience lang. hahaha.

@eds > cgurado yan ha? n_n

@lyza > naks naman. may fav lines pa.

@wanderingcommuter > ano sa palagay mo? nyahahaha

@william > hekshuli, i'm not used in speaking tagalogues. med joe, hirap nga poe ako mag-tagalogues.

@ann > talo ba? ;P

@ayiene > ayieneyuneh! n_n

Holy Kamote said...

@euri >
labs kong godeuri,

wows, ang dami na po palang "PWEDE". mas ok sana kung mas marami yung "BAWAL". masarap daw kasi yun. therefore, mas maraming bawal, mas masarap.

umm, pwede ko din bang subukang mang-rape at mag-genocide? subok lang po. magsasawa din ako, pramis.

nagmamahal,
presyo ng langis n_n

Wildcatlady29 said...

thanks for the comments huh? and the visit also. have a great day!!!

Rachelle Layam said...

grabe as in grabeeee....
hk ngaton lang ako nakabasa ng ganun kahabang opening prayer.

di kaya tapos nang mag-martsa ang mga gagraduate nagdadasal parin sya?

di ka naman naawa...

Virginia said...

lol ang haba ng prayer! bagot yan, edit mo para umikli hehehe!

jenny said...

grbe 46 comments, so far!
hhaaayz.tlga!may attitude nga khit sa prayers..
natatawa ako tlga syo HK!
matanong nga? for once nagseseryoso ka din ba? hehehe =]
miss reading your blog post!!
ingatz po. :)

2cents said...

checking you out. Good luck!

Rachelle Layam said...

nakita ko narin yung mahiyaing cbaks mu HK...

napakamahiyain naman nun...

RCYAN said...

Hehehe! Salamat sa paglilinaw, G. Holy Kamote... Now I can rest... Rest on my bed... ^^,

Janj said...

Gee.... Ur blog really hav d attitude... Ayoko nga pumanget noh... Kaya eto, ngleave na lng ako ng commenet... lol... But really, I instantly liked this site...

supervillainess said...

very appropriate ah. sana hindi maexpel yung nagdadasal bago siya makagraduate. haha :D

Holy Kamote said...

@wildcatlady29 > naguluhan naman ako dun sa "huh?" mo. may question mark pa talaga.

@rachelle > grabeeee. di nga? di kaya.

@virginia > bagot na kung bagot. hahaha.

@jenny > opo nagseseryoso ako. hindi lang "for once". minsan, twice at thrice pa. samahan mo na rin ng 2 rice saka isang order ng ulam. n_n

@2cents > checking in.

@rachelle > nakita mo na. nahiya naman ako.

@rcyan > ows, nalinawan ka na dun. hay, salamat. makapagpahinga din muna.

@janj > instantly? wow! parang noodles lang saka kape. instant. n_n

@supervillainess > sana nga di siya ma-expel. gusto mo gawa akong ng separate prayer para naman di sya ma-expel? kaso mas mahaba dito. bwahahaha.

berlai said...

panalangin ba yun?
parang sulatin kung san naglabas ng sama ng loob-hinanakit-and EVERYTHING ee. :))
nga pala java yung gamit namen. :)

pinggay said...

LOL...hehehe..hihihi.. hndi kaya sa haba ng dasal n to, makatulog ang mga graduates..pero ok yan.. tamaan sana un titser ko dati sa hayskul.. wala alam ituro, kundi TALASALITAAN.. habang nakaupo at nakadekwatro pa..Pero in fairness.. ang henyo mo tol..ang dami laman ng utak mo..(masustansya pala ang kamote) hehehe.. cge..galing mo..

Holy Kamote said...

@berlai > uy java calculator. may sample codes nyan sa net.

@pinggay > edi ang dami mo ng alam na bokabularyo mula sa talasalitaan, at least may itinuro. kesa yung nagpapakopya lang lagi sa blackbored. buti sana kung sya lang lagi nagsusulat, kaso kawawa yung dakilang utusan na maganda magsulat. Langhap-sarap ang pulbos ng chalk. n_n

Anonymous said...

haha. shemay.. astig na panalangin! haha. parang gusto kong gamitin.. heheh ^^ the best!!

Anonymous said...

wow hk..,!! ang galing mo talaga,,,
yun ang pinakamahabang panalangin na aking nabasa sa aking buhay,,
sanay patnubayan ka ni BRO!!!

PS..
baka namn hindi na makagraduate c potato_maniac nyan,, at bawiin ang diploma dahil sa pag lalantad ng mga eskandalo at mga nakakahiyang bagay sa skul...

gudlak sayo at mor pawers!!!!

Ana ELizabeth Finley said...

babala:
ang hindi mag-comment, papanget!
kung di ka pumanget, tutubuan ka naman ng genitalia sa noo!

Ana ELizabeth Finley said...

babala:
ang hindi mag-comment, papanget!
kung di ka pumanget, tutubuan ka naman ng genitalia sa noo!