2008-03-17

Pasyon Shows, Patok ngayong Holy Week

(Naalala niyo ba yung dati kong entry tungkol sa Ash Wednesday? ... kung hindi niyo pa nababasa yun, pwes bahala na kayong mag-backread. n_n)

Makalipas ang aking hell week, at iba pang eksenang gumimbal din sa blogosperyo at sa bansang Pilipinas gaya ng muling pagtutuos nila Manny Pacquiao vs Manuel Marquez; komparison sa english prowess ng mga Binibining Pilipinas Janina San Miguel vs Melanie Marquez; pagkakahawig sa hitsura nila KenDee Pangilinan vs Ken Lee (Tulibu Dibu Douchoo), at kung ano-ano pa! Narito ako't buhay pa naman kahit naghihingalo. I'm feeling so much pressure right here, right now. My friends can't help me, or even my pamily. Eto pa, wait ... nawawalan na ako ng self-compidence sa sarili. Lahat na lang ng sabihin ko at gawin, pinupuna. Bawat palpak ko tinatawanan. Pati mga seryosong jokes ko, tinatawanan din. Ayoko na!!! Nagsasawa na ako sa mga mapanghusgang mata ng lipunan!!! Mapapasigaw na ako ng ... KEN LEE!!!! Wala na yatang nagmamahal sa'ken. Buti pa ang Araw, Mahal niyo. (waaah ... putong inamoy! ... nagiging EMO na ba ako? ... O HINDEEEE!!!)

KONSYENSYA: hoy, wag ka ngang mag-inarte dyan.
AKO: pero, pero, bakit ako na lang palagi ang mali? huhuhu. :(
KONSYENSYA: wag mong isipin yun. mali yang iniisip mo.
AKO: ayan, ayan, mali na naman ako! pero sige na nga, hindi na ako malulungkot. tatawanan ko na lang uli ang problema at panlalait ng mga hinayupak at perpektong tao. masaya na rin ako dahil at least, nalaman kong may konsyensya din pala ako at imperness, nakausap ko pa ha, kahit hindi naman safeguard ang gamit kong sabong pampaligo. n_n

(Disclaimer: Nais ko sanang ipagbigay alam sa lahat ng makakabasa nito na wala po akong kinalaman sa Holy Week. Bagaman ako'y si Holy Kamote, hindi po ako ang pasimuno o dahilan kung bakit tinaguriang banal ang linggong ito. At hindi rin ngayon panahon ng pag-aani ng mga banal na kamote.)

Ngayon ang simula ng tinatawag na "Holy Week" o sa wikang Kastila ay "Semana (week) + Santa (holy)". Hindi ko nga alam kung sinong translator ang nagmarunong sa pagliliwat ng salitang ingles na Holy Week sa wikang tagalog, at kung paano ito naging "Mahal na Araw". (Sige nga, ano ba sa ingles ng "mahal" tsaka "araw", holy week ba? Hindi ba mas bagay kung tatawaging "Banal na Sanglinggo"?)

Sa Pilipinas kung saan mas nakararami ang mga Romano Katoliko, ay patok na patok ang Pasyon Shows o yun bang mga Pabasa na kinakanta sa kani-kaniyang trip na tono at pahabaan ng hininga. Kung mapapadpad ka naman sa lalawigan ng Pampanga sa gitnang Luzon, ay maaari mong masaksihan ang iba't ibang madugong eksena ng mga Pilipinong Emo-slash-Deboto na nagsasadula ng buhay daw ni Kristo, pati na ang pagpapahirap dito hanggang sa ipako sa krus at mamatay. Ewan ko lang bakit after magpapako at pagod na ay umaatras ang mga deboto sa bingit ng kamatayan at pagkaubos ng dugo mula sa sterilized na pako. Maririnig mo na lang ang sigaw ng mga nagpapanggap na Kristo at sinasabi sa mga alalay niya, "ibaba niyo na ko, ibaba niyo na ko!". Di ba kaya epektib yung pagpapako ni Kristo kasi namatay talaga siya at nabuhay naman ulit after 3 days? Tsaka, kulang pa ba ang effort at power ni Kristo para mailigtas ang mga makasalanang nagbalik-loob na sa Kanya? Paano naman magiging epektib ang pagpepenetensya at pagpapapako ng mga gaya-gayang deboto kung hindi nila lubos na tutularan yung mismong pamumuhay, pagkamatay, at pagkabuhay-uli ni Kristo?

Sa Pilipinas ka nga lang makakakita ng ganyan — mga taong nuknukan ng mga pinaggagawang kasalanan sa nakalipas na 51 unholy weeks galing sa iba't ibang kalayawan, sabungan, bahay-alak na may kumukuti-kutitap na ilaw, at sa iba pang lugar naman na patay ang ilaw .... na dahil sa tradisyunal na pagdiriwang na ito ay isang linggo silang babawi sa mga nakalipas nilang katarantaduhan sa buhay at tutularan ang "pagkamatay ni Kristo" imbes na yung naging "pamumuhay sana ni Kristo".

Pero dahil one week na magmo-moment at mag-e emote ang mga kamote, asahan niyong walang ibang mapapanood sa tibilisyon kundi ang mga palabas na may kaugnayan sa kamatayan ni Kristo o sa iba pang biblikal na istorya pati na ang 10 commandments hanggang sa 7 last words (daw) ni Kristo.


  • PALM SUNDAY = ito ang pasimula daw ng isang linggo pagbabanal. Ang palm ay "palaspas" sa tagalog, at hindi po "palad" ha. Iba na yung malinaw. Sa ibang araw mo na daw gawin ang Maryang Palad.


  • HOLY MONDAY, HOLY TUESDAY, HOLY WEDNESDAY = Hindi ko po sila kilala. At hindi po sila kamag-anak ng mga Holy Kamote. Pero karaniwang ikinukwento ang pagtilaok daw ng manok ni San Pedro, hanggang sa paghuhudas ni Hudas, na matapos madulas ay tatlong balbas ang nalagas.


  • MAUNDY THURSDAY = Hindi siya Monday Thursday ha. Ang salitang "maundy" ay galing sa "maundy money" o minted silver coins na pinamimigay noon ng British sovereign pag ganitong araw. Sa biblikal na aspeto naman, ito raw ang panahon kung kelan naghuling hapunan sina Kristo at mga apostol.


  • GOOD FRIDAY = Dito madalas gawin ang Stations of the Cross. Hindi yan bagong istasyon ng bus, lrt o mrt. Yan yung paggunita ng mga kalbaryo ni Kristo na makailan daw na bumagsak ito sa pagbubuhat ng krus hindi dahil sa lampayatot ito kundi dahil pagod na raw at sumisimbulo sa mga ikinadadapa ng tao sa kasalanan. Dito rin isiningit ang tsismis na pinunasan daw ni Maryang Magdalena ang duguan at pawisang mukha ni Kristo na himalang na-photocopy sa ginamit na tela. (Bukod na istorya pa ito tungkol sa Shroud of Tourin). Bagaman ang mga kwento-kwentong ito ay hindi naman naikuwento ng mga manunulat ng Bibliya, ay pagbigyan na muna nating tanggapin sandali alang-alang kay Inang Kalikasan (I.K.). Kung ano ang kinalaman ni I.K., aba ewan ko. Narinig ko lang yang ikinuwento ng mga barbero sa amin.


  • BLACK SATURDAY = Hindi po ito sponsored by Clear Shampoo, para magkaroon ng shining black, silky, at buhok na may libreng-dandruff. Sabi ng natutunan ko sa parochial school, ito ang araw na bawal ngumiti o magsaya. Mortal na kasalanan ang mag-joke o magbiro. Yung iba nga, bawal din daw maligo, magpakabusog, at iba pang gawaing maluluho. Dahil patay daw ang Diyos!!! (ows, di nga? na-shock naman ako sa balitang yan!) Kaya kung maghaharot kang bata ka, at masusugatan dahil sa pagkadapa at iba pang aksidente, hindi raw ito gagaling. Bakit kamo? Ano ka ba! Logic lang daw 'yun. Kung patay ang Diyos, e sino ang magpapagaling sa sugat mo, aber? Nasa bakasyon din ang mga doktor at nurse (baka nagsu-swimming). Huwag mo na lang itanong ulit kung bakit patay pala ang Diyos, na source of life sa buong universe, pero ikaw na abang tao ay buhay pa rin. Dahil hindi na yan kakayanin ng powers of logic para bigyang kasagutan ka nila Pader & Mader.


  • EASTER SUNDAY = Ito ang tiyempo na bumangon na ulit si Kristo mula sa mga patay. Kaya ano pang hinihintay niyo? Tigilan na ang pag-i emo. Huwag ng malumbay at simulan ang muling pagsasaya, tawanan, pagpapakabusog, kainan, inuman, at i-ready na ang sarili para bumalik uli sa kinagawiang unholy weeks of the year. Let's have a panty ...este... party!!! Simulan na rin ang paghahanap ng Easter Eggs. Hindi ko lang tiyak kung ang nangitlog ba dyan ay isang kuneho na tinatawag ding Easter Bunny. Dahil wala naman akong alam na "Easter Chicken", o "Easter Goose", o iba pang pwedeng mangitlog. Siguro kung usapang itlog ang hanap niyo, baka masagot ni XienahGirL ng Chiksilog.com ang iba niyong katanungan.



Sa mga nagnanais namang makarinig ng magandang bersyon ng mga "PABASA NA KINAKANTA" o yung Pasyon Shows nga ... na tiyak na mas maa-appreciate mo at maa-absorb ang mensaheng hatid ng Pasyon imbes na mairita ka sa mga boses ng mga manang na talo pa ang nakalunok ng palaka at kuliglig na umiistorbo din sa iyong pagtulog tuwing gabi dahil sa lakas ng kanilang mga trompa ... inirerekomenda kong panoorin ninyo sa tv si Brod. Eli Soriano ng Ang Dating Daan sa UNTV channel 37. Nakakatuwang mapakinggan na may magaganda rin palang mensahe ang Aklat ng Pasyon na hango din ang ilan mula sa paborito kong libro.

Sige ha. Matagal ulit akong magwawala...este...mawawala. Maliligo pa ako sa holy water ng beach resorts. Kelangan ko kasing maghugas ng aking mga karumihan sa katawan para magtanggal ng radiation na nakukuha sa over-exposure sa computers & tv, at para mag-alis na rin ng kilo-kilong libag.

Pagbalik ko, pramis ... gwapo pa rin ako. Sana, makapag-bloghop na ulit ako. At sana ulit, wala ng mag-reklamo kung mahaba ang mga entry ko. Minsanan na nga lang ako kung magblog. Kayo naman. Pagbigyan niyo na 'ko. Holy Week naman e. n_n

Nagmamahal,
Araw ni HK

36 comments:

my-so-called-Quest said...

tawag namin ng kuya ko sa pasyon marathon e divas live! hehehe
ingats palagi! bakasyon na=]

Holy Kamote said...

puyatero ka din ah. oo nga, bakasyon na ... yes!

Ann said...

maligayang kaarawan. naks! isang linggo birthday mo.

salamat sa napaka-informative post mo. :)

mabuhay ka!!!

Wildcatlady29 said...

hello! thanks for dropping by in my blog,have a great day Holy Kamote....

Euri | 詩 said...

Ken Lee (Tulibu Dibu Douchoo) <-- Naalala ko tuloy it. Pftt..!! Ahahahahaha~

Thanks for the laugh. ♥

I'm especially going to pampanga to watch people beating themselves up bathing in their own blood. ♥ Plus, magpapapako pa sila. ♥ ♥

Anino said...

HK, ang sipag mo talagang magsulat. Ang haba nito!

gagay said...

been here...hope to see you in mine!

Holy Kamote said...

@ann > teka. lilinawin ko lang. Hindi po Holy Week ngayon dahil isang linggo ang berdey ko. wag ganun. hehehe. kaya nga birthday, isang araw yun at hindi naman siguro isang linggo akong iniire ng nanay ko. aray ... masakit sa ano yun ... kawawa si Inay.

@wildcatlady29 > have a great week.

@euri > LSS na ito. ang sakit sa utak. araay, ayan na naman ... KEN LEE!!!

@anino > spontaneous lang po. Ganyan talaga pag hindi marunong magsulat. Ang daming cluttered thoughts, kaya hindi mapaigsi. pero salamat at hindi ka nagreklamo sa mahaba kong ano ... entries.

@gagay > been here, too. syempre bibisitahin din kita.

jeckyll27 said...

matanong ko lang (if you don't mind), member ka ba ng ADD?
ang dami mong alam pagdating sa religious tradition.
alam mo kasi, napag-aralan na din namin yan eh. magmula sa tetragammaton hanggang sa purgatoryo at ibang deities, at maramin pang iba.
i enjoyed reading your posts, binalak ko na ring mag-attempt na gumawa ng entries na magpapakita ng ibang catholics dogma, but since ikaw ang holy sa atin, makikibasa na lang ako sa mga posts mo. hehe
keep on blogging, parekoy. :D

Holy Kamote said...

@jeckyll27 > madami ako natututunan kay brod. eli. yung iba naman self-experience ko sa pagiging catholic. lahat din ng religious program sa tv pinapanood ko. at masasabi kong peyborit ko sa lahat yung ADD. kahit hindi semana santa, kumakanta ng pasyon. hahaha.

marian said...

napaka informative naman nito..

have a blessed holy week =)

Aice Nice Concepts said...

nako ako mag muni muni nalang as i keep holy week sacred and holy po

Lut said...

Happy St. Paddy's Day

xplorasyon said...

marami me natutunan HK!
naaalala ko tuloy ung madre ko teacher na pupugak-pugak na!!
pero honest ang galing mu akalain mu tamad me magbasa ng mga mahahaba pero natapos ko amazing diba!!
kip it up idol!!!

Anonymous said...

Akala ko ba eh bumalik ka na? Hmm. Eh minsan lang kitang maabutan na OL sa ym ah. hehe. baka invi ka lang siguro :|

nakakamiss makarinig ng mga pasyon. matagal tagal na rin simula nung nakarinig ako niyan. HAHA.

alam mo ba na Ken Lee ang pinakapaborito kong kanta sa panahong ito? :)


.noime.

PoPoY said...

kamote, okey lang sana di ba kung constructive critism yun gibinibigay sau pero minsan din kasi pangungutya na eh. nakakainis talaga yun. Holy week na nga, at dahil bawal kumain ng meat holy kamot daw ang kakainin ng mga babae ngayon, lagot ka kakainin ka nila hehehe. di ba masaya yun?? hehehe :)

Dakilang Tambay said...

ang tagal tagal ng pagkawala mo.. namimiss ko na ang iyong bangs.. :))

McRey said...

Talagang may definition ang holy week...

Nakow, week mo na ito Holy Kamote! Enjoy!

linglingbells said...

yun pala ang nangyayari sa holy wik.. di ko alam yun ah.. hehe

lunes said...

oi HK.. kung naa-alala mo pa ako..wala lang. nakiraan. at gusto kong ipaalam na nilink kita..wehehe..

salamat.

buzzingflowerpecker said...

buti na lang di na ko masyadong naniniwala sa holy week! Pero dahil may 2 days na red sa calendar...hehe..mag-aabang ako ng holy week taun-taon!

FerBert said...

Dear HK

alam ko na holy week ngayon
at marahil ay nasa bora ka
kasama ang iyong mga chikabebes
imbes na magpasyon...

BUMALIK ka na!
Miss na namin ang kamote mo!

Defensor Fidei: Francis said...

Buti nalang kahit papaano ay katoliko ka pa rin... ninanais namin ng mga kasapi na matalino sa lohika at pangangatuwiran. God bless!

Leyn ♥ said...

natawa naman ako sa translation ng "Holy Week" sa tagalog. may point ka dun.

mabuhay ka HK.

gagay said...

happy holy week..just parking for a while..hope to see you soon at mine!

jen said...

abnormal ka.adik.pareho tayo.=)

wanderingcommuter said...

nastress din ako sa mga nangyari at hindi kita masisisi kung nagiging emo ka na...hahaha!!!

klaubette said...

medyo napagod ako magbasa pero natuwa ako as always :D

penggay said...

have a meaningful holy week holy kamote. :D

potatomaniac said...

laftrip bossing :)



>haha. buti nga ngayon map palabas na sa telibisyon eh..

dati..wala talaga..

kulang na lang lumabas si sadako sa TV screen para full effect :)

kingdaddyrich said...

ang tanda mo na,.

patang ka bebertdey mo lang ah.. at sa panahong ito ilang beses ka na naman mag bebertdey.. ahhaha..

Holy Kamote said...

@marian > talaga? di nga? n_n

@aice > naku ikaw, cge muni-muni na lang. n_n

@lut > cno naman yun?

@xplorasyon > ganun talaga! akala ko nga rin maigsi lang entries ko e. pero pagtingin ko after ma-publish, ang haba pala talaga.

@a-noime-mous > gusto mo makarinig ng pasyon sa saliw ng tugtuging ken lee?

@popoy > constructive criticisms, hmm?? ... marunong ba ang mga pinoy nun? hehehe.

@dakilangtambay > pasensya na talaga. mas inuna ko pa at binigyan ng importansya ang pagliliwaliw kaysa sa blogosperyo. sabi nga ni glorya, "i am sorry" (labas sa ilong). n_n

@mcrey > wag kang maniwala na may kinalaman ako sa holy week. chismis lang yun.

@linglingbells > now you know.. hehe

@lunes > aleli, bumalik ka na pala ulit sa blogosperyo?

@buzzingflowerpecker > e ano na ang pinaniniwalaan mo ngayon?

@ferbert > wala ako sa bora. parang gusto ko nga gayahin ang adbentyurs ni borat.

@defensor fidei > may grupo kayo ng matalino sa lohika at pangangtwiran? saan yan?

@leyn > buti naman at napansin mo yung point ko. kahit ga-tuldok lang sa liit. n_n

@gagay > wow, nag-parking. hehehe

@jen > aba, pareho pala tayo? naks. n_n

@wanderingcommuter > how about the pressure? do you feel any pressure right now?

@klaubette > hiningal ka ba? heto tubig o.

@penggay > "have a meaningful holy week"??? teka, ano nga bang meaning nyan?

@potatomaniac > musta yung opening prayer mo. hahaha

@kingdaddyrich > waah. oo ang tanda ko na nga. tatandaan ko yan. pero correction uli: hindi ako ang may pakana kaya may holy week. isang araw lang ang berdey ng kahit sinong tao.

potatomaniac said...

yun.
naging gag show ang graduation :)

the goddess said...

Hi! new post! :D comment would be love. :)

Anino said...

Maganda ngang magbasa.Parang kausap lang kita.

Maiba ako,ano ba yung DSLR na camera mo?Gusto ko lang humingi ng tip*.

Bienthoughts said...

wow, this site is amazing. cool.im gonna look forward to your posts from now on so keep it all coming. for the meantime, yes, magbabasa ako pabalik, mula sa simula.