"Hukayin o Ibaon"- digg.com
April 17, 2008 (CNN) — A blogger was found dead in an abandoned area in Diliman, QC yesterday afternoon. Crime scene investigators said that the cause of death was by impalement and decapitation. The police were able to identify the recovered body (with its laptop and other belongings) as Eric H. Kamote, 18 years old. He was a college student and maintains a not-so-famous-purple blog that deals with random entries ranging from comical & mundane topics to sensical & spiritual issues. While it was a clear case of brutal murder, one police inspector commented that it was quite odd to see a dismembered corpse burned at the stake, instead of wearing a horrified face, it was very peaceful and seems smiling back at you. Its dead body was literally deep fried and coated with caramelized brown sugar with a happy face. The culprit is still unknown.
April 17, 2008 (WWW) — Nagimbal ang buong blogosperyo, madlang-pilipino, pati uniberso sa biglaang pagkamatay/pagkawala ng isang tinitingalang blogista. Nagulantang ang sambayanan sa masaklap na balitang namayapa na si Holy Kamote (HK). Kasalukuyan pa ring umiikot ang bulung-bulungan ng mga tsismoso, tsismosa, adik-fans, kaibigan, at kaaway kung gaano nga ba katotoo ang nasabing balita. Sa mahigit tatlong buwang pamamayagpag ni HOLY KAMOTE {ang blog na may attitude} at sa mahigit tatlong buwan ding nakalipas mula ng ilathala nito ang kanyang di-umano'y pamamaalam, ngayon ay may kapansin-pansing pagbabago sa trip ng blogistang ito. (tignan ang sidebar poll question sa mga medyo slow-moving pa ang kanilang kukote sa mga oras na ito.)
Anakngpusa! Anong kalokohan na naman ba ito?
At maliban na lamang kung paiiralin mo ang pagka-dyslectic mo, ngayon pa lamang ay alam mo na dapat ang gagawin o pipindutin. Kung na-curious ka naman sa meaning ng "dyslectic" at balak pa talagang hanapin ito sa Dictionary.com ay maipapayo kong—huwag na lang. Ang mas dapat mong unahin ngayon (bukod sa pagtupad ng iyong mga pangarap at pagtanggap na mabibigo ka rin lang) ay ang pagboto o pagsagot sa "Pulso ng Bayan".
Bagaman alam kong iilan na lamang kayong mga kaluluwang-ligaw na patuloy pa ring bumibisita dito (dahil sa crush mo ako o kaya ay gusto mong i-crash ng pinong-pino ang pagmumukha ko) ay nais kong ipaubaya sa inyo ang bibihirang pagkakataong ganito. Kayo ang magdedesisyon kung dapat bang "hukayin" pa o "ibaon" na lamang sa limot ang kamoteblog na ito.
Ang mas malaking porsyento ng resulta sa survey na ito matapos ang eksaktong 1,000 mga botong malilikom ang magiging final na desisyon sa kapalaran ng blog na ito. At alang-alang sa demokrasya at malinis na pulitika, pinahihintulutan ko dito ang "flying voters", o ibig sabihin ay pwede kang makaboto ng makailang beses depende sa trip mo.
VOTING STARTS NOW!
22 comments:
pota buhayin na yan!
kamusta na hk?
tenks, ambilis mong nakaamoy sa new entry ko a, may comment agad.
pero ayokong mag-bloghop para ipamalita ang aking presensya sa sangkablogosperyuhan.
bahala na si batman kung hanggang kelan ba makukumpleto ang 1,000 votes sa aking POLL QUESTION.
tignan na lang natin. n_n
i'm a fan. so dapat buhayin mo na ito. =)
uy si inay, fan ko pala! *blush*
/teka, ikaw nga ba nanay ko? baka ikaw yung nawawalang ina ni malditto?/
oo, buhayin mo ito.
niboto ko nga to sa project lafftrip ni badoodles he.
im a fan too..
hehe.
my first ever friend sa blogosphere. your alive again! i really miss you.
punyeta ka.bumalik ka na! balik na ang conference.weeee
Ituloy! =] Wahaha. Silent reader ako. Pero sana buhayin.
anung kaguluhan to???!!!
si HK magbabalik / mabubuhay muli? woohhoohh! lest vote guys!
missyou HK!
ahaha. . .
maarte ka tulad ko.
magsulat ka na ulit!
anu ba namang problema sa pagsusulat at iniwan mo?
dali na dali na dali na, sulat na kasi. . . at maglibot ka na ulit!
@churvah > niboto mo ako.
@dakilangtambay > ows di nga?
@kriselle > now, you've just broke your silence. :ahihi:
@maydee > wala naman pong magulo. isang mapayapang botohan lang po.
@alitaptap > oh my. we're both so ma-artistic.
sus di na tinatanong yan, bumalik ka na!!!!!!!!!!!!!
ha ha
BUHAYIN
kung kelangan ng CPR para dito sa blog na ito magbovolunteer ako!
sulat na!
wag na maarte. . .
sulat na kasi. . .talagang talaga!
Hukayin,
999 na boto mula sa akin!
@abou > ayoko nga. sige na nga. ha ha.
@ferbert > mouth-to-mouth resuscitation ba? ewe!
@aliptaptap > now na? teka brb. lols.
@ponchong > sinong nakapagsabi sayo? chismis lang yun. i'm not yet back.
@samjuan > ayos sana kaso, not counted ang 999 votes mo dito sa comments. dapat dun sa poll. haaay, ang botohan nga naman.
Naknangteteng!
Napapala nga naman ng hindi nagbabasa ng maayos.
Bumoto na ako sa poll!!
Woohoo!
sabi ko na HK kaya ndi ko inalis yung link mo sa blogroll ko dahil alam ko tulad ng isang tunay na kamote, putlin man ang mga tangkay mo after ng ilang araw o buwan tutubo io ulit at magpapatuloy sa buhay, buhay blog. welkam bak HK. muli mong binuhay ang nawalang utot sa mga tyan namin. magsisimula ka na namang punan ito ng masamang amoy galing sa bunga ng iyong utak at diwa. tanginiks ano ba tong pinagsasasabi ko? hahha
WB! :)
sige na... alam naman naming hindi mo kami matitiis eh...
hai po well i saw your blog when i was searching for "FERDINAND MAGELLAN" and i thought what the heck. edi pinindot ko at nag enjoy ako ng sobra! visit mine if u want pero walang masyadong laman namelessgirl_rima.blogspot.com
see yah!
~rima
love ur posts,hahaha
kainis ah, kung kelan naaadik na ko sa posts mo, mawawala ka naman...
balik na po...
hehehe
balik ka na. hahahha. iloveyou. :)))
This was very sad to hear!
Attitude Survey Questionnaire
Post a Comment