2008-01-30

Kumusta Naman Ang Lapis Mo?

Anak ng nanay! taytol pa lang ang weird na. Sino ba naman ang may matinong pag-uutak na magtatanong at kukumustahin ang isang inanimate thing gaya ng lapis? Yun bang pangangamusta na may kasamang damdamin at concern? Pero bago ka bumuo sa utak mo ng kasagutan o opinyon, hayaan mo munang mabasa mo nang buo ang gusto kong isaysay sa'yo. Relaks ka lang dahil ako na nagtanong nito ay garantisado namang nasa matino pang pag-uutak. At kung matino ka rin, tiyak na magkakaintindihan naman tayo parekots, marekots, at maskots. So here we go, sago...

read more [+]

2008-01-26

Mahiwagang Kamote, Gamot daw sa Dengue

May itinimbre sa'king info kahapon si Kamote Red (aka. RedHotSillyKamote.Jeckass). Ito'y isang unverified na impormasyon ukol sa mga lahing kamote. Hindi naman ito isang bad publicity na matatawag against the Kamote Genus, pero dahil nga unverified pa po ito, mahirap pang magsalita ng tapos. Kaya ang salita ko muna ngayon ay to be continued...

Akchuwali, ayon kasi sa ulat na nahukay ni Kengkay sa various sources, na nahukay din ng kung sino, na nahukay lang din sa kung saan-saang parte ng wide-web-world (www), pinaghihinalaang ang kamote daw ay ang kagamutan sa deadly Dengue. Tama ang nabasa mo. Prime suspect nila ang kamote kaya daw gumaling ang ilang Pinoy na na-dengue. Ang mga istoryang binanggit sa ulat na nagpapakita na ang mga pasyenteng may dengue na bumaba halos sa 80 platelet count ang dugo ay bumalik sa normal ang kalagayan matapos itong painumin ng soup o katas ng nilagang kamote.

Yesfm. Bilibit or Nut. Gumaleng po sila mganimamahal. Gumaleng sila. Glore! Glore!

read more [+]

2008-01-25

A Blog's Life

Dear Blog/Hopper/Stranger,

Today is a very special day in my life. I wake up early and went to school. It was fun and exciting. After school I went home. I ate my meal while watching some crap-tv. It's already 11pm but I can't sleep yet. So I decided to surf the internet and then posted a new blog entry. I chatted with my i-friends and added new on my list. After that, I got tired and went to bed. Tomorrow will be another exciting day. Yay!

read more [+]

2008-01-24

Nakilahok sa Pakontes ni Badudels

humor blogs ... at its finest

Isa sa pakulo dito sa blogosperyo ang mga pakontes. At ang barberong si Badudels ay isa sa mga promotor niyan. Bagaman tinamad akong magbasa at umintinde ng kumpletong rules niya, nagets ko naman kahit paano. Basta ang alam ko, kelangan ko lang magpost ng hanggang limang nominasyon bilang lafftrip o humor blogs. Kaya heto na po ang listahan ng mga sumuhol sa'ken in no particular order. Ay teka. dapat pala sunod-sunod. (edit muna. finished.) ... in descending alphabetical order na yan ha.

read more [+]

A Blogger's Dilemma

Pansin ko lang, mukhang mas maganda talaga magblog sa Wordpress kesa dito sa Blogger/Blogspot. Nakupo, gumagana na naman pagka-inggitero ko. Tapos kanina, may nakita pa akong balita na kumpara sa 1GB na espasyong pwedeng punuin sa pag-uupload dito sa Blogger.com, ang WP ay nagbibigay naman ngayon ng 3GB free upload space sa users nila. Imadyininin niyo mga tsong at tsang ... 3Gig ... that's big! letter g. At ayon sa natutunan ko sa aritmatiks, ibig sabihin, 3 > 1 (three is greater than one ang basa dyan ha. susko. right bracket daw). Kaya nakakaisip na tuloy akong magregister sa WP at lumipat na ng pwestong mapagtatambakan ko ng kalokohan kabanalan ko.

Kaya lang ang dami ko pang tanong sa ngayon. Teka, bakit parang naririnig kong may kumakanta sa tenga ko? Ito rin ba yung dilemma ng hukot na rapper na si Nelly? Walangya, naka-autoplay pa kasi 'tong embedded music. Mai-close nga. Di na ako babalik sa blog mo, kung kanino ka man.

read more [+]

2008-01-23

Blog Award for The Great Maldito

May nakita na akong ilang blogs na na-feature sa iba-ibang sikatchupoy na blogs o binigyan ng award for being entertaining and funny. Pero sa pagkakataong ito, gusto kong i-recognize ang isang pinoy blogero, hindi dahil sa napatawa niya ako. Ang totoo niyan, madali lang naman din akong mapatawa. Kahit corny nga natatawa pa rin ako e. Pero yung pakiramdam na kasayahan habang tumatawa ay hindi long-lasting para sa'ken. Pagkatapos kasi akong kabagan sa kakatawa, iuutot ko lang din naman. Yung fart molecules na nagdiffuse na sa air ay unti-unti ring maglalaho, sa tulong na din ng mga loyal friends kong nakapaligid sa'ken na malakas suminghot. It just won't last. The fun and the smell eventually subsides and fades away.



Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-01-21

Kalogohan na naman h{ n_n }

hindi ako ulap.
hindi talkbubble.
hindi rin cottoncandy.
pero cute.
ano ako?

Bunsod ng kaartehang nananalaytay sa blood vessels ko, napangitan na naman ako sa unang bersyon ng aking HK logo.

Gusto ko kasing gawin pang mas simple yung disenyo.

Yun bang hindi siya magmukhang desktop wallpaper na pinaliit lang na square.

Tapos konting kulay na lang din. Konting elemento.

Pero yung tipong may subliminal message pa rin.

Dapat sa unang tingin pa lang, andun na yung mga gusto kong palitawing konsepto gaya ng holyness, kamoteness, at cuteness.

At di dapat mawala ang F*ARTistic quality.

Kaya naman dali-dali akong nagdrawing at ito na nga ang kinalabasan.

read more [+]

2008-01-20

Paks Abawt Kamote

Question:
Ang Kamote ba ay isang prutas o gulay?

read more [+]

2008-01-19

Inano ako ng Bakla

Bale, kahapon kasi, inano ako ng isang bakla. Ang pangalan niya ay Geisha [gey-sha]. Bale, inano niya lang naman ako. Yun bang tinag. Oo, yun daw. Parang chain letters, kaso walang threats o horrible mishaps at stake sa mga hindi makiki-join sa kalokohan na ipakalat itong parang virush ng mga baklus. Dahil mukhang harmless naman ito, heto ang aking mga kasagutan sa mga tagninyo!

read more [+]

2008-01-18

Yes Comment

Hindi ko pa alam kung bakit may mas tamad pa sa'king mag-comment. At habang inaalam ko pa ang misteryo sa mga nilalang na ang laging motto sa buhay ay "No Comment", hayaan niyo munang magbigay ako ng kapirasong payo sa natuklasan ko sa paglundag-lundag sa kung saan-saang sulok ng blogomundo.

Salamat sa hyperlinks na talaga namang nakaka-hyper talaga. Sa kabutihang palad ay hindi pa naman ako naliligaw ng tuluyan at nakakauwi pa naman ako sa sarili kong bahay.

read more [+]

2008-01-17

How to Display/Add Yahoo! Messenger Online Presence Indicator on your Blog

Chat Me on YM

Online presence allows people to see if you are currently online and using Yahoo! Messenger. To add online presence, you simply need to add some HTML to your web page.

If a Yahoo! Messenger user clicks your online presence, an instant message window will open for them so they can type you an instant message.

//-- WARNING: If you do not know the computer programming "CPP", then DO NOT PROCEED. Because for me, Copy-Paste-Programming (CPP) is a very essential skill to learn when dealing with computers and the web. --//


read more [+]

2008-01-16

Ikalawang Banat

"Dahil bago ngayon ang layout ng page ko, heto at magpapasakalye na naman po ako sa blogomundo."

In other words, this is my 2nd introduction to the blogosphere. Para ito sa lahat ng mga usisero at usiserang napadpad, lumundag, lumipad, bumalik, sumilip, nagpromote, natuwa, sumimangot, at sa iba pang mga kaluluwang mauuto at maliligaw sa pwesto ko. Isama ko na rin yung robots, spammers, marketers, at iba pang unknown creatures na tahimik na humihithits mula sa kung saan-saang lupalop ng internet. Para po sa inyo 'to. Dahil mahal ko kayo.

Ikalawang intro. Ready... Pasok. *u*

Bakit Holy Kamote?

read more [+]

2008-01-11

Trust, Faith, Hope & Love

TRUST: Trust should be like the feeling of a one year old baby when you throw him in the air, he laughs. Because he knows you will catch him.

FAITH: Once all villagers decided to pray for rain. On the day of prayer, all people gathered. But only one boy came with an umbrella. That's faith.

HOPE: A human being can live for 40 days without water; 8 minutes without air; but not even 1 second without hope.

... but where is the LOVE?


//-- hmm, teka tanong kaya natin sa Black Eyed Peas --//

read more [+]

2008-01-10

Fiesta of the Black Nazarene in Quiapo

[Attention: Because I am both HOLY and KAMOTE, I think this kind of topic is timely for me to discuss with you. I do not mean to desecrate the celebration. Because sacrilege is done against something holy and sacred. And I can't see any involvement of holiness there.] //-- hanep, napa-english ako dun a --//

"Pink is the New Black"- Pink Nazarene

Nagdaan na ang mausok at maingay na pagsalubong natin sa pagdating ng 2008, pero wala yatang kapaguran ang mga kapwa natin Pinoy sa magkakasunod na selebrasyon. Makalipas lang ang ilang mga araw, libo-libo namang debotong katoliko ang nagkumpulan sa masikip na Quiapo, Maynila. //-- Proud to be Pinoy na naman 'to — it's only in the Philippines, yebah! --//

Kung paanong minsang panahon sa kasaysayan ng Amerika na meron silang discrimination against black people o nigers, dito naman sa Pilipinas hindi tayo ganun. Manapa, sa'tin lang yata may ganitong pagdiriwang na sinasamba ang negro.

Naks naman. Tiyak na mapapaelibs natin ang maraming mata ng fowrangers sa kakaibang debosyon na inuukol ng tinatayang 100,000 katao na nakiumpok kahapon sa Quiapo.

read more [+]

2008-01-09

Blog Culture Shock

Graba, ganito pala dito sa mundo ng mga blogero. Nakakaubos din ng enerhiya. At ang dami ko palang kailangang i-signup para lang ma-establish ang aking online existence. Pero so far, so good naman. Meron ng dalawang kaluluwang-ligaw ang napadpad dito matapos akong lumundag-lundag na parang palakang kokak sa links at blogroll ng kung kani-kanino. At meron na akong major update sa hitsura ng blog ko. Kung napansin niyo, mayroon na din akong Cbox Msg Bored tweaked with Yahoo! Messenger emoticons. Cool di ba? Meron na din akong MyBlogLog Recent Readers at naka-FeedBurner na rin ang posts ko.

Feeling achiever na ako! Kahit pala ang tulad kong nuknukan ng tamad ay may maa-accomplish din sa buhay.




[Paunawa: Ang mga elementong pinagsama-sama upang malikha ang konsepto ng logong ito ay pawang orihinal at subliminal. Tinitiyak na walang tunay na kamote ang biniyak o nasaktan sa paggawa nito.]

[Psst: Parang awa niyo na. Magparamdam sana kayong mga kaluluwang maliligaw pa sa dakong ito. Hindi naman isang malaking kabawasan sa pagkatao niyo ang simpleng komento.]

Thank you for doing business with us.
Looking forward to seeing you.
Hoping for your kind considerations.
Have a great day!

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-01-08

Unang Sabak sa Blogomundo

Mga Minamahal kong Bwisita,

Ito ang aking unang sabak sa blog. Baguhan, ika nga nila. Sa ibang katawagan naman, n00b o newbie. Pero bakit nga ba napagtripan ng isang batang tulad ko na ubod ng tamad ang makigulo sa masikip na blogomundo? Ang kasagutan: ito ay dahil hindi lang naman katamaran ang nananalaytay sa pagkatao ko, kundi isa rin akong inggitero.

"Kung ikaw nga may sariling blogcrap, ang lagay eh, ikaw lang ba ang marunong tumae?"

'O hinde' ... isa na naman bang shit blog ito? Pasensya na sa obscene term of the solid excretion from the guts. Nakakawalang gana nga namang marinig ang salitang 'yan, lalo na't kung oras ng kainan. Pero kung hindi ka naman kasalukuyang lumalamon sa harap ng kompyuter at ngumunguya ng kung ano-anong unhealthy foods, siguro naman kahit hindi ako nagpasintabi sa inyo ay mapapatawad niyo pa ako. Sorry na, dahil ganito lang talaga ako mag-umpisa — parang nanganganay sa pagdadalang-tae — pinagpapawisan at hirap sa pag-ire. Madalas mangyari sa'kin 'yun pag kinulang ako ng fluid content sa katawan dahil sa katamarang uminom ng required 8 glasses of water a day, kaya naman ayun, tila nakikipagmatigasan pa.

read more [+]