Mga Minamahal kong Bwisita,
Ito ang aking unang sabak sa blog. Baguhan, ika nga nila. Sa ibang katawagan naman, n00b o newbie. Pero bakit nga ba napagtripan ng isang batang tulad ko na ubod ng tamad ang makigulo sa masikip na blogomundo? Ang kasagutan: ito ay dahil hindi lang naman katamaran ang nananalaytay sa pagkatao ko, kundi isa rin akong inggitero.
"Kung ikaw nga may sariling blogcrap, ang lagay eh, ikaw lang ba ang marunong tumae?"
'O hinde' ... isa na naman bang shit blog ito? Pasensya na sa obscene term of the solid excretion from the guts. Nakakawalang gana nga namang marinig ang salitang 'yan, lalo na't kung oras ng kainan. Pero kung hindi ka naman kasalukuyang lumalamon sa harap ng kompyuter at ngumunguya ng kung ano-anong unhealthy foods, siguro naman kahit hindi ako nagpasintabi sa inyo ay mapapatawad niyo pa ako. Sorry na, dahil ganito lang talaga ako mag-umpisa — parang nanganganay sa pagdadalang-tae — pinagpapawisan at hirap sa pag-ire. Madalas mangyari sa'kin 'yun pag kinulang ako ng fluid content sa katawan dahil sa katamarang uminom ng required 8 glasses of water a day, kaya naman ayun, tila nakikipagmatigasan pa.Sa totoo lang, hindi ko binalak na makidagdag pa sana sa espasyo sa blogomundo. At may nabisita na rin kasi akong ilang magagandang blogs //-- siguro mga lima yata --// na talaga namang nakakaaliw at nakakadagdag kaalaman. Kaso, may napapansin akong kulang. Ewan ko lang kung may iba nang nakapansin nito. Ano 'yung tinutukoy ko? Umm, parang, ano kasi, 'yun bang ano, a basta! Mahirap mang tukuyin sa salita, pero may kulang talaga. Can you sense what's missing?
Aha, mukhang alam ko na ang kulang. Ako yata ang kulang. Kulang ako! //-- kulang-kulang ako! --//
Greatness! Na-realize ko din sa wakas. Ito na yata 'yung tinatawag nilang epiphany. Ngayon ko lang kasi susubukang magparamdam ng aking pagiral sa masalimuot na blogomundo. Hindi sapat 'yung rehistrado lang ako sa NSO at sertipikadong buhay akong ipinanganak at umiiral. Kailangan ko rin pala ng online presence dito sa panibagong dimension ng mundo.
Syetness! Naturingan henyo at laki sa yakult, pero botanggo pa talaga! Para ano pa't meron namang bokborokbok na kompyuter sa bahay at may intermittent access pa sa www-highways na slow moving pa hanggang sa mga oras na ito, tapos wala man lang akong online presence? As in wala talaga! //-- walang account sa MySpace, Facebook, Friendster, Multiply, Youtube, atbp. --// Teka, hindi pwede ito. Baka akalain ng iba na I don't actually exist. Fictional, ika nga. Para lang anino na nandyan nga pero hindi man lang classified as a living organism o sa kahit alinmang states of matter.
Kahit paano, marunong din naman akong gumamit ng internet a. Marunong din naman akong magpahayag ng mga kuru-kuro at saloobin. Marunong din akong magkwento ng mga bagay-bagay mula sa tae o basura hanggang sa pinaka-sensible and interesting topic o higit pa. Sayang naman ang aking pagiging self-proclaimed genius kung hindi man lang maibabahagi ang ilang parte ng brain cells ko sa mga mas bobo ng kaunti sa akin. Endless potential awaits me.
Kaya't humanda kayo, nandito na ako! Ito ang pasimula ng aking kagila-gilalas at kahindik-hindik na pakikipagsapalaran sa internet. Sa blog na ito, inaasahan kong madadagdagan ang aking magiging kakilala, kaibigan, at pati na rin kaaway. Expected ko na kasing may makakasalamuha ako ditong mga nilalang na kapareho ko ng hilig at antas ng pag-iisip, o kaya naman ay mas higit pa sa akin. 'Yun bang tipong mas marunong, mas inggitero, mas tamad, o mas may attitude pa kaysa sa'kin. //-- na maaaring totoo o kaya naman ay feeling lang. --//
Good news, at wala pa namang akong nagiging kaaway dito. Bad news nga lang, dahil wala pa naman talagang bumibisita sa blog ko. At ayoko namang puro mga personal kong kakilala at mga kamag-anakan, kapitbahay, kaiskwela, kabarkada, kachokaran at iba pang mga madalas na kaututang-dila ang bibisita lang dito. Hindi sila ang target audience ko. Hindi ko na kailangan pang idaan sa internet ang mga nais kong ipahayag o sabihin sa kanila. Para ito sa mga hindi ko pa kakilala at hindi pa ako kilala. Oo, para sa inyo 'to. //-- kung sino ka mang pontio pilato ka! --// Dahil espesyal kayo sa'kin. //-- parang razon's halo-halo na may ice cream; puto na may itlog na maalat; o kaya'y iced tea with a slice of lemon and mini-umbrella. --//
Basta, kita-kits na lang sa mga susunod kong blogs. At sana, ganahan na akong bihisan ang walang kabuhay-buhay kong default page layout. Hanap muna ako ng magandang template. O kung meron kayong mairerekomenda, salamat na agad.
Thank you for doing business with us.
Looking forward to seeing you.
Hoping for your kind considerations.
Have a great day!
Sinsero,
Holy Kamote
16 comments:
Welcome sa mundo ng blogging!! Sigurado ako na mag-eenjoy ka sa pagba-blog at marami ka ring makikilalang kaibigan dito.
God Bless!!
**Di pala puwedeng hindi blogger account ang mag-cocomment dito kaya ire-route muna kita sa dati kong blog. :)
bloghop ka para mapansin ka like mag-iwan ka ng message sa cbox ng iba. mukhang dagdag sa listhan ng nakakaaliw blogs ko ang blog mong 'to.
goodluck holy kamote!
@ronald > may ganun palang settings sa who can comment. tsk tsk. ayan pwede na kahit sino. ;)
@redlan > salamat po sa advice, kaso epektib naman kaya yan sa tulad kong tamad?
Welcome p0h sa blogosphere.. ~.^
Bago ka pa lang nagblog pero ganda na ng site mo. Ako nga eh, mag1 year pero wala pa rin akong yung mga nakalagay sa gilid ng blog. Alam ko lang blog hop eh. Nakikita ko kasi may mga advertisement kayo sa gilid. Totoo po bang may kumikita dito?
Cge po....
@cherry > chalamat sa welkam.
@zkey > ewan ko kung paano sila kumikita. at wala pa naman akong balak kumita at maglagay ng sangkatutak na ads, dahil di ko po rin alam. ;)
kaaliw naman 'tong blog mo. kakaaliw basahin. parang 'di ka nga noob eh, o siguro genius ka nga lang talaga. hehe
Hey welcome to blogging! Already did some blog hopping huh? *laughs* Enjoy
Antigonic
libremoako.blogspot.com
@arjay > henyon00b? o hindee!
@anonymous > ano po meaning ng antigonic?
*Laughs* actually I've been altering my blog name since I started this hobby and it basically popped out somewhere between not finishing Antigone by Sophocles and frustration.
Antigonic (I'm too lazy to log in)
pareho lang tau...hahaha! newbie..
shyet, ako'y nawawala.
lakas-tama, ako'y nawawala, nawawala ang isip ko pag nababasa ko ang blog mo sinta! lakas-tamaaaaaaaa.
hanep. ako'y bago lamang dito, tatanga tanga parin sa mundo ng blogosperyo. kaya, i-aadd na kita sa links ko ha? para may ipasikat naman ako. wag ka nang umangal.
nga pala parekoi, na-add na kita. ambilis ano? wala ka nang magagawa. :D
galing ah? kakaaliw ng blog mo repa..add kita sa mga links ko ha..tnx goodluck
iv seen your entry sa fs..kakabilib..that's it..
you saw my FS? that's unpossible bec. i don't have one! n_n
hehe.. nakakatuwa ang mga articles mo, isa rin akong blogger at nakuha mo yung atensyon ko para pagaksayahan ng oras basahin ang mga blog mo, mala Bob Ong ang pagsulat at interesting ang mga content, isang bagay lang, dapat attractive ang pages mo,. design and color combi.. gudlak..
Post a Comment