2008-02-01

Anong Petsa Na? Patay Ka Sa Deadline


13 days na lang at Balentayms Day na!

Ngayon ay Febrero Uno. Alam ko namang may kalendaryo ka din sa kompyuter mo, at malinaw naman sigurong makikita pati sa bawat blogpost ko kung anong petsa na. Pero mukhang super slow moving pa rin ang traffic jam sa utak mo, kaya nais kong banggitin na Feb. 1 na ngayon. Now, does the date resounds anything to you?

Oo sabi. Ang kulit ko, dahil ang kulit mo! Today is Feb 1. 4 na lang ang kulang at aatakihin ka na sa puso dahil sa sobrang bagal mo makatunog sa gusto kong ipahiwatig.

Get's mo na? Get's ko na. Aw! Coke ko 'to!

Ayon sa naimbentong selebrasyon ng mga party pipolz noong unang panahong ang mga tao ay bored na bored na sa kanilang boring, repetitive, and pathetic lives, naisipan ng ilang mga nagmamarunong na mag-party at mag-set ng petsa kung kelan gagawin ito. Napaka-religious ng mga tao noon, na sa sobrang religious ay ginagalang at sinasamba agad ang kung anu-anong mythical beings at inanimate objects na hindi nila ma-explain kung ANO at BAKIT. So, yun na nga ang nangyari. It all started by a bunch of religious pipz na mahilig sa panties ...ehem... parties at celebrations. Until one time, nakita nilang ang daming nag-eemo na singles, at naghahanap din kung nasaan nga ba makikita ang pag-ibig. Kaso, hindi pa uso noon ang kanta ng Black-Eyed Peas, kaya hindi rin nila masagot. Bilang tugon ni Fafa Gelasius I sa suliraning ito, nagpauso siya ng araw ng pagdiriwang ng mga magsing-irog at naghahanap ng maiirog at mayuyugyog (dahil party nga). Ipinangalan niya ito in memory of his peyborit pet dog na si Balen Tayms. At dahil hindi alam ng marami ang tunay na istorya about his pet dog, nakalusot ito sa class rekord ng mga santo. Matagal din tiong naka-rehistro, until such time, na nabuking din ng mga sumunod na Fafa na hindi pala trulalung katauhan si Balen Tayms. Nahukay nila ang skeleton at fossils nito na obvious na hindi hawig sa tao o kahit sa monkey-eating-saging.

So what, kung hindi sya totoo?! Kung yung lalakeng Santa nga na tawa ng tawa ay peyborit pa rin ng mga tao every year at sikat na sikat pa rin, kahit alam din ng lahat na fictional lang din, wala namang kaso yun. No big deal. E ano kung hindi totoo? Ang mahalaga naman ay yung konsepto ng "pagbibigayan" tuwing Disyembre at ang "pagmamahalan" tuwing Pebrero. (Naks. Hangswet dabah?) Sabi nga rin nila, "it's the toot that counts". Kaya start counting the toots mga repapipz. 13 days and 13 nights na lang. Kung wala ka pang syota, jowa, o special someone hanggang sa mga oras na ito, ay wag ng magpa-petiks-petiks pa. Mapag-iiwanan ka ng byahe dahil sa katorse na ang deadline! Wag magpahuli sa uso, maki-puso.

Heto ang ilang tips ko para makahanap agad ng kapartner o syota in just a syorttaym. O kung meron ka ng partner, tips pa rin kung ano pa ang ilang dapat mong isaalang-alang.

1. URGENCY. Huwag masyadong maging choosy sa paghanap ng partner. Karaniwang nauubusan ng putaheng luto ni Lord ang mga nag-iinarte at mapili sa ulam. Kahit kaning-bahaw o tutong, lamang tiyan din yan. (Take note. Feb 14 ang deadline ha. Kung mahirap talagang masikmura ang mukha ng nakuhang syota at talo pa sa face value ng nginuya ng pusa saka niluwa, pwes, mag-break na agad pagdating ng akinse. One-day lang naman ang Araw ni Balen Tayms.)

//-- Kung sinunod mo ang #1 tip, malamang mabilis pa sa alas quatro ay may nakuha ka ng partner mula sa kanto. So you may now proceed to my next tip. --//

2. ECONOMICAL. Wag kalimutan ang panggastos. Hindi na uso ang libre ngayon. Asahan na sa Araw ng Pagmamahalan ay mahal din ang mga gastusin. Yung Boy Bawang nga PhP 1.25 na isa. Sa iba, 1.50. Lintek.

3. ENJOY. Wala na akong masyadong checheburecheng payo. Just enjoy the moment of the season. The season of love. After that, go back to your normal, boring, and pathetic lives, OK.

Ang galing di ba? Alam kong naging napaka-useful ng mga binanggit ko sa inyong tips. Lalo na kung isa ka dun sa tinutukoy kong pathetic ang life. Nonetheless, mga loveless, wag masyadong ma-excite at over-focused sa iisang petsa ng buwan ng Pebrero. Merong 29 days naman this month. Leap year kasi ang 2008. Mas maraming araw for us to love and be loved. Kaya wag ka nang magmaktol dyan. Dahil hindi totoo ang deadline. Because LIFE GOES ON hanggang sa AfterLife.

[Off-topic. Advance Happy Birthday nga pala sa friend kong si Carla na ipinanganak noong February 29th, 1988. This year, magpa-five years na sya. Yehey!!!]

Sinsero,
Holy Kamote

18 comments:

Noime said...

haha. payb yers old. hahahahaha.
wala lang.

13 days and 13 nights na nga lang. sa unang pagkakataon, malamig ang balentayms ko. shet. si labidabs kasi anjan sa pilipins. wala ng magbbigay ng aliw sa akin. LOL.

ikaw ba kuya, nakahanap ka na ba?

FerBert said...

leap year ako pinanganak.. lols wala lang.. I HATE FEB! I HATE FEB 14!! :D

Meryl said...

May punishment ba kapag hindi nakakuha ng jowa sa Feb. 14? Paano naman ako? Hahaha.

Mojo Potato said...

heheh...ako nga parang hectic ang balentayms kaya baka di kami makapag-date man lang ng mahal kow...paksyet na February dagdag skit ng ulo...basta mag-balentayms na lang tayo sa work...wahaha

Duroy said...

Bago mag Feb 14, makipagratratan muna tayo sa Feb 7. Kung anong klaseng ratratan yun, bahala na hehehe!

XienahGirL said...

nagtatago ako
tuwing balingtayms.

di ko alam
pinagsasasabi mo
:)

Holy Kamote said...

@noime > tinatamad na naman ako. bahala na silang maghanap sa'ken.

@ferbert > mutual naman parekoy. feb 14 also hates you. hahaha.

@meryl > wala kang jowa, ows? hmm sige, pag-usapan natin yan ng masinsinan sa chat. *joke*

@mojo potato > gusto kong ipanukala na ilipat ang petsa ng balentayms. gagawin na nating FEB 29. para every leap year na lang sasakit ulo mo. kung hindi maaprubahan. ipatanggal na lang kaya natin, watchuthink? n_n

@duroy > ratratan ba? cge, bahala na gang!

@xienahgirl > di ko rin alam ang pinagsasasabi ko. n_n

kaya't magtago ka na. ang mahuli, siyang taya!

towr said...

uy, may oras pa!!! wag nga kayong ganyan. ;-)

10 more days to go. Enjoy!

manilenya said...

hehehe sensya na hindi ko gets e lol!

cedeux said...

hu needs valentines? hhehhe. ingats=]

karlabebi said...

nyak, valentines. sometimes i think i'm the walking irony of valentines. pero sana kahit isa lang may mtanggap nman ako na chocolate or flower. NYAK, feelingera :))

wow, dati pinangarap ko na magka-birthday ng february 29. i swear, gusto ko burahin ung nasa birth certificate ko. kasi parang ang special diba? :P

kingdaddyrich said...

kagaya nga ng mga sinabi ko, number 1 pa lang olats na ako.. mapili ako sa ulam.. siyempre, pipili ka na lanh eh di dpat yung appetizing na hindi ba? :))

he hee...

since birth, hindi ko pa naexperience mgka balentayms..

ang saklap/.

thesocialcritic said...

hindi ko ma-imagine na magbirthday kada apat na taon. grabe. siguro maiiyak na lang ako. hahahaha

Meryl said...

Hehehe. Hello, comment ulit. Kung wala namang punishment, eh ayos lang siguro kahit walang jowa. Haha.

10 days to go. Haha.

Masaya nga siguro mag-birthday ng Feb. 29. Gusto ko Feb. 29 din ang birthday ko. Seryoso. :D

Misyel said...

kuntento na ako sa unan ko, hehehe... walang date sa 14, magbababad na lang ako sa kama. hahaha!

Holy Kamote said...

@towr > hindi lang oras ang meron. may mga araw pa. may buwan din. saka taon. at sabi ko nga, life will go on and on, hanggang sa afterlife.
true love knows no time. it's immeasurable.

@manilenya > dahil hindi mo nagets, wala kang coke. :hehehe:

@cedeux > f u olredy hav love, hu nids balentayms nga nmn? n_n

@karlabebi > dont you worry my child, coz you're special. you're so special, child. n_n

@kingdaddyrich > anong ulam ba gusto mo? yung sizzling hot and spicy?

@thesocialcritic > tulungan kitang mag-imagine. pikit ka. hingang mamalim. visualize. ayan. ayan. kita mo na?

naiyak ka ba? n_n

@meryl > hindi ko alam kung mas masaya nga ang mag-bday ng feb29. pareho lang din kasing isang araw yun.

@misyel > ang sweet naman. kapiling si unan sa kama. pero hula ko lang, bago ka matulog ay may gagawin ka muna. hehehe. magbablog/bloghop ka pa 'no. n_n

R E J N said...

hehehe.sorry fo my late reply.hmm.cge2.ilink din kita.hmm.ang emo mo pla kuya.hmmm.ano nga pla real name moh? i'm rejn pla.hehehe.pwede kuya nlng kita? :] ehehehe.

Holy Kamote said...

@rejn > hindi po ako emo. ako ang boss dito. ako ang amo. hehehe.

cge lang ate rejn. n_n