"Ayoko ngang pumunta"- Blogger.com
WordCamp is the premier event for WordPress users and developers [...]
ano daw?
pwets, hayaan n'yong iliwat ko sa salitang kolokyal na tagalog ang nilalaman ng nasabing WordCamp. ang event na ito ay interesante lamang sa mga sertipayd tambays, adiks, at mga bagamundong pagala-gala sa iba't ibang sulok ng www (o "world-wrestling-wederation").
at kahit hindi naman ako kasapi ng WPP elites (kundi isa lamang akong hamak na oldskul), hindi pa rin ito naging hadlang upang mawalan ako ng pananampalataya at panghinaan ng loob. kaya't agad akong nag-register sa nasabing event nang walang pasintabi ni pahitulot ng magulang, mayor's permit, o kahit pa sa mga organizer nito.
imprimitido lang talaga ako, at kung saka-sakali'y ito ang magiging unang perstaym ko na makikisalamuha sa mga pinoy blogger. sa malamang, ito rin ang magiging unang perstaym na masisilayan nyo na rin ang kamote ko. well, hindi naman sa ineeksayt ko kayo. hindi ko nga alam kung kailangan ko pa bang tipunin ang aking mga kampon upang gumawa ng eksena suot ang aming makukulay na constumes at habang nakabakat ang matitikas naming kamote emblems na sumisimbulo sa aming superpowers na makikita sa bandang ibaba ... ng leeg.
ano, eksayting ka na ba?
wag muna! kumalma muna kayo dyan. wag malikot. sa setyembre pa talaga ang event. kaya ireserba nyo muna at tipidin ang inyong mga imahinasyon at ekpektasyon. siguraduhin ding wag masyadong kumain ng taba ng baboy, karne, at iba pang pampataas ng highblood, upang hindi magkagulatan kapag nagkita-kita na tayo ng mukhaan. ayoko namang makulong ng di oras kung sakaling atakihin ka sa puso pag nakita ang kamote ko. hindi man masasabing "makalaglag-panga" ang aking aura at itsura, pero tiyak namang "makalaglag pan-T" ang aking alindog. yun ay kung babae ka, pero kung lalake ka naman, wag mag-alalang hawakan pa o ipardible ang garter ng brief mo, dahil waepek sa'yo ang gamit kong gayuma (axe deo-cologne).
matapos ko nga palang makapagrehistro, dapat ko din daw isangkot sa post kong ito ang mga tunay na salarin. honestly, hindi ko sila kilala pero para na rin matiyak na bibigyan nila ako ng ID badge, freebies, malamig na pwesto, at malakas na wifi connection pagpunta ko at huwag pagtabuyan ni manong gwardya.
- i.PH: the Domain for Individuals
- Free Online Flash Games
- Wazzup Manila Philippines
- Real Estate CRM
- Real Estate Website Designers
- Orange County Real Estate
- Auto Insurance Quotes
- Lane Systems Inc.
- RedMedia
- Orange County Business Lawyer
Sinsero,
Holy Kamote
9 comments:
sasama nga kaya ako. . .
hmmmmmmmm, YOU ARE BACK!!!
eric
bumali ka na
ngayon na
.xienahgirl
@alitaptap > ayos.
@xienahgirl > hwaaah! isang direktang kautusan mula sa dyosa/bathaluman!
ERIC!!!!
taena!
balik na!
magpakita ka sa amin sa sep 6!
haie..dropping by! got a tag for u at http://walkingnewspaper.blogspot.com/2008/07/someone-special-online.html good day!
ang kamote mo ingatan mo..hehehe
dumaan lang ako..
:] ingat po sila sa kamote nyo.
ok yan ah, makapag register nga din... (inggitero kasi ako)
@ferbert > ano bang ipapakita ko?
@ponchong > palabunutan na lang kaya?
@migs > thanks po. teka, kelan ba yung "soon"?
@gagay > where? where's your droppings? n_n
@twinks > i come here in peace. my kamote mean no harm.
@mel(na nasa opisina) > hulaan ko kung nasaan ka ngayon.
ano bang ipapakita mo?
MUKHA MO!
Post a Comment