2008-03-07

Exclusive Picture & Personal Info

Dumadami na pala ang mga nauuto ko dito. Naaawa naman si ako dahil naka-ilang pabalik-balik na kayo dito sa pwesto ko, at marahil ay nabasa niyo na rin hanggang sa pinakalumang posts ko, pero 5 days na ang nakalipas at ngayon pa lang ulit ako nakagawa ng panibagong entry.

Kaya, alang-alang po...

  • sa umiinit na summer at nagbabantang global warning (kaya masarap mag-beach)
  • sa dikit-dikit na barong-barong na laging nagsisindi ng kandila o kaya'y gasera na masagi lang ng hinliliit mo ay tutumba na, pero nasa safest na lugar naman katabi ng paboritong kurtina, table cloth, kama, at iba pang madaling magliyab na materyales
  • sa sala-salabat at nakatirintas na kawad ng kuryente ng MERALCO/NAPOCOR at ng intermittent power supply at scheduled brownouts
  • sa mga highly-skilled Jumper, na hinuhuli dahil sa ilegal at hindi lisensyadong pagtalon
  • at sa iba pang sanhi ng kalimot o aksidente kung bakit nagkakaroon ng trabaho ang mga cool na boomberos ngayong buwan ng Marso
...heto ang aking update at pagbabalik sa unannounced hiatusaurus. Tapos na ang limang araw na bakasyon na hindi ko naman po na-enjoy. (Next time hahabaan ko na, at ia-announce ko na rin po sa inyo.) Tapos na rin ang maliligayang araw niyo. Mwah-mwahaha... dahil na-miss ko kayo. At yari ulit kayo sa'ken... dahil na-miss niyo ako!

Napansin niyo bang napakibihira kong magkwento tungkol sa pang-araw-araw at eksayting kong buhay? Minsan lang ako nagkwento dito (ingliserong langgam pa ang aking ghost writer).

Alam kong kilala niyo lang ako sa pangalang "Holy Kamote" (teka, pangalan ba 'yun?). Mata at bangs ko pa lang ang nakikita niyo bilang eksklusibong piktyur ko dito. Kung may nakita man kayong iba pang larawan sa pagtatanong niyo kay Manong Google ng aking identity bukod sa ni-reveal ko dito, ay wag kayong maniwala na ako yun. Wala rin akong video scandal, kaya wag yun ang i-search niyo. Wag niyo din akong iparehas kay Edison Chen na mahilig kumuha ng piktyurs, dahil di hamak na mas singkit yun sa'ken! Kaya ko ngang palakihin ang mga mata ko na higit pa sa proportional size ng nakabukang bibig, gaya ng napapanood niyo sa mga anime. ("Animey" nga pala ang basa d'yan at hindi "anaym". Kung kapanahunan ka pa ng threesome na sina Popeye, Olive, at Brutus, yan po ang modern equivalent ng "cartoons".)

Oo, alam kong pinapaimbestigahan niyo ako kay Manong Google. Marahil ay gusto niyong mapatunayan at makita sa sarili niyong mga mata na gwapo nga ako ...este... na tunay na tao ako at hindi isang piksyonal na karakter lamang na nag-anyong kamote.

Saka aanhin niyo nga pala ang piktyur ko, ha? Marami ba kayong pesteng pets sa bahay na kelangang takutin gamit ang aking bangs at makatunaw-yelong mga titig?

Pesteng-yawah! Umayos nga kayo! Wag malikot. Pumila ng tahimik. Sa unahan ang pinakamaliit. Wag ding manundot ng puwet ng nasa unahan mo. Sige ka, babaho daliri mo. Mind your own pwets, ok. ('Yan, very good kayo sa'ken.)

Ayon sa mga taong matatalinong nagbuhos ng kanilang buong buhay, lakas, pinag-aralan, dugo, pawis, at libag (yuck!)... alang-alang sa syensya at makabagong-tuklas na teknolohiya (teka, meron bang makalumang-tuklas?) na makapagpapataas daw ng kaledad ng pamumuhay ng tao ... ay napatunayan nilang ... walang ipis o daga na natatakot sa mga piktyurs! What a remarkable scientific discovery!

Yes FM! Ang mga creepy creatures na yun ay wala daw ganoong emosyon ng pagkatakot towards horrific pictures. Kaya hindi niyo rin magagamit ang piktyur ko (belat you!). Kahit pa nga larawan ni Madam Auring na nasa front-cover ng FHM o Playboy magazine, at pinabangong-gawgaw lang talaga at pulang lipistik ang (pu*) tanging suot at wala ng iba habang naka-pouting lips pa ala Angelina Jolie, ang ipanakot niyo sa mga kaawa-awang daga.

(Naiisip mo ba ang kahindik-hindik na imahe ni Madam Auring sa iyong utak? Hindi ko na ilalagay ang piktyur baka masuklam ka na talaga sa lahat ng uri ng porn at smut work of arts daw ay isuka mo. Baka nga, pati bituka mo ay maisuka mong bigla at idemanda pa ako sa iyong di-inaasahan at maagang pagkamatay. Kung natakot ka sa na-imagine mo, wag kang matakot! Dahil gudnyus yun, na hindi ka pala kauri ng mga pesteng ipis o daga. Tao ka pala, at hindi insekto o hayuuup! Congrats naman sa'yo.)

Ay teka. Saan na naman ba patutungo ang aking monologong pagsasalitayp? Ah, yung tanong nga pala kung "bakit bihira akong magkwento tungkol sa aking napaka-eksayting na buhay".

Ang kasagutan po talaga ay dahil... (wait, huminga munang malalim at lunukin ang kinakain kung kasalukuyang ngumunguya sa harap ng kompyuter. Kung wala naman ay lunukin na lang ang laway at kalamayin ninyo ang inyong kalooban sa mga kasunod na mababasa. Dahil ito daw ay moment of truth. Sa di matukoy na kung saan, ay biglang may narinig na drumroll. Tapos huminto.)

Dyaran!!! Ang kasagutan ay dahil wala po talagang eksayting sa buhay ko. (Palakpan. Halakhakan. Hagikgikan.) Hindi ibig sabihin nito ay hindi ako masaya. At huwag ding isipin na ako ay isang "maramdaming emo" (emotional emo...redundant na pag-uulit?), dahil mali kayo ng akala. Please. Huwag niyong hatulan agad at i-stereotype ang aking bangs. Hindi po ito one-sided at hindi rin nakatakip sa isa kong mata. Hindi ako taga-CFAD. Hindi rin po ako taga UST. At hindi ko rin sasabihin ang school ko. At yung iba pang frequently-asked-questions (FAQs) ay paglalaanan ko na lang siguro ng isang bagsakan (blag!). Isang post na lang.

Yun namang mga perstaymers at bagong salta dito sa pwesto ko, naku-curious sa mahiwagang kamote, at marami pang ibang tanong gaya ng "Lalake ka ba? Pabyu ng webcam", ang masasabi ko lang po muna ay ganito:

"Wala bang mas challenging question kayong pwedeng maisip? Wala na bang mas ibang importanteng itanong at ito ang priority niyo sa buhay? Tataas ba ang grades mo sa school pag nalaman yun? Tataas ba ang kinikita mo sa trabaho? Tatalino ka ba, lulusog, at mabubusog? Uunlad ba ang Pilipinas pag sinagot ko yan? Makakamit na ba ng mundo ang inaasam na world peace? Makikita na ba ng Blackeyed Peas ang hinahanap nilang pag-ibig? Maililigtas ba ang kaluluwa mo mula sa apoy ng impyerno? sa medyo malayo-layo pang paggunaw ng mundo? at sa nalalapit na pagbabalik ng Panginoong Hesukristo ayon sa nakasulat sa paborito kong libro?"

Ang sagot ay dalawang malaking bilog. "OO. Lalake po ako. Gusto mo ipakita ko pa kamote ko?!"

Hekshuli, wala akong reklamong sumagot ng mga katanungan ninyo. Enjoy nga eh. Kahit pa naka-imbisibol na ako sa wey-em ay nagrereply pa rin ako, di ba? Ang kaso lang, yung karamihang tanong kasi ay makikita na rin naman dito sa blog ko, kung maghuhukay lang kayo sa archives at magbabasa ng hindi lang letra kundi pati yung nasa pagitan ng mga linya.

Saka, mapapanis kasi yung "nilagang kamote" at yung salitang "consistency" at "mistery" ng pagiging "anonymous" ko, kung ngayon ko pa ibabalandra ang aking piktyur (2x2 size, wallet size, at wallpaper size), kalakip ng aking NSO birth certificate, NBI clearance, form-137, certificate of good moral character, drug tests at mga kauring sertipikasyon mula sa doktor, transcript of records, diplomas, at iba pang personal kong impormasyon. Na sa personal kong pananaw ay hindi niyo rin mapapakinabangan o maibebenta para biglang yumaman.

Wala rin naman akong balak na syotain ka at makipag-meet sa'yo sa mall o sa mas tahimik na lugar. Kahit saang mall at tukmols pa yan: mapa glorietta, robinson, esem, mowa, tokwa, jowa, o anopamang edipisyo at establisyimentong pang-sosyal na kadalasang pagmamay-ari ng mga chekwa.

Dahil binatang-filipino po ako at hindi po sakop ng aking personality ang maging kaladkaring lalake na pumapatol "basta-basta" sa na-meet lang sa internet. (Masakit kaya yung kaladkarin ka sa mall o kung saan-saan pa.) Inuulit ko. (Inuulit ko.) HINDI PO AKO KALADKARING LALAKE! Kalabitin mo nga lang ako, akbayan, at tutukan ng matulis na bagay sa tagiliran sabay bulong ng sweet nothings na, "Ilabyu, Holdap 'to. Hubad." ... ay mabilis pa sa alas-quatro y media, sasama naman ako ng maayos kahit pa sa dakong madilim. "You don't need to drag and drop me, baby. I love you, too." Heto na ang wallet, selepono, at relo ko. (Hindi rin kita kayang labanan o saktan gamit ng mga natutunan ko sa animes at movies na boksing, karate, shaolin kung fu, at iba pang self-defense moves.)

Pero hindi pa naman ako "nagsasalita ng tapos". Gaya na rin ng palagian kong pananalita dito na "to be continued..."

Kung hindi ka naman "basta-bastang" dalagang-filipina, may balingkinitang katawan, tisay, morena, chinita, singkita, bilogita, o kung kwadrado man hugis ng mata mo.... Basta may bahid ng pagka-HOLY, KAMOTE, at may ATTITUDE pa.... Heto nga pala ang number ko 0917-###-4427. Just be ready to meet me in the flesh and spirit, and make me part of your life. This offer is limited only within Metro Manila area. Pero pwedeng ma-extend ang limited offer kung willing kang gastusan ang pamasahe ko papuntang bunbunang parte ng Luzon, gitnang parte ng Visayas, buntot na parte ng Mindanao, o kung saang lupalop ka man ng mundo, pag-usapan na lang natin ng masinsinan, ok. Yun lang po. Ay wait, there's more. If you call now within the next 10 minutes to order a reservation, sagot ko na ang patawa at topic na mapag-uusapan (tapos bahala ka na sa food and other miscellaneous expenses).

Oops. Ang haba na naman pala ng dinaldal ko. Ok lang, blog ko naman 'to. Pakielamero na nga ako, pati ba naman haba at igsi ng post ko papakielaman niyo pa. (Naman!)

Dagdag oras at puyat pa para sa'ken kung io-organize ko muna ang aking thoughts and utots fresh from my coconut shell. Basta si ako, magsasalitayp lang. Ikaw naman, magbabasa at magkokomento. Tapos, reply naman ako. Mas simple di ba? Aanhin mo pa ang sangkatutak kong piktyurs at kuha mula sa iba't ibang anggulo, lugar, may damit, o wala?

Kung photo gallery kasi ang hanap niyo, aba'y naliligaw nga kayo! Sa kabila po ang sakayan ng byaheng papunta sa prengster, multiply, flickr, o photoblogs.

This is just Holy Kamote's blog with an attitude. Version purple and adcent$ free. Isang blog kung saan libre ang magbasa, magkomento, matuto, magpauto, tumawa, at magpakabanal. Ako'y isa lamang banal na kamoteng kulay violet. Welcome po kayong lahat pati ang inyong violet reactions, o kahit anong kulay pa yan.

(PS=Pa-Senxa: Nagloloko nga pala yung blogroll ko. Biglang nawala. Widget kasi yun galing sa Blogger Draft na kasalukuyan pa lang ginagawa at tinetesting ng Google engineers pero in-implement ko agad dito. Wag muna kayong mag-panic. Maayos din yan. Nababasa ko pa rin ang mga blog niyo gamit ang serbisyo ng Google Reader at panaka-nakang mga nakaw na sandali.)

Sinsero,
Holy Kamote

39 comments:

Joy said...

Akoy nagugulumihanan sa iyong mga salita dito acheche..Asan ang tagboard? Salamat sa bisita sa http://joydob.com at ako ay kinumusta. Sa awa ng Panginoon ako ay nasa ayos naman.

Noime said...

buti naman at bumalik ka na, may makakausap na rin ako kapag puyatera-mode ako. hehehe. :] mamaya ah!

pwede ba tayong magkita? tutal, malapit lang bahay namin sa inyo. hehehe. ;]

kingdaddyrich said...

taga saudi ka rin? magkapitbahay kasi kayo ni moime.. ehhehe.. at teka teka teka.. bukod sa mata at bangs mo, nakita ko na rin ang braso at kamay mo...

;))

kala mo ah

superym said...

ah so, pamysterious ka talaga.

oo nahindi kana taga USTe.

k fine.
hehehe

Janisha said...

Hey there! Ni-link po kita... Ewa ko ba nauto mo rin ako.... I just love your posts....

klaubette said...

ayan ayan...sinasabi ko na nga ba dapat talaga may tagboard. o di ba o di ba.ahay!pwedeng pwede maging open. gaano ka open? alam mo naman, my life is an open book. echos! haha

pwedeng mgfriendster
pwede ring multiply
pati facebook pwede pa.

meron kapa bang kilalang klaubette?! isang pangalan lang yan. try mo isearch sa lahat ng search engine. kaya madali mahanap sa lahat! ang daldal ano ba! :p

xG said...

masama pala
yung di ka nagba blog
ang haba ng entry mo e
pero nung nakita ko
avatar mo e
palagay ko naman gwapo ka

yeeee

siyempre wala akong friend
na panget.
hahaha

bangs pa lang e
pwedeng pwede
:)

twinkletoe said...

HK bumalik ka na pala..di man lang kita napansin na nwala.. wahahaha.. namiss din kita kahit konti.. :]
naks naman...napaka mysterious mo naman.. napapa esep esep tuloy ako..
hmmm..ipapa google earth kita..! lol! :]
tungkol dun sa aking bilog bilog na graphics eh talagang sinadya ko yon para sa iyo.. *winks* lol! nahypnotise na ba ikaw?

maligayang pgbabalik HK! henyong kamote!

Holy Kamote said...

@joy > nandun po sa itaas ng kamote ang aking tagboard. nagtatago kasi mahiyain.

@noime > puyatera. tara, sa square tayo. n_n

@kingdaddyrich > hahaha, magkapitbahay kami ni noime. sya nasa saudi. ako dito sa pinas. anong konek? hahaha. basta sikret. kala mo ha.

@superym > k fine. hahaha. nagtaraym si rym. (para rhyme lang.)

@janisha > salamat po at you love me ...este you love it (my posts) n_n

@klaubette > meron akong tagboard, mahiyain lang sa'yo. hanapin mo. hahaha. dahil pinaghanap mo pa ako ng URL mo. oo na. madaldal ka na. hahaha.

@xG > mabuti naman at binasa mo kahit mahaba. mahirap kasi paigsiin ang spontaneous thought. time-consuming. pag inedit ko pa at pinutol, baka masaktan ang bangs ko at umaray. n_n

@twinkletoe > magpapa-abduct ako sa alien kaya baka di mo ako matiyempuhan dito sa google earth. *twinks* lol

Noime said...

HAHA. sige ba. Bago ako umuwe, bigay mo sakin number mo. Para makontak kita. :P Hmm. Pwede bang sa Grand Central na lang tayo sa Monumento pumunta? Panget sa City Square eh. hehehe.

karmi said...

welkam bak nga tol.. :D

akala ko nga may piktur kang ilalagay dito.. yan din ung avatar diba? mysterious nga ang dating, kala ko emo, pero nung nakausap kita minsan sa YM tungkol kay Chito Miranda, eh nalaman kong oo, emo ka nga. hehe.. ^_^

superym said...

joke lang.

nyeeeeeeeeeee.

anywhooooo, kulet na naman ng entry mo.
mahal na kita.
etchos!

my-so-called-Quest said...

aheheh, ang kulit mo tlaga HK. hehehe

DeathNote / DN said...

mayroon akong katanungan sa cbox ko para seo. pakisagot na lamang para ma-ilink na kita. hehehe.

McRey said...

WOW at talagang may ghost writer ka huh?! Ang kyut kyut naman nun... LOLs...

May picture ka ba? Wahahahahah....

Kaya pala, nag hiatus (err... hiyatus?! err... you hiatus did and that??... err nagpahinga ka from blogging) ka...

Dakilang Tambay said...

kahaba haba naman ng comment mo. wala ako masabi.. hahaha..

at naghiatus ek ek ka pala wala ka man lang pasabi. tampalin kita jan e. hahaah

makikita rin kita. wahahaha..

klaubette said...

wala!wala!wala talagang tagboard!!! di ma site ni lola. o baka naman may password?! anu yun?! open sesame? hmpf yaw ko na! haha

wanderingcommuter said...

hahaha... ang kulit!

your posts never fail to give me a lighter mood...keep it coming, dude!

Leyn ♥ said...

sige nga, patingin ng kamote mo.

lol. <_<

karlabebi said...

grabe, duguan talaga ilong ko pagkatpos magbasa ng post mo. hehe =)

minsan iniisip ko rin kung kelan tayo magkikita.. pero dba, absence makes the heart go fonder? AYIHEE! hahaha. sige lang, lapitin daw sa chicks ang mga mysterious type eh. haha.

namiss ka ni Bombastarr!! =)

Pepe said...

Goodie weekend HK, talagang banat kaagad kahit kababalik pa lang ha-ha....! Welcome back....! Tuloy ulit ang saya....! =D

Misha said...

hay sa wakas updated ka na ulit.

asan na uli tagoard mo??

Fjordan Allego said...

Ahoy! naghiatus ka rin pala.. hehehe.. uso na talaga yun sa blogging industry hehehehe.. kabaligtaran pala kita, ikaw anonymous, ako lantaran ang buhay sa blog heheheh

http://hiraya.co.nr

tina @ angelblush said...

hanep talaga mga posts mo. :P

napaka-mysterious nga. hehe.

xplorasyon said...

maikli pa sa lagay mo yan!!!
iba ka kamote wala kang katulad!!!
bwehehe..

Junelle said...

Go GO Go Kamote :)

Lagay ka naman ng tag board :)

JOSH said...

now at least some facts about d Holy macaroni Kamote kid are laid for us straight frm d horse mouth, heheh (joke lang kid). hindi pala kaladkarin, hehehe. i really admire ur favorite book (oops dun pala comments dapat sa post mo, enyweys, d2 na lang din). HK, f u wake up early sunday morning, do "tune in" sa abc ch 5, 6:30 am. la lang, enjoy kc ako panoorin yun eh. (or just click his shows sa site nila)

cheers!

Holy Kamote said...

@noime > oy, pasalubong ko ha. isang camel na may tatlong humps sa likod.

@karmi > at kelan pa naging emo si chito miranda? hahaha.

@superym > gusto man kitang mahalin din, kaso may mahal ka ng iba. etchas! n_n

@msc-quest > pati ikaw ced, ang kulit mo din. hehehe. wala lang. para may kadamay ako sa pagiging makulit.

@deathnote > ayun, sinagot ko na.

@mcrey > ghost writer...awooo. hehehe, musta na yung anonymous hater mo?

@dakilangtambay > tampal-tampalin mo na ako. basta ikaw ang tatampal, ok lang. wahaha.

Holy Kamote said...

@klaubette > na-open mo na di ba? wala namang password. kamote lang talaga.

@wanderingcommuter > ayan. may bagong post na ulit, dude.

@leyn > ahihi. hiya ako e.

@karlabebi > nakakadugo din ba sa ilong ang tagalog? hehe =))

ms. bombastarr, namiss din kita! (hahaha, di bagay sa'ken maging bolero.)

@pepe > howdy, pepeng aussie. n_n

@misha > andun ulit sa dating pwesto. nagtatago sa kamote.

@fjordz > wow, lantaran! parang buhay artista lang. heheheh.

Holy Kamote said...

@angelblush > HANEP. yun ba yung chicken flea na makati pag dumapo sa balat ng tao?

@xplorasyon > oo, maigsi pa yan. pag hinabaan ko talaga, baka makagawa na ako ng libro dahil sa samu't saring nilalaman ng aking kukote.

@junelle > meron po akong tag bored. nakatago sa kamote.

@josh > anong show yan? naku, pag linggo, tulog pa ako ng ganyang oras. n_n

Anonymous said...

hi aus tong blog mo ah. ngaun lang me napadpad dito pero ok naman pla. nkakabawas ng lungkot pagnabasa itong blog mo. at meron pa isa gwapo ka pala khit bangs and eyes lang ang nakikita sau. so keep it up hoLy kamote.

Anonymous said...

Bemerkenswert, die sehr wertvolle Phrase cialis bestellen erfahrungen cialis preis [url=http//t7-isis.org]levitra bestellen[/url]

Anonymous said...

internet pharmacys http://drugstore4.com/de/product/hytrin.html azodyl epakitin pet pharmacy [url=http://drugstore4.com/fr/product/zelnorm.html]zelnorm[/url]
roles of pharmacy companies in healthcare policy making http://drugstore4.com/de/category/herzkrankheiten.html pharmacy technician careers on long island [url=http://drugstore4.com/de/product/slimfast.html]pharmacy techican second edition[/url]
plants applications in pharmacy http://drugstore4.com/fr/product/atrovent.html what exam to take for pharmacy technician [url=http://drugstore4.com/product/moduretic.html]moduretic[/url]
the lines of communication within a pharmacy http://drugstore4.com/product/viagra-brand.html fpgee exams pharmacy examinations [url=http://drugstore4.com/de/product/benemid.html]affiliate canadian pharmacy[/url]

Anonymous said...

sample porn movie trailers http://carautonews.in/chevrolet/paint-code-for-chevrolet-astro-van movie times in myrtle beach [url=http://automotoportal.in/lamborghini/lamborghini-desktop]lamborghini desktop[/url]
movie stuffed animal turn to life sister magic door http://musicstyles.info/gospel/gospel-music-lyrics-google poags hole movie [url=http://xwp.in/desloratadine/desloratadine-picture]thirteen movie[/url]
body swap movie directory http://xwe.in/erotic-video/castle-erotic-az shooter movie dog breed [url=http://poow.in/xanax/what-are-the-difference-between-yellow-and-white-xanax]what are the difference between yellow and white xanax[/url]
movie theaters mishawaka indiana http://webhealthcentre.in/amiodarone/monitoring-amiodarone-infusion disney movie clips to download [url=http://eautoportal.in/bugatti/veyron-bugatti-myspace-layouts]holloween movie 2007[/url]
free middel east movie http://coloursex.info/hcg-oral/oral-flu-shot topps lotr movie trading cards [url=http://nevax.info/hydrea]hydrea[/url]
sex movie clips http://autocarsite.us/infiniti/luxury-car-rentals-lexus-mercedes-infiniti-in-long-beach-ca-area movie outline [url=http://racingauto.info/ford-ca/john-andrews-ford-nz]download windows movie maker[/url]

Anonymous said...

ipod screen scratch http://legalmusicworld.in/punk/punk-rock-haircut-for-black-girls the devil and elton john [url=http://legalmusicworld.in/trance/trance-top-100]trance top 100[/url]
slow song by rihanna http://legalmusicworld.in/rap/the-source-100-best-rap-songs rock saw cutting instructions [url=http://legalmusicworld.in/gothic/defintion-of-gothic]temple music art tucson[/url]
musical pipe dream http://legalmusicworld.in/soul/praise-the-lord-oh-my-soul lolly pop foundation [url=http://legalmusicworld.in/techno/techno-pony]techno pony[/url]
ace combat 5 midis original soundtrack http://legalmusicworld.in/jazz/user-manual-jazz-jdc31 cargo trailer doors [url=http://legalmusicworld.in/gospel/gospel-music-recording-studio]beyonce knowles bust size[/url]
lizard rock designs http://legalmusicworld.in/folk/american-folk-music-of-the-1800s dance of the dissident daughter [url=http://legalmusicworld.in/instrumental/last-date-instrumental-composer]last date instrumental composer[/url]
madonna convesions http://legalmusicworld.in/folk/folk-dance-horaviv blues musicians [url=http://legalmusicworld.in/reggae/dancehall-reggae-music]trance masters 5005[/url]

Anonymous said...

free movies adult archives http://for-teens.adultvideodump.in/nice-teens-in-bikini bdsm clips free [url=http://teen-school.adultvideodump.in/asian-virgin-teen-defolration]asian virgin teen defolration[/url]
live adult stations http://sex-mature.adultvideodump.in/mature-women-adult-network-sites strap to strap child and adult [url=http://condom.adultvideodump.in/sexy-women-pussy-dildo]bbw origies[/url]
increbible amateur password http://for-teens.adultvideodump.in/i-pods-and-the-effect-on-teens free adult video feeds [url=http://for-teens.adultvideodump.in/tender-young-teens-16-yo]tender young teens 16 yo[/url]
top adult websites http://orgy.adultvideodump.in/xxx-orgy-pic adult clubs in kansas city [url=http://teen-city.adultvideodump.in/teen-chat-romms]anal sores[/url]
stonefly adult pattern http://foto-teens.adultvideodump.in/cash-4-teens-fenruary-2007 cartoons simpson adult sex [url=http://teen-love.adultvideodump.in/dinosaur-with-skin-found-by-america-teen]dinosaur with skin found by america teen[/url]
adult stores in nyc http://teens-top.adultvideodump.in/petite-nude-teens adult black [url=http://bondage.adultvideodump.in/fetish-bondage-fisting]anal insertions free[/url]

Anonymous said...

agszaigpw http://www.free-mass-traffic.net/free-mass-traffic/free-mass-traffic-review Free Mass Traffic

Anonymous said...

All is well that ends well.

Anonymous said...

I do not κnow іf іt's just me or if perhaps everyone else encountering issues with your website. It looks like some of the text within your posts are running off the screen. Can someone else please provide feedback and let me know if this is happening to them too? This might be a issue with my web browser because I've haԁ thіs happеn beforе.

Kuԁos

Feel fгee to vіsit my ѕіte; Online Payday oan
My webpage - Payday Loans Online