2008-10-18

Ako po si Pablo Banila

ok. it's official.
i'm back.
and i'm out of here.
('coz i'm out there na)
http://pablobanila.com


sa lahat ng mga tangahanga, umuunawa, at patuloy na nagmamahal ... "i love you too".

sa lahat ng patuloy na naiirita kahit hindi ko naman sinundot ang mga ilong n'yo, sa mga nag-freaked out dahil mas adik sila sa'ken, at gayundin sa patuloy na nagmumura ... "i %$&* you too".

sa lahat naman po ng naaawa daw sa'ken ... "i pity you too".

sa lahat ng mga nagsasabing papansin lang ako ... "thanks a lot. see, i got your attention".

at pinakahuli, sa lahat ng mga apathetic ... "ok. no comment".

Seryoso, hindi ako 'to,
Paolo Roberto Cagampan Bantolo

IT'S NOT ME.

IT'S YOU.

I AM MANY.

read more [+]

2008-08-08

"Iisa Lang" by Parokya Ni Edgar (Solid)

"♪ Sa langit ang ating tagpuan"- After Image

nasabi ko na dito na hindi pa opisyal ang aking pagbabalik-blog dahil pansin ko kasi na walang pumapansin sa'ken, este sa poll question ko sa bandang kanan at alam kong demanding masyado ang requirements nang sabihin kong dapat ay maka-isang libo munang boto ang malikom bago ako magpasya sa ipinipintig ng pulso ng bayan at ng sangkablogosperyuhan — kung magre-resurrect ba ako from the deads o hayaan ko na lang ba na ma-boloks poreber ang blog na ito at maging rotten kamote na lang na nakabaon sa ilalim ng matabang lupa, hindi dahil sa kolesterol kundi dahil sa mga tae ng mga tao at mga hayop (o sa less-offending term ay "manure"). <<-- at kung napansin mo at hiningal ka, yun ay dahil ngayon lang ako gumamit ng tuldok. n_n

alam nating marami na sa mga paborito nating blogistang pinoy ang nagpaalam umalis at ang ilan ay matagumpay na nakapag-delete na rin ng kanilang blogs. yung iba naman ay nahimasmasan na at sinapian uli ng espiritu ng kaadikan sa internet kaya naman nagbalik at gumawa ng panibagong blog. congrats naman sa kanila. at condolence na rin, dahil mauulit na naman ang kaparehong karanasan at dahilan kung bakit sila dati nag-desisyong iwanan ang pagbablog at magpa-rehab muna at magbalik sa kanilang normal, boring, at pathetic social lives. (dyowks lang sa mga matatawa, at seryosohin naman kung totoo. hehehe.)

pero ako, ewan ko.

sa ngayon ay wala ako sa klasipikasyon bilang living organism sa blogosperyo at hindi pa rin naman ako tuluyang na-dedecompose. ngayon lang yata nangyari ito sa kasaysayan ng history mula pa ng nahuling nangongodigo si Kalantiaw, ng imbentuhin ni Magellan ang Google Earth, at hanggang sa matagpuan ng mga arkeologo ang ebidensya ng sinaunang pamamaraan ng pagba-blog sa mga kweba ng Tabun! (ano daw?)

ah basta! walang ibang dapat sisihin kundi ... kayo!

alam ko maarte ako dahil may 1000-votes-required-ekeks pa akong sinasabi dito bago mag-decide, pero wag naman kayong mas maarte pa sa'kin! pwede naman kayong gumamit ng sure-fire na paraan para maabot yun na maituturing namang normal na gawain sa bawat botohan. ang tinutukoy ko ay walang iba kundi ang - "pandaraya".

we'no ba naman yung bumoto ka ng maraming beses, hindi ko naman malalaman yun. sus'kayo! puro kayo reklamo at excuses, wala naman kayong letters na ipinapasa. hmpf.

well, paminsan-minsan ay naglilibot pa rin ako sa inyo-inyong mga kabahayan, pero bihira naman akong mag-iwan ng aking bakas. nakakahiya mang sabihin, ako ay isang kaluluwang blurker. at kahit na ganito ang aking kaawa-awang sitwasyon, hindi ko napigilang mag-iwan ng bakas sa nabasa kong entry ni elayas, at sa tinanong ng bata nyang kapatid.

e napansin kong ang haba pala ng naging comment ko. wala man lang akong pasintabi dun sa may-ari ng blog o humingi ng permiso para dun ako magblog ng pagkahaba-haba. kaya bilang kortesiya, ginawan ko na lang siya dito ng link pabalik sa blog nya.

(PS1: bumoto na kasi kayo. maarte na nga ako, mas maarte pa kayo sa'ken. mga bwiset!)
(PS2: sa nakakaalam ng kantang "Bai" ng After Image, naks naman.)
(PS3: sa nakakaalam ng kantang "Iisa Lang" ng Parokya Ni Edgar at kung bakit yun ang title ko sa entry na ito, elibs ako sa'yo tsong!)
(PSP:
Portable Station Play)

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-07-24

WordCamp in the Philippines — the first in Southeast Asia!

"Ayoko ngang pumunta"- Blogger.com


WordCamp is the premier event for WordPress users and developers [...]

ano daw?

pwets, hayaan n'yong iliwat ko sa salitang kolokyal na tagalog ang nilalaman ng nasabing WordCamp. ang event na ito ay interesante lamang sa mga sertipayd tambays, adiks, at mga bagamundong pagala-gala sa iba't ibang sulok ng www (o "world-wrestling-wederation").

at kahit hindi naman ako kasapi ng WPP elites (kundi isa lamang akong hamak na oldskul), hindi pa rin ito naging hadlang upang mawalan ako ng pananampalataya at panghinaan ng loob. kaya't agad akong nag-register sa nasabing event nang walang pasintabi ni pahitulot ng magulang, mayor's permit, o kahit pa sa mga organizer nito.

imprimitido lang talaga ako, at kung saka-sakali'y ito ang magiging unang perstaym ko na makikisalamuha sa mga pinoy blogger. sa malamang, ito rin ang magiging unang perstaym na masisilayan nyo na rin ang kamote ko. well, hindi naman sa ineeksayt ko kayo. hindi ko nga alam kung kailangan ko pa bang tipunin ang aking mga kampon upang gumawa ng eksena suot ang aming makukulay na constumes at habang nakabakat ang matitikas naming kamote emblems na sumisimbulo sa aming superpowers na makikita sa bandang ibaba ... ng leeg.

ano, eksayting ka na ba?

wag muna! kumalma muna kayo dyan. wag malikot. sa setyembre pa talaga ang event. kaya ireserba nyo muna at tipidin ang inyong mga imahinasyon at ekpektasyon. siguraduhin ding wag masyadong kumain ng taba ng baboy, karne, at iba pang pampataas ng highblood, upang hindi magkagulatan kapag nagkita-kita na tayo ng mukhaan. ayoko namang makulong ng di oras kung sakaling atakihin ka sa puso pag nakita ang kamote ko. hindi man masasabing "makalaglag-panga" ang aking aura at itsura, pero tiyak namang "makalaglag pan-T" ang aking alindog. yun ay kung babae ka, pero kung lalake ka naman, wag mag-alalang hawakan pa o ipardible ang garter ng brief mo, dahil waepek sa'yo ang gamit kong gayuma (axe deo-cologne).

matapos ko nga palang makapagrehistro, dapat ko din daw isangkot sa post kong ito ang mga tunay na salarin. honestly, hindi ko sila kilala pero para na rin matiyak na bibigyan nila ako ng ID badge, freebies, malamig na pwesto, at malakas na wifi connection pagpunta ko at huwag pagtabuyan ni manong gwardya.
(PS: hindi pa nga pala ako opisyal na nagbabalik-blog. hindi pa kasi tapos ang botohan. tandaan: nasa inyong *maruruming* mga kamay ang kapalaran ng mundo. use safeguard or vote now!)


Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-07-21

A Survey Question, Voting Starts Now

"Hukayin o Ibaon"- digg.com


April 17, 2008 (CNN) — A blogger was found dead in an abandoned area in Diliman, QC yesterday afternoon. Crime scene investigators said that the cause of death was by impalement and decapitation. The police were able to identify the recovered body (with its laptop and other belongings) as Eric H. Kamote, 18 years old. He was a college student and maintains a not-so-famous-purple blog that deals with random entries ranging from comical & mundane topics to sensical & spiritual issues. While it was a clear case of brutal murder, one police inspector commented that it was quite odd to see a dismembered corpse burned at the stake, instead of wearing a horrified face, it was very peaceful and seems smiling back at you. Its dead body was literally deep fried and coated with caramelized brown sugar with a happy face. The culprit is still unknown.

April 17, 2008 (WWW) — Nagimbal ang buong blogosperyo, madlang-pilipino, pati uniberso sa biglaang pagkamatay/pagkawala ng isang tinitingalang blogista. Nagulantang ang sambayanan sa masaklap na balitang namayapa na si Holy Kamote (HK). Kasalukuyan pa ring umiikot ang bulung-bulungan ng mga tsismoso, tsismosa, adik-fans, kaibigan, at kaaway kung gaano nga ba katotoo ang nasabing balita. Sa mahigit tatlong buwang pamamayagpag ni HOLY KAMOTE {ang blog na may attitude} at sa mahigit tatlong buwan ding nakalipas mula ng ilathala nito ang kanyang di-umano'y pamamaalam, ngayon ay may kapansin-pansing pagbabago sa trip ng blogistang ito. (tignan ang sidebar poll question sa mga medyo slow-moving pa ang kanilang kukote sa mga oras na ito.)

Anakngpusa! Anong kalokohan na naman ba ito?

At maliban na lamang kung paiiralin mo ang pagka-dyslectic mo, ngayon pa lamang ay alam mo na dapat ang gagawin o pipindutin. Kung na-curious ka naman sa meaning ng "dyslectic" at balak pa talagang hanapin ito sa Dictionary.com ay maipapayo kong—huwag na lang. Ang mas dapat mong unahin ngayon (bukod sa pagtupad ng iyong mga pangarap at pagtanggap na mabibigo ka rin lang) ay ang pagboto o pagsagot sa "Pulso ng Bayan".

Bagaman alam kong iilan na lamang kayong mga kaluluwang-ligaw na patuloy pa ring bumibisita dito (dahil sa crush mo ako o kaya ay gusto mong i-crash ng pinong-pino ang pagmumukha ko) ay nais kong ipaubaya sa inyo ang bibihirang pagkakataong ganito. Kayo ang magdedesisyon kung dapat bang "hukayin" pa o "ibaon" na lamang sa limot ang kamoteblog na ito.


A
ng mas malaking porsyento ng resulta sa survey na ito matapos ang eksaktong 1,000 mga botong malilikom ang magiging final na desisyon sa kapalaran ng blog na ito. At alang-alang sa demokrasya at malinis na pulitika, pinahihintulutan ko dito ang "flying voters", o ibig sabihin ay pwede kang makaboto ng makailang beses depende sa trip mo.

VOTING STARTS NOW!

read more [+]

2008-04-17

Gubay

Sa lahat ng makakabasa nito,

"True goodbyes are the ones never said or explained."- Anonymous


Ayos pa naman ang eyesight niyo. n_n

Sinsero,
Holy Kamote
(Jan 8, 2008 – April 17, 2008)

read more [+]

2008-03-22

Para sa mga Naghuhukay ng Kamote

Hindi pa dapat ako gagawa ng panibagong entry ngayon. Istorbo kasi sa isang "relaxing summer vacation" na kapiling si inang kalikasan at ang ma-asul at ma-asin na dagat, tapos ay magdadala ka pa ng laptop with wireless connection para lang mag-blog at mag-surf sa blogosperyo at kung ano-ano pang naglipanang websayts sa mundo ng mga konek-tadong kompyuters!

Tutal, wala naman siguro akong makaka-chat sa YM dahil malamang ay mas nag-eenjoy pa ang mga "iPrends" ko sa kani-kaniyang bakasyon.

Pusta ko nga, pagbalik ng mga true-blooded addicts ng blogosperyo ay walang patumanggang maglalagay ang mga 'yan ng sangkaterbang litrato mula sa kanilang mga byahe, kulitan sa sasakyan, pagliliwaliw, kalokohan, tawanan, katakawan, basaan, lambingan, kantahan, atbp. At dahil ayokong makigaya na mang-inggit sa mga inggitero (dahil alam ko din ang ganung pakiramdam) ay asahan ninyong wala kayong maaasahang kahit isang piktyur mula sa aking mga adbentyur para inggitin lang kayo.

Pero dahil may matapang na lamok na kumagat sa aking daliri habang pilit na pinakikiusapan ang utak kong mag-hibernate na at tigilan muna ang pag-iisip ng kung ano-ano, hindi ko matiis na hindi kamutin ang nangangati kong mga daliri. Kaya naman naisipan kong sumilip saglit sa internet at nagbabakasakaling sapakin ni Antok ang aking mga matang tinatamad na namang matulog. Baka mas mabilis pa akong antukin kung makipagtitigan ako sa radiation-emmiting monitors kaysa kung magbabasa ako ng mga librong nakakaaliw at hilig ko. Malamang, tapos ko ng basahin ang librong yun e maririnig ko na lang ang pagtilaok ng manok at ang pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha kasabay ng pagsimoy ng hanging amihan sa aking balat.

Aray! Anak ng bampira! Matatalino din pala ang mga utak lamok na ito! Talagang hindi nila ako tinatantanan (parang si Mike Enriquez)! Bakit kaya hindi na lang yung sakong, talampakan, o yung palad ko sa kamay na protektado din ng kalyo ang tusukin at sipsipan ng dugo nito mga pesteng lamok na 'to? Talagang marunong silang pumili ng soft skin tissues at juicy part of my bodies. At kahit patay pa ang ilaw at madilim, e alam nila kung aling bahagi ng katawan ko ang nakukumutan pa at hindi na.

Hainaku! Ang dami talagang mga panghadlang at pang-inis sa buhay, kahit saang lugar ka man sa mundo. Mapa-siyudad o probinsya man. Mapa-lupa o dagat. Gising ka man o kahit matutulog na lang. Asar!

Sige na nga, bibilisan ko na 'tong entry na ito. Ano na bang kaguluhan ang nangyayari sa blog ko habang ako'y wala? Sinilip ko ang aking stats at may mga perstaymers na kaluluwang naliligaw sa pwesto ko. At hindi ko nga alam kung matutuwa ba ako o matatawa sa mga nalaman ko. Lalo na nung makita ko kung ano-ano na naman pala ang pinagtatanong ninyo kela Manong Google at Manang Yahoo, at hinatid kayo ng tadhana upang makita ang kamote ko. Heto at tignan niyo kung relevant nga ba ang search results niyo o nadismaya lang kayo dahil napadpad kayo dito.

TOP SEARCHES @ HOLY KAMOTE'S BLOG FROM MARCH 17-22, 2008. (Categorized & Commented.)

#1 SCHOOL GRADUATION (hay...skul layp...nga naman!)

hayskul layp
closing prayers on graduation day
graduation prayer
opening prayer
opening prayer birthday
opening prayer for graduation
prayer for graduates
prayer for graduation
prayers for the graduates(tagalog)
graduation speech for filipino high school graduates batch 2008
panimulang panalangin sa isang graduation
sample of graduation prayer
samples mga tagalog na graduation prayers
samples of prayers for graduation
speech para sa graduation
pagtatapos sa eskwela introduction
makabagbag damdamin na speech sa graduation
elementary graduation sample speeches


#2 BOOKS (bakit di na lang kaya sa booktore kayo mismo maghanap nito?)
bob ong
bob ong books
ang nilalaman ng kwento na paboritong libro ni hudas ni bob ong
Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino scans
mahahalagang bagay bakit baliktad magbasa ng libro ang mga pilipino
english-tagalog na libro sa kompyuter


#3 COMPUTERS & INTERNET (mga adik! magbago na kayo!)
adiksyon sa kompyuter
ano ang epekto ng kompyuter adiksyon
mabuti at masamang epekto ng mga laro sa kompyuter
yahoo messenger hacks

#4 SOCIETY (sa presinto kayo magreklamo! sige, gawa ako ng topic nito sa susunod.)
reklamo pulis
tama bang saktan ng guro ang mga estudyante para lang matuto?
ibat ibat klase ng tarantado sa mundong ito
maling pagtrato sa mga matatanda sa pilipinas
Binibining Illiterate at sya ang no. 1


#4 LEISURE (ano ba naman kayo?! ang babata niyo pa, puro laro na agad ang nasa isip niyo. wag ninyong isipin na kayang ma-solve ang scrambled at masalimuot na mundo kagaya ng sa rubiks cube. wag kayong masyadong magseryo at magpabilisan ng pag-ikot niyan. dahil patuloy pa ring iikot ang mundo sa ayaw mo at sa gusto. kaya tara, laro tayo!)
saan makakabili ng rubiks cube
eugene vs. taguro
iba't ibang laro ng lahi
epekto ng paggamit ng rubik's cube


#5 POLITICS (eto na lang masasabi ko: "AYOKO kay AROYO", period.)
rally in makati
reaksyon ukol sa NBN-ZTE scandal
impormasyon ukol kay Pres. Gloria M. Arroyo kung anu ano ang kanyang mga ginawa
introduksyon ng zte nbn
bakit kailangan pabagsakin si pangulong gloria macapagal arroyo


#6 RELIGION & SPIRITUALITY (teka, may pamahiin ba ang mga patay? akala ko yung mga buhay lang ang meron. saka di ba't matagal ng nangamatay ang mga nagpasimuno ng ganyang pamahiin? huwag na kasing buhayin ang mga patay! sabi nga ng lolo ko, ang sumusunod sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.)
pasyon ng mahal na hesukristo
pamahiin ng patay
holy krus


#7 KNOWLEDGE & LEARNING (huwaw naman! may natututunan pala ang mga nagbabasa dito. ambilibabols!)
amazing facts kasaysayan propesiya
iQ test na tagalog na may sagot
mga kwentong my lohika sa pang araw-araw na buhay
matukoy ang ibat ibang pagbigkas
paano palakihin ang ari ng lalaki


#8 PERSONAL (talagang pinapahanap niyo ako kay Manong Google a. teka, bakit may nagsearch ng "bakla"? ampf!)
holy kamote
kamote
larawan ni bangs
bakla


#9 FOOD & HEALTH (hmm...kamoteng gamot ba ang hanap niyo?)
prutas na nakakagamot sa balat
pagkilala sa dengue


MUSIC (mp3 ba o lyrics ang hanap niyo?)
ang hapunan ng panginoon song
pasyon pabasa mga kinakanta



#10 HOME LIVING (sorry po. hindi ako nagdedesenyo ng kurtina)
disenyo ng kurtina


LOVE & RELATIONSHIP (ganito yan: umpisa pa lang kelangan "SINSERO" ka na. then everything follows will be alright. naks.)
panimula o introduksyon tungkol sa pag-ibig


PHILIPPINES (huwat?da?funks?...ilabyu filipens!)
kolokoys filipines


BUSINESS (teka, ano ba hanap mo talaga? negosyong walang puhunan o kapital? o kristong tao lang? ... sorry, pero wala pong ganyang impormasyon dito.)
iglesia ni kristo hanap buhay


Walang-hiya! Sumakit ulo ko dun a. Epektib na pampatulog. Ayan, masakit na din mata ko. Makakatulog na din sa wakas. Tenkyu po, internet. Pekyu blood-suckers! Gudlak sa lahat ng may hinahanap dito, napapadpad, at nagbabasa habang ako'y nagliliwaliw na parang baliw.

Sige lang. Mag-enjoy lang kayo sa bakasyon niyo, mga parekots at marekots. Wag kayong mag-alala sa'ken, dahil nag-eenjoy din ako. Plano kong kaibiganin na rin ang mga lovable flying creatures dahil bahagi din naman sila ni mother nature.

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-03-17

Pasyon Shows, Patok ngayong Holy Week

(Naalala niyo ba yung dati kong entry tungkol sa Ash Wednesday? ... kung hindi niyo pa nababasa yun, pwes bahala na kayong mag-backread. n_n)

Makalipas ang aking hell week, at iba pang eksenang gumimbal din sa blogosperyo at sa bansang Pilipinas gaya ng muling pagtutuos nila Manny Pacquiao vs Manuel Marquez; komparison sa english prowess ng mga Binibining Pilipinas Janina San Miguel vs Melanie Marquez; pagkakahawig sa hitsura nila KenDee Pangilinan vs Ken Lee (Tulibu Dibu Douchoo), at kung ano-ano pa! Narito ako't buhay pa naman kahit naghihingalo. I'm feeling so much pressure right here, right now. My friends can't help me, or even my pamily. Eto pa, wait ... nawawalan na ako ng self-compidence sa sarili. Lahat na lang ng sabihin ko at gawin, pinupuna. Bawat palpak ko tinatawanan. Pati mga seryosong jokes ko, tinatawanan din. Ayoko na!!! Nagsasawa na ako sa mga mapanghusgang mata ng lipunan!!! Mapapasigaw na ako ng ... KEN LEE!!!! Wala na yatang nagmamahal sa'ken. Buti pa ang Araw, Mahal niyo. (waaah ... putong inamoy! ... nagiging EMO na ba ako? ... O HINDEEEE!!!)

KONSYENSYA: hoy, wag ka ngang mag-inarte dyan.
AKO: pero, pero, bakit ako na lang palagi ang mali? huhuhu. :(
KONSYENSYA: wag mong isipin yun. mali yang iniisip mo.
AKO: ayan, ayan, mali na naman ako! pero sige na nga, hindi na ako malulungkot. tatawanan ko na lang uli ang problema at panlalait ng mga hinayupak at perpektong tao. masaya na rin ako dahil at least, nalaman kong may konsyensya din pala ako at imperness, nakausap ko pa ha, kahit hindi naman safeguard ang gamit kong sabong pampaligo. n_n

(Disclaimer: Nais ko sanang ipagbigay alam sa lahat ng makakabasa nito na wala po akong kinalaman sa Holy Week. Bagaman ako'y si Holy Kamote, hindi po ako ang pasimuno o dahilan kung bakit tinaguriang banal ang linggong ito. At hindi rin ngayon panahon ng pag-aani ng mga banal na kamote.)

Ngayon ang simula ng tinatawag na "Holy Week" o sa wikang Kastila ay "Semana (week) + Santa (holy)". Hindi ko nga alam kung sinong translator ang nagmarunong sa pagliliwat ng salitang ingles na Holy Week sa wikang tagalog, at kung paano ito naging "Mahal na Araw". (Sige nga, ano ba sa ingles ng "mahal" tsaka "araw", holy week ba? Hindi ba mas bagay kung tatawaging "Banal na Sanglinggo"?)

Sa Pilipinas kung saan mas nakararami ang mga Romano Katoliko, ay patok na patok ang Pasyon Shows o yun bang mga Pabasa na kinakanta sa kani-kaniyang trip na tono at pahabaan ng hininga. Kung mapapadpad ka naman sa lalawigan ng Pampanga sa gitnang Luzon, ay maaari mong masaksihan ang iba't ibang madugong eksena ng mga Pilipinong Emo-slash-Deboto na nagsasadula ng buhay daw ni Kristo, pati na ang pagpapahirap dito hanggang sa ipako sa krus at mamatay. Ewan ko lang bakit after magpapako at pagod na ay umaatras ang mga deboto sa bingit ng kamatayan at pagkaubos ng dugo mula sa sterilized na pako. Maririnig mo na lang ang sigaw ng mga nagpapanggap na Kristo at sinasabi sa mga alalay niya, "ibaba niyo na ko, ibaba niyo na ko!". Di ba kaya epektib yung pagpapako ni Kristo kasi namatay talaga siya at nabuhay naman ulit after 3 days? Tsaka, kulang pa ba ang effort at power ni Kristo para mailigtas ang mga makasalanang nagbalik-loob na sa Kanya? Paano naman magiging epektib ang pagpepenetensya at pagpapapako ng mga gaya-gayang deboto kung hindi nila lubos na tutularan yung mismong pamumuhay, pagkamatay, at pagkabuhay-uli ni Kristo?

Sa Pilipinas ka nga lang makakakita ng ganyan — mga taong nuknukan ng mga pinaggagawang kasalanan sa nakalipas na 51 unholy weeks galing sa iba't ibang kalayawan, sabungan, bahay-alak na may kumukuti-kutitap na ilaw, at sa iba pang lugar naman na patay ang ilaw .... na dahil sa tradisyunal na pagdiriwang na ito ay isang linggo silang babawi sa mga nakalipas nilang katarantaduhan sa buhay at tutularan ang "pagkamatay ni Kristo" imbes na yung naging "pamumuhay sana ni Kristo".

Pero dahil one week na magmo-moment at mag-e emote ang mga kamote, asahan niyong walang ibang mapapanood sa tibilisyon kundi ang mga palabas na may kaugnayan sa kamatayan ni Kristo o sa iba pang biblikal na istorya pati na ang 10 commandments hanggang sa 7 last words (daw) ni Kristo.


  • PALM SUNDAY = ito ang pasimula daw ng isang linggo pagbabanal. Ang palm ay "palaspas" sa tagalog, at hindi po "palad" ha. Iba na yung malinaw. Sa ibang araw mo na daw gawin ang Maryang Palad.


  • HOLY MONDAY, HOLY TUESDAY, HOLY WEDNESDAY = Hindi ko po sila kilala. At hindi po sila kamag-anak ng mga Holy Kamote. Pero karaniwang ikinukwento ang pagtilaok daw ng manok ni San Pedro, hanggang sa paghuhudas ni Hudas, na matapos madulas ay tatlong balbas ang nalagas.


  • MAUNDY THURSDAY = Hindi siya Monday Thursday ha. Ang salitang "maundy" ay galing sa "maundy money" o minted silver coins na pinamimigay noon ng British sovereign pag ganitong araw. Sa biblikal na aspeto naman, ito raw ang panahon kung kelan naghuling hapunan sina Kristo at mga apostol.


  • GOOD FRIDAY = Dito madalas gawin ang Stations of the Cross. Hindi yan bagong istasyon ng bus, lrt o mrt. Yan yung paggunita ng mga kalbaryo ni Kristo na makailan daw na bumagsak ito sa pagbubuhat ng krus hindi dahil sa lampayatot ito kundi dahil pagod na raw at sumisimbulo sa mga ikinadadapa ng tao sa kasalanan. Dito rin isiningit ang tsismis na pinunasan daw ni Maryang Magdalena ang duguan at pawisang mukha ni Kristo na himalang na-photocopy sa ginamit na tela. (Bukod na istorya pa ito tungkol sa Shroud of Tourin). Bagaman ang mga kwento-kwentong ito ay hindi naman naikuwento ng mga manunulat ng Bibliya, ay pagbigyan na muna nating tanggapin sandali alang-alang kay Inang Kalikasan (I.K.). Kung ano ang kinalaman ni I.K., aba ewan ko. Narinig ko lang yang ikinuwento ng mga barbero sa amin.


  • BLACK SATURDAY = Hindi po ito sponsored by Clear Shampoo, para magkaroon ng shining black, silky, at buhok na may libreng-dandruff. Sabi ng natutunan ko sa parochial school, ito ang araw na bawal ngumiti o magsaya. Mortal na kasalanan ang mag-joke o magbiro. Yung iba nga, bawal din daw maligo, magpakabusog, at iba pang gawaing maluluho. Dahil patay daw ang Diyos!!! (ows, di nga? na-shock naman ako sa balitang yan!) Kaya kung maghaharot kang bata ka, at masusugatan dahil sa pagkadapa at iba pang aksidente, hindi raw ito gagaling. Bakit kamo? Ano ka ba! Logic lang daw 'yun. Kung patay ang Diyos, e sino ang magpapagaling sa sugat mo, aber? Nasa bakasyon din ang mga doktor at nurse (baka nagsu-swimming). Huwag mo na lang itanong ulit kung bakit patay pala ang Diyos, na source of life sa buong universe, pero ikaw na abang tao ay buhay pa rin. Dahil hindi na yan kakayanin ng powers of logic para bigyang kasagutan ka nila Pader & Mader.


  • EASTER SUNDAY = Ito ang tiyempo na bumangon na ulit si Kristo mula sa mga patay. Kaya ano pang hinihintay niyo? Tigilan na ang pag-i emo. Huwag ng malumbay at simulan ang muling pagsasaya, tawanan, pagpapakabusog, kainan, inuman, at i-ready na ang sarili para bumalik uli sa kinagawiang unholy weeks of the year. Let's have a panty ...este... party!!! Simulan na rin ang paghahanap ng Easter Eggs. Hindi ko lang tiyak kung ang nangitlog ba dyan ay isang kuneho na tinatawag ding Easter Bunny. Dahil wala naman akong alam na "Easter Chicken", o "Easter Goose", o iba pang pwedeng mangitlog. Siguro kung usapang itlog ang hanap niyo, baka masagot ni XienahGirL ng Chiksilog.com ang iba niyong katanungan.



Sa mga nagnanais namang makarinig ng magandang bersyon ng mga "PABASA NA KINAKANTA" o yung Pasyon Shows nga ... na tiyak na mas maa-appreciate mo at maa-absorb ang mensaheng hatid ng Pasyon imbes na mairita ka sa mga boses ng mga manang na talo pa ang nakalunok ng palaka at kuliglig na umiistorbo din sa iyong pagtulog tuwing gabi dahil sa lakas ng kanilang mga trompa ... inirerekomenda kong panoorin ninyo sa tv si Brod. Eli Soriano ng Ang Dating Daan sa UNTV channel 37. Nakakatuwang mapakinggan na may magaganda rin palang mensahe ang Aklat ng Pasyon na hango din ang ilan mula sa paborito kong libro.

Sige ha. Matagal ulit akong magwawala...este...mawawala. Maliligo pa ako sa holy water ng beach resorts. Kelangan ko kasing maghugas ng aking mga karumihan sa katawan para magtanggal ng radiation na nakukuha sa over-exposure sa computers & tv, at para mag-alis na rin ng kilo-kilong libag.

Pagbalik ko, pramis ... gwapo pa rin ako. Sana, makapag-bloghop na ulit ako. At sana ulit, wala ng mag-reklamo kung mahaba ang mga entry ko. Minsanan na nga lang ako kung magblog. Kayo naman. Pagbigyan niyo na 'ko. Holy Week naman e. n_n

Nagmamahal,
Araw ni HK

read more [+]

2008-03-11

Legal age na ko (so what poknat)

(Newbreak:)

Natuloy ngayong araw ang malawakang transport strike ng mga pampasaherong dyip at bus sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan nito. May pasok ka ba ngayon? Gudnyus o badnyus?

(Now to my regular blogging:)

Sa karaniwang batas ng tao, ang salitang menor de edad (minor age) ay tumutukoy sa mga taong wala pa daw sa hustong gulang. Kung lalake, puro laro ng basketbol sa labas ng bahay o kaya'y sa loob ng banyo lang ang alam atupagin. Kung babae naman, ang magpakyut at makyutan sa mga kyut lang ang alam atupagin. Sa mga binatilyong namang ahit ang kilay ay gayundin. Kung dalagitang maton naman ay ang pagdiskarte kung paano ba iipitin at hindi bubukol ang bundok tralala at magbihis at pumormang mas astig pa sa mga siga sa kanto.

"Batang-bata" ika nga ng mga gurang ng lipunan at ng mga magugulang na magulang na nasa mayor de edad at hustong gulang na daw. Pero marami sa mga naturingang nasa ADULT AGE ay mas daig pa ang batang inagawan ng lolipap kung umatungaw, magreklamo, at mag-away hanggang sa magkaasaran at magbuntalan. Kadalasan nga ay hindi ito agad nagkakabati kundi nauuwi pa sa ilang taong demandahan sa korte o kung walang pambayad ay nauuwi sa pagdanak ng pulang likido at ubusan ng tapang at lahi. (Hay, ang hirap talaga magpalaki ng mga matatanda. Lalo na ang umawat sa away matanda!)

Sa magkakaibang bansa at estado, magkakaiba ang edad upang magkaroon ka sa lipunan ng legal na pagkilala. Kung hindi ka pa umaabot sa ganoong edad, ibig lang sabihin ay ilegal ka pa. Swerte mong bata ka! Dahil hindi ka pa aatangan na kasingbigat sa kaso ng mga matatanda. Wala ka pa raw criminal liability kung sakaling mapag-tripan mong hamunin ang ngipin, pangil, kuko, sungay, at buntot ng batas kung meron nga ba o wala. Hindi pa sapat ang iyong kaalaman at kamalayan sa pag-ikot ng mundo gayundin sa mga kurakot at matatakaw na nagpapaikot dito.

Ang kalimitang edad para mapabilang sa mga legal na mamamayan ng lipunan ay dies y ocho (18). Pero sa ilang bansa, maghihintay ka pa hanggang edad beinte uno (21). Sa iba naman, edad dies y sais (16) pa lang ay hindi ka na ituturing na ilegal. Malamang ay naisip siguro ng mga mambabatas na dahil mabalahibo ka na (o kung sa salitang Kapampangan ay "bulbulin") sa iba't ibang parte ng iyong katawan. Hindi na rin basta basic addition ng aritmetik ang kaya mong gawin, kundi may kapasidad ka na ring mag-multiply ng lahi.

Therefore, you're not a kid anymore. You're an adult anymore! Then you start to wonder the true meaning of life. Asking essential questions like: "To be, or not to be?" (No, that's not my question. It's Shakespear's, ok.)

Kaya pag sapit mo sa legal age, ikaw ay pinahihintulutan na ng lipunan na gumawa ng maraming bagay upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan. Nadagdagan na ang iyong mga karapatan. Pwede ka ng makaboto, kumandidato, magpakasal (with parental consent), magdrive, magdrink, magsmoke, magporn, at iba pang legal rights na kinukunsinte ng batas pantao. Rights mo daw yan dahil iniisip ng mga marurunong na mambabatas na nasa hustong gulang ka na para kumilala at pumili ng mabuti at masama, ng bawal at hindi, ng softdrinks sa hard drinks, ng yosi sa chongke, ng soft porn sa hardcore-xxx, ng tunay na babae sa baklang transexual, ng tubi-tubi at tubibi, at kung ano-ano pang multiple options ng buhay.

Ang saya-saya! Hindi na ako ilegal. Legal na ako at nasa hustong gulang na para gumawa ng katarantaduhan at krimen. Yohohoy! Kaso nga lang, legal na rin nga pala ang lipunan para kasuhan/akusahan ako pag na-violet ko ang saligang batas,

  • bigyan ng one-way ticket vacation papunta sa kulungan, kapiling ng mga kakosang hayok sa butas (swerte na kung hindi ma-devirginize ang nostrils ko);
  • ipalamon sa pitumpu't pitong puting pating na hayok din sa laman;
  • ipagulpi sa mga buwaya o kaya'y takalan matapos kikilan;
  • putulan ng ulo sa baba at sa itaas gamit ang mapurol na blade;
  • gawing special tinapa sa loob ng smoke chamber;
  • i deep-fry sa pamamagitan ng electrocution hanggang maging golden brown;
  • ilibre sa bunot-ngipin at gupit-kuko gamit ang pliers;
  • pipitikin ang hotdog and eggs, habang sinasabunutan lahat ng buhok mo sa katawan ng labindalawang baliw na baklang unggoy hanggang sa mamula at malaglag ito ng kusa;


...at iba pang mga makataong pagtrato sa mga suspek na presumed innocent na hindi naman siguro masyadong masakit. Kesa naman yung little injection na maliit nga pero para ka namang kinagat ng sangmilyong langgam na hantik habang nakatali ng hubo't hubad sa puno ng mangga.

Eksayting! Yan talaga ang mga naiisip kong posibleng mangyari sa'kin ngayong legal na ang edad ko. What an adventure and once-in-a-lifetime chance! Because chances are, I'm a dead meat. Mas madami pa nga sana akong ilalagay sa listahan, kaso baka may alipores/lurker dito si Chairperson Consoliza Laguardia ng MTIRCB (Movie, Television, and Internet Review Classification Board) at bigla na lang bigyan ng indefinite suspension ang blog ko. Pag nangyari 'yun, parang pinutol na rin yung ang ano ko ... aray!... internet connection.

Ah basta. Matapang kong masasabi na mas matapang pa ako kay Andres Bunipasyo! Kung siya nga, "a putol na a ulo, nde pa a takbo. A putol a kamay at paa, nde pa rin a takbo. Pero nung a putol na a uten... ayun, naduwag. A takbo a tulen."

Kaya putulin na lahat ng kuko ko sa kamay at paa, hindi pa rin ako maduduwag! Tamaan na ang tatamaan. Masaktan na ang masasaktan. Umaray na ang mga may sugat. Magtampo na pati ang pinakamaramdaming emo. Hindi pa rin ako magpapapigil sa gusto kong sabihin. A tapang na kamote ata ito! Mas matapang pa ako sa kapeng barako na walang asukal. Hindi ako basta matatakot kahit putulin pa ang bangs ko. Hindi ako tatakbo!!! IBOTO: Holy Kamote, para Presidente. (uy, may rhyme! wala lang.)

Dahil ngayong legal age na ako, hindi na ako gagamit ng anaesthesia at hindi naman kasi ako doktor o nars. Pero kahit mapait man ang gamot, kelangan mong matutunang lunukin. Wag mag-alala dahil may kasama namang tubig na panulak para hindi kayo mabulunan at sana nga'y tuloy-tuloy na ang paggaling niyo.

Seseryosohin ko na ang pagiging KAMOTE at pagiging BANAL sa mga susunod kong blog entries. Sensible and serious topics naman. Kumbaga, pang matured-content na. This blog will then be rated-HK (hindi kalokohan). Dahil hindi na ako bata!

Nang ako’y bata pa, ay nagsasalita akong gaya ng bata, nagdaramdam akong gaya ng bata, nagiisip akong gaya ng bata: ngayong maganap ang aking pagkatao, ay iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata. {1 Cor 13:11}

Mga kapatid, huwag kayong mangagpakabata sa pagiisip; gayon ma’y sa kahalayan ay mangagpakasanggol kayo, datapuwa’t sa pagiisip kayo’y mangagpakatao. {1 Cor 14:20}
(PS: Makaya ko nga kayang mag-seryoso? Natatawa naman si ako. hahahabangan...)

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-03-07

Exclusive Picture & Personal Info

Dumadami na pala ang mga nauuto ko dito. Naaawa naman si ako dahil naka-ilang pabalik-balik na kayo dito sa pwesto ko, at marahil ay nabasa niyo na rin hanggang sa pinakalumang posts ko, pero 5 days na ang nakalipas at ngayon pa lang ulit ako nakagawa ng panibagong entry.

Kaya, alang-alang po...

  • sa umiinit na summer at nagbabantang global warning (kaya masarap mag-beach)
  • sa dikit-dikit na barong-barong na laging nagsisindi ng kandila o kaya'y gasera na masagi lang ng hinliliit mo ay tutumba na, pero nasa safest na lugar naman katabi ng paboritong kurtina, table cloth, kama, at iba pang madaling magliyab na materyales
  • sa sala-salabat at nakatirintas na kawad ng kuryente ng MERALCO/NAPOCOR at ng intermittent power supply at scheduled brownouts
  • sa mga highly-skilled Jumper, na hinuhuli dahil sa ilegal at hindi lisensyadong pagtalon
  • at sa iba pang sanhi ng kalimot o aksidente kung bakit nagkakaroon ng trabaho ang mga cool na boomberos ngayong buwan ng Marso
...heto ang aking update at pagbabalik sa unannounced hiatusaurus. Tapos na ang limang araw na bakasyon na hindi ko naman po na-enjoy. (Next time hahabaan ko na, at ia-announce ko na rin po sa inyo.) Tapos na rin ang maliligayang araw niyo. Mwah-mwahaha... dahil na-miss ko kayo. At yari ulit kayo sa'ken... dahil na-miss niyo ako!

Napansin niyo bang napakibihira kong magkwento tungkol sa pang-araw-araw at eksayting kong buhay? Minsan lang ako nagkwento dito (ingliserong langgam pa ang aking ghost writer).

Alam kong kilala niyo lang ako sa pangalang "Holy Kamote" (teka, pangalan ba 'yun?). Mata at bangs ko pa lang ang nakikita niyo bilang eksklusibong piktyur ko dito. Kung may nakita man kayong iba pang larawan sa pagtatanong niyo kay Manong Google ng aking identity bukod sa ni-reveal ko dito, ay wag kayong maniwala na ako yun. Wala rin akong video scandal, kaya wag yun ang i-search niyo. Wag niyo din akong iparehas kay Edison Chen na mahilig kumuha ng piktyurs, dahil di hamak na mas singkit yun sa'ken! Kaya ko ngang palakihin ang mga mata ko na higit pa sa proportional size ng nakabukang bibig, gaya ng napapanood niyo sa mga anime. ("Animey" nga pala ang basa d'yan at hindi "anaym". Kung kapanahunan ka pa ng threesome na sina Popeye, Olive, at Brutus, yan po ang modern equivalent ng "cartoons".)

Oo, alam kong pinapaimbestigahan niyo ako kay Manong Google. Marahil ay gusto niyong mapatunayan at makita sa sarili niyong mga mata na gwapo nga ako ...este... na tunay na tao ako at hindi isang piksyonal na karakter lamang na nag-anyong kamote.

Saka aanhin niyo nga pala ang piktyur ko, ha? Marami ba kayong pesteng pets sa bahay na kelangang takutin gamit ang aking bangs at makatunaw-yelong mga titig?

Pesteng-yawah! Umayos nga kayo! Wag malikot. Pumila ng tahimik. Sa unahan ang pinakamaliit. Wag ding manundot ng puwet ng nasa unahan mo. Sige ka, babaho daliri mo. Mind your own pwets, ok. ('Yan, very good kayo sa'ken.)

Ayon sa mga taong matatalinong nagbuhos ng kanilang buong buhay, lakas, pinag-aralan, dugo, pawis, at libag (yuck!)... alang-alang sa syensya at makabagong-tuklas na teknolohiya (teka, meron bang makalumang-tuklas?) na makapagpapataas daw ng kaledad ng pamumuhay ng tao ... ay napatunayan nilang ... walang ipis o daga na natatakot sa mga piktyurs! What a remarkable scientific discovery!

Yes FM! Ang mga creepy creatures na yun ay wala daw ganoong emosyon ng pagkatakot towards horrific pictures. Kaya hindi niyo rin magagamit ang piktyur ko (belat you!). Kahit pa nga larawan ni Madam Auring na nasa front-cover ng FHM o Playboy magazine, at pinabangong-gawgaw lang talaga at pulang lipistik ang (pu*) tanging suot at wala ng iba habang naka-pouting lips pa ala Angelina Jolie, ang ipanakot niyo sa mga kaawa-awang daga.

(Naiisip mo ba ang kahindik-hindik na imahe ni Madam Auring sa iyong utak? Hindi ko na ilalagay ang piktyur baka masuklam ka na talaga sa lahat ng uri ng porn at smut work of arts daw ay isuka mo. Baka nga, pati bituka mo ay maisuka mong bigla at idemanda pa ako sa iyong di-inaasahan at maagang pagkamatay. Kung natakot ka sa na-imagine mo, wag kang matakot! Dahil gudnyus yun, na hindi ka pala kauri ng mga pesteng ipis o daga. Tao ka pala, at hindi insekto o hayuuup! Congrats naman sa'yo.)

Ay teka. Saan na naman ba patutungo ang aking monologong pagsasalitayp? Ah, yung tanong nga pala kung "bakit bihira akong magkwento tungkol sa aking napaka-eksayting na buhay".

Ang kasagutan po talaga ay dahil... (wait, huminga munang malalim at lunukin ang kinakain kung kasalukuyang ngumunguya sa harap ng kompyuter. Kung wala naman ay lunukin na lang ang laway at kalamayin ninyo ang inyong kalooban sa mga kasunod na mababasa. Dahil ito daw ay moment of truth. Sa di matukoy na kung saan, ay biglang may narinig na drumroll. Tapos huminto.)

Dyaran!!! Ang kasagutan ay dahil wala po talagang eksayting sa buhay ko. (Palakpan. Halakhakan. Hagikgikan.) Hindi ibig sabihin nito ay hindi ako masaya. At huwag ding isipin na ako ay isang "maramdaming emo" (emotional emo...redundant na pag-uulit?), dahil mali kayo ng akala. Please. Huwag niyong hatulan agad at i-stereotype ang aking bangs. Hindi po ito one-sided at hindi rin nakatakip sa isa kong mata. Hindi ako taga-CFAD. Hindi rin po ako taga UST. At hindi ko rin sasabihin ang school ko. At yung iba pang frequently-asked-questions (FAQs) ay paglalaanan ko na lang siguro ng isang bagsakan (blag!). Isang post na lang.

Yun namang mga perstaymers at bagong salta dito sa pwesto ko, naku-curious sa mahiwagang kamote, at marami pang ibang tanong gaya ng "Lalake ka ba? Pabyu ng webcam", ang masasabi ko lang po muna ay ganito:

"Wala bang mas challenging question kayong pwedeng maisip? Wala na bang mas ibang importanteng itanong at ito ang priority niyo sa buhay? Tataas ba ang grades mo sa school pag nalaman yun? Tataas ba ang kinikita mo sa trabaho? Tatalino ka ba, lulusog, at mabubusog? Uunlad ba ang Pilipinas pag sinagot ko yan? Makakamit na ba ng mundo ang inaasam na world peace? Makikita na ba ng Blackeyed Peas ang hinahanap nilang pag-ibig? Maililigtas ba ang kaluluwa mo mula sa apoy ng impyerno? sa medyo malayo-layo pang paggunaw ng mundo? at sa nalalapit na pagbabalik ng Panginoong Hesukristo ayon sa nakasulat sa paborito kong libro?"

Ang sagot ay dalawang malaking bilog. "OO. Lalake po ako. Gusto mo ipakita ko pa kamote ko?!"

Hekshuli, wala akong reklamong sumagot ng mga katanungan ninyo. Enjoy nga eh. Kahit pa naka-imbisibol na ako sa wey-em ay nagrereply pa rin ako, di ba? Ang kaso lang, yung karamihang tanong kasi ay makikita na rin naman dito sa blog ko, kung maghuhukay lang kayo sa archives at magbabasa ng hindi lang letra kundi pati yung nasa pagitan ng mga linya.

Saka, mapapanis kasi yung "nilagang kamote" at yung salitang "consistency" at "mistery" ng pagiging "anonymous" ko, kung ngayon ko pa ibabalandra ang aking piktyur (2x2 size, wallet size, at wallpaper size), kalakip ng aking NSO birth certificate, NBI clearance, form-137, certificate of good moral character, drug tests at mga kauring sertipikasyon mula sa doktor, transcript of records, diplomas, at iba pang personal kong impormasyon. Na sa personal kong pananaw ay hindi niyo rin mapapakinabangan o maibebenta para biglang yumaman.

Wala rin naman akong balak na syotain ka at makipag-meet sa'yo sa mall o sa mas tahimik na lugar. Kahit saang mall at tukmols pa yan: mapa glorietta, robinson, esem, mowa, tokwa, jowa, o anopamang edipisyo at establisyimentong pang-sosyal na kadalasang pagmamay-ari ng mga chekwa.

Dahil binatang-filipino po ako at hindi po sakop ng aking personality ang maging kaladkaring lalake na pumapatol "basta-basta" sa na-meet lang sa internet. (Masakit kaya yung kaladkarin ka sa mall o kung saan-saan pa.) Inuulit ko. (Inuulit ko.) HINDI PO AKO KALADKARING LALAKE! Kalabitin mo nga lang ako, akbayan, at tutukan ng matulis na bagay sa tagiliran sabay bulong ng sweet nothings na, "Ilabyu, Holdap 'to. Hubad." ... ay mabilis pa sa alas-quatro y media, sasama naman ako ng maayos kahit pa sa dakong madilim. "You don't need to drag and drop me, baby. I love you, too." Heto na ang wallet, selepono, at relo ko. (Hindi rin kita kayang labanan o saktan gamit ng mga natutunan ko sa animes at movies na boksing, karate, shaolin kung fu, at iba pang self-defense moves.)

Pero hindi pa naman ako "nagsasalita ng tapos". Gaya na rin ng palagian kong pananalita dito na "to be continued..."

Kung hindi ka naman "basta-bastang" dalagang-filipina, may balingkinitang katawan, tisay, morena, chinita, singkita, bilogita, o kung kwadrado man hugis ng mata mo.... Basta may bahid ng pagka-HOLY, KAMOTE, at may ATTITUDE pa.... Heto nga pala ang number ko 0917-###-4427. Just be ready to meet me in the flesh and spirit, and make me part of your life. This offer is limited only within Metro Manila area. Pero pwedeng ma-extend ang limited offer kung willing kang gastusan ang pamasahe ko papuntang bunbunang parte ng Luzon, gitnang parte ng Visayas, buntot na parte ng Mindanao, o kung saang lupalop ka man ng mundo, pag-usapan na lang natin ng masinsinan, ok. Yun lang po. Ay wait, there's more. If you call now within the next 10 minutes to order a reservation, sagot ko na ang patawa at topic na mapag-uusapan (tapos bahala ka na sa food and other miscellaneous expenses).

Oops. Ang haba na naman pala ng dinaldal ko. Ok lang, blog ko naman 'to. Pakielamero na nga ako, pati ba naman haba at igsi ng post ko papakielaman niyo pa. (Naman!)

Dagdag oras at puyat pa para sa'ken kung io-organize ko muna ang aking thoughts and utots fresh from my coconut shell. Basta si ako, magsasalitayp lang. Ikaw naman, magbabasa at magkokomento. Tapos, reply naman ako. Mas simple di ba? Aanhin mo pa ang sangkatutak kong piktyurs at kuha mula sa iba't ibang anggulo, lugar, may damit, o wala?

Kung photo gallery kasi ang hanap niyo, aba'y naliligaw nga kayo! Sa kabila po ang sakayan ng byaheng papunta sa prengster, multiply, flickr, o photoblogs.

This is just Holy Kamote's blog with an attitude. Version purple and adcent$ free. Isang blog kung saan libre ang magbasa, magkomento, matuto, magpauto, tumawa, at magpakabanal. Ako'y isa lamang banal na kamoteng kulay violet. Welcome po kayong lahat pati ang inyong violet reactions, o kahit anong kulay pa yan.

(PS=Pa-Senxa: Nagloloko nga pala yung blogroll ko. Biglang nawala. Widget kasi yun galing sa Blogger Draft na kasalukuyan pa lang ginagawa at tinetesting ng Google engineers pero in-implement ko agad dito. Wag muna kayong mag-panic. Maayos din yan. Nababasa ko pa rin ang mga blog niyo gamit ang serbisyo ng Google Reader at panaka-nakang mga nakaw na sandali.)

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-03-02

Opening Prayer para sa HS Graduation ni PM

Nabasa ko kanina ang blog post ni Potato-Maniac na pinsang buo ng Sweet-Potato Rangers. Siya pala ay naatasan ng kanilang school head na manguna sa opening prayer sa kanilang darating na High School Graduation ngayong buwan ng Marso, Batch 2008.

Nakisingit lang daw siya na makagamit ng kompyuter at internet sa kanilang bahay at biro mo ay naisingit din akong mabanggit sa post niya! Nagulat naman ako bigla. Heto ang sabi niya —

"bossing holy.kamote.sa oras na mabasa mo to, baka naman gusto mo ko i-compose ng prayer. dali na.. Holy ka naman ehh.. n_n"
Bagaman hindi niya ako bossing at hindi ko rin sya empleyado, pero dahil sang-ayon akong Holy Kamote nga ako, napagpasyahan kong bigyang tugon ang maliit nitong rekwes. Pwede niya itong i-print sa kokomban at basahin na lang habang nasa pulpito gamit ang mikropono.

Maagang pagbati ang hatid ko sa iyong darating na pagtatapos, Manyak-Patatas. Heto ang nirekwes mong sana'y gamitin talaga at basahing may sinseridad. Gudlaks.

[Introduksyon:]
Inaanyayahan ko pong magsitayo ang lahat ng naniniwalang may Dios at sumasampalataya sa mga nakasulat sa Biblia. Yung mga niniwalang kalokohan lang ang ideyang may Dios na makapangyarihan sa lahat ay maaaring manatili na lamang sa kanilang pagkakaupo. Mas maiging wag maglikot sa kinauupuan na gaya ng kalikutan ng inyong mga kaisipan kaysa napipilitan lang pala kayong tumayo at mamaya ay magmumura naman ng pabulong na "Pakyu Dearest Jebus!"

Yung mga hindi naman naniniwala sa kaparehong Dios na nakasaad at ipinakikilala sa Biblia, pero nais paunlakan ang aming paanyayang mga Cristiano na samahan kami sa maigsing panalanging ito habang nakapikit ang mga mata upang itingin sa Dios na hindi nakikita. Kung tayo po ay nakahanda na, sama-sama po tayong sinserong manalangin....

[Panimulang Panalangin]
Panginoon naming Dios, Amang makapangyarihan sa lahat, sa pangalan po ng Panginoon Hesukristo,

Sa umagang ito, bago po kami dumako sa aming nakatakdang gampanin, ay nais po naming magtagubilin sa Iyo at ihingi muna ng kapatawaran ang aming mga naging kasalanan at pagsalangsang na naipon sa buong school-years na nakalipas. Umaamin po kami sa mga pagkakamaling naramdaman, inisip, inakala, sinabi, at ginawa sa aming mag kapwa-tao, estudyante, guro, gwardya, tindera sa canteen, taga-dampot/walis ng mga hindi na namin manguya gaya ng plastik, styrofoams, at non-biodegradable na food containers, pati na ang mga tagalinis ng kubeta. Hindi man po ito alam ng lahat, o wala man nakasaksing dinaya namin ang resulta ng aming eksam, nagpuslit ng libro, nangupit sa pondo, patalikod na nagmumura at pinagtawanan ang alinman sa empleyado ng eskwelahang ito, nag-blog gamit ang permanent pen markers sa iba't ibang pader, pinto, upuan, at iba pang mga kasalanan (na baka i-censored na ng mga konserbatibong lipunan kung sasabihin ko pa dito sa mikropono.) Alam kong alam mo na po yun Lord. Kung paano kami nandayang mga estudyante, at kung paano din kami dinaya ng ilang empleyado at guro dito. Pare-pareho po kaming natutong magtiis at pakisamahan ang isa't isa sa mahabang panahong inilagi namin sa buong school-years. Dito din po namin natutuhan ang ilang mga praktikal na diskarte ng iba't ibang kalokohan at karunungang wala sa pahina ng teksbuks at pawang kwentong-daldal lang upang kapwa wag antukin ang nagtuturo at tinuturuan. At wag namin basta mapatay ang oras bago ang uwian ng wala man lang kapirasong kaalamang narehistro sa aming mga kukote. So far, matiwasay naman po ang aming naging pagsasama at heto nga't mabubunutan na kami ng tinik sa bawat isa. Gagagradweyt na kaming mga pasaway na estudyante at mababawasan na ng suki at captured market ang mga miyembro ng faculty-slash-negosyante. Sana po Panginoon ay mapatawad mo po kaming lahat kung paanong napatawad na rin namin ang mga taong nagkasala at nanggantso sa amin. (Yung mga hanggang ngayong graduation na nga lang ay may souvenir pang kagalit o kaaway at hinanakit sa kapwa ay bahala Ka na po kung kasama Mong patatawarin.)

Kalakip nito'y nagpapasalamat kami sa'Yo sa minsan Mo pang pagpapahiram sa amin ng talino at kalakasan upang malagpasan ang lahat ng ito. Salamat po at buhay pa kami hanggang sa mga oras na ito. Mga nakatayo, nakapikit, gayundin sa mga paminsang dumidilat at nagbubungis-ngisan. Salamat sa aming magarang kasuotan, puting-puti, na alangang ikakasal at alangan ding artista/extra sa horror films with morbid make-ups. Salamat din po at pihadong mamaya ay masarap ang kainan at selebrasyon. Salamat din po sa aming mga magulang, na kahit di-halatang nagsasawa na sa aming walang-sawang katarantaduhan at pagbubulakbol ay ikinayod at iginapang kaming tustusan at ibili ng segundaryang edukasyon. Alam naming sobra-sobra ang kanilang mga pang-unawa at pag-asa sa aming mga magandang kinabukasan (daw) na ngayon ay susuklian namin ng kapirasong papel na ang tawag ay diploma. Salamat po talaga ng marami at nasilayan pa namin ang araw na ito. Salamat po Panginoon sa iyong mga biyaya at pagpapala (at perstaym ko ding nagka-syota). Salamat sa tuwina Mong pag-iingat sa aming hiram na buhay upang ilayo sa araw-araw na posibleng sakuna sa daan at pagbabyahe mula sa bahay namin, hanggang sa eskwela, tapos sa mall/gimikan, tapos bahay uli. Salamat sa pag-aadya sa amin sa kamay ng mga reckless drivers, hold-upers, snatchers, stalkers, psychos, tambays, at rapists, na kamuntikan na sanang dumonselya sa aking musmos na karanasan sa mundong ito at kamunduhan. Salamat at virgin pa po ako! Salamat po at nakararaos kami sa araw-araw na pasok, na kahit late ay humihingal at humihinga-hinga pa at medyo haggard, ay ebidensya lang na buhay pa kami . Salamat sa panibagong lebel ng karanasang ipagkakaloob Mo sa amin kung sakaling may sapat na pera pa si inay at itay upang tustusan naman ako sa panibagong gapangan at kayuran para pambili sa aking terserang edukasyon.

Nais din sana naming humiling ng kapiraso sa Iyong makapangyarihang kamay. Hindi na po namin hihilingin sa Iyo na patalsikin sana ang kasalukuyang pangulo ng bansa, o ibigay ang pangarap ng buong mundo na world peace, o sugpuin ang kurapsyonm gyera, at kahirapan. Kung loloobin Mong maganap naming tanggapin sa stage ang diplomang may pangalan namin at hindi kami biglaang madulas/madapa sa iilang baitang na hagdanan ng entablado, at bumagok pa ang ulo sa semento o anomang supresang kagaya nito — ibig sabihin ay graduate na nga kami. Wala ding dapat ipagyabang, ikataas ng noo, at ikataas ng ihi. High-School graduate (pa lang/na lang) po kami! Hindi pa ganoon kalawak ang aming karanasan at kaalaman upang maunawa ang isyung pang-global at nasyunal. O problemahin ang problema pang mundyal. Nais lang po sana naming hilingin sa kapahintulutan ng Iyong banal na kalooban... na bigyan pa po sana kaming lahat ng mahabang buhay at malusog na pagkatao. Sa gayon ay magkaroon kaming lahat ng sapat na pagkakataon, kahandaan at maturity upang matutunan namin at matanggap ang iba pang lectures ng buhay. Madalas man po kaming absent-minded at physically-present, makakabisado din po namin at matututunan ang tamang pag-uugali, pag-iisip, at pagtanaw ng utang na loob, at iba pang moralidad at pagkilala. (Kung ito ba ay mabuti o masama, kung tama o mali, kung bibilugan o ooblongan, kung guguhitan o salungguhitan, sa etcetera at sa iba pa.)

Patuloy Mo po sana kaming samahan sa bawat wamport short-quiz hanggang sa back-to-back na long eksams ng buhay. Balita ko nga po ay mas astig pa raw pag kolehiyo na. Aminado po akong natatakot ako at naeeksayt ng sabay. Pahiramin Mo po sana ulit kami ng talino at powers na mula sa'Yo. Pramis at magbabasa din po ako ng ipinasulat mong love letter sa isang makapal na libro pag may time at hindi pa pagod ang aming mga mata sa kakatitig sa tibilisyon, selepono, at monitor ng kompyuter. Nawa'y kung dumating na ang oras na kami'y magtatapos o katapusan na namin, ('yun bang gagraduate na talaga at ibabalot sa isang puting diploma at ilalagay sa kahong may salamin at may lapidang nakaukit ang pangalang na may petsa.... o kung mag-iiyakan man ang mga naiwang nagsa-summerclass pa sa mundong ibabaw) ay maging kalugod-lugod, katanggap-tanggap, at pasado sana kami na makapasok d'yan sa unibersidad Mo sa langit na mataas pa sa buong uniberso. Kahit pasang-awa nga po ay ayos na sa amin. Hindi po kami magrereklamo. Pramis at babawasan na rin namin ang pagrereklamo sa konting kibot, sundot, at nabigong sintang-pururot. Hindi na po kami mag-eeksperimentong laslasin ang aming pulso para matiyak lang kung ang kulay ba talaga ng dugo ay pula, o baka bughaw, o dilaw, o berde, o itim, o violet. Hindi na po kami magpapaka emo-slash-wrist, at pahahalagahan ang ibinigay Mong buhay sa amin.

(Sa lahat ng mga natawa, naiyak, o napamura sa pagwawakas ng panalanging ito, salamat na rin sa pakikinig niyo. Wag nga lang kayong magmaganda na i-kritiko at i-censor ito dahil hindi naman para sa'yo ito iniukol. Dahil kay Lord nga naka-address ang panalanging ito. At hindi sayong abang tao.)

At lahat po ng mga bagay na ito ay taos-puso naming idinadalangin na walang halong biro. Sa tanging pangalan at karapatan ng Iyong bugtong na Anak at aming manunubos, na si Hesukristo.

Amen.
Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-03-01

Arbitraryo

Yahohohoy! March na! March 1 na! Tapos ay April na sunod! Naiisip niyo ba ang naiisip ko, B1, B2, B3? Huwaaat, triplet pala kayo! Teka, yung triplet ba sa tagalog ay kambal pa rin?

Teka balik tayo sa tanong, ano naiisip niyo na ba ang iniisip ko? Hindi.

Okpayn, bahala kayong mag-isip ng gusto niyong isipin at hindi. As if naman ikakayaman ng sinoman kung matutunan mong makabasa ng isip ng ibang tao. Mas malamang sa hindi, na yun pa ang maging sanhi ng maagang pagkabiyak ng iyong coconut-shell kung magtataglay ka ng ganoong powers. Tiyak na hindi lang maglulugaw ang utak mo. Hindi lang malulusaw na parang sabaw. Hindi lang magiging soya milk, taho, o tokwa. Hindi lang din basta kontodo hang/freeze ang magiging epekto sa kabuuan ng iyong nerbyosong sistema (nervous system) kapag nababasa mo na ang iniisip pala ng mga tao ay palagiang taliwas sa inilalabas ng mga bunganga nila. Akala mo ke babait at hindi makapagmura ng malutong pa sa malukong na "PUTANG-INA/PUTONG-AMA" at hindi masambit ang katagang "TARANTADO" at "GAGO", at mas mabagal pa sa grade 1 sa rate na 1 bit/sec kung ispelengin ang "dyi-ey-dyi-ow" (ba 'yun?).

Haynaku! Hindi ako mapanghusga ng tao pero marunong naman akong humusga. Alangan namang tawagin kong henyong pinagpala ang mga batugang mag-isip at sunud-sunuran na lang sa mga nakasanayang itinuro ng lipunan, eskwela, simbahan, administrasyon, sibilisasyon, tradisyon, tibilisyon, at iba pang konsumisyon. Kung napupunit agad ang litid mo't ugat sa puso pag nakakarinig ka ng salitang "tanga-exclamation-point" kahit hindi naman ikaw ang tiyak na tinutukoy kundi yung akto lang ng iyong katangahan... ay buong puso kitang huhusgahan na mas maramdamin ka pa sa mga wrist-slashing-blood-spilling-emos! echos!

Oo na. Kitang-kita naman na hindi kayo makabasag-pinggan. Ni hindi nga yata kayo nakaranas na maghugas ng pinggan, o magwalis, o magpulot ng tae ng aso with your barehands. Mas banal na kayo sa kamoteng tulad ko! Mas pinagpala kayo ng kagandahan/kagwapuhan at boses na modulated na mas malalim pa sa hinukay sa impyerno. Sakto na rin ang inyong mga kumpas sa harap ng pulpito na hindi bababa sa baywang o lalagpas sa balikat, at may tamang intervals sa saliw ng iyong monotonous speech-preach-screech. Praise the Lord! of the Rings! ang paborito mong expression. Hindi ka nga nagmumura. Syempre madami nakakakita. Lalo kung nasa tv pa. Bawal dumura, dumahak, umubo, mangulangot, suminga ng sipon, o manlaki ang mata. Glorya Aling Luya! Idi Amin! Kebabait niyo nga. Mas mabait pa kayo sa bubuwit na bumutas ng paborito kong brip.

Teka, teka. Ito ba ay isang rant dahil sa isang rat? Hindi ko alam. Basta ko lang tinype 'to. Tamad akong mag-edit ng mga sinabi ko na. Hindi parte ng kawirduhan ko ang lumunok ng sarili kong laway na idinura, o suminghot ng sipon imbes na isinga, o kumain ng taeng iniluwal ko na sa mundong ibabaw, ilalim, gilid, at gitna.

Sabi nga ng nanay ng lola ng lelang ko, "anak, kahit mahirap tayo at kumakalam ang sikmura, wag mong kakainin ang sipon."

"kulangot sa may pader, sipon sa tisyung-papel" ... makes sense to me.

Ano nga ba yung pinagsasabi ko? Ano bang konek nito sa buhay ko o sa buhay mo? connection Timed-out na naman ba? Ano ba talaga ang iniisip ko sa pagbanggit na Marso na naman, at malapit na ang Abril? Ano bang meron? Baka naman walang meron? Meron nga ba? Anong plano mo ngayong malapit ng magunaw ang mundo ...este... magtapos ang iyong napakabising skul-layp, opis-layp, kalye-layp, bahay-layp, o kung anong klaseng layp pa yan. Nakakapagod ba? pagod ka na ba? Gusto mo bang magpahinga? O gusto mo ng magpahinga?

Pasensya na kung ganito kawalang-kwenta ang post ko ngayon unang araw ng Marso. Nahihiya kasi akong ang daming nagbertdey nitong nakaraang Pebrero 29 hindi ko man lang sila nabati at napaglaanan ng post. Minsan na nga lang sa kada apat na taon sila kung magbertdey di ko man lang sila nabati o naregaluhan. Pero wag kayong mag-alala. Binabati ko kayong LAHAT NA KINAUUKULAN ng isang "maligayang happy birthday sa inyong kaarawan", yohohoho! Let's celebrate! Ay past-tense na pala dapat. Ok, let's celebrated! Huli man daw at magaling, March pa rin.

(PS: Pramis mamaya, bukas, o basta nextime na mag-post ako mas matino na kesa dito. Sana nga. n_n)

Sinsero,
Holy Kamote

read more [+]

2008-02-27

A post with 2,000 words (more or less)

Sabi nila, "a picture is worth a thousand words" daw.

Hmm, napaisip ako dun ah. (1 picture = 1,000 words)

Kaya heto ang dalawang piktyurs. Bale, 2,000 words yan ha. (tama nga kaya kalkulasyon ko?)



Presenting.... Madam Prisident Gloria Macapagal-Arroyo kasama si Brother Mike "Pogi" Velarde ng El Shaddai.

Matatandaang ang INC (Iglesia Ni Cristo) ni Eranio Manalo at ang El Shaddai Movement ni Brod. Mike ay ang dalawang malaking grupong relihiyon na sumuporta at naka-backup kay Madam Prisident. Ilan lamang ito sa mga maimpluwensyang relihiyon pagdating sa pulitika dito sa Pilipinas, bukod sa dominanteng Simbahang Katoliko (CBCP) at iba pang born again groups gaya ng pinamumunuan ni Brod. Eddie Villanueva na Jesus Is Lord (JIL).

Ano nga kaya ang pinag-uusapan nila? Kayo, alam niyo ba? Posible kayang ganito....

Brod. Mike Pogi: Alam niyo Madam, para pagpalain ka ni Yahweh-El-Shaddai (YES), dapat lakihan mo ang ikapu/abuloy mo para kay Lord. Para ikaw ay mas lalo pang maging ever richer with blessings!

Pres. GMA: Ows, ganoooon!

Brod. Mike Pogi: Yes, Madam. Maraming pagpapala ang makakamit mo. Sek-sek, leg-leg, oma-apaw-waw! At kung wish mong tumangkad pa ay pwede din.

Pres. GMA: Talaga lang ha. (i doubt that.)

Brod. Mike Pogi: Simple lang gagawin niyo. Magdala lang kayo ng tatlong itlog sa susunod nating worship gathering. Pagkatapos ay inumin/kainin ito (depende kung hilaw o nilaga ang nadalang itlog) at sabayan din ng tatlong talon while singing "Halemuyak" by Bamboo. Pagka medyo nabubulunan, baligtarin lang ang payong at sahurin ang ulan. Instant growth and energy drink 'yan!

Pres. GMA: napa-isip. (wow. may pag-asa pa pala akong tumangkad. ahihihihi. i-try ko nga minsan.)

Source: Ini-scan ni HK mula sa magazine ng NEWSBREAK Special Edition: Transparency in Government - Dec2007/Feb 2008 (pages 5 and 51)
Article: Stacking the Court
Marites DaƱguilan Vitug exposes the rise of unqualified justices through political connections.

Sinserong Patawa ni,
Holy Kamote

read more [+]