2008-03-01

Arbitraryo

Yahohohoy! March na! March 1 na! Tapos ay April na sunod! Naiisip niyo ba ang naiisip ko, B1, B2, B3? Huwaaat, triplet pala kayo! Teka, yung triplet ba sa tagalog ay kambal pa rin?

Teka balik tayo sa tanong, ano naiisip niyo na ba ang iniisip ko? Hindi.

Okpayn, bahala kayong mag-isip ng gusto niyong isipin at hindi. As if naman ikakayaman ng sinoman kung matutunan mong makabasa ng isip ng ibang tao. Mas malamang sa hindi, na yun pa ang maging sanhi ng maagang pagkabiyak ng iyong coconut-shell kung magtataglay ka ng ganoong powers. Tiyak na hindi lang maglulugaw ang utak mo. Hindi lang malulusaw na parang sabaw. Hindi lang magiging soya milk, taho, o tokwa. Hindi lang din basta kontodo hang/freeze ang magiging epekto sa kabuuan ng iyong nerbyosong sistema (nervous system) kapag nababasa mo na ang iniisip pala ng mga tao ay palagiang taliwas sa inilalabas ng mga bunganga nila. Akala mo ke babait at hindi makapagmura ng malutong pa sa malukong na "PUTANG-INA/PUTONG-AMA" at hindi masambit ang katagang "TARANTADO" at "GAGO", at mas mabagal pa sa grade 1 sa rate na 1 bit/sec kung ispelengin ang "dyi-ey-dyi-ow" (ba 'yun?).

Haynaku! Hindi ako mapanghusga ng tao pero marunong naman akong humusga. Alangan namang tawagin kong henyong pinagpala ang mga batugang mag-isip at sunud-sunuran na lang sa mga nakasanayang itinuro ng lipunan, eskwela, simbahan, administrasyon, sibilisasyon, tradisyon, tibilisyon, at iba pang konsumisyon. Kung napupunit agad ang litid mo't ugat sa puso pag nakakarinig ka ng salitang "tanga-exclamation-point" kahit hindi naman ikaw ang tiyak na tinutukoy kundi yung akto lang ng iyong katangahan... ay buong puso kitang huhusgahan na mas maramdamin ka pa sa mga wrist-slashing-blood-spilling-emos! echos!

Oo na. Kitang-kita naman na hindi kayo makabasag-pinggan. Ni hindi nga yata kayo nakaranas na maghugas ng pinggan, o magwalis, o magpulot ng tae ng aso with your barehands. Mas banal na kayo sa kamoteng tulad ko! Mas pinagpala kayo ng kagandahan/kagwapuhan at boses na modulated na mas malalim pa sa hinukay sa impyerno. Sakto na rin ang inyong mga kumpas sa harap ng pulpito na hindi bababa sa baywang o lalagpas sa balikat, at may tamang intervals sa saliw ng iyong monotonous speech-preach-screech. Praise the Lord! of the Rings! ang paborito mong expression. Hindi ka nga nagmumura. Syempre madami nakakakita. Lalo kung nasa tv pa. Bawal dumura, dumahak, umubo, mangulangot, suminga ng sipon, o manlaki ang mata. Glorya Aling Luya! Idi Amin! Kebabait niyo nga. Mas mabait pa kayo sa bubuwit na bumutas ng paborito kong brip.

Teka, teka. Ito ba ay isang rant dahil sa isang rat? Hindi ko alam. Basta ko lang tinype 'to. Tamad akong mag-edit ng mga sinabi ko na. Hindi parte ng kawirduhan ko ang lumunok ng sarili kong laway na idinura, o suminghot ng sipon imbes na isinga, o kumain ng taeng iniluwal ko na sa mundong ibabaw, ilalim, gilid, at gitna.

Sabi nga ng nanay ng lola ng lelang ko, "anak, kahit mahirap tayo at kumakalam ang sikmura, wag mong kakainin ang sipon."

"kulangot sa may pader, sipon sa tisyung-papel" ... makes sense to me.

Ano nga ba yung pinagsasabi ko? Ano bang konek nito sa buhay ko o sa buhay mo? connection Timed-out na naman ba? Ano ba talaga ang iniisip ko sa pagbanggit na Marso na naman, at malapit na ang Abril? Ano bang meron? Baka naman walang meron? Meron nga ba? Anong plano mo ngayong malapit ng magunaw ang mundo ...este... magtapos ang iyong napakabising skul-layp, opis-layp, kalye-layp, bahay-layp, o kung anong klaseng layp pa yan. Nakakapagod ba? pagod ka na ba? Gusto mo bang magpahinga? O gusto mo ng magpahinga?

Pasensya na kung ganito kawalang-kwenta ang post ko ngayon unang araw ng Marso. Nahihiya kasi akong ang daming nagbertdey nitong nakaraang Pebrero 29 hindi ko man lang sila nabati at napaglaanan ng post. Minsan na nga lang sa kada apat na taon sila kung magbertdey di ko man lang sila nabati o naregaluhan. Pero wag kayong mag-alala. Binabati ko kayong LAHAT NA KINAUUKULAN ng isang "maligayang happy birthday sa inyong kaarawan", yohohoho! Let's celebrate! Ay past-tense na pala dapat. Ok, let's celebrated! Huli man daw at magaling, March pa rin.

(PS: Pramis mamaya, bukas, o basta nextime na mag-post ako mas matino na kesa dito. Sana nga. n_n)

Sinsero,
Holy Kamote

15 comments:

Ferbert said...

Pareng banal na kamote alam kong magkasunod lang tayo ng kaarawan.. Maligayang Bday parekoy! ipagpatuloy ang pagiging henyo. Gumawa ka pa ng maraming blog na ikakasakit ng ulo ko.. lol..

HAPPY BDAY ULET SA MARCH __!(pwede ko bang banggitin dito yung araw ng bday mo?)

Uy! si Leyn ♥ said...

1.) andaming bloggeristang may bday ng march? (just referring to the 1st comment)

isa na ako dun. Ü

2.) at bukod dun, kailangan na magpapayat dahil summer na at uso na ulet ang beach.

cedeux said...

advance happy bday na lng! hehehe
mga march celebrants tlaga! haha

Holy Kamote said...

hahaha. nakakatuwa talaga mag-isip ang mga tao. gusto ko lang batiin ang mga feb. 29 celebrants na kakilala ko ng belated hapi bday. pero dahil sa pasimuno si ferbert, panigurado dadami pa ang mag-aakalang bertdey post ko ito. bwahahaha.

pb said...

wah.. pano yan, nakakain nako ng kulangot. sinisinghot ang sipon at kumakain ng papel. actually marami pa. anu bang masama dun? hehe

pb said...

teka... march din ako... march 5. 18 nako.. wah.. legal age. hehe. weee...
march karin ba?

superym said...

randomness...
hahahaha.

ok. makikiabati din ako ng happy bday!

Holy Kamote said...

@pb > waah. iba yung tinutukoy ko. hehehe. oo nga pala, march 5 ka. ano kaya magandang iregalo sayo ...ummm... alam ko na! panyo! para pamunas ng dugo sa ilong mo. *toink*

@superym > pasensya na talaga. wala sa organisadong enumerated though patterns ang utak ko nung pindutin ko ang publish. arbitrary lang talaga. busy pa kasi ako.

Holy Kamote said...

@uy! leyn > ang taray ng blog mo. gusto kong magkomento sa mga post mo, ayaw akong payagan!

heto nga pala yung hinahanap mong
bilog na rubiks cube at iba pang variants.

Uy! si Leyn ♥ said...

HAHAHA salamat sa link, di na ako tatawaging bobo. lol.

kaloka, mukhang alien yung mga rubiks.
btw,
makiki happy birthday na rin ako.

karlabebi said...

WAAAH oo nga march na!! summer na! :)) haha cant waaait!!

teka teka.. birthday boy kba dis march? AYIHEE happy birthday! haha feeling close. =)

Holy Kamote said...

@leyn > isa ka ng henyo. malamang di pa alam yan ng mga barkada mong adik sa rubiks. hehehe.

@karlabebi > summer na! yeah! sunog! tubig! loko talaga tong si ferbert. sya pasimuno ng bday greetings. hindi ko pa bertdey. not yet. hehehe.

btw, pwede bang maging close sa'yo? n_n

KC said...

Sabi nga ng nanay ng lola ng lelang ko, "anak, kahit mahirap tayo at kumakalam ang sikmura, wag mong kakainin ang sipon."


--makinig ka sa kanya...isama mo na rin ang hindi pagkain ng okra dahil para ka ring kumain ng sipon.

P.S. Link na kita sa blog ko.

Holy Kamote said...

@kc > nakakain ko naman po lahat ng uri ng prutas at gulay. pwera na lang yung bulok na o basta di ko na kayang manguya.

cge, link lang. di ko pa rin maayos blogroll ko. kaasar na blogger draft 'to!

sara said...

http://ebookhelper.blogspot.com/
E BOOKS
* ADO.NET (1)
* AdSense E-Book (2)
* Affiliate Ebook (3)
* AJAX (6)
* ANT (1)
* Archaeology ebooks (4)
* Architecture ebooks (4)
* Autobiography (2)
* Biography (5)
* Biotechnology (1)
* Business (6)
* C++ (1) (1)
* Civil Engineering Ebooks (3)
* Clinical (2)
* Comics (2)
* Communication Technology (2)
* Computer (8)
* Computer Hacking (2)
* Computer IT ebooks (2)
* Computer Magazines (1)
* Concept of Art (3)
* CookBook (1)
* Design Interior ebooks (3)
* Education ebooks (1)
* Electrical Engineering (2)
* Engineer (2)
* Engineering ebooks (2)
* Finance ebooks (2)
* For Dummies (12)
* Graphic Design ebooks (2)
* History (4)
* HTML (1)
* Insurance ebooks (2)
* Internet Marketing ebooks (2)
* Java ebooks (2)
* Java Script (4)
* Language ebooks (2)
* Law ebooks (2)
* Magazine (2)
* Magazine for Adult (1)
* Manga Comics (1)
* Mechanical Engineering (2)
* Medical ebooks (2)
* Money (1)
* Motivation ebooks (2)
* Net (19)
* Networks (3)
* Non Fiction ebooks (1)
* Novels (3)
* Photo (2)
* Physics ebooks (1)
* Psychology ebooks (2)
* Science (8)
* Social (1)
* Software Ebook (3)
* Software Testing (19)
* Technology (2)
* Travel (2)
* Tricks (2)
* VC++.Net (1)
* Vista (5)
* Web Development (6)
* Wireless (3)
* Write and Langguage (6)
* XML (1)