"♪ Sa langit ang ating tagpuan"- After Image
alam nating marami na sa mga paborito nating blogistang pinoy ang nagpaalam umalis at ang ilan ay matagumpay na nakapag-delete na rin ng kanilang blogs. yung iba naman ay nahimasmasan na at sinapian uli ng espiritu ng kaadikan sa internet kaya naman nagbalik at gumawa ng panibagong blog. congrats naman sa kanila. at condolence na rin, dahil mauulit na naman ang kaparehong karanasan at dahilan kung bakit sila dati nag-desisyong iwanan ang pagbablog at magpa-rehab muna at magbalik sa kanilang normal, boring, at pathetic social lives. (dyowks lang sa mga matatawa, at seryosohin naman kung totoo. hehehe.)
pero ako, ewan ko.
sa ngayon ay wala ako sa klasipikasyon bilang living organism sa blogosperyo at hindi pa rin naman ako tuluyang na-dedecompose. ngayon lang yata nangyari ito sa kasaysayan ng history mula pa ng nahuling nangongodigo si Kalantiaw, ng imbentuhin ni Magellan ang Google Earth, at hanggang sa matagpuan ng mga arkeologo ang ebidensya ng sinaunang pamamaraan ng pagba-blog sa mga kweba ng Tabun! (ano daw?)
ah basta! walang ibang dapat sisihin kundi ... kayo!
alam ko maarte ako dahil may 1000-votes-required-ekeks pa akong sinasabi dito bago mag-decide, pero wag naman kayong mas maarte pa sa'kin! pwede naman kayong gumamit ng sure-fire na paraan para maabot yun na maituturing namang normal na gawain sa bawat botohan. ang tinutukoy ko ay walang iba kundi ang - "pandaraya".
we'no ba naman yung bumoto ka ng maraming beses, hindi ko naman malalaman yun. sus'kayo! puro kayo reklamo at excuses, wala naman kayong letters na ipinapasa. hmpf.
well, paminsan-minsan ay naglilibot pa rin ako sa inyo-inyong mga kabahayan, pero bihira naman akong mag-iwan ng aking bakas. nakakahiya mang sabihin, ako ay isang kaluluwang blurker. at kahit na ganito ang aking kaawa-awang sitwasyon, hindi ko napigilang mag-iwan ng bakas sa nabasa kong entry ni elayas, at sa tinanong ng bata nyang kapatid.
e napansin kong ang haba pala ng naging comment ko. wala man lang akong pasintabi dun sa may-ari ng blog o humingi ng permiso para dun ako magblog ng pagkahaba-haba. kaya bilang kortesiya, ginawan ko na lang siya dito ng link pabalik sa blog nya.
(PS1: bumoto na kasi kayo. maarte na nga ako, mas maarte pa kayo sa'ken. mga bwiset!)
(PS2: sa nakakaalam ng kantang "Bai" ng After Image, naks naman.)
(PS3: sa nakakaalam ng kantang "Iisa Lang" ng Parokya Ni Edgar at kung bakit yun ang title ko sa entry na ito, elibs ako sa'yo tsong!)
(PSP: Portable Station Play)
Sinsero,
Holy Kamote
24 comments:
Ako nga si SamJuan kabayang kamote.
Nakaboto na ako sa wakas!
@samjuan > sabi na nga ba. ikaw nga!
hello. i really enjoy reading blogs in tagalog. mas cute kasi yung language natin talaga, diba?
anyway, just like you, i deleted three of my blogs already. simply because after a few months, i realized na i don't really like them. buti nalang, i was able to have a blog na talagang i am interested in. okey lang kahit na di interesting para sa ibang tao. but i love it and yun ang importante.
anyway, hope to see more of your blogs!
@mary jane > hindi pa naman ako nagdedelete ng blog. tignan ko pa ang resulta nitong pakulo ko na botohan.
So good......
oi HK. wag ka na mangalap ng 1k na boto, unless nalang na macoconvert yan sa piso. hehe. balik na! wag nang magpatumpik tumpik pa. (yak, what a term) :P
naaliw naman ako sa banat ng "PSP". haha.
I'm so glad you jesuserrected thyself HK...but forgive me if I wont play along with the voting procedures...its just against my religion...
kung yan lang ang tanging makakapagpabalik sa iyo muli ng tuluyan sa pagboblog, sige, ipapanalangin kong maging 1000 ang bumoto sa poll mo na yan HK ahahaha.
tae, balik na sayang din yan. :)
magsulat ka na ULIT, yung totoo!
andami mo pang sinasabi, kung may sasabihin ka, todo mo na!
blog na ulit!
naku eric. tae ka talaga. hahaha. misss na kita e.pati ang mga pamatay mo na mga mata
oi! iofficial mo na pagbabalik mo. dali na wag ka ng pakipot. lol!
ngayon lang ko ulit umikot at natutuwa naman ako at may update ka na ulit. :D
kumusta ngayon lang ulit na pasyal musta???
bagong salta lang ako dito sa blog mo. at kahit na bago lang ako dito, bumoto ako ng "yes please." ehehe
ayos naman kasi tong blog mo kaya dapat lang na bumalik ka na. panigurado babalik ako dito sa ayaw at sa gusto mo. pis!
mahusay.. tuloy mo lang. go!
just in case you're planning to stop blogging, i hope you'd at least care not to delete your entries?
haha, para naman malaman ng madla na minsa'y may nabuhay na isang holy kamote na nagbigay ng sense sa iniisip ng karamihang "fruitless, non-sensical blogging"
tsk tsk. nawawala ka nanaman.
Hahahaha, ok blog natin kuya!
Ayos .... !!!!!
Boto kita.... pero di na kailangan yan... panalo ka na!
Blog lang kasi ng blog hanggang makablag.
Sana di ka mawala.
Marco Kimchi sa Korea
Ayan!!!
Hmm... wag na magpatumpik-tumpik pa! Balik na ang make this your official come back...
O pakantahin mo na lang kami ng "Baby come back" ng the player sa harap ng PC namin...
hmmmmmm.....
kakainggit ka magsulat... ahehehehe....
keep it up...
sana magpatuloy ka pa...
Bakit 'poll closed' na HK? Boboto sana ako para madaling maabot ang 1000 na hanap mo. Eniwey, paki-bilang na ako sa 'OO, PLEASE' magsulat ka pa!
naligaw lang. hehehe.... meron din bang talbos ang holy kamote? God bless!
sheet. idol ko lang naman ang parokya ni edgar! hahaha
эротика порно клипы ролики
порно бесплатно пэрис хилтон
www alfa sex
бесплатний секс
гениталии порно фото
бесплатное порно видеоролики просмотр
трахают голых старух фото
эротические видео клипы бесплатно
загрузить порно
инцест мама ебёт сына
Galing ni Holy Kamote...! Holy nga....!
Post a Comment