2008-02-21

Warning, Do Not Read This



Ayan ha, tinagalog ko pa. "Babala, Bawal Basahin Ito".

O ano? Nabasa mo naman di ba? Naintindihan mo din. E bakit hindi mo pa rin sinunod, ha?

Anak nang pitumpu't pitong puting pating na pinagpatung-patong naman oo! Napakasimpleng instruction, hindi mo masunod. Hindi ko nga matiyak kung anong meron sa kukote ng karamihang tao. Bakit kung alin pa ang bawal ay yun pa talaga ang ginagawa? May umepal na sumagot sa'kin, "MASARAP KASI ANG BAWAL". Anak ng tokwa't-baboy naman! Anong masarap dun sa ginawa mo? Para, binawalan ka lang naman basahin. Nasarapan ka na? Ows, isa pa nga. Kumusta naman ang lasa? ... Hay naku, ang sarap mong anuhin. n_n

Natatandaan kong ito ang iginanti kong panabla sa isang titser ko nung hayskul dahil sa kanyang trip sa aming mga estudyents niya ng minsang magpa-surprise test siya. Akchuwali, sinabihan naman niya kaming magrebyu muna bago ang araw na yun, pero nakakagulat pa rin lalo't hindi ko hilig ang magrebyu. Style ko kasi noon ay ilang minuto bago ang mismong eksam saka lang ako magbubuklat ng notebuk ng katabi kong masipag mangopya ng nakasulat sa blakboard na nasa libro din naman. Ok, I'm ready. Mas refresh pa ako sa F5! Mas confident pa ako sa naka-rexona! Feeling ko nga ay yakang-yakang ko ang test. Alam niyo bang nagpaseroks pa talaga si Ser ng testpeypers na gagamitin namin. At syempre siningil kami, piso-per-page dahil powder copy daw. Okeypayn, mag-explain pa daw ba?

Tapos, nagpamudmod na nga ng question-sheets. Basahin daw at intindihing maigi ang nandun sa papel. Mga 20 items lang yung nasa test. Nung tignan ko nga, halos bawat tanong dun ay may iba-ibang paunang panuto. Merong dun write your name, year, and section; encircle the correct answer; underline the correct answer; at iba pa. Pero dahil hilig kong simulang sagutan yung sa pinakahuli, nabasa ko agad sa huling item ang ganito: "Answer only numbers 1, 2, 3, 4, 5, 7, 12, and 20." Tatlumpung minuto lang ang palugit. Pero yung maagang makatapos, pwede ng lumabas. Mabilis ko namang nasagutan at ipinasa ang aking papel. Pero di pa muna ako lumabas agad. Wala naman kasi akong ibang pupuntahan o gagawin pa. Kaya asyuswal, natulog na lang ako sa upuan. Bigla akong nagising ng may sumigaw na "Patrick!" at sabay pumapalakpak pa ng dalawang beses. Ilang segundo lang ang pagitan ng biglang may isa pang sigaw, "Rissa!" Pero tila nag-alangan na siyang pumalakpak dahil nagkatawanan na sa klase at karamihang mata ay nakatingin na rin sa kanila. May ilan pang nagsitayo na at nagpasa na rin ng kanilang papel.

Fastforward. "Times Up! Finish or not finish. Pass your papers." Tapos, binulgar na rin ni Ser ang kanyang kalokohang ginawa. 'Yung mga naunang nagpasa (less than 10 lang kami) ang sinabihang tumama. Ahohohoy!! Yung ibang papel na huling ipinakolekta ay di na halos tsinek. May ganon palang instruksyon sa ibang item na Shout your firstname then clap twice. Saka lang nahimasmasan ang iba kong kaklase sa ipina-test sa'min. Kaya pala may A-L-L-C-A-P-S na nakalagay sa ibabaw nito na "FOLLOW INSTRUCTIONS CAREFULLY". Nagkataon namang dinaya ...este... shinortcut ko agad ang last item #20 na pinaka-importante pala. Kinabukasan, ginantihan namin si Ser at nagsulat ako sa blackboard ng malaking "BAWAL BASAHIN ITO!". Pagpasok niya ay tinanong kami sa klase kung sino daw ang nagsulat nun. Sumagot naman agad ako pero hindi para umamin kundi para magtanong. "Bakit Ser, binasa niyo ba? Bakit di niyo sinunod???" Napuno na lang ng mahinang bungisngisan at hagikgikan ang buong klase. Wala na ring naisagot si Ser, at binura na lang yung nakasulat. Pansin namin nakangiti din naman siya. Kung i-deny man niya na hindi niya naman binasa, pwede kong itanong yung kasunod kong tanong na, "Bakit Ser, may nakasulat ba? Ano bang nakalagay?".

Moral Lesson: Learn how to follow. Estudyent ka man, titser, o kahit sino ka mang pontio pilato ka pa. Pero kung mag-iisip ka talaga, wag kang basta sunod lang ng sunod. Think before you act.


Siguro, isa 'yan sa dahilan kung bakit kahit anopamang karatula at babala ang ilagay sa kalye o saan mang pampublikong pasilidad ay hindi rin lubusang sinusunod ng tao. Kahit pa-gwapuhin mo pa ang disenyo at kulayan pa ng neon pink, nagbi-blink, o kung anopamang kalandian, di pa rin uubra. Hindi naman pwedeng ilusot na sobrang illiterate ang mga kababayan natin. Katunayan, naglipana ang bandalismo sa pader at graffitis na gawa ng kahit amateur gangsta at tambay sa kanto. Kahit manakot ka pang, "Bawal Umihi, Putol Titi. Multa P500". O kahit bantaan mo pa nga ang mismong buhay niya at di lang yung titi niya, ex. "Walang Tawiran, Nakamamatay", waepek pa rin. Hardwired na yata sa karamihan ang maging isnabero at isnabera sa anumang babala. Minsan, kahit naintindihan na nga at nabasa, mas trip pa ring makipag-amazing race sa mga humahagibis na sasakyan sa kalsada ang mga pasaway at tamad mag-overpass o sa talagang tawiran upang masubukan siguro kung sino nga ba ang mas matibay at mas mabilis.

Sa pagalay niyo, talaga nga kayang normal sa tao (hindi lang sa Pilipino) ang katigasan ng ulo at nasasarapan sa bawal o hindi pagsunod? Baka naman, abnormal lang talaga yung mga ipinasusunod na batas? Hindi kaya may kinalaman ang kulay pink na karatula sa phenomenang ito? Matuloy nga kaya ang planong People's Power at magtagumpay na mapatalsik si Madam Pandak? May magbasa nga kaya ng post kong ito at magkomento?

'Yan at ang iba pang mga katanungan ang inyong antabayanan dito lamang sa inyong paboritong istasyon ng tren. Abangan...

Sinsero,
Holy Kamote

44 comments:

Noime said...

sabi mo bawal basahin kaya nagcomment na lang ako. ;)

superym said...

ahahahahaha!
guilty as charged!

Mel said...

hindi ko sinunod ang nakasaad sa piktyur ng postmo, bakit?

. kasi usisero ako
. pasaway ako
. alam ko gagawin mo rin yun kung lagi mo binabasa ang mg post ng lagi mong pinupuntahan na blog at kugn sakali na yun din ang blog entry nila
. dahil likas sa pilipino ang wag sumunod sa batas
. dahil ayaw nating mga kabataasn(at sa lagay ko, isip kabataan) ang nauutusan, LALUNG LALO NA ng mga mas bata sa atin

wag sana maging aral sa atin ito, dahil marami sa atin ang sawa na magaral, apir na lang!

Nice said...

hk, thanks for dropping by! have a nice day, my dear! ;-)

Coldman said...

likas talaga na matigas ang ulo ng mga Pinoy. Yun na yun


at... masarap talaga ang bawal. dyuk. =)

KLITORIKA said...

Sorry hindi ko po binasa tiningnan ko lang kuya. Musta? Musta?

janus said...

LOL... yun lang. hakhak.

salamat nga pala sa pagbisita! hehe

aladria said...

you got me. andaya. enjoy. great blog.. ^_^

Euri said...

Hindi ko binasa. Sabi mo wag eh. masunuring bata ako eh. ^______^

jeck said...

teka lang. mali ang panutong "BAWAL BASAHIN ITO" paano malalaman ng isang tao ang bawal kung hindi naman ito babasahin. the rule contradicts itself. hindi mo masisi ang guro mo dahil wala namang naunang 'bawal' bago niya nabasa yung rule na yun. mabuti sana kung papasok pa lang siya eh may nabasa na siyang "BAWAL BASAHIN ANG NASA BOARD." sa madalinng salita, hindi naging epektibo ang "BAWAL BASAHIN ITO" dahil hindi nito nalinaw kung ano talaga ang ipinagbabawal at kung ano ang dahilan kung bakit nito pinagbabawalan na huwag basahin ang ipinagbabawal niya. sa huli, walang lumabag kung sino man ang nagbasa dahil mismong nagsulat ang nagkamali. pagpasensyahan mo na ang komento ko, mahilig kasi akong subukan ang bawal kaya binasa ko yung post mo. hehehehe

shanibmak said...

galing ha...truly a unique post...good way to test who is following or not... :)

Holy Kamote said...

@noime > pero binasa mo din. ;)

@superym > ahahaha

@mel > isa kang usiserong pasaway. buti naman at naisip mo yan.

@nice > habanays day din po, my dear.

@coldman > masarap ba talaga? dyuk. =)

@klitorika > mabutete naman po.

@janus > LOL...yun lang. saka heto pa pala, hakhak.

@aladria > sabi nga ni bitoy, "yari ka!"

@euri > sabi ko ba "huwag"? bkt mo alam? i liked this smile ^____^

@jeck > utak kamote ka talaga! nag-iisip muna bago sumunod at bago lumabag. hehehehe

@shanibmak > who is nga kaya:?

rayearth2601 said...

hi..nice blog

joice said...

hindi ko binasa, pramis.

Holy Kamote said...

@rayearth2601 > indonesian? naligaw ka yata sa blog ko. hahaha. naniniwala akong hindi mo binasa ang post ko, kasi tagalog. hehehe.

@joice > bkt di mo binasa? ano bang nabasa mo at hindi mo binasa? hehehe, hindi naman talaga yan nakakamatay, pramis. n_n

yeye said...

salamat sa pagbisita... :)

uhmm

pwede ka na magaapply sa mmda..


la na corny na


haaay

cedeux said...

ang hindi mag-comment, papanget!
kung di ka pumanget, tutubuan ka naman ng genitalia sa noo!
- haha, natawa ko dito! sabagay di namn ako nagsusuot ng underwear. heehhe!

di ko rin binasa ha! sabi nga ni kuya coldman masarap ang bawal! lol

Holy Kamote said...

@yeye > yeah, yeah. corny nga. hahaha.

@cedeux > dalawa na kayo ni coldman na nasasarapan sa bawal. wahehe.

Dakilang Tambay said...

nku asa ka sa pinoy. dapat matindi tindi ang parusa e. haha

karmi said...

bob ong is that you?

di ko nga binasa.. lol

sabi mo eh.. :)

misyel said...

chori di ko binasa kasi natakot ako sa nabanggit mo dyan, baka magkatotoo hehehe..

Holy Kamote said...

@dakilangtambay > anong parusa ba gusto mo?
@karmi > this is not bob ong. this is hong kong (hk). n_n
@misyel > matatakutin ka pala misyel. wahehehe.
pls. pass: ipabasa mo ang post na ito sa 100 na kakilala mo sa loob ng isang minuto at makakatanggap ka ng magandang balita na nanalo ka sa lotto kahit hindi ka naman tumataya. dahil kung hindi, ikaw ay mamalasin ng todo at mamatay ang aso mo oramismo.

Rocks said...

hi! tenk yu sa pag drop by sa blog ko..I enjoyed your blog :) I think I'll be a frequent visitor :) keep it up!

bunso said...

whahaha! nasilaw ako sa color nya promise!

Saminella said...

pota.
















ayos gawin itong t-shirt.

Duroy said...

Hindi lahat ng bawal masarap. Hindi masarap ang magkasakit...

Holy Kamote said...

@rocks > hi! tenk yu too.

@bunso > blinding neon fink. whahaha!

@saminella > dota. cge lang. wala pa naman akong balak ipa-copyright yan. pagkakitaan na yan! yuhooo. bahala na kayo.

@duroy > talagang agree ako na di lahat ng bawal ay masarap. pero sinong leche nga ba ang nag-decree na bawal ang magkasakit? hehehe. pag nangyari kasi yun, mawawalan na ng trabaho ang medtechs at lahat ng medical practitioners. wala na rin silang mapagpa-praktisan. masisira na ang balance ng ecosystem. mabubutas na ang ozone layer. magugunaw na ang mundo. waaah!ha!ha!

Just Leyn ♥ said...

wala, dumaan lang.
di ako magkokomento tungkol sa entry, bawal pala basahin.

naakit lang ako sa avatar mo, parang ang gwapo. wehehehe.

- L ♥

Holy Kamote said...

@Just Leyn ♥ > paano mo nalamang bawal basahin kung hindi mo naman nabasa? wehehe. natawa ako sa CTC .. GTG post mo. sayang nde ako makapag-comment.

jenny said...

haha..masunurin ako kso mas nauuna lagi yung pagkacurious ko!!kya ayan nabasa ko na.haha :D
hndi nman ako nagsisisi na nabasa ko ito ksi nman .."it's worth it!"..LOL
atleast after a gazilion years ..tumawa na nman ako ulit!kya salamay HK.mwaa
pretty sure napahiya si Ser mo dahil doon..clap clap clap!funny tlga xa..
me pa clap twice and shout ur name pa siyang nalaman..maartz tlga!pro maganda nman..hehe :)
cge..keep posting pa HK!!

Holy Kamote said...

@jenny > congrats! isa ka sa buo ang loob at hindi natakot basahin ang post kong ito. it proves that you're a person who thinks first before she acts. o bago magpatakot. n_n

sure, i'll keep posting. tenHKs.

R E J N said...

haaaay. tigas ng ulo koh. binasa koh. hehehe :]

Wildcatlady29 said...

hello!thanks for dropping by in my blog!Have a great day!!!

potatomaniac said...

^__^

daan na lang.

texas_sweetie said...

galing naman nito Holy Kamote..you really are funny,don't you know that? nice to be here ehh

RCYAN said...

HEHEHE! NICE COLORS PARE! Hindi ko ugaling magbasa eh... Basta nagcomment lang ako... Napadaan lang... (~~,)

Holy Kamote said...

@rejn > tigasin ka pala eh. astig!

@wildcatlady29 > have a great years sayo! (para mas mahaba na.)

@potatomaniac > anong daan lang. nag-comment ka pa nga e. n_n

@texas sweetie > i'm also HOLY po. nice to be here, too. :D

@rcyan > nice. cge, kahit ilang beses ka pa dumaan. libre 'to.

twinkletoe said...

aayyyy...not following instructions ako..binasa ko talaga.. tinapos pa! lol! may ekstrang comment pa :] di mo naman sinabing bawal mgcomment di ba? :]

Rachelle Layam said...

dami mong alam HOLY....
pero wag ka binasa ko parin at
nagustuhan ko kwento mo...
isa rin kasi ako sa mga useserong tao eh...
mas gustong gawin ang bawal...

caryn said...

hahaha! the funny thing is, i can really imagine na may gagong magpapaskel ng sign na ito. at eto pa! may magbabasa at magkakamot ng noo! hahaha!

kamotenista said...

wow, ang galing naman..magawa nga yan sa boss kung mahilig makiupo sa workstation ko...lol

sara said...

http://www.ebookhelper.blogspot.com/

thesimplemind said...

Hello! Nice blog. Halatang hindi ka lamang holy... ano ka rin...

thesimplemind said...

Kung matinding threat ang larawan na iyong inilagay sa post. Ito naman ay matinding street sign ng rejection:

http://tsmthoughts.blogspot.com/2008/03/rejected.html

(The Simple Mind: tsmthoughts.blogspot.com)